What's new

Closed Nasa Tama ka? Pano ?

  • Thread starter Deleted member 1761594
  • Start date
Status
Not open for further replies.
[XX='stredaleve, c: 325898, m: 1761625'][/XX] good to know, paps! Ayoko talagang nakikipagtalo tungkol sa usaping relihiyon kasi para sa akin hindi naman talaga tayo dapat sa "relihiyon" naka-focus. Dapat bukas lagi sa pagkatuto. :)
 
Looking back sa madugong kasaysayan ng biblia habang ito ay ginagamit bulang political control ng mga relihiyon
Sa tingin ninyo alin ang totoong inspired ng holy spirit- ang sagot ay WALA sa kanila
Ang tinutukoy na inspired ay ang original hebrew manuscript na sinulat mismo ng mga propeta at tunay na translation na walalang binago sa original
Isang palatandaan na inspired nga ng holy spirit ang hawak mong bible ay- naandyan dapat ang tunay na pangalan ng Elohim at
ng Mesaiah, kung wala dyan sa bibliyang hawak mo at ang nakalagay dyan ay pangalan ng mga paganong diyos-diyosan
Hwag na hwag mong sasabihin na iyan ay inspired ng holy spirit corrupted ng mga pagano ang hawak mong biblia
Ngayon kung ang biblia ay dumaan sa maraming pagsasalin nagkaobaiba ang mga versions kung kaya nagkaroon ng kagulohan at pagkawatak watak ng mga relihiyon diba nararapat na ito ay ibalik sa dati , sinu ang may karapatan ? -Hebrews dahil ang biblia ay Hebrew walang iba para ito ay maibalik sa dating anyo
zephanias 3:
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. Sapagka't akin ngang sasaulian ang mga bayan ng dalisay na wika, upang silang lahat ay makatawag sa pangalan ng Panginoon; na paglingkuran siya na may pagkakaisa.

ibig sabihin aalisin ang pangalan ng mga paganong relihiyon
ibabalik ang tunay na pangalan ng Elohim
ang pagsasaayus ay
pagtutulongan ng silangan at kanluran

And I saw another angel ascending from the EAST, having the seal of the living Elohim.and he cried with a loud voice to the four angels, to whom it was given to hurt the earth and the sea, Saying, Hurt not the earth, neither the sea, nor the trees, till we have sealed the servants of our Elohimin their foreheads.” (Revelation 7:2-3, King James Version)
maliwanag ang kaugnayan ng dalawang talata diba!?
 
para sa akin nasa tao yan
first yung environment (kapaligiran) at spirtual (paniniwala) being nya
may narinig ako dati na if you were born as a christian then die as christian same with
if you are born as a muslim then die as a muslim
may ibat iba naman silang doctrina na sinusunod at pinaniniwalaan pero lahat naman yun
may mga points na para sa ikakabuti nung isang tao dipende nalang sayo ano ang gusto mo paniwalaan
dahil may kanya kanya naman taung choice alam natin ano ang tama o mali.
nag tama at mali naman e nababase sa society standards or norms (nakakarami)
as an individual nasa tao na kung anong path yung gusto nya sundin
kung alam mo naman na mali edi wag mo sundin yung mga sa tingin mo lang tama sa pananaw mo sundin mo
 
[XX='ledin, c: 325943, m: 1688694'][/XX]

good to know na curious ka :)

unang una, ngayon ko lang din narealize na baka nga may mga katulad mo na medyo iba yung nagiging tingin kapag nag qu quote ng verses. Pero sa totoo lang wala namang masama eh, kaso tama ka marami ang mga taong ginagamit ito for personal advantage. Dito papasok yung advice ko na paglaanan mo ng oras ang pagbabasa at pagaaral ng Bible using exegesis.

Pero ito yung gusto kong ishare sayo,
Naniniwala ka ba na ang lahat ng tao ay makasalanan? Ito yung kondisyon nating lahat na kailangan nating marealize.

Makasalanan tayo kaya naman, wag kang magtaka na lahat ng tignan mong relihiyon, may makikita kang butas. Kase nga lahat ay makasalanan. Kahit hindi ka tumingin sa relihiyon. Kahit tignan mo na lang yung mga nakakasalamuha mo araw araw, doon palang masasabi natin na kahit anong bait mo, napakaimposible na wala kang kahit anong kasalanan. tama ba?

So ito bang punto ko ay nagsasabing okay lang na ibat ibang ang relihiyon? No, a big no.
Madalas ang turo sa ibat ibang relihiyon ay nagsasabi na kung pumanig ka sa kanila maliligtas ka. Tama ba??

Bakit nga kaya kailangan maligtas ng tao?
Hindi ko alam kung alam mo or aware ka na ang Diyos ng Bible ay Holy, walang bahid ng kasalanan. Marami ang nagppreach na God is "love" pero nakakaligtaan nila na God is also "just" .

God is holy, that is why he hates sin. God is love, and at the same time He is just.
Sinners tayo, kaya kailangan pagbayaran natin ang lahat ng kasalanan natin. God loves us pero hindi naman pupwede na isantabi ang attribute ni God, na He is also just. This is the reason why He sent His son, Jesus. Iyong dapat nating pagbayaran dahil sa kasalanan ay tinanggap ng kanyang nagiisang anak.

Tinanggap niya bilang alay si Kristo dahil si Kristo ay walang kasalanan. Iyon ang pinaka requirement ng Diyos, walang bahid ng kasalanan. Ayun ang proof ng pagibig ng Diyos - > while we were still sinners, Christ died for us.

Yung nangyari kay Jesus Christ sa krus ay hindi dahil deserved niya yon. Tinanggap niya ang lahat ng hirap na dapat nating tanggapin.

Pero may isang kondisyon lang ang Diyos, ito ay ang maniwala ka na si Jesus ay namatay sa krus para mapatawad ang iyong kasalanan.

You also need to repent. Higit pa ito sa pagsosorry. Repentance is 180 degrees change of direction toward God.
Ito yung supernatural na nangyayari sa taong nanampalataya kay Kristo.

Ang repentance ay hindi basta basta nagagawa ng tao. Kailangan si Lord ang magbigay sa iyo nito para genuinely ay magrepent ka sa kasalanan mo.

Marami kasing pagkakataon na ang nakakarinig nito ay saglit lang na nagregret or nagremorse sa kasalanan na nagawa nila pero after non ay bumabalik sa dati, ito ay dahil hindi genuine yung repentance na nangyari. Wala yung miraculous work ni Lord.

Can we repent just by ourselves?
No. Ang Repentant heart ay galing kay Lord. So it is only by God's grace and mercy. Ito yung very reason why all believers cannot and shouldnt boast about theirselves.

What you and I can only do is to ask God for His grace to come upon us. Ayun lang, kase hindi natin kayang unawain ang totoong kondisyon ng buhay natin kung hindi inallow ni Lord na mangyari.
That is how sovereign God is, Siya lang ang may kontrol sa lahat ng bagay.

Maraming maooffend dito kase nga innate o natural sa atin na gusto natin tayo ang may kontrol, gusto natin tayo yung nasa taas. Very self-centered talaga tayo.
Laging against sa will ni Lord yung gusto natin, kaya nga hindi narin ako nagtataka kung bakit marami ang naooffend eh.


Ps. Sa totoo lang nakakatulong din kase ang verses para mavalidate ng isang taong nakikinig kung totoo o tama yung sinasabi ng speaker. Baka kase mema lang yung sinasabi diba kaya may mga nagiinclude ng verses for this is the very truth. Kung may nga tanong/paglilinaw/comment ka regarding this, reply ka lang po.

May mga iilan pa kong gustong ibahagi kaso masyado ng mahaba to hehe icut ko muna dito
 
[XX='MissGelyyyy, c: 326293, m: 796598'][/XX]

Don't worry. I have nothing against people who share verses. Naniniwala naman ako na nagkataon lang talaga na yung mga nakapaligid sa akin ay gano'n kaya minsan nang nalayo ang loob ko at malamang yung iba ay ganun din.

Totoong lahat tayo ay makasalanan. Hindi ako nagtataka ro'n o kahit pa sa pagsulpot ng iba't ibang relihiyon. Lahat 'yon ay nakasaad. Naniniwala rin ako kay Hesus. Naniniwala ako sa lahat ng 'yon kaya nga masama ang impression ko dati sa mga mahilig mag-quote ng verses selectively kasi madalas sa nakilala ko ay ginagamit ang mga nasabing verses para i-justify ang mga sarili nila at i-invalidate ang ibang tao forgetting the fact that we are all sinners. They would often tell people who do not read na "magbasa ka kasi" in a very rude manner sa t'wing may kinu-quote silang verse na gusto nilang umayon o pumabor sa kung anong sasabihin nila na kalaunan napagtanto ko rin na mali naman din pala ang paggamit nila ng mga nasabing verses. Kadalasan ay maling konteksto. Madalas kasi they would share a verse pero hindi naman talaga silang nag-bother basahin yung chapter. Basta nalang isisiksik ang verse sa mga sarili nila upang pumabor ito.

Hindi tugma ang salita nila sa gawa. 'Tila ang mga tingin sa sarili ay perpekto na kesyo parang sila ay hindi makasalanan na nakakapagtaka kasi kung sumusunod talaga sila sa sinasabi nilang aral ng Bibliya ay dapat alam nilang lahat tayo ay pare-parehong makasalanan.

Nagagalit sila sa mga taong hindi pareho ang paniniwala sa kanila ta's i-iinvalidate at i-eexclude nila na para bang pakiramdam nila ay sila lang ang maliligtas. Nagagalit sila sa mga taong hindi nanininiwala sa Diyos without even trying to understand kung bakit ang mga taong 'yon ay hindi naniniwala. Basta na lamang sinisiksik ang kanilang paniniwala tungkol sa Diyos. Mas nangingibabaw sa mga taong 'yon ang konsepto ng pagiging tama according sa relihiyon nila kesa mag-focus sa Biblical teachings mismo na nakakapagtaka lang talaga kasi sabi nga nila ang relihiyon nila ay base sa Bibliya nguni't bakit hindi tumutugma?

Lubos akong naniniwala na dahil iba-iba ang tao, mayro'n talagang tendency na iba-iba rin tayo ng pamamaraan ng pag-interpret sa mga nababasa natin kung kaya't nagbunga rin ito ng iba't ibang relihiyon dahil nga sa thinking ng mga lider ng mga nasabing relihiyon na kesyo sa kanila ang tama at totoong interpretasyon. Ang masama nga lang ay bukod pa riyan ay nabahiran na rin ng self-interest ang iba.

Nasabi kong mas maiging magbasa bilang isang "indibidwal" kasi para maiwasan yung biases. Hindi ko gustong magbasa dahil lamang dinikta ito ng relihiyon o magbasa bilang isang parte ng relihiyon kasi kung gano'n hindi talaga mawawala ang bias sa isip. Nagbabasa ka pa lang ay mayro'n ka ng bias kaya kahit ano pa mang mabasa mo ay pilit mong i-jujustify sa nauna mo ng belief. Naniniwala ako na malaya dapat nating kilalanin ang Diyos kung gusto talaga natin ng mas malalim na pag-unawa sa paniniwala natin at pagmamahal sa Kan'ya. Tayo dapat sa mga sarili natin ang makaramdam nun. Hindi dahil dinikta lamang.

Naniniwala rin ako na kung gusto nating mapamahagi ang salita Niya at mga turo ayon sa Bibliya, dapat matuto tayong ituro ang mga nakasaad dito na hindi lamang lagi puro direct quotation. Hindi lahat ay makikinig sa'yo at yung iba lalong mawawalan ng gana. The challenge is teaching it without actually saying it in exact verses kasi hindi naman laging applicable ito sa lahat ng sitwasyon. Kumbaga hindi naman lahat ng tao ay believer kagaya natin. Paano sila gaganahang matuto mula sa atin kung una pa lang sinisiksik na agad natin yung paniniwala natin na hindi nga nila pinaniniwalaan? We should always strive to understand their viewpoints as well. Hindi porque't sa tingin natin na tayo ang tama at sila ang mali ay i-iinvalidate na natin sila. Naniniwala ako na hangga't maaari ang verses ay hindi dapat ginagamit pang-debate legally o kahit saan kasi kung gagamitin mo 'yan pang-debate para ka na rin nag-create ng barrier contrary sa inaakala mong mas mapapalapit mo ang non/wrong believers sa paniniwala mo. Maraming paraan para mapamahagi ang salita Niya at ang pinakamabisa ay ang gawa.

Isa pa, kung tutuusin, wala namang nakakasiguro talaga sa atin kung sino ang tama at nagsasabi talaga ng totoo. Pwedeng biglang all of a sudden hindi pala totoo ang Bibliya at pwedeng may Diyos nga pero hindi pala talaga pareho sa mga paniniwala natin. We must accept these possibilities pa rin. Hindi tayo laging tama kaya para sa akin ang goal dapat lagi ay kung paano maging epektibong tao according sa guidance ng Bibliya. Hindi lang dapat sa Bible o sa relihiyon alone nakatuon. Dapat aware at educated din sa bansa, siyensya, at mismong paligid.
 
[XX='ledin, c: 326763, m: 1688694'][/XX]
nauunawaan kita sa sinabi mo
pero kung babasahin mo kase ang Bible, hindi ka pupwede mamuhay bilang Kristiyano nang mag-isa. Kailangan mo ng accountability dahil maari ka ring magkasala. Kaya nga, sa book of acts makikita mo dun yung buhay ng mga believers as church. Church na tumutukoy sa tao at hindi sa mismong istraktura ah.
You need the church, hindi religion o cult, kundi Ang Church na naniniwala na ang tanging may authority ay ang Diyos at nararapat lamang na mamuhay ayon sa Kanyang will.
Sa totoo lang, kung hahanap ka ng Bible-believing church, meron at meron ka talagang makikitang mga pagkukulang at pagkakamali, hindi dahil sa katuruan ng Bible, kundi dahil lahat tayo ay imperfect. Kailangan mo ang kapwa believer to edify
each other. So hindi puwedeng sarioinin mo yung faith mo kase posible na mafall ka sa kasalanan. Need mo din ng magpapaalala sayo sa mga panahon na nanghihina ka sa pananampalataya mo sa Panginoon.

Mahalaga ding isipin natin, na teka muna baka sa kakatingin natin ng pagkakamali ng iba, hindi na natin makita yung sarili nating pagkakasala.

People who believed in Jesus and repented are not sinless, but instead they sin less.

I don't think we must accept that possiblity na may tama at ikaw ay mali.
Kase kung itinuturing mo ang Bible as absolute truth, why think na merong mas tama pa don. We read the Bible to know more about God, his attributes, his will.
Pero as we read the Bible, hindi natin mauunawaan ang meaning nito kung hindi magwowork ang Holy Spirit sa atin. Holy Spirit is tge one who makes us understand the mysteries of the scripture.
Kaya kahit anong talino ng isang tao magbasa nito, may mga pagkakataon na hindi niya talaga magegets kase nakatago yung meaning, unless mag work ang Holy Spirit tsaka niya mauunawaan ito genuinely.

Wala yan sa pag quotes or hindi pagquote ng verses. Nauunawaan ng tao ang gospel hindi dahil matalino siya o magaling yung nagshare sa kanya ng gospel. God, the Holy Spirit is the One who reveals it to man. Kaya din hindi natin pupwedeng sabihin na mas magaling ako o mas magaling ka o mas magaling sila. Dahil kung wala ang HolySpirit na magwowork, hindi mauunawaan ng tao ang gospel o ang nakasaad sa Bible.

Madalas, kung sino pa nga ang sobrang tatalino, sila pa yung itinuturing na irrational at mali ang Bible. That is because of pride or because will din ni Lord na hindi (pa) ipaunawa sa kanila.

We read the Bible not for ourselves but for the glory of God. As you grow deeper sa relasyon mo sa Panginoon, mas maappreciate mo ang salita at kabutihan ng Diyos sa atin, for we are wicked undeserving beings, that will lead you to worship God even more.

yun lang. salamat sa pakikinig.
 
Hahah pansariling opinyon mu lang yan saan nabanggit ng Mesaiah na makiayon ka environment (kapaligiran)
At spiritual being (paniniwala) ika-mo
At bakit sinabi ng Mesaiah
Juan 4:
22 Hindi ninyo kilala ang inyong sinasamba, ngunit kilala namin ang aming sinasamba, sapagkat ang kaligtasan ay nagmumula sa mga Judio.

Hindi sinabi na malaya kah piliin ang mga greeks at romans at ang sinu man sa Europeans dahil my choice kah

Gawa 4:
12 Wala nang ibang kaligtasan sa kanino man sapagkat walang ibang pangalan sa ilalim ng langit na ibinigay sa mga tao na ikaliligtas natin.

Pahayag 18:

4Narinig ko mula sa langit ang isa pang tinig na nagsasabi, “Umalis ka sa Babilonia, bayan ko! Huwag kang makibahagi sa kanyang mga kasalanan, upang hindi ka maparusahang kasama niya!

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.Sapagka't ang kaniyang mga kasalanan ay umabot hanggang sa langit at naalaala ng Dios ang kaniyang mga katampalasanan.

Fact na yan!

Nasaan na ang intehensya napunta
Pasado ang mga religion at rejected Mesaiah
 
Nasa tama ka, Paano?

Simple.

Nasa Tama ka, kapag ang Pag-iisip mo ay LOGIKAL.
Pag ILOGIKAL, puro self contradiksyon, meaning nasa MALI ka. :giggle:
Hope this helps.

Stay home stay away from negative people.
Enjoy phcorner.net
 
Nasa tama ka, Paano?

Simple.

Nasa Tama ka, kapag ang Pag-iisip mo ay LOGIKAL.
Pag ILOGIKAL, puro self contradiksyon, meaning nasa MALI ka. :giggle:
Hope this helps.

Stay home stay away from negative people.
Enjoy phcorner.net
Di ako magpapaka nega ah. Can u give an example ng LOGICAL at ILLOGICAL na pagiisip?? Para everyone in this thread na still confuse will know how to differentiate from the two.
 
Tama ka idol. Tao lang naman ang gumawa niyan. Bali walang religion na tama o kung saan yung mapupunta sa langit and stuffs like that.
 
Hahah dahil hindi mu magets kaya nag thumbsdown kah
Kung hinahananap mu ang truth eh dapat na makilala mu muna kung SINU KAH sa kabila ng kunwari mga alam mo nah sa pamamagitan ng kasulatan o biblia hindi yong anu anu agad ang gusto mong alamin kaya wala kang maaunawaan
May malaking kaugnayan ang isinagot qoh na SINU KAH kung hindi mo kayang patamain yan gamit ang pinagmamalaki mong logikal
Pasensya kah dahil yung sinabe mo ay parang bomerang na bumabalik lang sayo.
 
Mateo 7:6

“Huwag ninyong ibigay sa mga aso ang bagay na banal, baka pagkatapos ay kayo pa ang balingan at sakmalin nila. Huwag ninyong ihagis sa baboy ang inyong mga perlas sapagkat yuyurakan lamang nila ang mga iyon.”
 
Tama ka diyan.
Tulad ng sinabi din ng Panginoong Hesus ang nauuna sa kanya ay magnanakaw. Kaya masasabi kong magnanakaw ang bawat leder na nagsasabi na sa kanilang samahan ang may tunay na kaligtasan.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top