What's new

Takot akong mag apply ng trabaho mag isa

Parehas tayo everytime na pupunta ako sa isang lugar feeling ko pinagtatawanan ako. gusto ko nga sana magpa check up baka may mairesetang gamot kasi napakadaming opportunities na dn ang nasayang. Applying for job din ako kaso ang mga opening dito is promodiser ang hinahanap ko ay kahit dishwasher lang or house keeping kasi hindi tlaga ako sanay sa trabahong haharap ka sa madaming tao parang nanghihina ako at gusto umuwi or magtago hahaha nakakatawa pero totoo pang extroverts lang tlaga ang mundo kung may job for introvert eh karamihan pang degree holder naman so wala talaga akong choice, sana may gamot na pwedeng itake pangpakapal ng mukha yung tipong mag uumapaw ang confidence mo
mag clerk ka muna ipon ka muna kahit pang apply ulit. mas nakakatamad pag walang pera. sa una lang yan pag katagalan di kana mahihiya. mahiyain din ako eh
 
Wag mo pansinin ang iba lods mas pansinin mo sarili mo pag hndi mo ginalawan ang sarili mo mas lalong walng mang yayare sayo, d na naten mababalik ang oras kaya pag butihan naten ang bawat naten galaw...
 
be proud to your self boss. lahat tayo unique. at sa mata ng diyos pantay pantay tayo. wlang pangit wlang maganda. walang taong perpekto. lahat my bad side o kapintasan, may maganda nga pangit namn ang ugali. may pangit pero maganda ugali.
 
same tyo repa. gnyan dn ako dati. gawin mong inspirasyon yung mga anak mo kapg nag aapply ka para magkaron ka ng lakas ng loob. laban lng paps.
 
i restarted my life at the age 32, im 36 now . ang pagkakaiba naten wala akong anak at never kong balak magkaroon..
 
nang galing po ako jan , i think lahat naman po nagkaron din ng takot or kinabahan sa pag hahanap ng work dati ..

yung takot at kaba valid yan , normal lang yan ..

hayaan mo lang pong kabahan ka, pero syempre bago ka mag apply dapat handa ka , nag research ka , nag aral ka para ma lessen yung kaba o takot pero hindi po nawawala talga yung takot at kaba and its okay ..

basta bago ka sumalang sa interview pinag handaan mo po at nag aral ka ng mabuti para mas maging ready ka po ..

naalala ko tuloy yung nag aapply ako ng callcenter ... kaka grad ko lang ng hyskul nun ..
grabeh yung kaba pero, ako lang din mag isa nun ..

pero pinag handaan ko talaga sya as in sobrang determinado ako nun magkaron ng work sa callcenter , .. pinag handaan ko yung interview ,as in kinabisado ko mga sasabihin ko , basta inisip ko mga sasabihin ko pag ganito tanung , mga ganun bagay ..

ilan beses ako bumagsak nun pero try try pa din gang sa nakapasa na .. nakita atah ni interviewer yung apoy sa mga mata ko , yung determination talaga ..

mamamanhid na lang yan o mawawala yung kaba mo pag na sanay kana, sa sobrang daming interview na pinag daanan mo mamanhid ka na lang sa kaba .

sipag tyaga at wag na wag kalimutan ang panalangin talaga .. nakikita ni God ang pagsusumikap mo , dadalin ka Nya sa tama ..
 
ganyan din ako ts tapos sensitive pa ako, laking epekto pag may hindi maganda akong narinig sa kanila, pero need talaga kasi i overcome. skl trabaho na unang pinasok ko nagbebenta ng fruit and vegetable sa palengke kasi wala na interview interview, kasi takot talaga ako sa interview eh dapat ang balak ko is pumasok sa fast food, pero sabi ko sa sarili ko stepping stone ko lang to atleast kahit papano may progress na. ngayon balak ko na mag apply sa fastfood kahit papano na overcome ko takot ko and madami rin ako na realize and i think kaya ko narin ma overcome takot ko pag sa interview na Ahahaha
 

Similar threads

Back
Top