What's new

Wattpad story_One Night Stand with a Stranger

Joined
Sep 1, 2016
Posts
46
Reaction
6
Points
82
HEY GUYS! KUNG MAY TIME KAYO AT KUNG TYPE NINYONG MAGBASA NG MGA ROMANCE COMEDY NA MAY HALONG
MiguelandMoinica_FINALDESIGN.jpg
MGA sê×ÿ SCENES FEEL FREE TO READ MY STORY!
ON GOING PA PO ITO BUT DON'T WORRY DAHIL DAILY UPLOAD NAMAN PO.!
AND FOR THE STORY LINK: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.




PROLOGUE



----



GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV



It was a rainy evening around 6:00 pm, sobrang saya ko dahil nakagraduate na ako sa highschool at sa wakas matutupad ko na din ang pangarap kong makapasok sa Meds. School dahil gusto ko maging katulad nila Daddy at Kuya na isang mga Doctor.



Simula bata pa kasi ako ay iyon na talaga ang pangarap ko na taliwas naman sa gusto para sa akin nina Mommy at Lolo na gusto naman akong maging isang pulitiko kaya gusto nilang kunin ko ang kursong Political Science o kaya naman ay Law. But duhh! sayang ang ganda ko no. Sobrang stressful kaya nun at least kapag Doctor ka mukha kang kagalang galang at tsaka ang lakas makafresh kahit na pagod ka na buong araw.



“ Tadada dada.” pag humming ko habang tinitignan sa salamin ang sarili ko na suot suot ang unipormeng pang doctor.



“ Yay! Sobrang ganda! Magandang gabi po Dra. Monica Jimenez, Magandang gabi din..” wika ko sa sarili ko sa harap ng salamin.



Tapos lalagyan ko pa nitong napakagandang bulaklak ng Dhalia sa tenga ko, pak! Ohh, diba? baka kahit mga sinisinok magpacheck up na sa akin!



“ Huy! Nababaliw ka na ba, Monica?” pag gulat sa akin ng kaibigan kong si Elena sabay iling.



Elena was my bestfriend and a roomate dito sa condo. Anak siya ng kumare ni Mommy. At dahil parehas lang naman kami ng eskwelahan kaya pinagpasyahan na magshare nalang kami sa iisang room. Noong una ay naiilang pa kami sa isa’t isa pero kalaunan ay naging mag-close na din kami. Para na din kaming mag bestfriend dahil nagsasabihan kami ng mga secrets sa isa’t isa. Although, magkaiba ang personality namin dahil si Elena ay NBSB kaya sobrang hinhin na babae at may pagka-introvert samantalang ako naman ay outgoing at medyo adventurous dahil alam mo na, YOLO!!



Pero kahit na ganunpaman ay nagkakasundo pa din naman kami ni Elena dahil may pagkakataon na napipilit ko din siyang gumimik pero parang napaka allergic sa lalaki. Siya nga lang ang kilala kong kahit na nasa loob na ng bar at umiinom ay nagbabasa pa din ng wattpad like haler? look at the boys in front of you ohh. Sobrang taas kasi ng standards ang gusto niya daw yung matipuno, gwapo at yung walang pores, kaloka!



Ohh be, beer. Tag isa tayo.” sabay abot ko sa kanya ng bote habang busy sa panunuod ng Netflix.



Nagulat naman siya nang makita ang beer na inabot ko. Naisip kong magwalwal kami tonight dahil ito na ang last day namin na magkasama dahil next school year ay maghihiwalay na kami dahil Engineering ang kinuha niyang kurso at isa pa ay sa ibang bansa na ito maninirahan kasama ang Daddy niya.



(Gulp) “ Ahh! Ano ba yan, ang pangit talaga ng lasa nito be!” nakangiwing sabi ni Elena.



Tawang tawa naman ako sa naging reaksyon niya dahil halatang hindi pa din siya sanay na uminom. “ Pa ****** talaga tong kaibigan ko, kaloka. Alam mo sulitin na natin to tutal bukas eh hindi na tayo magkikita. Siguro ang sunod na pagkikita natin nito eh isa ka nang Engineer or pag may asawa ka na.” nakangiti kong biro sa kanya at napatingin naman siya ng masama sa akin.



“ ****! Asawa talaga? Hindi ako mag aasawa no edi naitakwil naman ako ng magulang ko nyan.” nakasimangot nitong tugon nang bigla namang mag ring ang phone ko...



Babe is calling...



Aba, ang nobyo ko pala na si Caleb ang tumatawag. Caleb and I has been in a secret relationship for about 2 years and a half. Hindi ko na din mabilang kung pang ilang jowa ko na si Caleb pero he is my first serious relationship as in super serious dahil meron na kaming mga pangarap na binuo para sa isa’t isa, mga plano namin kapag kami ay tumanda, at syempre yung kasal which is sobrang sacred para sa akin dahil bata pa lang ako ay paulit ulit nang sinasabi sa akin ng Lolo ko na ang tanging totoong magmamahal lang sa akin ang pakakasalan ko dahil hindi daw biro ang pagpapakasal kaya humanap daw ako ng lalaki na sobrang deserving, yung tipong totoo sa akin at hindi ako sasaktan. At sobra itong tumatak ito sa akin kaya nang mameet ko si Caleb ay pakiramdam kong siya na talaga dahil hindi naman siguro kami tatagal ng ganito kung hindi kami ang para sa isa’t isa. Sobrang kumportable ko na sa kanya kaya feeling ko Caleb is the one, hala! Kakilig naman uy!



“ Yes, babe?”



“ Hello, babe. Napatawag ako kasi nabalitaan kong nag iinom daw kayo?”



“ Huh? Nabalitaan? Eh wala naman akong pinopost ah? Wait baka na-myday ko teka at baka ma-yari ako nito kina Mommy.”




Kaya agad kong chineck ang phone ko habang on call pa din kami ni Caleb.



“ Ahh, no. I mean, oh my god bakit nga ba nabalitaan ang nasabi ko? Hahaha paano ba naman kasi, nanunuod kasi ako nitong balita dito sa t.v eh, hahaha sorry babe, di ko namalayan yun pala ang nasabi ko.” matawa tawang tugon niyang tugon.



Agad naman akong naniwala sa sinabi niyang iyon dahil minsan na din kasing nangyare sa akin ang bagay na yun, dahil syempre, di naman maiwasan sa buhay ang pagiging lutang...



“ De, kaya ako napatawag babe, kasi namimiss na kita. Can I come over sa condo niyo? Kasi diba, malamang nyan pag uwi mo sa bahay niyo tiyak nyan, grounded ka nanaman. Ilang buwan nanaman tayong hindi magkikita.” malungkot na pagkakasabi ng aking nobyo.



Dahil everytime na umuuwi ako sa amin ay para na akong nasa isang presinto dahil pinagbabawalan kaming lumabas nina Mommy at Daddy. Mahigpit ding binabantayan ang gate namin ng mga security kaya wala talaga kaming ligtas. Kaya agad akong pumayag na pumunta siya sa condo namin.



---



Halos isang oras din ang nakalipas nang makarating ang nobyo ko. Nakaayos na ang lahat maging ang lamesa at mga beer ay nakababad sa timbang nag uumapaw sa umuusok na mga yelo.



Medyo napadami na din ang inom namin ni Elena kaya nang dumating si Caleb ay medyo tipsy na kami.



Tamang cuddle lang kami ng nobyo ko habang nanunuod ng Netflix. Samantala, medyo nagkakatama na din itong bestfriend ko dahil lumalabas na ang tunay nitong anyo. Kumukulit na at sobrang daldal halos boses na nga lang niya ang naririnig namin sa sobrang dami niyang kwento.



Tawanan, kulitan, at asaran.



Grabe, sobrang saya ng gabi namin. Actually, close kasi kaming tatlo dahil paminsan minsa ay si Caleb ang naghahatid sundo sa amin ni Elena sa eskwelahan although sa ibang school nag aaral si Caleb ay todo effort pa din ito sa paghatid sa amin kaya masasabi kong perfect boyfriend talaga si Caleb.



---



Lumalalim na ang gabi at tanging kami nalang ng nobyo ko ang natitirang gising. Si Elena kasi ay tuluyan nang nakatulog sa sofa.



Habang nakasandal ako sa nobyo ko ay walang humpay ito sa paghalik sa pisngi ko hanggang mapunta sa lips and down to my neck.

Shocks! Medyo nakakaramdam ako ng kuryente sa ginagawa sa akin ni Caleb. Lalo na nang hawakan nito ang hita ko.



Omg, its’ getting hot. Nagsisitatayuan din ang balahibo ko sa pagdikit ng ilong nito sa tenga ko. Hanggang sa binulungan ako nito.



“ Babe, can we make lo..?” pero hindi ko ito pinatapos at nagsalita agad ako at medyo dumistansya sa kanya.



“ Ahh, Babe. Can we go to sleep na? Inaantok na kasi ako eh.” at agad ko ding inalis ang kamay nito sa hita ko.



At kita ko sa mukha niya ang pagka disappoint.



“ Sigh! Oh well, ano pa nga ba?” tugon nito sabay buntong hininga.



Tumayo na din siya at inayos ang mga kalat namin.



Halos maluha naman ako habang pinagmamasdan siya. I feel so guilty kasi dahil sa loob ng 2 years and a half namin together ay wala pa ding nangyayari sa amin.



Dahil sobra akong conservative pagdating sa bagay na iyon. Isa din kasi sa mga itinuro sa akin ng Lolo ko na huwag na huwag kong ibibigay ang sarili ko lalo kung hindi ko pa ito asawa kaya ito lagi ang pinapaalala ko kay Caleb tuwing nagkakaroon kami ng mga moments tulad nito. At paulit ulit naman niya akong inuunawa tungkol sa bagay na yun pero hindi pa din maalis sa akin ang maging guilty dahil aware naman ako about sa pangangailangan ng mga lalaki. Pero naniniwala din naman ako na kung mahal talaga ako ni Caleb ay matututo itong maghintay para sa tamang panahon.



Kaya laking gulat ko nang matapos itong magligpit ng mga kalat namin ay nakangiti ito sa akin habang papalapit sa akin. Ibang iba sa sama ng mukha niya kanina.



“ Ohh, babe? Bakit nakatayo ka lang dyan? Akala ko ba sleepy ka na?” sabi nito sabay hawak sa pisngi ko habang nakangiti.



And I sighed. Omg, first time ko siyang makita na maging ganito after kong ireject ang bagay na gustong gusto niyang gawin. I felt na sa wakas ay naintindihan niya na din ako. Kaya I smiled and hugged him.



“ Ano ka ba babe, it’s okay. Tara na sa bed? Let’s sleep?” nakangiti pa din nitong sabi.



At binuhat niya ako papunta sa kama namin.



Nakahiga na kaming parehas at nakaharap itong nakapikit sa akin and I was just smiling the whole time habang pinagmamasdan siya dahil sobrang akong napaproud sa kanya. Buong buo na talaga ang tiwala kong si Caleb na talaga.



Hanggang sa unti unti na akong antukin at makatulog.



zzzZZZZ...



---



Pero ilang oras ang makalipas...



Nang makarinig ako ng parang isang basong nabasag. At dahil sa antok pa ako ay nakapikit kong tinawag ang nobyo ko para sabihing tignan kung ano ba yung nabasag na yun.



“ Babe, can you please check kung ano yung nabasag? Baka kasi may masugatan dun?” inaantok kong sabi habang kinakapa kapa ang kama kung nandun ba ang nobyo ko.



Nang ilang mga kapa pa ay parang wala duon si Caleb kaya agad akong napamulat.



“ Babe?” sabay upo at tingin sa paligid.



Nakita kong bukas ang pinto at dahan dahan akong sumilip sa labas ...



“ Babe?” wika ko pagsilip sa labas ng sala.



At bigla na lamang tumulo ang luha ko mula sa mga nakita ko dahil nahuli kong magkapatong ang nobyo ko at si Elena sa may sofa.

At wala akong nagawa kundi umiyak nalang sa pagkakataon na yun. Nilapitan naman ako agad ni Caleb at todo paliwanag sa akin.



“ Babe, sorry. Patawarin mo ako. Please, hindi ko sinasadya. Babe sorry talaga, basta mapatawad mo lang ako mahal na mahal kita.

Hindi ko na uulitin.” pagmamakaawa niyang sabi sa akin.



And he was crying and hugging me. Begging me na parang gusto niyang kalimutan ko nalang at huwag pansinin ang mga nakita ko.



At duon na ako sumabog. “ Mahal mo ba talaga ako ?! Sigurado kaba sa mga sinasabi mo? Pagkatapos mo akong lokohin at makipagtalik at dyan pa talaga sa kaibigan ko?! Mga walang hiya kayo!! Tapos sasabihin mo sa akin na mahal na mahal mo ako?

Nagpapatawa kaba, Caleb ?! I am so disaappointed! Napaniwala mo kong kaya mo akong antayin, pero hindi pala. Nanaig pa din yang kal*bugan mo! Katulad ka din pala ng ibang mga lalake. Nagkamali ako sayo, Caleb manloloko ka din pala!!! ” sigaw ko kay Caleb habang umiiyak. Hindi ko na din mapigilan ang sarili kong sumigaw sa galit dahil sa sakit na nararamdaman ko.



Papunta na sana ako sa kwarto para kunin ang mga gamit ko nang lumapit sa akin si Elena at humihingi ng tawad. She was crying so hard at nakaluhod.



“ Sorry, Monica please. Hindi ko sinasadya patawarin mo ko. Maniwala ka man o hindi pero pinipigilan ko siya, pero wala akong magawa dahil tinatakot niya ako.”



“ Lumayo kayo sa akin. Hindi, Elena! nandidiri ako sa inyo. Magsama kayo, mga manloloko!!” sigaw ko habang umiiyak at pilit na inaalis ang pagkayakap sa akin ni Elena pero nang matanggal ko ay si Caleb nama nang yumakap sa akin at todo paliwanag pa din sa akin.



Idinahilan pa nito na dala lang ng alak ang lahat at parehas silang naging biktima ng init nito. Kaya pinili ko nalang na wag nang makinig sa mga pagsisinungaling nito at dumiretso nalang sa pag iimpake ng mga damit ko. Ni-lock ko din ang pinto ng kwarto ko at nag umpisa nang mag impake.



Hanggang sa madistrungka ni Caleb ang pinto at nakapasok ito pero huli na ang lahat dahil tapos na ako sa pag iimpakeng mga gamit ko.



Pilit pa din ako nitong niyayakap at pinipigilan sa pag alis. “ Umalis ka dyan, Caleb. Aalis na ako.”



“ Babe, please? Patawarin mo na ako. Sige na, inaamin ko na! Natukso lang talaga ako. Alam mo naman, sana maunawaan mo din na lalaki din ako. Parehas lang kaming natukso kaya nagawa namin yun. Sana bigyan mo pa ako ng tsansa, Monica. Mahal na mahal kita." umiiyak nitong pagpapaliwanag sa akin.



“ Hindi na, Caleb. Sapat na yung nakita ko para iwanan ka. Tsaka hindi ka ba masaya nyan? Malaya na kayong dalawa tutal bagay naman kayo eh, mga higad!!” at umalis na ako sa condo, hindi na din ako napigilan ni Caleb dahil sinabihan ko ang security duon na pigilan siya sa paghabol sa akin.



“ Monicaaaaaa!!!”



---



Nang makaalis si Monica sa condo ay nag drive ito at nagpakalayo layo hanggang sa mapadpad ito sa isang bar na tinatawag na La Maison Bar and Grill para uminom. Kahit na meron pa itong hangover ay nag inom pa din ito dahil sa sobrang pagkabroken. Pakiramdam niya ay parang gusto nitong lunurin ang sarili sa pag aakalang alak ang magiging solusyon para mabilis na makalimot.



Pumwesto ito sa table ng bartender at dito nagpakalango...



Samantala, isang magbabarkadang binubuo ng makikisig, matitipuno, mayayaman, at pinag aagawan ng mga kababaihan ang nagtungo sa bar para magrelax at syempre makapangbabae. Ito ang hilig na gawin ng mga barakada ni Lorenzo Miguel na isang Med Student para magliwaliw. Saktong wala ding pasok si Miguel kaya nakasama ito sa kanila...




----



LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV



Alright! Nakarating na ako dito sa bar kung saan nanduon ang mga kaibigan ko. Woah! At pagpasok ko ay ang napakadaming tao dito sa loob at meron ding tumutugtog na banda. Meron ding ilan na mga nagsasayawan.



At agad ko namang hinanap ang kaibigan kong si Vonn Austin dahil ang sabi nila ay nasa baba daw sila nag-iinuman dahil madami daw ngayon mga magaganda at sê×ÿ mga babae dito. Kaya lingon ako ng lingon habang naglalakad para mahanap agad sila.



Hindi naman ako makatawag dahil walang signal dito sa loob hanggang sa may makabangaan akong babae.



“ Ouch!” daing ng babae na agad na sumimangot pero napalitan ito ng ngiti nang magkatinginan kami.



“ Ahh, sorry Miss. May hinahanap kasi ako eh.” pagpaumanhin ko sa sê×ÿ na babaeng nakabanggaan ko pero nagulat ako nang bigla itong hatakin ng isang lalaki.



“ Damn it, stay away from Miggy babe. Dito ka sakin!” sabi ng lalaki, maiinis na sana ako pero kong nakita kung sino ba ang lalaki na yun.



“ Siraulo ka Steven! Ikaw pala yan?!” natatawa tawa kong sabi.



Si Steven Lee, isa sa mga kabarkada ko at kaklase ko din nung highscool nag aaral siya ngayon sa isang prestihiyosong paaralan at kinukuha ang kursong Education kaya goodluck sa mga magiging future students nito ni Professor Steven, isang kindat niya lang tiyak na pasado ka na.



“ Why you so late, bro? Sayang naunahan ka na tuloy ng iba. Ang daming chikababes kanina dyan, ang kikinis at grabe bro mukhang mga palaban!” naka ngising sabi ni Vonn habang kayakap ang babae nito.



At heto naman si Vonn Austin Miller, ang pinaka close ko sa barkada dahil sobra itong maaasahan sa lahat ng bagay. This guy is literally one call away, ganun siya kasarap bilang kaibigan. At sa aming magbabarkada ay siya din ang pinakamasipag at pinakamatalino dahil sa tatlong buwan nito sa kolehiyo ay nakakatatlo na din itong kurso dahil paano ba naman? Kung anong course ng natipuhan niyang babae ay agad agad itong mag shishift ng course kaya grabe, siguro pag magpatuloy siyang ganito ay hindi malabong palitan niya si Albert Einstein at Nikola Tesla balang araw sa pagiging henyo. Halos lahat ay handa niyang pag aralan eh.

Hayy ewan ko ba dito kay Vonn, basta ang motto niya“kung kaya ng kuneho, papatalo ba ako?”. Kaya pailing iling nalang kami sa kanya dahil I think the only goal in his life ay matikman lahat ng babae. Yikes!



“ Sus, sa tingin mo ba mauubusan yang si Miggy? Eh kayang kayang sumulot niyang gag*ng yan. Hahahaha! Kahit nga yung may partner na eh handang itong ipagpalit para lang sa batuta ni Miggy.” malokong sabi ni Dale.



And that’s Dale, he is the youngest. Para siyang little brother ko dahil halos parehas kami ng hilig which is, yes! Libro! At hindi babae. Well, hindi naman siguro namin kasalanan na sila mismo ang lumalapit sa amin and asking for something. Sadyang mabait lang kami at minsan ay pinagbibigyan din ang mga munting hiling. Oops, teka! Anyways, itong si Dale naman ang pinaka big time sa aming lahat dahil galing ito sa maranyang pamilya. Anak lang naman ito ng isang Bilyonaryo na may pagmamay-ari ng isang airlines kaya kasalukuyan ding nag aaral itong si Dale para maging isang piloto.



Samantala, binigyan naman nila ako ng maiinom. Halos mga lasing na itong mga kasama ko at mga namumula na pare-parehas din silang kaakbay ang mga babae nila kaya hindi ko maiwasang hindi mainggit kahit papano kaya patuloy pa din ako sa pag lingon lingon kung meron din nga ba akong matatagpuang babae na maaari ko makabonding.



Pero sa sobrang dilim ng lugar ay halos wala akong makita. Malas din na napapaligiran ako ng mga taong naghahalikan dito sa harap ko. Kahit itong tatlo kong mga kaibigan ay hindi din nagpatalo akala mo eh nasa mukbang contest ako sa grabe kung humalik. Rinig na rinig ko din ang pagtunog ng mga halik nila at may mga ungol na rin akong naririnig.



Kaya hindi na ako nakapagtimpi at tumayo na ako para maglakad lakad at humanap ng makakapareha.



Hanggang sa, someone caught my attention...



There’s a woman with a flower in her ear. And that flower looks like a Dhalia and I think yun na ang itatawag ko sa kanya. And she also has waist-length straight black hair, and she was wearing a red dress that was almost on her hot sê×ÿ body she was blessed with healthy breasts and ****, her clothes only reached half of her thigh so her white and healthy thighs are exposed. She was wearing high red sandals, so she looked tall.



That girl is very different from the girls I have flings or **** buddies with. I can't help but swallow because I feel hot right away because she dances well and she has a perfect body and even though this girl doesn't do anything to me she makes me hard right away.



Pansin ko na halos lahat ay nakatitig sa kanya. Titig na titig sa galaw nito kaya hindi na ako nag aksaya ng oras at unti unti akong lumapit sa kinaroroonan niya. Wala akong pakielam sa mga taong nakaharang basta ang importante ay makalapit ako at makausap siya.



I even heard Vonn calling me out but I ignored him and continued on walking. At mas binilisan ko pa nang makita ko ang isang lasing na lalaki na papalapit sa kanya kaya tumakbo na ako ng mabilis!



Wtf, no way na maagawan mo ko. Wait for me, Dhalia... I’M COMING!!!



-----
 

Attachments

Similar threads

Back
Top