What's new
  • Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as: All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Hindi laban ng Pilipino ang pinaglalaban ng ABS CBN Period!

digitalz

Honorary Poster
Joined
Oct 23, 2016
Messages
601
Reaction
277
, Last edited:
Gusto ko lang gumawa ng thread para malinawan yung mga nag bubulag bulagan.

Hindi laban ng Pilipino ang pinaglalaban nila. Bakit? He'to ang ilan sa mga puntos.

♦ Ang laban nila ay internal at legal between NTC at franchise nila. Period! Iwasan pag lalagay ng DRAMA sa usapin.

♦ Ang mga nawalan ng trabaho sa ABS CBN ay hindi kasalanan ng NTC o tagapagpatupad ng batas. Responsibilidad ng kompanya ang tamang proseso para sa mga nawalan ng kita nila na mangagawa. Ginagamit ito ng ABS CBN sa kanilang mga balita para humatak ng lang kakampi o simpatya ng mga tao.

♦ Ang pagkawala sa ere ng ABS CBN ay hindi atake sa press freedom. Nag comply ang ABS CBN sa Cease and Desist Order ng NTC kaya ito nawala sa ere. Patuloy pa rin sila nakakapagbalita gamit ang mga sikat na social media at kasalukuyan sila umeere sa Channel 5 at iba pang cable channels.

♦ Magkaiba ang usaping Covid-19 at ABS CBN Franchise. May pandemya man o wala ay ganun din ang kahihinatnan. Naabutan lang ng Covid-19 ang sitwasyon ng ABS CBN pero hindi dapat gamitin ang pandemya para maghingi ng simpatya sa mga Pilipino sa mga nawalan sa kanila ng trabaho. Ang mga nawalan ng trabaho ay responsibilidad ng ABS CBN.

♦ Ang mga interview ng kanilang mga artista ay OPINYON na may halong DRAMA. Hindi dahil sikat at maimpluwensiya sila na artista ay totoo ang sinasabi nila. Remember ang artista ay isa sa pinakamalaking binabayaran dahil sa galing nilang umarte. Kaya nila gamitin ito kahit saang sitwasyon. Makinig kayo sa opninyon na TECHNICAL hindi DRAMA para magkaroon pa ng kaliwanagan sa issue at para malaman mo kung ano ba talaga ang totoo.

♦ Ang paghingi ng simpatya sa mamamayang Pilipino ay irrelevant. Dahil legal na usapan yan at sa bandang huli ay korte suprema pa rin ang masusunod at hindi ang taong bayan.

♦ Ang mga donasyon ng ABS CBN ay hindi dapat ipinapamukha sa sambayanang Pilipino. Ginagamit nila ang kanilang nakaraang pagtulong sa mga taong natulungan nila para humingi ng simpatya o kakampi. Ang bukal sa puso na pagtulong ay dapat walang hinihingi na kapalit sa kahit anong paraan.

Tandaan itong mga patterns na ito ay hindi lang isang malaking kompanya ang gumagamit. Ginagamit din ito ng mga tiwaling pulitiko, mangagantso, magnanakaw at sinungaling.

Ang laban nila ay hindi natin laban. Hindi ito atake sa press freedom gaya ng sinasabi ng mga nagbabalita sa kanilang istasyon. Mag ingat at ugaliin magsuri. Baka hindi mo alam tinatangay ka na nila sa sarili nilang alon.

Share mo para hindi maligaw ng landas ang karamihan.
 
Tama ka ts nasa point mga sinabi mo .Kung sumunod Sana sila sa batas di Sana anjan pa sila hanggang ngayon.Paawa epek sila ngayon hahaha
 
Comment

bourge

Honorary Poster
dilawan style mga yan kukuha ng simpatiya sa mga tao para sa kanilang sarili tulad ng poeple power noon
 
Comment

joss lim-_

Enthusiast
laban talaga yan ng pilipino kasi marami na ang inaapi sa gobyernong ito... walang kokontra sa gobyerno kung tama lang ang pamamalakad dito at pantay2 ang batas.. kailanman hindi ako sasaludo sa gobyernong ito.
hindi po yan laban ng Pilipino..wag niyo kaming idamay jan..
si duterte ang mastermind sa pagbagsak ng abs cbn. period!
bakit hindi nkalusot ang kanilang franchise renewal nong panahon ni Pinoy??
 
Comment

digitalz

Honorary Poster
laban talaga yan ng pilipino kasi marami na ang inaapi sa gobyernong ito... walang kokontra sa gobyerno kung tama lang ang pamamalakad dito at pantay2 ang batas.. kailanman hindi ako sasaludo sa gobyernong ito.
Mali ka. Hindi yan laban ng Pilipino. Sa totoo lang wala dapat association ang pamilyang pilipino sa hinaharap nila na kaso ngayon.

Ang dapat matutunan ng Pilipino kung paano mag observe sa ganitong klaseng pattern ng ABS CBN. Dapat matutong makinig sa magkabilang side.

Matutong makinig at umunawa ng TECHNICAL NA DISKUSYON NA MAY SOLID NA EBIDENSYA.

Hindi dun sa mga sikat na artista na panay lang ang DRAMA. At hindi naman natutumbok ang tunay na issue.

LEGAL na laban nila yan at labas ang sambayanang Pilipino dyan.
 
Comment

bryant08

Addict
olrite ka, partisan politics dapat d bigyan ng lisenya yan network, hipokrito yan sa pagtulong sa mahihirap donate naman at HINDI sa sariling bulsa.
 
1 Comment
J
Japs17
Okey hipokrito din pala GMA Kapuso foundation. I got it na.🤣
 

Larry Gadon

Honorary Poster
laban talaga yan ng pilipino kasi marami na ang inaapi sa gobyernong ito... walang kokontra sa gobyerno kung tama lang ang pamamalakad dito at pantay2 ang batas.. kailanman hindi ako sasaludo sa gobyernong ito.
Lahat naman ng dumaang administrasyon may kumontra. Meron bang wala?
 
1 Comment
J
Japs17
Talaga naman walang di kokontra.. Babatikusin yan palagi.. Natural yan...Walang ding hindi umidolo sa mga nakaupo..
 

Like us on facebook

Online statistics

Members online
867
Guests online
1,159
Total visitors
2,026

Forum statistics

Threads
763,784
Messages
15,121,603
Members
1,408,426
Top