What's new

Goddess Meme, so Entertaining

Status
Not open for further replies.

Asherah Goddess

Forum Veteran
Established
Joined
Nov 17, 2021
Posts
1,904
Reaction
872
Points
532
Dito ko inilagay because it is about Japan's culture. Sa Japan po kase , ang relihiyon na meron sa kanila is Shintoism and Buddhism. Meron din Christian like meron din Roman Catholic or whatever but hindi siya major religion. Rare or small percentage lang ang namamalagi bilang Christian denomination. Like I said before , sa post ko dati about Buddhism na hindi siya theistic religion and so yung Buddhism nila at Shintoism ay syncretism. Like for example , Shinto ang tao na namatay pero Buddhist priest ang nagcoconduct ng funeral. Kahit ang kasal ng Buddhism ay wala silang personal God but more on personal sa bawat magpartner. Meron silang marriage vow pero more on personal sa tao na nagmamahalan. Unlike in Christian as general as a whole , yung marriage is the reason why kinakasal dahil under ni God or si God ang taga supervise sa dalawang magkapartner. God na equivalent to "authoritarian parents" or "helicopter parents" na if something goes wrong sa isa sa kanila ay 'punishment' according to his law though it depends sa kagaano degree ang pagkakasala sa magkapartner.

Maybe one of the reason why some people prefer nila na magpakasal sa mismong simbahan rather than civil marriage is because kapag simbahan , supervise sila ng God nila within 24 hours a day. Meron taga-bantay kung baga. Binabantayan kung sino ang infidelity , sino ang magwawarak ng vow and so on and so forth. Mga ganun. Sa civil marriage kase , meron lang silang solemnize or taga conduct ng marriage pero recognize by philippine government official. Sa Christian as a whole , yung marriage recognize by God pero sa civil marriage , recognize by philippine government official. Hindi siya under ng God. Under siya ng philippine government ang civil marriage.

Ngayon, punta na tayo sa cat in Japan. Medio na layo ako dahil napunta ako sa marriage. Sa cat in Japan , symbolize ng cat nila is good luck charm. I think nauso ang cat cafe sa Japan. That means mahilig talaga sa mga cat ang mga Japanese people. Kaya nga sila meron din maneki-neko na ganito ang itsura dahil sa kanila , nagbibigay swerte ang mga cats sa Japan.

maneki-neko.png

Meron storya behind ng maneki-neko. Ngayon , natawa ako dahil dito sa meme. Hindi ko sinasadya. Na post ko lang dahil it is so entertaining na dahil sa cat na si Tama , ginawa siyang Goddess.

Goddess Meme So Funny.png

Ang pangalan ng cat si Tama. Si Tama ang stationmaster ng train. Namatay siya ng 2015 at meron pumalit sa pwesto niya. Ang storya kase niyan is taghirap ang mismong owner at naging successful siya sa train dahil lang sa mismong cat na si Tama. Meron siyang story about kay Tama at papaano naging lumago ang business ng train dahil lang kay Tama. Meron other case na dahil sa cat ng mga tao , umaasenso sila or nagiging maswerte sila sa life nila or tipong nagiging positive ang result so hindi nakakapagtaka kung bakit naniniwala ang mga Japanese people na ang cat ang nagbibigay ng good luck charm.

Nang namatay si Tama , since Japanese people believe na ang cat ay nagbibigay ng good luck charm and then ang shintoism is meron God and Goddess at wala silang God katulad ng Abrahamic beliefs or katulad ng Christian , Judaism at Islam. Naniniwala din sila sa spirit. Meron rin silang priest and priestess po. Nang namatay si Tama , ginawan siya ng shinto cat shrine at ginawa siyang Goddess dahil sa malakas ang positive vibration niya sa mga tao na nagmamahal sa kanya at kung kagaano laki tulong sa mismong nag-alaga sa kanya sapagkat nagboom ang bussiness ng train dahil lamang kay Tama.

Ako, masaya ako dahil bukod sa incline ako sa ambience ng Goddess , meron din ako pet cat. Mahal na mahal ko ang pet cat ko and malakas ang femininity ng cat ko at sa lahat ng cats kaya cat lover ako , ke male or female cat , femininity is so strong and I am so happy na ginawan ng tao si Tama bilang Goddess dahil meron siya naitulong po.

If you want to know all about Tama , the stationmaster cat , visit you-tube na lang. Ang cute ng pusa. Sikat talaga siya.

 

Attachments

Last edited:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top