What's new

Takot akong mag apply ng trabaho mag isa

keep it up. May pagkakapareha tayo boss, may social anxiety naman ako. Ayoko mag failed, masakit kapag na cricriticize
 
ok lang po yan ts,isipin mo lang pamilya mo kahit sa mga anak mo nalang , ako nga pinkamatanda sa mga kasamahan ko sa trabaho 29 na ko ang mga kasama ko 21,22,23, 1 year palang ako sa trabaho at nung nag apply ako, mag isa lang ako, mahiyain din ako kaso kelangan kong mag apply kasi may anak din ako na naggagatas pa, kung d ka man matanggap ok lang yan baka di ka para dun try mo sa iba, try lang ng try wag kang susuko.
 
Bitawan muna yung past bro bitawan muna yung mga bad memories kung bakit lumiliit tingin mo sarili mo.
Lahat tayo dumating sa puntong natatakot wag mo hayaang mas lamunin ka ng takot kung may nakikita kang opportunity na lumaban ng patas always grab it kahit gano ka natatakot kung mag failed man atleast you tried. I feel you ganyan din ako takot ako magisa pero andami kung gusto gawin gusto ko i push ako lagi ng mga tao to do things kasi natatakot din ako. Wag munang hintayin na huli na ang lahat kung saan wala ka ng makapitan. Pag natatakot ka just take a deep breath tapos maging totoo ka lang. Isipin mo na kailangan mo kumilos para din sa sarili mo mag set ka ng goal kung sakaling may chance kana ulit na ipagpatuloy mga wants mo. Wag muna masyadong intindihin ang iba mag focus ka lang sa sarili mo kung pano mo maabot mga goal mo dahil walang ibang mag bibigay niyan kundi sarili mo lang din ipakita mo na kaya mo din.
 
medyo same tayo lods, yung saken naman is i kept on failing interviews hanggang sa point na nawalan na ko ng confidence sa sarili ko HAHA kaya heto ako tambay, palamunin sa bahay.. di ko alam panong gagawin sa buhay. im thinking nalg na mag abroad kung bibigyan chance ni Lord atlis don di kataasan standards compared dito sa pinas.
Same Ts. pero mag 2months palang akong tambay nakakatamad maghanap ng trabaho sa pinas taas ng standard.
 
Same Ts. pero mag 2months palang akong tambay nakakatamad maghanap ng trabaho sa pinas taas ng standard.
saken 7months nakong tambay HAHAH sobrang dami kong failed interviews di ko na kaya bilangin, habang tumatagal confidence ko sa sarili ko ayun nawawala na HAHA
 
Medyo pareha tayo lods but I slowly change it na lalo na ngayon may paparating na akong anak and I'm turning 30 na, siguro kung di ako nagpadala sa hiya nung early 20's I don't know kung nasan na ako ngayon hehee ba't na realize ko ngayon na andami kong nasayang na opportunities dahil sa hiya. Nag-aral pa sana ako ulit to pursue yung gusto kong course, bat nabuntis ko bigla si gf kaya eto ngayon kayod na kakahanap work online kahit ano data entry, video/photo editor, pati transcribing papasukin ko na din. Kung may alam kayo dyan na WFH job, pasabit naman oh. (Naipasok pa) HAHAHAHAHA
 
Medyo pareha tayo lods but I slowly change it na lalo na ngayon may paparating na akong anak and I'm turning 30 na, siguro kung di ako nagpadala sa hiya nung early 20's I don't know kung nasan na ako ngayon hehee ba't na realize ko ngayon na andami kong nasayang na opportunities dahil sa hiya. Nag-aral pa sana ako ulit to pursue yung gusto kong course, bat nabuntis ko bigla si gf kaya eto ngayon kayod na kakahanap work online kahit ano data entry, video/photo editor, pati transcribing papasukin ko na din. Kung may alam kayo dyan na WFH job, pasabit naman oh. (Naipasok pa) HAHAHAHAHA
Iba talaga pag bata na ang responsibility na binigay lahat ng puwede pasukin gusto na pasukin. 😂
 
tag gutom talaga abutin mo pag ganyang mindset mo. kahit wag mo na isipin ung sarili mo, ung mga anak mo na lang kung lagi kang ganyan. di ka na bata hayp ka kulang ka sa sapak o tadyak eh

sa facebook groups kumuha ka mga idea, mga agency, sa indeed app. madaming paraan, email email lang kung tamad ka mag walk in.
 
Normal yan lodi, dyan din ako nagsimula, cguro unahin mo self confidence build up mo, normal lang ma stress, maraming paraan kung gugustuhin mo.
 
Same tayo ganyan na ganyan ako. Pero nalagpasan ko na yan ang problema ko lang ngayon jobless ako 2 years dahil iniwan kami ng nanay ng bata sumakabilang bahay at iniwan sakin anak ko na 4 years old wala ako mapag iwanan sa anak ko. Mag 28 years old na ko sa sept at natatakot ako para sa future naman ng anak ko wala pa kasi ako naiipon. Palagi nalang ako nag dadasal.

33 years old matanda naba sa tingin mo nyan? ako nga 32 so matanda narin pala ako

sanayin mo muna maging positive thinker, kasi kahit mkpag apply ka at makapasok tapos gnyan mindset mo wala rin malaking estorbo sa work yan, at ako as a CEO pangit un sa business
Pa apply boss kahit tapon basura lang po.
 
Baguhin moyang mindset nayan lods. Gawin mong inspirasyon mga anak mo. Wag mong hintayin na pati mga anak mo may masabi sila sayo na negative. (Wag naman sana) hanggat dika nag try mag hanap ng work mag isa hanggang sa pagtanda mo dadalin moyan. Isipin mo Yung future ng mga anak mo at ikaw pati asawa mo. Sa una lang nakakahiya mag apply ng work. Kaya yan ts payting
 
Accept what you are according to how you see your personality. What and how you perceive other people's thoughts usually reflects your own. It is like looking yourself in the mirror. If what you see displeases you, then we can conclude you are displeased by your own self.

ACCEPTANCE is the key.
 
Last edited:
Parehas tayo everytime na pupunta ako sa isang lugar feeling ko pinagtatawanan ako. gusto ko nga sana magpa check up baka may mairesetang gamot kasi napakadaming opportunities na dn ang nasayang. Applying for job din ako kaso ang mga opening dito is promodiser ang hinahanap ko ay kahit dishwasher lang or house keeping kasi hindi tlaga ako sanay sa trabahong haharap ka sa madaming tao parang nanghihina ako at gusto umuwi or magtago hahaha nakakatawa pero totoo pang extroverts lang tlaga ang mundo kung may job for introvert eh karamihan pang degree holder naman so wala talaga akong choice, sana may gamot na pwedeng itake pangpakapal ng mukha yung tipong mag uumapaw ang confidence mo
 
Hi sir I Am back to this thread Actually naka tulong yung mga words nyo dito and now i am an I.T instructor na salamat i look on the brighter side may mga tao di ko kadugo na naniniwala din pala sa kakayahan ko. salamat po ng marami and sana yung mga same ko always look nalang sa brighter side na 1-100 people na nasa paligid nyo merong 2 or 1 taong naniniwala sa kakayahan mo and ignore nyo lang yung pag ooverthink kasi yun talaga sumira saakin.
 

Similar threads

Back
Top