Naging Malupit ba ang Batas ni Jehova Pagdating sa Pag-Aalipin?
Gaya ng nabanggit na, nagkaroon ng mga probisyon ang batas ni Jehova pagdating sa mga alipin noong panahon ng Bibliya.
Yamang ang salitang
'alipin', sa pagdaan ng panahon, ay nagkaroon ng pangit na kahulugan dahil sa mga masasamang naranasan ng mga tao mula sa kanilang kapuwa, mapapansin na sa Bibliya, may ibang pakahulugan ang salitang 'alipin.'
Ang salitang Hebreo na
עָ֫בֶד (ebed) (number H5650) ay puwedeng isalin na
'alipin' o 'lingkod.'
Ang mga salita sa orihinal na wika na isinalin bilang “alipin” o “lingkod” ay hindi lamang kumakapit sa mga indibiduwal na pag-aari ng iba.
Ginagamit din ang salitang ito upang tumukoy sa sarili kapag kaniyang ipinakikilala ang kaniyang sarili o kanilang mga sarili sa harapan ng iba.
[Genesis 33:5]
Ginagamit din ang salitang ito sa mga mananamba mismo ni Jehova.
At kahit hindi isang mananamba ni Jehova ay puwede rin tukuyin ng Diyos na kaniyang lingkod.
At marami pang iba.
Kaya, sa iba't-ibang pagkakataon,
ang salitang alipin ay hindi palaging tumutukoy sa isa na labis na pinagmamalupitan o pinahihirapan, kagaya na lamang ng kaugnay na salitang Hebreo na עָבַד abad , na ginamit sa Exodo 1:14, kung saan inilarawan mismo ang naging trabaho ng mga Israelita nang sila ay maging alipin habang sila ay nasa Ehipto.
Katunayan, sa Israel noon, posible ding yumaman ang isang alipin at matubos niya ang kaniyang sarili.—Lev 25:49.
Magandang Balita Biblia
O ang kaniyang amain o ang anak ng kaniyang amain ay makatutubos sa kaniya; o sinomang kamaganak na malapit niya sa kaniyang sangbahayan ay makatutubos sa kaniya; o kung yumaman siya ay makatutubos siya sa kaniyang sarili.
Gayundin naman, ang mga alipin ay puwede ring magkaroon ng mataas na posisyon, gaya na lamang ng alipin ni Abraham na si Eliezer,
Genesis 24:2 (Magandang Balita Biblia)
Sinabi niya sa pinakamatanda niyang alipin na kanyang katiwala, “Ilagay mo ang iyong kamay sa pagitan ng aking mga hita at manumpa ka.
o gaya ni Jose na naging alipin noon sa Ehipto, ngunit sa kalaunan ay nakatanggap ng mga pananagutan bilang mataas na opisyal doon.
NGAYON, ANO ANG PUNTO KO DITO?
Sa Bibliya,
kapag inilalarawan ang salitang 'alipin', hindi ito palaging nangangahulugan ng pagmamalupit sa isang tao na nasa ilalim ng pamamahala ng kaniyang panginoon.
Tanong: Ang ulat ba sa Exodo 21:20, 21 ay nagpapakita na puwedeng pagmalupitan ng mga mananamba ng Diyos ang mga alipin o ang kanilang mga lingkod?
Buweno, bagaman
maaaring paluin o saktan ng panginoon ang kaniyang alipin, at depende sa magiging pasiya ng mga hukom, ipaghihiganti ang alipin kung mamatay ito dahil sa pamamalo ng kaniyang panginoon. Gayunman,
kung ang alipin ay magtagal pa nang isa o dalawang araw bago ito mamatay—anupat nagpapahiwatig na hindi binalak ng panginoon na patayin ang kaniyang alipin kundi nais lamang niya siyang disiplinahin—hindi siya ipaghihiganti. (Exo 21:20, 21, 26, 27; Lev 24:17)
Tanong: Ano ang mga kasangkapan na ipinagbawal ni Jehova pagdating sa paggamit ng pamalo?
Pansinin ang sinasabi ng Bilang 35:16-18
16 “‘Pero kung sinaktan ng isa ang kapuwa niya
gamit ang isang bagay na yari sa bakal at namatay ito, mamamatay-tao siya.
Dapat siyang patayin.
17 At kung sinaktan niya ito
gamit ang bato na puwedeng makapatay at namatay ito, mamamatay-tao siya.
Dapat siyang patayin.
18 At kung sinaktan niya ito
gamit ang isang bagay na yari sa kahoy na puwedeng makapatay at namatay ito, mamamatay-tao siya.
Dapat siyang patayin.”
ANO ANG PUNTO?
Kapag ang mga kasangkapang iyan - bakal, bato, o kahoy, ang ginamit bilang pangdisiplina sa isang alipin, at namatay ito, ang panginoon na nagmamay-ari sa alipin, ay papatayin.
Tanong: Paano naman sa kaso na nabuhay pa after 2 to 3 days pero kalaunan ay namatay? Bakit sinasabi ng Bibliya na 'hindi ipaghihiganti' ang alipin?
Buweno, yamang ang bansang Israel noon ay napasailalim ng imperyo ng Ehipto, alam nila mismo ang pakiramdam ng pagiging isang alipin dahil naranasan nila mismo ang maging alipin sa bansang iyon. Kaya, si Jehova mismo ay nagsabi sa kanila ng ganito:
Levitico 18:3
“Huwag ninyong gagayahin ang ginagawa ng mga tao sa Ehipto, na tinirhan ninyo noon, at huwag ninyong gagawin ang ginagawa ng mga tao sa Canaan, kung saan ko kayo dadalhin. Huwag kayong susunod sa kanilang mga batas.”
Kaya
mahigpit na pinagbawalan ng Diyos na Jehova ang mga Israelita sa pagtulad sa gawain ng mga Ehipsiyo. Oo, ayaw mismo ni Jehova na tularan ng mga Israelita ang naging pakikitungo sa kanila ng mga Ehipsiyo.
At ganito pa ang sinabi ni Jehova tungkol naman sa mga dayuhang naninirahan sa gitna nila, yamang sila mismo ay naging naninirahang dayuhan noon sa Ehipto:
Exodo 22:21
“Huwag mong pagmamalupitan o pahihirapan ang dayuhang naninirahang kasama ninyo, dahil nanirahan din kayo bilang dayuhan sa Ehipto.”
Levitico 19:34
“Ang dayuhan na naninirahang kasama ninyo ay dapat ninyong ituring na gaya ng isang katutubo sa gitna ninyo; at dapat mo siyang mahalin gaya ng iyong sarili, dahil nanirahan din kayo bilang dayuhan sa Ehipto. Ako ang Diyos ninyong si Jehova.”
Bakit itinagubilin ito ng Diyos? Dahil maging
ang mga naninirahang dayuhan o ang anak ng mga naninirahang dayuhan noon ay puwede ring bilhin upang maging alipin o upahang trabahador.
Levitico 25:44, 45
“Ang mga alipin mong lalaki at babae ay magmumula sa mga bansang nasa palibot ninyo, at mula sa mga ito ay makabibili kayo ng aliping lalaki o babae. Puwede ka ring bumili ng alipin mula sa mga anak ng dayuhang naninirahang kasama ninyo, mula sa mga kapamilya nila na ipinanganak sa inyong lupain, at sila ay magiging pag-aari ninyo.”
Kaya,
kung ang isang naninirahang dayuhan o ang anak ng naninirahang dayuhan ay kunin bilang isang alipin o upahang trabahador, hindi siya dapat pakitunguhan nang may kalupitan.
Kumusta naman sa isyu nung pamamalo o puwedeng saktan ang isang alipin?
Buweno, ipinakikita mismo ng Bibliya na
ang pagpalo, bilang paraan ng pagdidisiplina, ay hindi naman nakamamatay.
Kawikaan 23:13
“Huwag mong ipagkait sa bata ang disiplina.
Hindi siya mamamatay dahil sa pamalo.”
NGAYON, ANO ANG KONKLUSYON NITONG MGA 'TO?
Na
ang batas ni Jehova, particularly sa Exodo 21:20, 21,
ay hindi isang pagmamalupit sa mga alipin, bagkus, nagbibigay pa nga ng babala at katarungan sa mga alipin o lingkod kapag sila ay pinakitunguhan ng kanilang mga panginoon sa malupit na paraan.
Sa kaso naman na kung ang isang alipin ay magtagal pa nang isa o dalawang araw,
makatuwirang mag-alinlangan kung talagang namatay siya dahil sa pagpaparusa, dahil maliwanag mismo sa mga nabanggit na punto na ipinagbawal mismo ni Jehova ang pagmamalupit sa ibang tao, bagkus, ay ang kabaligtaran pa nga nito - ang mahalin sila gaya ng pagmamahal nila sa kanilang sarili.
Tanong: Paano kung ikatuwiran natin?
"Siyempre, Bible yan, posibleng inalis na yung ibang nakasulat diya'n, so, malamang hindi nila ilalagay diya'n yung mismong ulat kung ano talaga ang ikinamatay ng isang alipin na sinaktan ng kaniyang panginoon. Hindi ba?"
Well, gaya ng nabanggit ko na,
hindi lang naman ang pananakit ang posibleng maging dahilan ng pagkamatay ng isang alipin. Maraming puwedeng isipin na dahilan. Kasi,
kung yung part ng pananakit ang pagtutuunan natin ng pansin, [hindi naman natin iniiwasan], hindi na natin maiisip na 'may iba pang posibleng dahilan kung bakit namatay ang isang alipin.'
Yung COVID 19 nga, for example na lamang. Hindi lahat ng namamatay sa COVID 19 eh masasabing yun talaga ang ikinamatay nila, right? Maraming nagdududa sa bagay na 'yan; maraming puwedeng i-consider, like, mero'n na talagang previous na sakit, mahinang kalusugan, at iba pa. Though ibang case naman kasi ang sakit, sa pananakit. Right? But my point is, possible din kasi na may sakit na yung isang lingkod or mahina na ang kaniyang kalusugan.
Totoo, nandoon yung pagdududa. Pero, sa mga probisyon na nabanggit, at mga utos na binanggit ni Jehova na dapat maging pakikitungo sa mga alipin, napakalayong mangyari na ang isang tao ay mamamatay dahil lang sa sinaktan siya, bilang disiplina sa kaniya.
View attachment 1483381