What's new

Closed Hindi laban ng Pilipino ang pinaglalaban ng ABS CBN Period!

Status
Not open for further replies.
Gusto ko lang gumawa ng thread para malinawan yung mga nag bubulag bulagan.

Hindi laban ng Pilipino ang pinaglalaban nila. Bakit? He'to ang ilan sa mga puntos.

♦ Ang laban nila ay internal at legal between NTC at franchise nila. Period! Iwasan pag lalagay ng DRAMA sa usapin.

♦ Ang mga nawalan ng trabaho sa ABS CBN ay hindi kasalanan ng NTC o tagapagpatupad ng batas. Responsibilidad ng kompanya ang tamang proseso para sa mga nawalan ng kita nila na mangagawa. Ginagamit ito ng ABS CBN sa kanilang mga balita para humatak ng lang kakampi o simpatya ng mga tao.

♦ Ang pagkawala sa ere ng ABS CBN ay hindi atake sa press freedom. Nag comply ang ABS CBN sa Cease and Desist Order ng NTC kaya ito nawala sa ere. Patuloy pa rin sila nakakapagbalita gamit ang mga sikat na social media at kasalukuyan sila umeere sa Channel 5 at iba pang cable channels.

♦ Magkaiba ang usaping Covid-19 at ABS CBN Franchise. May pandemya man o wala ay ganun din ang kahihinatnan. Naabutan lang ng Covid-19 ang sitwasyon ng ABS CBN pero hindi dapat gamitin ang pandemya para maghingi ng simpatya sa mga Pilipino sa mga nawalan sa kanila ng trabaho. Ang mga nawalan ng trabaho ay responsibilidad ng ABS CBN.

♦ Ang mga interview ng kanilang mga artista ay OPINYON na may halong DRAMA. Hindi dahil sikat at maimpluwensiya sila na artista ay totoo ang sinasabi nila. Remember ang artista ay isa sa pinakamalaking binabayaran dahil sa galing nilang umarte. Kaya nila gamitin ito kahit saang sitwasyon. Makinig kayo sa opninyon na TECHNICAL hindi DRAMA para magkaroon pa ng kaliwanagan sa issue at para malaman mo kung ano ba talaga ang totoo.

♦ Ang paghingi ng simpatya sa mamamayang Pilipino ay irrelevant. Dahil legal na usapan yan at sa bandang huli ay korte suprema pa rin ang masusunod at hindi ang taong bayan.

♦ Ang mga donasyon ng ABS CBN ay hindi dapat ipinapamukha sa sambayanang Pilipino. Ginagamit nila ang kanilang nakaraang pagtulong sa mga taong natulungan nila para humingi ng simpatya o kakampi. Ang bukal sa puso na pagtulong ay dapat walang hinihingi na kapalit sa kahit anong paraan.

Tandaan itong mga patterns na ito ay hindi lang isang malaking kompanya ang gumagamit. Ginagamit din ito ng mga tiwaling pulitiko, mangagantso, magnanakaw at sinungaling.

Ang laban nila ay hindi natin laban. Hindi ito atake sa press freedom gaya ng sinasabi ng mga nagbabalita sa kanilang istasyon. Mag ingat at ugaliin magsuri. Baka hindi mo alam tinatangay ka na nila sa sarili nilang alon.

Share mo para hindi maligaw ng landas ang karamihan.
 
Last edited:
Agree ako dito. Ang nangyayari kasi nagiging fan tayo ng isang palabas once na nakuha na nila ang loob natin.

Pero pagdating sa ganitong usapin dapat nagiging neutral tayo. Para mabalanse kung sino ba nagsasabi ng totoo.

Yes, both sides are not going to stand down. NTC should have waited for the pandemic to settle down then pound ABS as hard as it can, also ABS at mga talent nila puro ka drama yung ginagawa nila sa social media like for example si Kuko Martin subrang dami nang pera at ari-ari-an bakit di na nya lang muna tulungan yung mga na lay-off na mga staffs nila.
 
haha bakit naman naging laban ng pilipino ang issue tungkol sa ABS-CBN shutdown? Ano konek? Masyado lang madrama yung ibang tao. Kadalasan ng mga panig sa abs-cbn ngaun mga kabataan. Kaya malalambot ang loob ng mga kabataan ngayon e, dahil sa puro kabadingan at kalandian ang nakikita sa TV
 
Wrong information always shown by the media
Negative images is the main criteria
Infecting the young minds faster than bacteria
Kids wanna act like what they see in the cinemas🎵🎶🎵🎶



napakanta tuloy ako 😅😅
 
front nila lagi ung 11k workers nila pero sila nmn nag pabaya kung bakit nawalan ng mga trabaho. ganyan style nila e. paawa sa taong bayan na parang bang si cory aquino. mga madasalin kuno pero mga demonyo nmn.
 
Tama po. Ang pinaglalaban lang ng ABS-CBN ay yung pribeliyo (at hindi karapatan) nilang muling mamahayag sa ere - yung mabigyan ng panibagong prangkisa! Natural lang na magbigay yung mga naapektuhan (ng pansamantalang pagsara) ng kanilang saloobin, pero hanggang doon lang yon. Parehas lang yan ng ibang mga kumpanya na pinasara dahil din sa katulad na kaso, kaya malayong laban din ng pangkaraniwang Pilipino ang nararanasan nila ngayon.
Kanilang laban lamang ito, at wala ng iba. (Para sa akin, ngayon lang nangyari ito na pinasara ang isang "expired network franchise" na kasalukuyang pang may tumatakbong appeal for renewal sa kongreso - yung iba naman ay hindi. Ayokong elaborate pa dahil every case has an "option" in the eye of the law. Naiba lang sila. Binatas at ginisa sa sariling mantika.) Naabutan lang sila ng "series of unfortunate events" kaya nagkagayon. Para saan ba't maaayos din yan. Quits na, he he!
 
Yung mga complaint ng cable group can be delt with a fine. Hindi kailangan magtanggal ng franchise. Nakasaad po yan sa batas. The same law na sinasabi nyong dapat ipatupad. So ang dapat na isigaw nyo ay magbayad at hindi shutdown.
Also NTC na mismo ang nag-issue ng provisional authority para sa Abs-cbn so it's kinda fishy why they backtracked on their sworn statement.
 
About sa pagiging 'biased' ng mga news sa abs-cbn, may alam ba kayo sa journalism o kahit sa basics man lang ng news writing?
 
laban talaga yan ng pilipino kasi marami na ang inaapi sa gobyernong ito... walang kokontra sa gobyerno kung tama lang ang pamamalakad dito at pantay2 ang batas.. kailanman hindi ako sasaludo sa gobyernong ito.
Tama. Kahit sabihin na nating Expired na prangkisa nila. E bakit yung ibang Company tuloy tuloy parin ang operasyon kahit napaso na ang prangkisa?? Bkit nagkaroon ng extension sa mga napaso na ang orangkisa? Samantala sa ABSCBN nag file na sila ng Renewal ng ilang beses hindi parin na action nan? Nasan ang pagkakaroon ng tinatawag nating "Pantay-Pantay". Sabihin na nga natin na sila lang naman yumayaman. SYEMPRE sila lang talaga yayaman jan dahil sila ang nag tratrabaho. 😂 At tapos ngayung napasara sila sinasama tayo sa laban nila?. O anong masama? Kung ayaw mo sumama o sumang ayon sa kanila edi wag. 😂 HINDI naman yon sapilitan.

Ganito lang yan. Niririspeto ko ang opinyo ng iba na taliwas sa AbsCbn sana magkaroon tayo ng respetuhan dahil magkakaiba talaga tayo ng pananaw. Kaya wag puro hate. 😇🙏
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top