What's new

Closed Sa paglalim ng gabi

Status
Not open for further replies.

msstar

Forum Veteran
Joined
Mar 10, 2016
Posts
2,869
Reaction
1,430
Points
930
Sa Paglalim ng Gabi

Lumalalim na ang gabi
Gising pa at nakakubli sa tabi
Palalim ng palalim ang iniiisip
Ikaw kaya'y ganoon din?

Iyo kayang naiisip?
Na ikaw ngayo'y nakakasakit?
Iyo rin kayang nararamdaman
Ang aking mga pinagdadaanan?

Nasasaktan ako
Sa mga winiwika mo
Hindi ko alam kung intensyon ito,
O tinitingnan mo lang ang ikikilos ko.

Patuloy sa pagkukubli
Luha sa mata na pilit hinahawi
Kalungkutang nadarama
Na pilit kong dina
dala.

Hindi na lamang iimik
Pipiliin ko na lamang manahimik,
Marahil may dahilan
Kung bakit ganito ang pamamaraan.

Lagi mo na lamang tatandaan
Mahal kita kahit ako'y nahihirapan
Kung mananati mang ganyan at magka-hangganan.
Naibigay ko naman ay sapat, wala akong pagsisisihan.

Sa paglalim ng gabi, ikaw ang nakikita
Sa paglalim ng gabi ikaw ang kasiyahan
Sa paglalim ng gabi ikaw ang naaalala,
Sa paglalim ng gabi, ikaw rin ang kalungkutan.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top