Hmm, parang totoo naman c papz eh, nakasulat kasi sa bible, then alam naman natin na hindi rin tayo binigyan ni Jesus ng Payo na isicelebrate ang kanyang kaarawan, instead isicelebrate lang natin ang pagkamatay nya , dba? Then meron din akung nabasa sa bible na nagpapatibay na hndi rin sa disyembre ipinanganak si Jesus, kasi sabi ni Esdras na ang CHISLEV ( katumbas nito ay November at December ) at kasunod nitong buwan na TEBETH ( December/January ) ay ang mga buwan na matindi ang taglamig o mababa ang temperatora, kasi kung babasahin natin ang nakasulat sa ( Esdras 10:9.13 at Jeremias 36:22 ) na dahil sa tindi ng taglamig ay walang tao na nasa labas ng kanilang bahay dahil sapagkat nilalamig sila ng todo dahil sa ulan/niyebe, at sigurado na walang sino man ang magpastol ng mga alaga niyang hayop . At kung ibabase din natin sa kapanahonan ni Jesus nung pinanganak siya , maraming nagpapastol ng kahayopan sa kapatagan, at sabi ni Lucas sa ( Lucas 2:8-12 ) ang mga nagbabantay ng Tupa sa Gabi ay patuloy na nasa labas malapit sa Jerusalem . So aktwual na nagbabantay sila ng kanilang tupa sa labas , hindi lng sa umaga pati rin sa gabi. So mga papsi ang kanilang mensahe sa pagtira sa labas sa panahon ng gabi , tutukma ba ito sa panahon ng Taglamig at Tag-ulan panahon sa Disyembre? Syempre hndi. So isa rin itong pagpapatunay na hindi si Jesus ipinanganak sa Disyembre. So Kahit malaman man natin ang exact time ng kanyang kaarawan, tatandaan natin, wala siyang ibinilin na payo na isicelebrate ang kanyang kaarawan . Kung tinatawag tayo na Christians syempre followers tayo ni Jesus, Kung follwers tayo ni Jesus dapat sinusunod natin ang kautosan niya ..
So, paalalang pangkaibigan lng ito mga bossing hehe sinishare ko lng kung ano ang nabasa ko sa bible, so dapat talaga na basahin natin ang bible sa anomang oras na di tayo busy , ( Josue 1:8 ) . Di natin masisi kung ano man ang pinagpaniniwalaan natin ngayon, kung ano ang paniniwala ng isa , tugma man sa ating paniniwala o hindi , dapat papasalamatan , kasi peace and respect ang binabasihan nito, hindi natin ibabuzz kaagad, isipin nalang natin sa ating isipan ang pagbabalanse ng katotohanan sa Bible ..
Yan lang sa akin mga paps hehe same kami ng thoughts iwan ko kung anong religion siya . Basta ang importante ay ang pagbabalanse ng katotohanan, di lang sunod ng sunod tayo sa paniniwala ng iba na di natin na prove sa sarili nating curiosity about history .. hehe magandang hapon..