[XX='ledin, c: 325943, m: 1688694'][/XX]
good to know na curious ka
unang una, ngayon ko lang din narealize na baka nga may mga katulad mo na medyo iba yung nagiging tingin kapag nag qu quote ng verses. Pero sa totoo lang wala namang masama eh, kaso tama ka marami ang mga taong ginagamit ito for personal advantage. Dito papasok yung advice ko na paglaanan mo ng oras ang pagbabasa at pagaaral ng Bible using exegesis.
Pero ito yung gusto kong ishare sayo,
Naniniwala ka ba na ang lahat ng tao ay makasalanan? Ito yung kondisyon nating lahat na kailangan nating marealize.
Makasalanan tayo kaya naman, wag kang magtaka na lahat ng tignan mong relihiyon, may makikita kang butas. Kase nga lahat ay makasalanan. Kahit hindi ka tumingin sa relihiyon. Kahit tignan mo na lang yung mga nakakasalamuha mo araw araw, doon palang masasabi natin na kahit anong bait mo, napakaimposible na wala kang kahit anong kasalanan. tama ba?
So ito bang punto ko ay nagsasabing okay lang na ibat ibang ang relihiyon? No, a big no.
Madalas ang turo sa ibat ibang relihiyon ay nagsasabi na kung pumanig ka sa kanila maliligtas ka. Tama ba??
Bakit nga kaya kailangan maligtas ng tao?
Hindi ko alam kung alam mo or aware ka na ang Diyos ng Bible ay Holy, walang bahid ng kasalanan. Marami ang nagppreach na God is "love" pero nakakaligtaan nila na God is also "just" .
God is holy, that is why he hates sin. God is love, and at the same time He is just.
Sinners tayo, kaya kailangan pagbayaran natin ang lahat ng kasalanan natin. God loves us pero hindi naman pupwede na isantabi ang attribute ni God, na He is also just. This is the reason why He sent His son, Jesus. Iyong dapat nating pagbayaran dahil sa kasalanan ay tinanggap ng kanyang nagiisang anak.
Tinanggap niya bilang alay si Kristo dahil si Kristo ay walang kasalanan. Iyon ang pinaka requirement ng Diyos, walang bahid ng kasalanan. Ayun ang proof ng pagibig ng Diyos - > while we were still sinners, Christ died for us.
Yung nangyari kay Jesus Christ sa krus ay hindi dahil deserved niya yon. Tinanggap niya ang lahat ng hirap na dapat nating tanggapin.
Pero may isang kondisyon lang ang Diyos, ito ay ang maniwala ka na si Jesus ay namatay sa krus para mapatawad ang iyong kasalanan.
You also need to repent. Higit pa ito sa pagsosorry. Repentance is 180 degrees change of direction toward God.
Ito yung supernatural na nangyayari sa taong nanampalataya kay Kristo.
Ang repentance ay hindi basta basta nagagawa ng tao. Kailangan si Lord ang magbigay sa iyo nito para genuinely ay magrepent ka sa kasalanan mo.
Marami kasing pagkakataon na ang nakakarinig nito ay saglit lang na nagregret or nagremorse sa kasalanan na nagawa nila pero after non ay bumabalik sa dati, ito ay dahil hindi genuine yung repentance na nangyari. Wala yung miraculous work ni Lord.
Can we repent just by ourselves?
No. Ang Repentant heart ay galing kay Lord. So it is only by God's grace and mercy. Ito yung very reason why all believers cannot and shouldnt boast about theirselves.
What you and I can only do is to ask God for His grace to come upon us. Ayun lang, kase hindi natin kayang unawain ang totoong kondisyon ng buhay natin kung hindi inallow ni Lord na mangyari.
That is how sovereign God is, Siya lang ang may kontrol sa lahat ng bagay.
Maraming maooffend dito kase nga innate o natural sa atin na gusto natin tayo ang may kontrol, gusto natin tayo yung nasa taas. Very self-centered talaga tayo.
Laging against sa will ni Lord yung gusto natin, kaya nga hindi narin ako nagtataka kung bakit marami ang naooffend eh.
Ps. Sa totoo lang nakakatulong din kase ang verses para mavalidate ng isang taong nakikinig kung totoo o tama yung sinasabi ng speaker. Baka kase mema lang yung sinasabi diba kaya may mga nagiinclude ng verses for this is the very truth. Kung may nga tanong/paglilinaw/comment ka regarding this, reply ka lang po.
May mga iilan pa kong gustong ibahagi kaso masyado ng mahaba to hehe icut ko muna dito