What's new

Closed Hindi laban ng Pilipino ang pinaglalaban ng ABS CBN Period!

Status
Not open for further replies.
Gusto ko lang gumawa ng thread para malinawan yung mga nag bubulag bulagan.

Hindi laban ng Pilipino ang pinaglalaban nila. Bakit? He'to ang ilan sa mga puntos.

♦ Ang laban nila ay internal at legal between NTC at franchise nila. Period! Iwasan pag lalagay ng DRAMA sa usapin.

♦ Ang mga nawalan ng trabaho sa ABS CBN ay hindi kasalanan ng NTC o tagapagpatupad ng batas. Responsibilidad ng kompanya ang tamang proseso para sa mga nawalan ng kita nila na mangagawa. Ginagamit ito ng ABS CBN sa kanilang mga balita para humatak ng lang kakampi o simpatya ng mga tao.

♦ Ang pagkawala sa ere ng ABS CBN ay hindi atake sa press freedom. Nag comply ang ABS CBN sa Cease and Desist Order ng NTC kaya ito nawala sa ere. Patuloy pa rin sila nakakapagbalita gamit ang mga sikat na social media at kasalukuyan sila umeere sa Channel 5 at iba pang cable channels.

♦ Magkaiba ang usaping Covid-19 at ABS CBN Franchise. May pandemya man o wala ay ganun din ang kahihinatnan. Naabutan lang ng Covid-19 ang sitwasyon ng ABS CBN pero hindi dapat gamitin ang pandemya para maghingi ng simpatya sa mga Pilipino sa mga nawalan sa kanila ng trabaho. Ang mga nawalan ng trabaho ay responsibilidad ng ABS CBN.

♦ Ang mga interview ng kanilang mga artista ay OPINYON na may halong DRAMA. Hindi dahil sikat at maimpluwensiya sila na artista ay totoo ang sinasabi nila. Remember ang artista ay isa sa pinakamalaking binabayaran dahil sa galing nilang umarte. Kaya nila gamitin ito kahit saang sitwasyon. Makinig kayo sa opninyon na TECHNICAL hindi DRAMA para magkaroon pa ng kaliwanagan sa issue at para malaman mo kung ano ba talaga ang totoo.

♦ Ang paghingi ng simpatya sa mamamayang Pilipino ay irrelevant. Dahil legal na usapan yan at sa bandang huli ay korte suprema pa rin ang masusunod at hindi ang taong bayan.

♦ Ang mga donasyon ng ABS CBN ay hindi dapat ipinapamukha sa sambayanang Pilipino. Ginagamit nila ang kanilang nakaraang pagtulong sa mga taong natulungan nila para humingi ng simpatya o kakampi. Ang bukal sa puso na pagtulong ay dapat walang hinihingi na kapalit sa kahit anong paraan.

Tandaan itong mga patterns na ito ay hindi lang isang malaking kompanya ang gumagamit. Ginagamit din ito ng mga tiwaling pulitiko, mangagantso, magnanakaw at sinungaling.

Ang laban nila ay hindi natin laban. Hindi ito atake sa press freedom gaya ng sinasabi ng mga nagbabalita sa kanilang istasyon. Mag ingat at ugaliin magsuri. Baka hindi mo alam tinatangay ka na nila sa sarili nilang alon.

Share mo para hindi maligaw ng landas ang karamihan.
 
Last edited:
pansin ko lang bakit mga post sa social media ng mga pro administration puro atake sa di kaalyado ni pres duterte at parang nag iincite ng galit sa mga tao para atakihin ang mga di nila kaalyado. biruin mo pati mga kakilala kong tahimik at mabait pag napag usapan na politika nagbabago ang aura at natutong magmura. hahaha! buti nga nabawasan na ang mga fake news di tulad noon. pati mga memes pinapaniwalaan nila. pag nagcomment ka ng taliwas sa paniniwala nila sasabihan ka ng ano ba ang nagawa mo sa pilipinas?, kung ayaw mo kay duterte di umalis ka sa pilipinas, dilawan ka o kaya katakot takot na mura ang aabutin mo. hahaha!. me nakita pa nga ako noon memes na 21 trillion daw ang ninakaw ni abnoy andaming naniwala. 21 trillion. 😂😂😂 e di san kulang kulang 30 trillion na sana ang utang ng pinas. google is your friend para iwas fake news. hehe! kahit mga kamag anak ko nga pati mga kaibigan ko naniwala dun, pinakita sa akin yung meme. hahaha.pag nagpaliwanag akong fake news yun nagagalit sa akin tapos dilawan daw ako, sabi ko wala akong kulay. di ako dilawan di din ako dds di din ako pula. lahat ng mali ng bawat administrasyon may puna ako. kaya ano kulay ko, rainbow?... 😂 nakita ko kung gaano talaga kagullible ang pilipino at ito ang ginagamit ng mga gumagawa ng propaganda para sa interes ng mga politiko. sa dami ng mga lumabas noon na fake news saka black propaganda laban sa ilang prominenteng tao. naniniwala akong di kayang bayaran ni pres yang mga trolls. me ibang taong gumawa nyan. taong me mataas na ambisyong politikal. wag tayong mag away away. lahat tayo gustong umunlad ang pilipinas. pwede naman sigurong magpalitan ng opinyon ng walang murahan at walang laitan.
😊
100% agree!..bisaya aq at maka Digong..pero d ako yun tipong bulagbuulagan pag me maling nakikita sa Admin. Parehong me fake news sa magkabilang partido. Its our responsibility to determine the kung ano yung totoo at hindi. Kahit anong tino ng Gobyerno kung tayo mismo madaling maloko sa fake news at propaganda nganga prin tayo sa huli.
 
Ayoko din na masara sila kasi marami rin nangangailangan sa kanila, ang ayoko sa kanila lahat ng bagay may drama.
 
Hindi rin ito dapat pinapasukan ng usaping pulitika. Kung Aquino o Duterte ka man labas na yan.

Matutong lang mag suri.
 
press freedom daw... ahh ang daming channel na bukas ngayon... di porket paso na prangkisa nyo press freedom na isisigaw nyo pwe. hindi naman news ginagawa nyo eh, drama yan drama... (sawakas nasabi ko na din, hirap magpost sa social media eh)
 
laban talaga yan ng pilipino kasi marami na ang inaapi sa gobyernong ito... walang kokontra sa gobyerno kung tama lang ang pamamalakad dito at pantay2 ang batas.. kailanman hindi ako sasaludo sa gobyernong ito.
kaya kong mabuhay ng walang ABS CBN. kaya di ko laban yan. dati nung kumikita sila di nila ako binibigyan. Dapat binibigyan din nila ako ng pera monthly para maging laban ko rin yan. hahahahs
 
Laban natin yan paps haha in my opinion wag bash pls😂

1. Iniipit ito ng gobyerno - dito palang ang hirap na manahimik. Ilang beses nagcomply yung ABS-CBN pero laging binabalewala. Kung nagagawang ipitin ng gobyerno ang isang malaking korporasyon paano po pa yung maliliit na tao at negosyo imagine that.

2. Libo-libo ang maaring mawalan ng trabaho - Minsan kailangan din makisimpatya para sa kanila. Hindi yung kung kailan lang tayo apektado tsaka lang tayo tatayo at magsasalita. Sabi ng iba "nako mayayaman naman yang mga yan masyadong dinadamdam" pero may mga maliit ding mga taong nagtatrabaho diyan tulad ng mga make-up artist at mga umeextra lang.

3. Press Freedom- Opo nakakapag live nga sila sa social media at ANC. Paano naman yung mga mahihirap na walang pangload? Paano naman yung mga nasa malalayong lugar na ABS-CBN lang ang nakukuha ng TV nila(Opo mayroon po nito)?. At kailangan din ng diversity pagdating sa mga media para magkaroon ng choice yung mga tao kung saan nila gustong kumalap ng impormasyon.

Just my thoughts peace yow
 
Gusto lang kita icorrect

1. Hindi gobyerno ang nang iipit dito. Kung sumunod sila sa tingin mo hindi ba sila mawawalan ng franchise? Dito papasok ang BATAS! Nagcomply ang ABS CBN sa pag shut down ng kanilang channel 2 dahil sumunod sila sa BATAS. Hindi si Duterte, hindi ang indibidwal na tao sa kongreso ang may kagagawan nito kundi ang BATAS. Dahil meron sila hindi pag sunod sa BATAS.

2. Nakakaawa naman talaga ang mga mawawalan ng trabaho at maraming pilipino din ang concern. Pero ang tanong sino ba dapat ang may responsibilidad? Ang Pilipino ba? HINDI! Walang iba kundi ang ABS CBN. Responsibilidad ng kompanya ang kanilang mga manggagawa.

3. Kasalukuyan silang umeere sa Channel 5 at mga cable channels ilang araw lang matapos ang pagkasara nila. Marami pa ibang channel na nakakapag produce din ng quality na balita. Hindi lang ABS CBN. Ginagamit lang nila ang atake sa PRESS FREEDOM para magmukhang kawawa sa paningin ng publiko para makahanap ng kakampi. Pero ang totoo tuloy tuloy pa rin ang pag ere nila.
 
this is my hunch about this. as long as meron covid mahaharang yan dahil parang naka martial law tayo dahil sa bayanihan act and after that the Chinese government will work in the shadows to help duterte convert Philippines like china this is just the beginning I can feel it since ung vaccine nga ni dr.fabunan hinaharang eh at ung remdisivir din.
 
Gusto lang kita icorrect

1. Hindi gobyerno ang nang iipit dito. Kung sumunod sila sa tingin mo hindi ba sila mawawalan ng franchise? Dito papasok ang BATAS! Nagcomply ang ABS CBN sa pag shut down ng kanilang channel 2 dahil sumunod sila sa BATAS. Hindi si Duterte, hindi ang indibidwal na tao sa kongreso ang may kagagawan nito kundi ang BATAS. Dahil meron sila hindi pag sunod sa BATAS.

2. Nakakaawa naman talaga ang mga mawawalan ng trabaho at maraming pilipino din ang concern. Pero ang tanong sino ba dapat ang may responsibilidad? Ang Pilipino ba? HINDI! Walang iba kundi ang ABS CBN. Responsibilidad ng kompanya ang kanilang mga manggagawa.

3. Kasalukuyan silang umeere sa Channel 5 at mga cable channels ilang araw lang matapos ang pagkasara nila. Marami pa ibang channel na nakakapag produce din ng quality na balita. Hindi lang ABS CBN. Ginagamit lang nila ang atake sa PRESS FREEDOM para magmukhang kawawa sa paningin ng publiko para makahanap ng kakampi. Pero ang totoo tuloy tuloy pa rin ang pag ere nila.
Di niyo po ako nacorrect no.1 palang. Walang nilabag na batas ang abs-cbn hays I can site numerous sources to add credibility

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. news.mb.com
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. cnnphilippines.com
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. - inquirer.net
"kung wala silang nilabag na batas bat di nalang sila nagapply ng franchise renewal? Wala naman palang problema eh"
Inaasikaso nila yung franchise renewal nila. Kaso ang problema hindi naasikaso
Source: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. - inquirer.net

no.2 since walang nilabag na batas yung abs-cbn sino kayang may kasalanan😶

no.3 You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.- inquirer.net
kawawa naman sila ano mukhang walang cable and internet hays. Mukhang ABS-CBN lang rin yung abot ng ibang lugar sa lawak ng Pilipinas. Maswerte tayo kasi may access and privileged tayo pano naman sila?

Let me know if there's something wrong baka kasi na fake news lang ako
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.
Back
Top