What's new

Closed Hindi laban ng Pilipino ang pinaglalaban ng ABS CBN Period!

Status
Not open for further replies.
Gusto ko lang gumawa ng thread para malinawan yung mga nag bubulag bulagan.

Hindi laban ng Pilipino ang pinaglalaban nila. Bakit? He'to ang ilan sa mga puntos.

♦ Ang laban nila ay internal at legal between NTC at franchise nila. Period! Iwasan pag lalagay ng DRAMA sa usapin.

♦ Ang mga nawalan ng trabaho sa ABS CBN ay hindi kasalanan ng NTC o tagapagpatupad ng batas. Responsibilidad ng kompanya ang tamang proseso para sa mga nawalan ng kita nila na mangagawa. Ginagamit ito ng ABS CBN sa kanilang mga balita para humatak ng lang kakampi o simpatya ng mga tao.

♦ Ang pagkawala sa ere ng ABS CBN ay hindi atake sa press freedom. Nag comply ang ABS CBN sa Cease and Desist Order ng NTC kaya ito nawala sa ere. Patuloy pa rin sila nakakapagbalita gamit ang mga sikat na social media at kasalukuyan sila umeere sa Channel 5 at iba pang cable channels.

♦ Magkaiba ang usaping Covid-19 at ABS CBN Franchise. May pandemya man o wala ay ganun din ang kahihinatnan. Naabutan lang ng Covid-19 ang sitwasyon ng ABS CBN pero hindi dapat gamitin ang pandemya para maghingi ng simpatya sa mga Pilipino sa mga nawalan sa kanila ng trabaho. Ang mga nawalan ng trabaho ay responsibilidad ng ABS CBN.

♦ Ang mga interview ng kanilang mga artista ay OPINYON na may halong DRAMA. Hindi dahil sikat at maimpluwensiya sila na artista ay totoo ang sinasabi nila. Remember ang artista ay isa sa pinakamalaking binabayaran dahil sa galing nilang umarte. Kaya nila gamitin ito kahit saang sitwasyon. Makinig kayo sa opninyon na TECHNICAL hindi DRAMA para magkaroon pa ng kaliwanagan sa issue at para malaman mo kung ano ba talaga ang totoo.

♦ Ang paghingi ng simpatya sa mamamayang Pilipino ay irrelevant. Dahil legal na usapan yan at sa bandang huli ay korte suprema pa rin ang masusunod at hindi ang taong bayan.

♦ Ang mga donasyon ng ABS CBN ay hindi dapat ipinapamukha sa sambayanang Pilipino. Ginagamit nila ang kanilang nakaraang pagtulong sa mga taong natulungan nila para humingi ng simpatya o kakampi. Ang bukal sa puso na pagtulong ay dapat walang hinihingi na kapalit sa kahit anong paraan.

Tandaan itong mga patterns na ito ay hindi lang isang malaking kompanya ang gumagamit. Ginagamit din ito ng mga tiwaling pulitiko, mangagantso, magnanakaw at sinungaling.

Ang laban nila ay hindi natin laban. Hindi ito atake sa press freedom gaya ng sinasabi ng mga nagbabalita sa kanilang istasyon. Mag ingat at ugaliin magsuri. Baka hindi mo alam tinatangay ka na nila sa sarili nilang alon.

Share mo para hindi maligaw ng landas ang karamihan.
 
Last edited:
pansin ko lang bakit mga post sa social media ng mga pro administration puro atake sa di kaalyado ni pres duterte at parang nag iincite ng galit sa mga tao para atakihin ang mga di nila kaalyado. biruin mo pati mga kakilala kong tahimik at mabait pag napag usapan na politika nagbabago ang aura at natutong magmura. hahaha! buti nga nabawasan na ang mga fake news di tulad noon. pati mga memes pinapaniwalaan nila. pag nagcomment ka ng taliwas sa paniniwala nila sasabihan ka ng ano ba ang nagawa mo sa pilipinas?, kung ayaw mo kay duterte di umalis ka sa pilipinas, dilawan ka o kaya katakot takot na mura ang aabutin mo. hahaha!. me nakita pa nga ako noon memes na 21 trillion daw ang ninakaw ni abnoy andaming naniwala. 21 trillion. 😂😂😂 e di san kulang kulang 30 trillion na sana ang utang ng pinas. google is your friend para iwas fake news. hehe! kahit mga kamag anak ko nga pati mga kaibigan ko naniwala dun, pinakita sa akin yung meme. hahaha.pag nagpaliwanag akong fake news yun nagagalit sa akin tapos dilawan daw ako, sabi ko wala akong kulay. di ako dilawan di din ako dds di din ako pula. lahat ng mali ng bawat administrasyon may puna ako. kaya ano kulay ko, rainbow?... 😂 nakita ko kung gaano talaga kagullible ang pilipino at ito ang ginagamit ng mga gumagawa ng propaganda para sa interes ng mga politiko. sa dami ng mga lumabas noon na fake news saka black propaganda laban sa ilang prominenteng tao. naniniwala akong di kayang bayaran ni pres yang mga trolls. me ibang taong gumawa nyan. taong me mataas na ambisyong politikal. wag tayong mag away away. lahat tayo gustong umunlad ang pilipinas. pwede naman sigurong magpalitan ng opinyon ng walang murahan at walang laitan.
😊
 
Last edited:
Tama.. Wala tayo pakialam kung magsara sila.. Di naman ako mamamatay kahit di ko sila napapanood.. Ang nakakainis bakit alam nila private email ko.. May pa email pang nalalaman..
Ayan sinagot ko ung email nila sakin..
 

Attachments

laban talaga yan ng pilipino kasi marami na ang inaapi sa gobyernong ito... walang kokontra sa gobyerno kung tama lang ang pamamalakad dito at pantay2 ang batas.. kailanman hindi ako sasaludo sa gobyernong ito.
Wag nyo kami isali.. Laban mo at ng abs cbn yan.. Dahil di naman kami yumaman sa abs ah.. Nong kumikita sila may share ba ako/kami? Wala naman diba?
Dapat ayusin na lang ng abs ang franchise nila.. Expired na ang franchise nila kaya un ang problema hindi ung may nalalaman pang laban ng pilipino..

Isa din ako na humahanga sa galing ng mga artista nila perobdi naman ako ***** para makisali sa problema nila.. Buhay nila un kaya wag sila mandamay.
 
I love this thought basa👇
Ang mga donasyon ng ABS CBN ay hindi dapat ipinapamukha sa sambayanang Pilipino. Ginagamit nila ang kanilang nakaraang pagtulong sa mga taong natulungan nila para humingi ng simpatya o kakampi. Ang bukal sa puso na pagtulong ay dapat walang hinihingi na kapalit sa kahit anong paraan.
 
Nagmumukhang ***** yong iba dahil nga sa temporary close ng ABS-CBN, temporary nga lang db? Anytime pwede sila magrenew ng franchise nila kailangan lang nila sundin kung ano man yong batas na kanilang nalabag o nilabag. Nakakabwesit nga kung iisipin e, panahon ng pandemya ginawa pang rason ng istasyon nato. Tapos sisi lahat sa presidente. Ang tatanga talaga, dumaan pa nga sa senado at sinuri pa lahat db? Hindi purkit gusto ng pres. E yon na ang mangyayari. May basehan lahat yan. Hindi ang government nagpasara kundi ang BATAS mismo. Hayss
 
OMSIM po on point ka sir, na nonood lang ako sa abs for entertainment purposes,at ang hindi ko gusto sa abs is nakikialam sila sa politics which makes them one of the corrupt politicians let's be smart kabayan..
 
pansin ko lang bakit mga post sa social media ng mga pro administration puro atake sa di kaalyado ni pres duterte at parang nag iincite ng galit sa mga tao para atakihin ang mga di nila kaalyado. biruin mo pati mga kakilala kong tahimik at mabait pag napag usapan na politika nagbabago ang aura at natutong magmura. hahaha! buti nga nabawasan na ang mga fake news di tulad noon. pati mga memes pinapaniwalaan nila. pag nagcomment ka ng taliwas sa paniniwala nila sasabihan ka ng ano ba ang nagawa mo sa pilipinas?, kung ayaw mo kay duterte di umalis ka sa pilipinas, dilawan ka o kaya katakot takot na mura ang aabutin mo. hahaha!. me nakita pa nga ako noon memes na 21 trillion daw ang ninakaw ni abnoy andaming naniwala. 21 trillion. 😂😂😂 e di san kulang kulang 30 trillion na sana ang utang ng pinas. google is your friend para iwas fake news. hehe! kahit mga kamag anak ko nga pati mga kaibigan ko naniwala dun, pinakita sa akin yung meme. hahaha.pag nagpaliwanag akong fake news yun nagagalit sa akin tapos dilawan daw ako, sabi ko wala akong kulay. di ako dilawan di din ako dds di din ako pula. lahat ng mali ng bawat administrasyon may puna ako. kaya ano kulay ko, rainbow?... 😂 nakita ko kung gaano talaga kagullible ang pilipino at ito ang ginagamit ng mga gumagawa ng propaganda para sa interes ng mga politiko. sa dami ng mga lumabas noon na fake news saka black propaganda laban sa ilang prominenteng tao. naniniwala akong di kayang bayaran ni pres yang mga trolls. me ibang taong gumawa nyan. taong me mataas na ambisyong politikal. wag tayong mag away away. lahat tayo gustong umunlad ang pilipinas. pwede naman sigurong magpalitan ng opinyon ng walang murahan at walang laitan.
😊

Ito isa sa mga dahilan kung bakit hindi tayo nagkakaunawaan. Adhominem yan. Labas na labas ka sa topic ng thread na ito.
 
Sana di ka nlng gumawa ng thread, pangkuha ka lng ng simpatya eh. Report ko na to.
Hindi ako kumukuha ng simpatya. Sinasabi ko lang kung ano ang katotohanan. Ayoko lang nabbrainwash ang maraming tao. Report mo lang wala ako ginagawang violation dito.
 
batas ay batas wag manisi sa kasalanan o kakulangan wag maging ***** sa pinagsasabi ng mga ngsisipagkuha lamang ng simpatya manuri ng di maging ***** laban ng pilipino ay sa sariling pamumuhay hindi sa nawalang prangkisa ng abias cbn
 
fight the oligarchs! ipaglaban ang pinas! yang mga lopez dapat mapanagot na yan. dami na ngang mga ilegal violation. wag kayong magpadala sa strategy nila na trial by public. nangunguha ng simpatya ng taong bayan para maghari sila. sana matigil at mapanagot na sila ni pres. du30.

mga kaPH wag na sana Tayo magpalinlang sa abscbn mainstream media. they are twisting the truth. No one is above the law.

Dapat ang batas ang panigan natin. hindi ang abs or ang administrasyon. kung sino ang nasa batas sa kanila dapat yung sa suportahan.
 
Sinu ba naman ang ndi magagalit ini ads ka ng kalaban tas masama pa ..ito ba gusto nyung maging pres... Balang araw . Bat hinayaan ng abscbn na gawing pwd yun yung gma nga di pumayag..
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top