What's new
  • Welcome to PHCorner forums. Take a moment to sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as: All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Nasa Tama ka? Pano ?

-Edogawa-

Established
Joined
Sep 3, 2020
Messages
842
Reaction
2,848
Tanong lang mga idol ...

Pano mo nalaman na nasa tama ka relihiyon kung ang bawat relihiyon ay nakikitaan ng maling turo o aral?

Hindi ba sapat na naniniwala ka na my Dios at sa kanya ka lng naniniwala at kung ano naka sulat sa bible ?

Minsan kasi iba iba interpretasyon nila sa nakasulat..
 

FreeAllYouCan-OFFICIAL

i̳̿͟͞l̳̿͟͞l̳̿͟͞u̳̿͟͞m̳̿͟͞i̳̿͟͞n̳̿͟͞a̳̿͟͞t̳̿͟͞i̳̿͟͞
Contributor
Peperahan ka lang ng relihiyon,
 
1 Comment
E
-Edogawa-
yan din minsan nsa isip ko.. kaya minsan sinsbi ko khit ano relihiyon mo nasa tao padin yan pano na nakikisama sa mga kapwa mo
 

ledin

Elite
Halos lahat naman sasabihin na tama ang relihiyon nila. Kan'ya-kan'yang defend yan. Hahaha.
 
10 Comments View more comments…
M
MissGelyyyy

nauunawaan kita sa sinabi mo
pero kung babasahin mo kase ang Bible, hindi ka pupwede mamuhay bilang Kristiyano nang mag-isa. Kailangan mo ng accountability dahil maari ka ring magkasala. Kaya nga, sa book of acts makikita mo dun yung buhay ng mga believers as church. Church na tumutukoy sa tao at hindi sa mismong istraktura ah.
You need the church, hindi religion o cult, kundi Ang Church na naniniwala na ang tanging may authority ay ang Diyos at nararapat lamang na mamuhay ayon sa Kanyang will.
Sa totoo lang, kung hahanap ka ng Bible-believing church, meron at meron ka talagang makikitang mga pagkukulang at pagkakamali, hindi dahil sa katuruan ng Bible, kundi dahil lahat tayo ay imperfect. Kailangan mo ang kapwa believer to edify
each other. So hindi puwedeng sarioinin mo yung faith mo kase posible na mafall ka sa kasalanan. Need mo din ng magpapaalala sayo sa mga panahon na nanghihina ka sa pananampalataya mo sa Panginoon.

Mahalaga ding isipin natin, na teka muna baka sa kakatingin natin ng pagkakamali ng iba, hindi na natin makita yung sarili nating pagkakasala.

People who believed in Jesus and repented are not sinless, but instead they sin less.

I don't think we must accept that possiblity na may tama at ikaw ay mali.
Kase kung itinuturing mo ang Bible as absolute truth, why think na merong mas tama pa don. We read the Bible to know more about God, his attributes, his will.
Pero as we read the Bible, hindi natin mauunawaan ang meaning nito kung hindi magwowork ang Holy Spirit sa atin. Holy Spirit is tge one who makes us understand the mysteries of the scripture.
Kaya kahit anong talino ng isang tao magbasa nito, may mga pagkakataon na hindi niya talaga magegets kase nakatago yung meaning, unless mag work ang Holy Spirit tsaka niya mauunawaan ito genuinely.

Wala yan sa pag quotes or hindi pagquote ng verses. Nauunawaan ng tao ang gospel hindi dahil matalino siya o magaling yung nagshare sa kanya ng gospel. God, the Holy Spirit is the One who reveals it to man. Kaya din hindi natin pupwedeng sabihin na mas magaling ako o mas magaling ka o mas magaling sila. Dahil kung wala ang HolySpirit na magwowork, hindi mauunawaan ng tao ang gospel o ang nakasaad sa Bible.

Madalas, kung sino pa nga ang sobrang tatalino, sila pa yung itinuturing na irrational at mali ang Bible. That is because of pride or because will din ni Lord na hindi (pa) ipaunawa sa kanila.

We read the Bible not for ourselves but for the glory of God. As you grow deeper sa relasyon mo sa Panginoon, mas maappreciate mo ang salita at kabutihan ng Diyos sa atin, for we are wicked undeserving beings, that will lead you to worship God even more.

yun lang. salamat sa pakikinig.
 

WhiteLancelot

Established
hindi matatapos yung tungkol sa debate ng religion. sa tingin ko kasi pareparehas lang naman nagpasalin salin nalang
 
1 Comment
E
-Edogawa-
kaya minsan naiisip ko mas mabuti nlng na alamin mo yun alin yun masama at mabuti at pano ka mabubuhay na dika nkakasama sa kapwa mo
 
Which god ba ang pinapaniwalaan mo ts?? And pano mo napaniwala sarili mo na totoo yang god mo?? Sabi mo iba eh mali ang interpretasyon? Pano mo nasabi na tama ang sayo at naniniwala ka?
 
S
stredaleve
sinichi19 roman catholic po ay mali tignan mo palang yung so called tahanan ng Diyos mukha bang tahanan ng Diyos not tahanan ng idols?

catholic din po ako by baptism pero itong baptism na ito ay invalid kasi baby palang tayo nabinyagan na maling mali ito ayon sa bible
 

Eseru

Elite
Ang gulo ng religion nung iba, imbes na mag focus sa faith sa god/gods nila. Mas nagfofocus sila sa religious group nila and dun sa mga namumuno. Mas mahalaga sa kanila kung minsan na sila yung 'tama' or one true religion' and pag ko-compare sa ibang religion/faith, kesa maging magnanimous. Nagiging counter productive yung ginagawa nila, mas na-aantagonize yung iba kesa mahikayat nilang sumali or maniwala sa pinaniniwalaan nila.
 
1 Comment
E
-Edogawa-
kaya nga idol try ko man humanap ano tlga ang tama sa iba iba paliwanag nila pero may makita kapa din alam mo sa sarili mo mali yun ang naiiwan sa isip ko na tanong pano nga ba? kaya sakin nsa tao nlng tlga
 

marcoramiro01

Established
Juan 5:39 "Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin."

Sinabi ni Cristo na Siya ang daan, ang katotohanan at ang buhay, walang makaparoroon sa Ama kundi sa pamamagitan Niya (Juan 14:6). Ayan napakalinaw naman para sa lahat na si Cristo ang daan para makaparoon sa Ama. Hindi yung mga relihiyon o sektang inaaniban ng tao ang daan para makamit ang buhay na walang hanggan kundi si Jesus. Ewan ko ba at bakit ipinipilit ng maraming relihiyon na sila ang tunay at tama, na parang sinasabi nila na sila ang daan upang makamit ang buhay na walang hanggan. Eh si Cristo mismo nagsabi na Siya ang daan at wala ng iba. Sinabi rin Niya na sinumang sumasampalataya sa Kanya ay may buhay na walang hanggan (Juan 6:47). Kaya tama ang sinasabi ni Cristo sa mga relihiyon o sektang ito, na sinasaliksik nila ang lahat ng mga kasulatan sa pag-aakalang sila ang tunay na relihiyon at sa kanila ikaw ay ligtas na at may buhay na walang hanggan. Binabaliwala nila ang sinabi ni Cristo na Siya ang daan upang makaparoon sa Ama at sa pananalig sa Kanya makakamit ang buhay na walang hanggan. Kaya sana itigil na ng iba't ibang relihiyon o sekta ang sinasabi nilang sila ang tunay at tamang relihiyon.
 
T
thunderlight
Tama ka diyan.
Tulad ng sinabi din ng Panginoong Hesus ang nauuna sa kanya ay magnanakaw. Kaya masasabi kong magnanakaw ang bawat leder na nagsasabi na sa kanilang samahan ang may tunay na kaligtasan.
 
God po na nasa bible... katoliko po ako idol at yun dahil sa binyagan ako dahil sa magulang ko.. at kahit nga po ako ay nsa katoliko yan un mga tanong sa isip ko pano malalaman nsa tama ka kung lahat ng relihiyon ay nakkitaan ng mali..
So may nakikita ka bang mali sa religion mo?? Tingin mo ba tama ang interpretasyon mo sa bible?? Ask urself din baket need mo iconsider kung ano sinasabi ng bible?
 
1 Comment
E
-Edogawa-
una po diko nga po masabi kung nasa tama din po ako o tama din yin interpretasyon ko mga tanong ko din po yan sa sarili ko..

kya nga po kako siguro ay depende na lang talaga sa tao hindi sa relihiyon yun po ay sa akin lang,,, salamat idol
 
una po diko nga po masabi kung nasa tama din po ako o tama din yin interpretasyon ko mga tanong ko din po yan sa sarili ko..

kya nga po kako siguro ay depende na lang talaga sa tao hindi sa relihiyon yun po ay sa akin lang,,, salamat idol
May nakikita ka ba na maling turo sa religion mo? Or wat have u done so far para iaddress yang doubts mo?

Like anong specific ideas ba ang may doubts ka?
 
1 Comment
E
-Edogawa-
Pero ikaw po idol sa tingin mopo ba nsa tama ka relihiyon?
 
Walang ibang tinapay na ibinigay ang mesaiah sa kanyang mga taga-sunod
TINAPAY NA WALANG LEBADURA ( kung mauunawaan )
Dinadaan daanan lang yan sa biblia subalit ayaw unawain kasi marereject ang reliyon
Kaya mas minabuti nalang gawing literal
Para mapagtakpan
 
Comment
Mateo 16:11-12

11 Paanong hindi ninyo naunawaan na ang sinabi ko ay hindi tungkol sa tinapay? Ngunit mag-ingat kayo sa lebadura ng mga Fariseo at mga Saduceo!”

12 Kaya't naunawaan nila na ang sinabi ni Jesus ay hindi sa pampaalsa ng tinapay mag-ingat kundi sa mga aral ng mga Fariseo at Saduceo.
 
1 Comment
E
-Edogawa-
thank you po s thumbs down and sa comment
 

Silent07

Established
Kung gusto mo talagang gumawa ng kalooban ng Dios, makikilala mo ang turo kung sa Dios talaga galing.

Kung ang sinomang tao ay nagiibig gumawa ng kaniyang kalooban, ay makikilala niya ang turo, kung ito'y sa Dios, o kung ako'y nagsasalita na mula sa aking sarili.

Ang nagsasalita ng sa ganang kaniyang sarili'y humahanap ng kaniyang sariling kaluwalhatian: datapuwa't ang humahanap ng kaluwalhatian niyaong sa kaniya'y nagsugo, ang gayon ay totoo, at sa kaniya'y walang kalikuan.

Juan 7:17-18
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
 
Last edited:
Comment

stredaleve

Established
For many seeks to be right, but fail to see the truth.

Very few believers will make it into the life that Jesus was preaching kingdom life. Jesus Himself said it is very hard and few will find it. But many consider that as wrong especially in their own regard. These have not understood the teachings of Jesus or the gospel but have accepted a human religious interpretation of it that declaws the truth so as to make it easy and palatable.
 
Comment

Online statistics

Members online
692
Guests online
863
Total visitors
1,555

Forum statistics

Threads
829,782
Messages
16,416,492
Members
1,446,305
Top