What's new

Mga Paksa Tungkol Sa Sinasabi ng Bibliya (Thread created by Mind Palace)

Tungkol dun sa modern slavery, nakuha mo ba yung point ko don? Di ko naman sinabing "slavery" talaga yun. Ang sabi ko ay "katulad". Di ko sinabing slavery yun pero "parang" 🙂

Tungkol naman dun sa part ng verse na sinabi mo yung kung mamatay yung slave in the hand of the master, papatayin din yung master pero kung di mamatay e hindi papatayin yung master. Para maintindihan yan, kailangan mo i consider pa yung ibang angle. Pero baka i explain na yan ni mind kasi sabi niya siya daw sasagot. Kung may kailangan idagdag e ihahabol ko nalang

Sa ibang sinabi mo, sagutin kita maya o bukas :)
 
The slavery we are talking about is different sa "modern slavery"... And even ung samples mo eh iba din sa "modern slavery".... Gets ko ung pinopoint mo na sinasabi ng iba na pagiging alipin sa trabaho nila.... Pero lets not compare that to what we are discussing cause we both know nman na magkaiba un at di un ang pinaguusapan natin...

Answer lang u when u can.

Is slavery moral or not?
Are u willing to be a slave as prescribed in the bible?
 
Naging Malupit ba ang Batas ni Jehova Pagdating sa Pag-Aalipin?

Gaya ng nabanggit na, nagkaroon ng mga probisyon ang batas ni Jehova pagdating sa mga alipin noong panahon ng Bibliya.

Yamang ang salitang 'alipin', sa pagdaan ng panahon, ay nagkaroon ng pangit na kahulugan dahil sa mga masasamang naranasan ng mga tao mula sa kanilang kapuwa, mapapansin na sa Bibliya, may ibang pakahulugan ang salitang 'alipin.'

Ang salitang Hebreo na עָ֫בֶד (ebed) (number H5650) ay puwedeng isalin na 'alipin' o 'lingkod.'

215187780_1416891495346694_5936960382535007779_n.jpg

Exodo 21:20

214655581_4118199351592214_5266612965843680852_n.jpg

Exodo 21:5

214185678_1150797395387416_3545486384886927645_n.jpg

Exodo 21:2

211308014_515431019696945_6169241375274460889_n.jpg

Ang mga salita sa orihinal na wika na isinalin bilang “alipin” o “lingkod” ay hindi lamang kumakapit sa mga indibiduwal na pag-aari ng iba. Ginagamit din ang salitang ito upang tumukoy sa sarili kapag kaniyang ipinakikilala ang kaniyang sarili o kanilang mga sarili sa harapan ng iba.

[Genesis 33:5]
215242851_1278383032577398_7296372063464485128_n.jpg

Magandang Balita Biblia (Genesis 33:5
At itiningin ni Esau ang mga mata niya, at nakita ang mga babae at ang mga bata, at sinabi, Sinosino itong mga kasama mo? At kaniyang sinabi, Ang mga anak na ipinagkaloob ng Dios sa iyong lingkod.

Ginagamit din ang salitang ito sa mga mananamba mismo ni Jehova.

[2 Hari 10:23]
213898001_310502917442411_7904257117324184189_n.jpg

American Standard Version
2 Kings 10:23
And Jehu went, and Jehonadab the son of Rechab, into the house of Baal; and he said unto the worshippers of Baal, Search, and look that there be here with you none of the servants of Jehovah, but the worshippers of Baal only.

At kahit hindi isang mananamba ni Jehova ay puwede rin tukuyin ng Diyos na kaniyang lingkod.

[Jeremias 27:6]
And now have I given all these lands into the hand of Nebuchadnezzar the king of Babylon, my servant; and the beasts of the field also have I given him to serve him

214248450_2831759533802178_4908960341399334733_n.jpg

At marami pang iba.

Kaya, sa iba't-ibang pagkakataon, ang salitang alipin ay hindi palaging tumutukoy sa isa na labis na pinagmamalupitan o pinahihirapan, kagaya na lamang ng kaugnay na salitang Hebreo na עָבַד abad , na ginamit sa Exodo 1:14, kung saan inilarawan mismo ang naging trabaho ng mga Israelita nang sila ay maging alipin habang sila ay nasa Ehipto.

213481390_352526706234475_2975007474999242560_n.jpg
Exodo 1:14
At kanilang pinapamuhay sila ng masaklap sa pamamagitan ng mahirap na paglilingkod, sa argamasa at sa laryo, at sa lahat ng sarisaring paglilingkod sa bukid, at sa lahat ng paglilingkod nila na ipinapaglingkod (H647, Hebrew, abad) sa kanila, na may kabagsikan.

212919695_966557280838914_1123622339751447642_n.jpg

Katunayan, sa Israel noon, posible ding yumaman ang isang alipin at matubos niya ang kaniyang sarili.—Lev 25:49.
Magandang Balita Biblia
O ang kaniyang amain o ang anak ng kaniyang amain ay makatutubos sa kaniya; o sinomang kamaganak na malapit niya sa kaniyang sangbahayan ay makatutubos sa kaniya; o kung yumaman siya ay makatutubos siya sa kaniyang sarili.

Gayundin naman, ang mga alipin ay puwede ring magkaroon ng mataas na posisyon, gaya na lamang ng alipin ni Abraham na si Eliezer,

Genesis 24:2 (Magandang Balita Biblia)
Sinabi niya sa pinakamatanda niyang alipin na kanyang katiwala, “Ilagay mo ang iyong kamay sa pagitan ng aking mga hita at manumpa ka.

o gaya ni Jose na naging alipin noon sa Ehipto, ngunit sa kalaunan ay nakatanggap ng mga pananagutan bilang mataas na opisyal doon.

NGAYON, ANO ANG PUNTO KO DITO?

Sa Bibliya, kapag inilalarawan ang salitang 'alipin', hindi ito palaging nangangahulugan ng pagmamalupit sa isang tao na nasa ilalim ng pamamahala ng kaniyang panginoon.

Tanong: Ang ulat ba sa Exodo 21:20, 21 ay nagpapakita na puwedeng pagmalupitan ng mga mananamba ng Diyos ang mga alipin o ang kanilang mga lingkod?

Buweno, bagaman maaaring paluin o saktan ng panginoon ang kaniyang alipin, at depende sa magiging pasiya ng mga hukom, ipaghihiganti ang alipin kung mamatay ito dahil sa pamamalo ng kaniyang panginoon. Gayunman, kung ang alipin ay magtagal pa nang isa o dalawang araw bago ito mamatay—anupat nagpapahiwatig na hindi binalak ng panginoon na patayin ang kaniyang alipin kundi nais lamang niya siyang disiplinahin—hindi siya ipaghihiganti. (Exo 21:20, 21, 26, 27; Lev 24:17)

Tanong: Ano ang mga kasangkapan na ipinagbawal ni Jehova pagdating sa paggamit ng pamalo?

Pansinin ang sinasabi ng Bilang 35:16-18

16 “‘Pero kung sinaktan ng isa ang kapuwa niya gamit ang isang bagay na yari sa bakal at namatay ito, mamamatay-tao siya. Dapat siyang patayin.

17 At kung sinaktan niya ito gamit ang bato na puwedeng makapatay at namatay ito, mamamatay-tao siya. Dapat siyang patayin.

18 At kung sinaktan niya ito gamit ang isang bagay na yari sa kahoy na puwedeng makapatay at namatay ito, mamamatay-tao siya. Dapat siyang patayin.

ANO ANG PUNTO?

Kapag ang mga kasangkapang iyan - bakal, bato, o kahoy, ang ginamit bilang pangdisiplina sa isang alipin, at namatay ito, ang panginoon na nagmamay-ari sa alipin, ay papatayin.

Tanong: Paano naman sa kaso na nabuhay pa after 2 to 3 days pero kalaunan ay namatay? Bakit sinasabi ng Bibliya na 'hindi ipaghihiganti' ang alipin?

Buweno, yamang ang bansang Israel noon ay napasailalim ng imperyo ng Ehipto, alam nila mismo ang pakiramdam ng pagiging isang alipin dahil naranasan nila mismo ang maging alipin sa bansang iyon. Kaya, si Jehova mismo ay nagsabi sa kanila ng ganito:

Levitico 18:3
Huwag ninyong gagayahin ang ginagawa ng mga tao sa Ehipto, na tinirhan ninyo noon, at huwag ninyong gagawin ang ginagawa ng mga tao sa Canaan, kung saan ko kayo dadalhin. Huwag kayong susunod sa kanilang mga batas.”​

Kaya mahigpit na pinagbawalan ng Diyos na Jehova ang mga Israelita sa pagtulad sa gawain ng mga Ehipsiyo. Oo, ayaw mismo ni Jehova na tularan ng mga Israelita ang naging pakikitungo sa kanila ng mga Ehipsiyo.

At ganito pa ang sinabi ni Jehova tungkol naman sa mga dayuhang naninirahan sa gitna nila, yamang sila mismo ay naging naninirahang dayuhan noon sa Ehipto:

Exodo 22:21​
Huwag mong pagmamalupitan o pahihirapan ang dayuhang naninirahang kasama ninyo, dahil nanirahan din kayo bilang dayuhan sa Ehipto.”​

Levitico 19:34​
“Ang dayuhan na naninirahang kasama ninyo ay dapat ninyong ituring na gaya ng isang katutubo sa gitna ninyo; at dapat mo siyang mahalin gaya ng iyong sarili, dahil nanirahan din kayo bilang dayuhan sa Ehipto. Ako ang Diyos ninyong si Jehova.”​

Bakit itinagubilin ito ng Diyos? Dahil maging ang mga naninirahang dayuhan o ang anak ng mga naninirahang dayuhan noon ay puwede ring bilhin upang maging alipin o upahang trabahador.

Levitico 25:44, 45​
Ang mga alipin mong lalaki at babae ay magmumula sa mga bansang nasa palibot ninyo, at mula sa mga ito ay makabibili kayo ng aliping lalaki o babae. Puwede ka ring bumili ng alipin mula sa mga anak ng dayuhang naninirahang kasama ninyo, mula sa mga kapamilya nila na ipinanganak sa inyong lupain, at sila ay magiging pag-aari ninyo.”​

Kaya, kung ang isang naninirahang dayuhan o ang anak ng naninirahang dayuhan ay kunin bilang isang alipin o upahang trabahador, hindi siya dapat pakitunguhan nang may kalupitan.

Kumusta naman sa isyu nung pamamalo o puwedeng saktan ang isang alipin?

Buweno, ipinakikita mismo ng Bibliya na ang pagpalo, bilang paraan ng pagdidisiplina, ay hindi naman nakamamatay.

Kawikaan 23:13
“Huwag mong ipagkait sa bata ang disiplina. Hindi siya mamamatay dahil sa pamalo.”

NGAYON, ANO ANG KONKLUSYON NITONG MGA 'TO?

Na ang batas ni Jehova, particularly sa Exodo 21:20, 21, ay hindi isang pagmamalupit sa mga alipin, bagkus, nagbibigay pa nga ng babala at katarungan sa mga alipin o lingkod kapag sila ay pinakitunguhan ng kanilang mga panginoon sa malupit na paraan.

Sa kaso naman na kung ang isang alipin ay magtagal pa nang isa o dalawang araw, makatuwirang mag-alinlangan kung talagang namatay siya dahil sa pagpaparusa, dahil maliwanag mismo sa mga nabanggit na punto na ipinagbawal mismo ni Jehova ang pagmamalupit sa ibang tao, bagkus, ay ang kabaligtaran pa nga nito - ang mahalin sila gaya ng pagmamahal nila sa kanilang sarili.

Tanong: Paano kung ikatuwiran natin?

"
Siyempre, Bible yan, posibleng inalis na yung ibang nakasulat diya'n, so, malamang hindi nila ilalagay diya'n yung mismong ulat kung ano talaga ang ikinamatay ng isang alipin na sinaktan ng kaniyang panginoon. Hindi ba?"

Well, gaya ng nabanggit ko na, hindi lang naman ang pananakit ang posibleng maging dahilan ng pagkamatay ng isang alipin. Maraming puwedeng isipin na dahilan. Kasi, kung yung part ng pananakit ang pagtutuunan natin ng pansin, [hindi naman natin iniiwasan], hindi na natin maiisip na 'may iba pang posibleng dahilan kung bakit namatay ang isang alipin.'

Yung COVID 19 nga, for example na lamang. Hindi lahat ng namamatay sa COVID 19 eh masasabing yun talaga ang ikinamatay nila, right? Maraming nagdududa sa bagay na 'yan; maraming puwedeng i-consider, like, mero'n na talagang previous na sakit, mahinang kalusugan, at iba pa. Though ibang case naman kasi ang sakit, sa pananakit. Right? But my point is, possible din kasi na may sakit na yung isang lingkod or mahina na ang kaniyang kalusugan.

Totoo, nandoon yung pagdududa. Pero, sa mga probisyon na nabanggit, at mga utos na binanggit ni Jehova na dapat maging pakikitungo sa mga alipin, napakalayong mangyari na ang isang tao ay mamamatay dahil lang sa sinaktan siya, bilang disiplina sa kaniya.

215187780_1416891495346694_5936960382535007779_n.jpg
 
Attachments

Last edited:
Is slavery moral or not?
Kahulugan ng Moral

Ang moral ay binibigyang-kahulugan bilang "nababahala sa mga prinsipyo ng tama at maling pag-uugali at ang kabutihan o kasamaan ng ugali ng tao."

concerned with the principles of right and wrong behavior and the goodness or badness of human character.

o "pamantayan ng pag-uugali o paniniwala ng isang tao patungkol sa kung ano ang katanggap-tanggap at hindi katanggap-tanggap na gawin nila."

a person's standards of behavior or beliefs concerning what is and is not acceptable for them to do.

Kaya, may kinalaman sa kahulugan ng moral, ito ay dumedepende sa kung ano ang mabuti at kung ano masama ayon sa isang tao o sa kung ano ang kaniyang pinaniniwalaan na katanggap-tanggap at hindi katanggap-tanggap.

Katanggap-tanggap ba ang Pang-aalipin?

Yamang iba iba ang pamantayan ng mga tao sa kung ano ang mabuti at masama, nagkakaiba iba din ang pananaw pagdating sa kung ano ang katanggap-tanggap sa hindi katanggap tanggap. May kinalaman sa Slavery, ganito ang pakahulugan na ibinigay ng BBC:

Slavery can broadly be described as the ownership, buying and selling of human beings for the purpose of forced and unpaid labour. Slavery is one of the things that everyone agrees is unethical. In fact there is such general agreement that most people would probably say that 'slavery is wrong just because it's wrong'.

Binanggit dito na ang pang-aalipin ay inilalarawan bilang pagmamay-ari sa, pagbili at pagbenta ng mga, tao sa layunin ng puwersahang pagtatrabaho at WALANG BAYAD NA PAGGAWA.

Idinagdag pa nito na:

Sang-ayon ang bawat isa na ang pang-aalipin ay isa sa mga bagay na masasabing hindi katanggap-tanggap. Sa katunayan, marami ang nagkakasundo, na karamihan sa mga tao ay malamang na magsabing 'ang pang-aalipin ay mali dahil sa mali ito.'

Buweno, gaya ng pagkakalalarawan, ang puwersahang pagtatrabaho nang walang kabayaran, ang uri ng pang-aalipin na malupit at hindi katanggap-tanggap, o labag sa moral.

Kumusta naman ang pang-aalipin na binanggit sa Bibliya? Ang mga alipin ba noon ay puwersahan lamang na pinagtatrabaho nang walang anumang kabayaran?

Gaya ng nabanggit na, ang salitang 'alipin' sa Bibliya ay may ibang pakahulugan sa kung ano ang binibigay na pakahulugan ng sanlibutan dito sa ngayon;

Totoo na ang ilan sa mga naging alipin ng mga Israelita ay puwersahang pinagtarabaho, pero maliwanag mismo sa mga kautusan ni Jehova na ang mga aliping ito ay hindi dapat pagmalupitan o pakitunguhan na gaya ng naging pakikitungo sa kanila noon bilang mga alipin sa Ehipto.

Binigyan pa nga sila ng napakaraming probisyon.

Katunayan, ang kaayusan sa pang-aalipin noon sa bansang Israel ay naging isang paraan pa nga para maprotektahan ang pamilya para hindi sila tuluyang malugmok sa kahirapan. Posibleng ang pamilyang iyon ay may napakalaking utang, kaya naobliga sila, na maging ang kanilang lupaing minana ay ibinenta nila, o kung hindi man, ang pamilya o ang isa sa mga miyembro nito ay pumapasok sa pagiging 'alipin'. Pero ang pagiging alipin na iyon ay maihahalintulad lamang sa makabagong-panahong pagtatrabaho kung saan ang isang tao ay nagtatrabaho para sa isang tao. Tinatawag pa nga ito ng iba bilang 'economic slavery.'

Pansinin din kung ano ang dapat na maging tingin sa kanila ng mga mananamba ng Diyos:

Levitico 25:40​
"Kung dahil sa labis na kahirapan ay mapilitan ang isang Israelita na ipagbili sa inyo ang kanyang sarili, huwag ninyo siyang ituturing na alipin. Ituring ninyo siyang katulong o dayuhang upahan, at maglilingkod siya sa inyo hanggang sumapit ang Taon ng Paglaya."​

Ano pa?

Kapag pinalaya na siya sa pagiging 'alipin', bibigyan pa siya ng materyal na mga bagay, upang matulungan siya at ang kaniyang pamilya na makapagsimulang muli.

Deuteronomio 15:13-15
13 At kung palalayain mo na siya, huwag mo siyang paalisin nang walang dala.
14 Dapat kang maging bukas-palad sa pagbibigay sa kaniya ng anuman mula sa iyong kawan, giikan, at pisaan para sa langis at alak. Dapat mo siyang bigyan ayon sa pagpapala sa iyo ni Jehova na iyong Diyos.
15 Alalahanin mong naging alipin ka sa Ehipto at pinalaya ka ni Jehova na iyong Diyos. Iyan ang dahilan kung bakit ko ito iniuutos sa iyo ngayon.

Sa pamamagitan ng ganitong kaayusan, naiiwasan ng mga pamilya na maghikahos sa buhay, at puwede pa nga silang makabili ng pagkain at pananamit hanggang sa panahon na makatayo na silang muli sa sarili nilang mga paa.

Oo, ibang-iba ang pagiging alipin sa Israel kung ikukumpara sa pagkaalipin sa ibang mga bansa na nakapaligid sa kanila noon.

Katunayan, yamang noon, kapag nilulupig ang isang bansa, ang mga nakatira doon ay dinadalang bihag; may bansa pa nga na mas piniling maging alipin ng bansang Israel kaysa ang mapuksa.

Halimbawa na lang nito ay ang Gibeon.

Ang mga Gibeonita ay isa sa mga itinalaga ng Diyos sa pagkapuksa dahil sa kanilang kasuklam-suklam na mga gawain sa kanilang lupain. Dahil sa takot na mapuksa, sila ay nakipagpayapaan sa Israel sa pamamagitan ng panlilinlang, na kunwari'y galing sila sa isang malayong lupain.

[Joshua 9:8, 9]

214494718_245513723713107_5658682261373128540_n.jpg

Kaya, ano ang naging resulta ng kanilang pakikipagpayapaan?

Nang malaman ni Josue na nilinlang siya ng mga Gibeonita, wala na siyang nagawa [dahil nang panahong iyon ay nangako na sila na hindi sila sasaktan], kundi kinuha niya lamang sila na mga alipin anupat sila ay ginawang mga 'tagakuha ng kahoy at tagaigib ng tubig para sa buong Israel.'

NGAYON, ANO ANG PUNTO KO DITO?

Kung totoong mapagmalupit na bansa ang Israel, o na pinagmamalupitan ng Israel ang mga alipin, bakit pinipili ng iba na maging isang alipin? Kung alam nila na ang kapuwa nila mga Israelita ay mapaniil at malupit sa kanilang mga kapatid, bakit pa pipiliin nilang maging alipin ng kanilang mga kapatid?

Kaya, ang punto, magkaiba ang pagiging alipin sa bansang Israel kung ikukumpara sa mga bansang nakapaligid sa kanila. Ang pagiging alipin sa Israel ay isang MAIBIGING kaayusan, dahil napoprotektahan nito ang mga pamilya mula sa labis na paghihirap at nabibigyan pa nga ng pagkakataon na makapamuhay muli ng maalwan.

ITO BA AY MORALLY ACCEPTED?

Kung Bibliya ang pagbabasehan, oo naman, dahil may batas na gumagarantiya sa kanila na hindi sila dapat pagmalupitan o maltratuhin pa nga, bagkus dapat silang pakitunguhan bilang mga 'upahang trabahador', mahahalagang mga pag-aari, na tumutulong para mapalago ang negosyo; at sa kalaunan, kapag natapos na nila ang kanilang taon sa pagiging alipin, o nagkaroon na sila ng sapat na kakayahan para tubusin ang kanilang sarili, sila ay puwede ng makabalik sa kanilang mga pamilya.
 
Attachments

Are u willing to be a slave as prescribed in the bible?

Kung ako ang tatanungin, okay lang sa akin. :)
1 Pedro 2:16
Maging gaya kayo ng malalayang tao, at gamitin ang inyong kalayaan, hindi bilang dahilan sa paggawa ng masama, kundi bilang mga alipin ng Diyos.
 
Pero kung ang tinatanong mo ay yung literal na pagiging alipin sa bansang Israel noon .. Okay lang din sa akin .. Kasi, alam kong maibiging kaayusan 'yon ng Diyos .. at ako bilang alipin o lingkod o upahang trabahador, gagawin ko ang buo kong makakaya para makapaglingkod sa amo ko 🙂 kasi alam kong pagpapalain ng Diyos ang mga pagsisikap ko sa pagtatrabaho, gaya na lamang ng ninuno naming si Jose noon, kung paanong siya mismo ay pinagpala ng Diyos dahil sa kaniyang pagtitiis .. Ganoon din naman ako, kasi alam kong nasa lugmok o hikahos kami sa buhay, kaya, okay lang sa akin kung maging alipin ako, o upahang trabahador ..

[Ito ang aking perception kung ako ay isang alipin sa bansang Israel, kasi, kilala ko ang Diyos na sinasamba ko, hindi gaya ng pagkakilala ng ibang tao sa Kaniya]

🙂
 
Naging Malupit ba ang Batas ni Jehova Pagdating sa Pag-Aalipin?

Gaya ng nabanggit na, nagkaroon ng mga probisyon ang batas ni Jehova pagdating sa mga alipin noong panahon ng Bibliya.

Yamang ang salitang 'alipin', sa pagdaan ng panahon, ay nagkaroon ng pangit na kahulugan dahil sa mga masasamang naranasan ng mga tao mula sa kanilang kapuwa, mapapansin na sa Bibliya, may ibang pakahulugan ang salitang 'alipin.'

Ang salitang Hebreo na עָ֫בֶד (ebed) (number H5650) ay puwedeng isalin na 'alipin' o 'lingkod.'

Ang mga salita sa orihinal na wika na isinalin bilang “alipin” o “lingkod” ay hindi lamang kumakapit sa mga indibiduwal na pag-aari ng iba. Ginagamit din ang salitang ito upang tumukoy sa sarili kapag kaniyang ipinakikilala ang kaniyang sarili o kanilang mga sarili sa harapan ng iba.

[Genesis 33:5]

Ginagamit din ang salitang ito sa mga mananamba mismo ni Jehova.

At kahit hindi isang mananamba ni Jehova ay puwede rin tukuyin ng Diyos na kaniyang lingkod.

At marami pang iba.

Kaya, sa iba't-ibang pagkakataon, ang salitang alipin ay hindi palaging tumutukoy sa isa na labis na pinagmamalupitan o pinahihirapan, kagaya na lamang ng kaugnay na salitang Hebreo na עָבַד abad , na ginamit sa Exodo 1:14, kung saan inilarawan mismo ang naging trabaho ng mga Israelita nang sila ay maging alipin habang sila ay nasa Ehipto.

Katunayan, sa Israel noon, posible ding yumaman ang isang alipin at matubos niya ang kaniyang sarili.—Lev 25:49.
Magandang Balita Biblia
O ang kaniyang amain o ang anak ng kaniyang amain ay makatutubos sa kaniya; o sinomang kamaganak na malapit niya sa kaniyang sangbahayan ay makatutubos sa kaniya; o kung yumaman siya ay makatutubos siya sa kaniyang sarili.

Gayundin naman, ang mga alipin ay puwede ring magkaroon ng mataas na posisyon, gaya na lamang ng alipin ni Abraham na si Eliezer,

Genesis 24:2 (Magandang Balita Biblia)
Sinabi niya sa pinakamatanda niyang alipin na kanyang katiwala, “Ilagay mo ang iyong kamay sa pagitan ng aking mga hita at manumpa ka.

o gaya ni Jose na naging alipin noon sa Ehipto, ngunit sa kalaunan ay nakatanggap ng mga pananagutan bilang mataas na opisyal doon.

NGAYON, ANO ANG PUNTO KO DITO?

Sa Bibliya, kapag inilalarawan ang salitang 'alipin', hindi ito palaging nangangahulugan ng pagmamalupit sa isang tao na nasa ilalim ng pamamahala ng kaniyang panginoon.

Tanong: Ang ulat ba sa Exodo 21:20, 21 ay nagpapakita na puwedeng pagmalupitan ng mga mananamba ng Diyos ang mga alipin o ang kanilang mga lingkod?

Buweno, bagaman maaaring paluin o saktan ng panginoon ang kaniyang alipin, at depende sa magiging pasiya ng mga hukom, ipaghihiganti ang alipin kung mamatay ito dahil sa pamamalo ng kaniyang panginoon. Gayunman, kung ang alipin ay magtagal pa nang isa o dalawang araw bago ito mamatay—anupat nagpapahiwatig na hindi binalak ng panginoon na patayin ang kaniyang alipin kundi nais lamang niya siyang disiplinahin—hindi siya ipaghihiganti. (Exo 21:20, 21, 26, 27; Lev 24:17)

Tanong: Ano ang mga kasangkapan na ipinagbawal ni Jehova pagdating sa paggamit ng pamalo?

Pansinin ang sinasabi ng Bilang 35:16-18

16 “‘Pero kung sinaktan ng isa ang kapuwa niya gamit ang isang bagay na yari sa bakal at namatay ito, mamamatay-tao siya. Dapat siyang patayin.

17 At kung sinaktan niya ito gamit ang bato na puwedeng makapatay at namatay ito, mamamatay-tao siya. Dapat siyang patayin.

18 At kung sinaktan niya ito gamit ang isang bagay na yari sa kahoy na puwedeng makapatay at namatay ito, mamamatay-tao siya. Dapat siyang patayin.

ANO ANG PUNTO?

Kapag ang mga kasangkapang iyan - bakal, bato, o kahoy, ang ginamit bilang pangdisiplina sa isang alipin, at namatay ito, ang panginoon na nagmamay-ari sa alipin, ay papatayin.

Tanong: Paano naman sa kaso na nabuhay pa after 2 to 3 days pero kalaunan ay namatay? Bakit sinasabi ng Bibliya na 'hindi ipaghihiganti' ang alipin?

Buweno, yamang ang bansang Israel noon ay napasailalim ng imperyo ng Ehipto, alam nila mismo ang pakiramdam ng pagiging isang alipin dahil naranasan nila mismo ang maging alipin sa bansang iyon. Kaya, si Jehova mismo ay nagsabi sa kanila ng ganito:

Levitico 18:3
Huwag ninyong gagayahin ang ginagawa ng mga tao sa Ehipto, na tinirhan ninyo noon, at huwag ninyong gagawin ang ginagawa ng mga tao sa Canaan, kung saan ko kayo dadalhin. Huwag kayong susunod sa kanilang mga batas.”​

Kaya mahigpit na pinagbawalan ng Diyos na Jehova ang mga Israelita sa pagtulad sa gawain ng mga Ehipsiyo. Oo, ayaw mismo ni Jehova na tularan ng mga Israelita ang naging pakikitungo sa kanila ng mga Ehipsiyo.

At ganito pa ang sinabi ni Jehova tungkol naman sa mga dayuhang naninirahan sa gitna nila, yamang sila mismo ay naging naninirahang dayuhan noon sa Ehipto:

Exodo 22:21​
Huwag mong pagmamalupitan o pahihirapan ang dayuhang naninirahang kasama ninyo, dahil nanirahan din kayo bilang dayuhan sa Ehipto.”​

Levitico 19:34​
“Ang dayuhan na naninirahang kasama ninyo ay dapat ninyong ituring na gaya ng isang katutubo sa gitna ninyo; at dapat mo siyang mahalin gaya ng iyong sarili, dahil nanirahan din kayo bilang dayuhan sa Ehipto. Ako ang Diyos ninyong si Jehova.”​

Bakit itinagubilin ito ng Diyos? Dahil maging ang mga naninirahang dayuhan o ang anak ng mga naninirahang dayuhan noon ay puwede ring bilhin upang maging alipin o upahang trabahador.

Levitico 25:44, 45​
Ang mga alipin mong lalaki at babae ay magmumula sa mga bansang nasa palibot ninyo, at mula sa mga ito ay makabibili kayo ng aliping lalaki o babae. Puwede ka ring bumili ng alipin mula sa mga anak ng dayuhang naninirahang kasama ninyo, mula sa mga kapamilya nila na ipinanganak sa inyong lupain, at sila ay magiging pag-aari ninyo.”​

Kaya, kung ang isang naninirahang dayuhan o ang anak ng naninirahang dayuhan ay kunin bilang isang alipin o upahang trabahador, hindi siya dapat pakitunguhan nang may kalupitan.

Kumusta naman sa isyu nung pamamalo o puwedeng saktan ang isang alipin?

Buweno, ipinakikita mismo ng Bibliya na ang pagpalo, bilang paraan ng pagdidisiplina, ay hindi naman nakamamatay.

Kawikaan 23:13
“Huwag mong ipagkait sa bata ang disiplina. Hindi siya mamamatay dahil sa pamalo.”

NGAYON, ANO ANG KONKLUSYON NITONG MGA 'TO?

Na ang batas ni Jehova, particularly sa Exodo 21:20, 21, ay hindi isang pagmamalupit sa mga alipin, bagkus, nagbibigay pa nga ng babala at katarungan sa mga alipin o lingkod kapag sila ay pinakitunguhan ng kanilang mga panginoon sa malupit na paraan.

Sa kaso naman na kung ang isang alipin ay magtagal pa nang isa o dalawang araw, makatuwirang mag-alinlangan kung talagang namatay siya dahil sa pagpaparusa, dahil maliwanag mismo sa mga nabanggit na punto na ipinagbawal mismo ni Jehova ang pagmamalupit sa ibang tao, bagkus, ay ang kabaligtaran pa nga nito - ang mahalin sila gaya ng pagmamahal nila sa kanilang sarili.

Tanong: Paano kung ikatuwiran natin?

"
Siyempre, Bible yan, posibleng inalis na yung ibang nakasulat diya'n, so, malamang hindi nila ilalagay diya'n yung mismong ulat kung ano talaga ang ikinamatay ng isang alipin na sinaktan ng kaniyang panginoon. Hindi ba?"

Well, gaya ng nabanggit ko na, hindi lang naman ang pananakit ang posibleng maging dahilan ng pagkamatay ng isang alipin. Maraming puwedeng isipin na dahilan. Kasi, kung yung part ng pananakit ang pagtutuunan natin ng pansin, [hindi naman natin iniiwasan], hindi na natin maiisip na 'may iba pang posibleng dahilan kung bakit namatay ang isang alipin.'

Yung COVID 19 nga, for example na lamang. Hindi lahat ng namamatay sa COVID 19 eh masasabing yun talaga ang ikinamatay nila, right? Maraming nagdududa sa bagay na 'yan; maraming puwedeng i-consider, like, mero'n na talagang previous na sakit, mahinang kalusugan, at iba pa. Though ibang case naman kasi ang sakit, sa pananakit. Right? But my point is, possible din kasi na may sakit na yung isang lingkod or mahina na ang kaniyang kalusugan.

Totoo, nandoon yung pagdududa. Pero, sa mga probisyon na nabanggit, at mga utos na binanggit ni Jehova na dapat maging pakikitungo sa mga alipin, napakalayong mangyari na ang isang tao ay mamamatay dahil lang sa sinaktan siya, bilang disiplina sa kaniya.

View attachment 1483381
No no no paps... I respect your knowledge about the bible... Pero lets not muddy the water and say that slavery is the same as service or servitude... Its not....

And the people of israel, when they were supposedly "enslaved" in egypt is also different.. what we are talking about is ung provisions ni god for the israelites on slavery...slaves ng mga israelita...and not them as slaves to other people...

Also wag na din ung excuse about translation... C'mon paps.. sure ung ancient words na ginamit before can mean different things . Pero the mere fact na sa translation na ginagamit nyo is iba ang gamit ng slave sa servant is in itself prove na un ang meaning tlaga...

And ur argument mo naman na "pagdidisiplina" eh assertion na lang... It doesnt say sa bible or atleast sa ginagamit nyong version na ang pagpalo sa slave eh para sa pagdisiplina...ang sabi lang eh paluin mo basta within certain parameters...u dont need a reason to do it..

Paluin as long they live within a day or two eh walang liability db?? Striking, palo, whatever means gawin ng master as long as di mamatay in two days eh wLang problema....

And my god! Are u seriously making an excuse na kahit mamatay ang isang slave eh "baka nman may iba pang contributing factors" kaya sya nmatay and it wasnt the beating alone?? Thats sickening paps ... Regardless kung may sakit or healthy ang isang tao theres no reason to beat them up as long as they live a day or two just because u own them. You shoudnt own people nga in the first place eh ..

Totally disagree with you on this paps...sorry....

Actually im not sorry pala..
 
Kahulugan ng Moral

Ang moral ay binibigyang-kahulugan bilang "nababahala sa mga prinsipyo ng tama at maling pag-uugali at ang kabutihan o kasamaan ng ugali ng tao."

o "pamantayan ng pag-uugali o paniniwala ng isang tao patungkol sa kung ano ang katanggap-tanggap at hindi katanggap-tanggap na gawin nila."

Kaya, may kinalaman sa kahulugan ng moral, ito ay dumedepende sa kung ano ang mabuti at kung ano masama ayon sa isang tao o sa kung ano ang kaniyang pinaniniwalaan na katanggap-tanggap at hindi katanggap-tanggap.

Katanggap-tanggap ba ang Pang-aalipin?

Yamang iba iba ang pamantayan ng mga tao sa kung ano ang mabuti at masama, nagkakaiba iba din ang pananaw pagdating sa kung ano ang katanggap-tanggap sa hindi katanggap tanggap. May kinalaman sa Slavery, ganito ang pakahulugan na ibinigay ng BBC:

Slavery can broadly be described as the ownership, buying and selling of human beings for the purpose of forced and unpaid labour. Slavery is one of the things that everyone agrees is unethical. In fact there is such general agreement that most people would probably say that 'slavery is wrong just because it's wrong'.

Binanggit dito na ang pang-aalipin ay inilalarawan bilang pagmamay-ari sa, pagbili at pagbenta ng mga, tao sa layunin ng puwersahang pagtatrabaho at WALANG BAYAD NA PAGGAWA.

Idinagdag pa nito na:

Sang-ayon ang bawat isa na ang pang-aalipin ay isa sa mga bagay na masasabing hindi katanggap-tanggap. Sa katunayan, marami ang nagkakasundo, na karamihan sa mga tao ay malamang na magsabing 'ang pang-aalipin ay mali dahil sa mali ito.'

Buweno, gaya ng pagkakalalarawan, ang puwersahang pagtatrabaho nang walang kabayaran, ang uri ng pang-aalipin na malupit at hindi katanggap-tanggap, o labag sa moral.

Kumusta naman ang pang-aalipin na binanggit sa Bibliya? Ang mga alipin ba noon ay puwersahan lamang na pinagtatrabaho nang walang anumang kabayaran?

Gaya ng nabanggit na, ang salitang 'alipin' sa Bibliya ay may ibang pakahulugan sa kung ano ang binibigay na pakahulugan ng sanlibutan dito sa ngayon;

Totoo na ang ilan sa mga naging alipin ng mga Israelita ay puwersahang pinagtarabaho, pero maliwanag mismo sa mga kautusan ni Jehova na ang mga aliping ito ay hindi dapat pagmalupitan o pakitunguhan na gaya ng naging pakikitungo sa kanila noon bilang mga alipin sa Ehipto.

Binigyan pa nga sila ng napakaraming probisyon.

Katunayan, ang kaayusan sa pang-aalipin noon sa bansang Israel ay naging isang paraan pa nga para maprotektahan ang pamilya para hindi sila tuluyang malugmok sa kahirapan. Posibleng ang pamilyang iyon ay may napakalaking utang, kaya naobliga sila, na maging ang kanilang lupaing minana ay ibinenta nila, o kung hindi man, ang pamilya o ang isa sa mga miyembro nito ay pumapasok sa pagiging 'alipin'. Pero ang pagiging alipin na iyon ay maihahalintulad lamang sa makabagong-panahong pagtatrabaho kung saan ang isang tao ay nagtatrabaho para sa isang tao. Tinatawag pa nga ito ng iba bilang 'economic slavery.'

Pansinin din kung ano ang dapat na maging tingin sa kanila ng mga mananamba ng Diyos:

Levitico 25:40​
"Kung dahil sa labis na kahirapan ay mapilitan ang isang Israelita na ipagbili sa inyo ang kanyang sarili, huwag ninyo siyang ituturing na alipin. Ituring ninyo siyang katulong o dayuhang upahan, at maglilingkod siya sa inyo hanggang sumapit ang Taon ng Paglaya."​

Ano pa?

Kapag pinalaya na siya sa pagiging 'alipin', bibigyan pa siya ng materyal na mga bagay, upang matulungan siya at ang kaniyang pamilya na makapagsimulang muli.

Deuteronomio 15:13-15
13 At kung palalayain mo na siya, huwag mo siyang paalisin nang walang dala.
14 Dapat kang maging bukas-palad sa pagbibigay sa kaniya ng anuman mula sa iyong kawan, giikan, at pisaan para sa langis at alak. Dapat mo siyang bigyan ayon sa pagpapala sa iyo ni Jehova na iyong Diyos.
15 Alalahanin mong naging alipin ka sa Ehipto at pinalaya ka ni Jehova na iyong Diyos. Iyan ang dahilan kung bakit ko ito iniuutos sa iyo ngayon.

Sa pamamagitan ng ganitong kaayusan, naiiwasan ng mga pamilya na maghikahos sa buhay, at puwede pa nga silang makabili ng pagkain at pananamit hanggang sa panahon na makatayo na silang muli sa sarili nilang mga paa.

Oo, ibang-iba ang pagiging alipin sa Israel kung ikukumpara sa pagkaalipin sa ibang mga bansa na nakapaligid sa kanila noon.

Katunayan, yamang noon, kapag nilulupig ang isang bansa, ang mga nakatira doon ay dinadalang bihag; may bansa pa nga na mas piniling maging alipin ng bansang Israel kaysa ang mapuksa.

Halimbawa na lang nito ay ang Gibeon.

Ang mga Gibeonita ay isa sa mga itinalaga ng Diyos sa pagkapuksa dahil sa kanilang kasuklam-suklam na mga gawain sa kanilang lupain. Dahil sa takot na mapuksa, sila ay nakipagpayapaan sa Israel sa pamamagitan ng panlilinlang, na kunwari'y galing sila sa isang malayong lupain.

Kaya, ano ang naging resulta ng kanilang pakikipagpayapaan?

Nang malaman ni Josue na nilinlang siya ng mga Gibeonita, wala na siyang nagawa [dahil nang panahong iyon ay nangako na sila na hindi sila sasaktan], kundi kinuha niya lamang sila na mga alipin anupat sila ay ginawang mga 'tagakuha ng kahoy at tagaigib ng tubig para sa buong Israel.'

NGAYON, ANO ANG PUNTO KO DITO?

Kung totoong mapagmalupit na bansa ang Israel, o na pinagmamalupitan ng Israel ang mga alipin, bakit pinipili ng iba na maging isang alipin? Kung alam nila na ang kapuwa nila mga Israelita ay mapaniil at malupit sa kanilang mga kapatid, bakit pa pipiliin nilang maging alipin ng kanilang mga kapatid?

Kaya, ang punto, magkaiba ang pagiging alipin sa bansang Israel kung ikukumpara sa mga bansang nakapaligid sa kanila. Ang pagiging alipin sa Israel ay isang MAIBIGING kaayusan, dahil napoprotektahan nito ang mga pamilya mula sa labis na paghihirap at nabibigyan pa nga ng pagkakataon na makapamuhay muli ng maalwan.

ITO BA AY MORALLY ACCEPTED?

Kung Bibliya ang pagbabasehan, oo naman, dahil may batas na gumagarantiya sa kanila na hindi sila dapat pagmalupitan o maltratuhin pa nga, bagkus dapat silang pakitunguhan bilang mga 'upahang trabahador', mahahalagang mga pag-aari, na tumutulong para mapalago ang negosyo; at sa kalaunan, kapag natapos na nila ang kanilang taon sa pagiging alipin, o nagkaroon na sila ng sapat na kakayahan para tubusin ang kanilang sarili, sila ay puwede ng makabalik sa kanilang mga pamilya.
Haaay... Okay..im really disappointed at this point....

Pero ill try to answer as civilized as possible....

U mentioned na generally speaking eh its immoral...okay na un...

Now yang sinasabi mo na okay lang slavery kasi nakakatulong sa iba na makabangon sa kahirapan... Thats just discriminating between people na may pera at mga taong mahihirap nung panahon na yun.

Why didnt god just say na "just help your kapatid na naghihirap"... Instead god said na "gawin nyo na lang silang alipin kasi wala silang pera na maiooffer..."

And sure..agree nmn ako sayo sa part na di lhat ng uri ng slavery eh may pagmamalupit...malamang nmn na may mga masters na mababait sa mga slaves nila....

Pero obviously eh di lahat mababait na master... Otherwise di na kailangan ng diyos magbigay pa ng provisions sa kamo eh tamang "pagdidisiplina".. ryt???

Why didnt god just say NO. Na wag kayong mang alipin ng kapwa nyo kahit naghihirap sila... Why is that???

Sabi mo generally eh unethical ang slavery ..pero kung based sa bible eh its moral???

So is it okay for bible believers kagaya mo na mangalipin now?? Gagawin mo ba yan sa kapwa mo??

Eh ikaw personally...willing ka bang maging slave under sa provisions ng exodus 21??

I promised to pierce ur ear and be my slave for life...okay lang sayo??

Kaso if u have body piercings eh god wudnt like that nga pala db??

Anyway... Owning people as property isnt moral...If u really believe that slavery is moral then ako bilang isang atheist can say na i have a higher moral standard than you...your bible...and also ur god...
 
Why didnt god just say NO. Na wag kayong mang alipin ng kapwa nyo kahit naghihirap sila... Why is that???
Why didnt god just say na "just help your kapatid na naghihirap"... Instead god said na "gawin nyo na lang silang alipin kasi wala silang pera na maiooffer..."

Gaya nga nung nabanggit ko na, hindi sya actually "pang-aalipin" na pahihirapan mo at pagmamalupitan, itinuturing nga sila noon na "upahang trabahador", mga nagtatrabaho ..

Kaya, maituturing na trabaho ang pagiging isang "alipin" o "lingkod" noon lalo na para doon sa mga mahihirap nilang kapatid ..

Pero hindi naman ibig sabihin no'n na hindi na sila tumutulong sa mahihirap nilang mga kapatid ..
Kasi, maliwanag mismo sa kautusan na dapat silang maging bukas-palad sa mga kapatid nila ..

“Huwag mong patitigasin ang iyong puso o pagtitikuman ng iyong kamay ang iyong dukhang kapatid. Sapagkat dapat mong buksan nang lubusan ang iyong kamay sa kaniya . . . Dapat ka ngang magbigay sa kaniya, at ang iyong puso ay hindi dapat maging maramot sa pagbibigay mo sa kaniya . . . Iyan ang dahilan kung bakit ko iniuutos sa iyo, na sinasabi, ‘Dapat mong buksan nang lubusan ang iyong kamay sa iyong napipighati at dukhang kapatid sa iyong lupain.’ ”—Deu 15:7-11.

Kung walang "trabaho" o "paglilingkod" na gagawin ang mga mahihirap at palagi na lang aasa sa tulong ng mga kapatid nila, maituturing itong pagkunsinti .. Pagkunsinti na hindi sila magsumikap para sa sarili nila na kumita ng pera ..

Kawikaan 20:4
Ang tamad ay hindi nag-aararo sa taglamig,
Kaya mamamalimos siya sa panahon ng pag-aani dahil walang-wala siya.

Nagprovide ang Diyos ng puwede nilang maging trabaho para hindi na sila magpunta pa sa ibang lupain para doon magtrabaho, o na ibenta nila ang kanilang sarili para maging mga bayarang lalaki at babae para lang makaahon sa hirap ..

Levitico 19: 29
“‘Huwag mong aalisan ng dangal ang anak mong babae—huwag mo siyang gagawing babaeng bayaran, para hindi maging marumi ang lupain dahil sa prostitusyon at lumaganap ang mababang moralidad.

Kaya, kung sasabihin mo na "Bakit hindi na lang ibang trabaho ang ibigay? Bakit pagiging alipin lang ang inilaan ng Diyos para maging trabaho?"

Still, pag nagtrabaho pa din naman ang mga taong iyon para sa iba, nagiging lingkod o alipin pa din sila ng taong iyon .. Papasok at papasok pa din sa category na sila ay mga alipin, o, upahang trabahador para sa ibang tao ..
 
Last edited:
Owning people as property isnt moral
Sabi ko nga, the meaning of the word "moral" ay nakadepende sa kung ano ang pinaniniwalaan ng isang tao na mabuti at masama ..

Kapag nga pumasok ka sa isang kompanya, at pumirma ka sa kontrata, "nagiging pagmamay-ari ka ng ibang tao o ng kompanyang iyon" ..

Kapag naghahanap ka ng trabaho, sa diwa, eh "binebenta mo ang sarili mo sa iba" para kunin ka nila at gawing trabahador ..

So, kung sasabihin kong "hindi morally accepted kung magiging pagmamay-ari ka ng ibang tao or kompanya, kasi, sa standard ng moral ko ay hindi yon katanggap tanggap", ako lang nagsasabi no'n ..

Binanggit ko naman na din, na ang pagiging alipin ay pagiging isang "upahang trabahador" lang din, isa na nagtatrabaho para sa iba, at walang masama sa bagay na 'yon ..
 
Last edited:
f u really believe that slavery is moral then ako bilang isang atheist can say na i have a higher moral standard than you...your bible...and also ur god...
Hindi ko sinasabing yung "slavery" after maisulat ng Bible is "morally accepted" pa din ..

Yung part lang na yun, yung sinasabi kong "morally accepted" .. kasi maliwanag naman na may standard na ibinigay ang Diyos ..

Kapag mahirap sila, tulungan sila at paglaanan ninyo, pero pag kinailangan talaga nila ng trabaho, pagtrabahuhin sila at gawin ninyong mga "upahang trabahador" .. Pag nakaipon sila, puwede na silang makaalis sa pagiging "upahan", or after 6 years, sa ikapitong taon, endo na dapat sila .. Pag natapos ang ikaanim na taon, bigyan ninyo sila ng materyal, para makapagstart silang muli ..

Gets?

Kasi ako man ay sang-ayon na ang pagiging alipin ng iba ay hindi maganda dahil marami na tayong nakita, sa kasaysayan, kung paanong ang mga alipin ay pinakitunguhan ng masama at diniscriminate ng iba .. gaya na lang ng pang-aalipin ng mga puti sa mga itim ..
 
yang sinasabi mo na okay lang slavery kasi nakakatulong sa iba na makabangon sa kahirapan... Thats just discriminating between people na may pera at mga taong mahihirap nung panahon na yun.

Well, ikaw lang naman or kayo lang naman po yung nagsasabi na iyon ay isang uri ng discrimination ..

Naipaliwanag ko naman na po na iyon ay trabaho lamang ..
 
No bro .. Hindi ngayon .. Kung noon, noong panahon ng Israel, okay lang sa akin .. Pero ngayon, iba na ngayon ..
What do u mean iba na ngayon?? So hindi na okay sayo sa panahon ngayon ang isang subject sa bible like slavery?? Why not eh so far nman until now ginagamit nyo ung turo sa bible right??

...so kung nasa panahon tayo ng israel papayag ka maging alipin???
 
Gaya nga nung nabanggit ko na, hindi sya actually "pang-aalipin" na pahihirapan mo at pagmamalupitan, itinuturing nga sila noon na "upahang trabahador", mga nagtatrabaho ..

Kaya, maituturing na trabaho ang pagiging isang "alipin" o "lingkod" noon lalo na para doon sa mga mahihirap nilang kapatid ..

Pero hindi naman ibig sabihin no'n na hindi na sila tumutulong sa mahihirap nilang mga kapatid ..
Kasi, maliwanag mismo sa kautusan na dapat silang maging bukas-palad sa mga kapatid nila ..

Kung walang "trabaho" o "paglilingkod" na gagawin ang mga mahihirap at palagi na lang aasa sa tulong ng mga kapatid nila, maituturing itong pagkunsinti .. Pagkunsinti na hindi sila magsumikap para sa sarili nila na kumita ng pera ..

Nagprovide ang Diyos ng puwede nilang maging trabaho para hindi na sila magpunta pa sa ibang lupain para doon magtrabaho, o na ibenta nila ang kanilang sarili para maging mga bayarang lalaki at babae para lang makaahon sa hirap ..

Kaya, kung sasabihin mo na "Bakit hindi na lang ibang trabaho ang ibigay? Bakit pagiging alipin lang ang inilaan ng Diyos para maging trabaho?"

Still, pag nagtrabaho pa din naman ang mga taong iyon para sa iba, nagiging lingkod o alipin pa din sila ng taong iyon .. Papasok at papasok pa din sa category na sila ay mga alipin, o, upahang trabahador para sa ibang tao ..
Stop insisting na magkapareho ang isang simpleng servant sa isang slave ... I am a public servant ..i am a govt employee....di ako alipin or slave.... Im compensated for my service . I have rights at privileges as part of my service...

I have superiors na di ako pd saktan just to discipline me... Kung babae ako di ako pding maging concubine ng boss ko...

You and i both know iba ang servant sa actual slavery na pinaguusapan natin...
 
Sabi ko nga, the meaning of the word "moral" ay nakadepende sa kung ano ang pinaniniwalaan ng isang tao na mabuti at masama ..

Kapag nga pumasok ka sa isang kompanya, at pumirma ka sa kontrata, "nagiging pagmamay-ari ka ng ibang tao o ng kompanyang iyon" ..

Kapag naghahanap ka ng trabaho, sa diwa, eh "binebenta mo ang sarili mo sa iba" para kunin ka nila at gawing trabahador ..

So, kung sasabihin kong "hindi morally accepted kung magiging pagmamay-ari ka ng ibang tao or kompanya, kasi, sa standard ng moral ko ay hindi yon katanggap tanggap", ako lang nagsasabi no'n ..

Binanggit ko naman na din, na ang pagiging alipin ay pagiging isang "upahang trabahador" lang din, isa na nagtatrabaho para sa iba, at walang masama sa bagay na 'yon ..
Sa pagtatrabaho eh "service, skills, or talent" ang inooffer ng isang trabahador for compensation....

Magkaiba ang slavery sa "hired labor"...
 
Hindi ko sinasabing yung "slavery" after maisulat ng Bible is "morally accepted" pa din ..

Yung part lang na yun, yung sinasabi kong "morally accepted" .. kasi maliwanag naman na may standard na ibinigay ang Diyos ..

Kapag mahirap sila, tulungan sila at paglaanan ninyo, pero pag kinailangan talaga nila ng trabaho, pagtrabahuhin sila at gawin ninyong mga "upahang trabahador" .. Pag nakaipon sila, puwede na silang makaalis sa pagiging "upahan", or after 6 years, sa ikapitong taon, endo na dapat sila .. Pag natapos ang ikaanim na taon, bigyan ninyo sila ng materyal, para makapagstart silang muli ..

Gets?

Kasi ako man ay sang-ayon na ang pagiging alipin ng iba ay hindi maganda dahil marami na tayong nakita, sa kasaysayan, kung paanong ang mga alipin ay pinakitunguhan ng masama at diniscriminate ng iba .. gaya na lang ng pang-aalipin ng mga puti sa mga itim ..
Grabe nman ang bias mo paps... Slavery as written sa bible is moral ..pero ibang slavery is unacceptable... So ung sa paniniwala mo lang ang moral kSi nasa bible mo??

Pls naman paps...
 
Similar threads

Back
Top