Helloooo there. Na-busy, sorry ngayon lang ako nakasagot. Pero basically, kung ano man yung mga naisagot sayo ni Mind Palace, karamihan naman dun sa sinabi niya ay yun narin yung sagot ko...
Napansin ko din na kaya hindi kayo/tayo magkaintindihan ay dahil sa tingin ko, ang intindi mo sa "pang-aalipin" sa Israel na naka-record sa bible AT sa karaniwang "pang-aalipin" through out human history ay "pareho" lang...
Anyway, gusto ko lang sagutin itong points mo...
- Kung assumption ko man ito o hinde, ganyan kasi ang ipinapakita ng Diyos na nakaulat sa bibliya sa ilang kaso, kaya ko nasabi na "
Kung minsan,
hinahayaan ng Diyos yung mga kaugalian na ginagawa sa lipunan ng tao". Siyempre magkaiba talaga yung pagkakaroon ng hari o lider ng isang lipunan kumpara sa pagkakaroon ng alipin. Ang point ko po, "hinahayaan ng Diyos yung mga
kaugalian o ilang kaugalian na ginagawa
na sa lipunan ng tao".
- Correct me if I'm wrong, pero base sa mga nasabi mo sa usapan niyo ni Mind Palace, ang intindi ko ay... gusto mong mangyari na dapat "hindi pumayag" ang Diyos sa pagkakaroon ng alipin totally. Dapat pinakielaman niya yang "kaugalian" na yan ng tao na pang-aalipin at hindi niya ni-allow sa bansang Israel kasi kamo yung ibang kaso naman nakialam siya e. Tama ba?
Kung ganyan nga, honestly hindi ko rin masasagot ng direkta yan. Hindi rin kasi direktang sinabi sa bible kung "bakit nga ba niya pinayagan yung pagkakaroon ng alipin". Hindi ako pwede sumagot na "eh kasi ganito ganyan blah blah blah".
PERO ipinapakita ng bibliya, kagaya ng mga isinagot ko sayo at sinagot ni Mind Palace, na IBANG IBANG IBA, yes, IBANG IBA ang pagiging alipin sa Israel kumpara sa ibang nakapalibot na bansa.
- Ang sinabi ko, bagaman "
Pinayagan ng Diyos ang pag-aalipin PERO ito ay may kalakip na PAG-IBIG". Di ko sinabi na kapag "property" ka ng iba ay "love" iyon. Magkaiba yan.
Ang point ko lang kaya ko sinabi yan ay para ipakita sayo na kung pinayagan man ng Diyos ang pagkakaroon ng "alipin" sa bansang Israel ay
MERON ITONG KALAKIP NA PAG-IBIG hindi gaya sa ibang bansa na totally tinatrato ng walang kwenta ang karamihan sa mga alipin.
- Tungkol naman sa verse na yan, nasagot na ni Mind Palace yan. Actually, yung sagot mo sa kaniya don na..
And ur argument mo naman na "pagdidisiplina" eh assertion na lang... It doesnt say sa bible or atleast sa ginagamit nyong version na ang pagpalo sa slave eh para sa pagdisiplina...ang sabi lang eh paluin mo basta within certain parameters...u dont need a reason to do it..
Dapat din kasi nating isaalang-alang yung "ibang batas" ng Diyos na ibinigay sa mga Israelita. Sabi mo... paluin mo basta within certain parameters...u dont need a reason to do it. Pero mali yan. Hindi rin naman sinabi jan na pwede paluin ng owner yung alipin niya "basta basta" e kahit walang dahilan. Kung ngayon natin babasahin yan ng hindi isasaalang-alang yung ibang sinabi ng bible, "baka" nga intindihin natin yan ng kagaya ng pwede paluin ng amo basta basta yung alipin niya. Pero hindi po ganon e. Dapat din nating tandaan na noong ibinigay ang utos na iyan sa Israel, naintindihan yan ng mga israelita. MALINAW sa kanila yung utos at gusto ng Diyos. Ayaw ng Diyos na Jehova na pagmalupitan nila ang kapwa nila Israelita, kaya nga NAGBIGAY siya ng mga kautusan sa buong bayan, at kautusan na pabor para sa mga alipin.
"Huwag kang papatay" - Exodo 20:13. Hindi naman ibig sabihin niyan na pwede mo na basta suntukin yung isang israelita e o bugbugin ng walang dahilan basta hindi mo mapatay yung tao. Ang point lang, hindi pwede basta basta saktan ng isang Israelita yung kapwa niya, alipin man niya ito o hinde.
Hindi twisted yang part na yan. Minsan po kasi, gusto natin na "dapat kasi nakalagay na ganito ganyan sa bible para hindi magulo". Pero ang totoo, kung uunawain at pag-aaralan lang maigi yan, mauunawaan parin naman natin kung ano ang punto ng bible e.
Actually, yung buong kautusan sa bansang Israel ay ni-summarized lang ni Jesus into 2 yan. At yung pangalawa sa sinabi niya ay "Mahalin ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili". Kaya kung yan ang summary ng batas sa Israel, hindi nito sinasabi na pwede mo saktan yung kapwa mo Israelita basta basta etc.
- Loophole para maging alipin mo forever yung isang Israelita? Ang sinasabi ko ay... Yung alipin mismo
KUNG MINSAN ang pumipili na wag siyang mapahiwalay sa amo niya dahil napalapit na siya dito. At gaya ng isinagot ni Mind Palace, kung minsan ay nagkakaroon sila ng matataas na posisyon sa household ng amo niya kapag ganon.
- Willing ba ako magpaalipin under the rules of exodus 21? Magkaiba naman yung panahon natin sa panahon na inilaan yang batas na yan e. Wala na po sa kautusang mosaiko ang mga Kristiyano ngayon. At yamang ang lipunan ng tao ngayon ay hindi pwede ang pagkakaroon ng alipin, natural hindi.
Pero para sagutin po yung tanong mo, let say nabuhay ako sa panahon ng Israel sa bible, dipende ang sagot ko. Dipende kung mahirap ba ako at lubog ako sa utang, why not, kung kinakailangan ba e.
- Hmmm, indebted servitude, sige let say ganyan nga po. Wala namang problema jan diba? Umutang yung isang Israelita pero walang pambayad kundi serbisiyo niya, why not? Okay naman yon kasi may provisions sa mga kagaya niya gaya ng sinabi ko.
Sa ngayon nangyayari parin naman yan diba? Kapag walang pera yung umutang na tao, minsan para makabayad siya e yung serbisiyo niya ang kapalit. Reality yan.
- Nabasa ko sa sinabi mo sa conversation niyo ni Mind na parang "
bakit hindi nalang sabihin ng Diyos na tulungan yung mahihirap wag na yung alipin". Basta parang ganyan. Di ko na makita kasi yung exact hehe. Correct me kung mali pagkakaintindi ko nalang.
Pero diba naglaan din naman ang Diyos ng similar law para sa mahihirap? Nasa Chapter 22 ata yon.
- Paghahalintulad lang yung sinabi ko sa "modern slavery". At kung uunawain mo yung punto ko, di mo sasabihin na "
insensitive ako". Of course sensitive yang topic na "slavery" na ginawa ng humanity though out history. Hindi ako masamang tao para baliwalain yan.
Kaya ko inihalintulad yang "modern slavery" ay para ipakita na "somehow" merong paring parang slavery na nangyayari sa lipunan ng tao ngayon. Sa example ko nga sayo, yung kasambahay magkano sweldo? Yung boy magkano sweldo? May nakikita ako, 5000 pesos per month, ang work eh talaga namang overload, sa mga farm.
You do not have permission to view the full content of this post.
Log in or register now.. Wala lang sila magawa kasi yun lang ang alam nilang work eh. Hindi ba modern slavery yan? Yang 5000 pesos na yan ang nasa batas I think, not sure if we can call that a "law", pero the fact na pinu-push ng labor secretary na dagdagan yung salary ng maid dahil "unreasonable" daw, meaning, yan ang ginagawa "ngayon". Di ko alam sayo pero para sa akin, somehow, matatawag kong modern slavery yan.
- Dahil umusad narin ang panahon, marami talagang batas na ginawa "ngayon" ang makikitang maganda somehow naman. Pero sa batas din ngayon ng tao, may mga loophole din yan e hehe. Pareho naman siguro nating alam na minsan nakakalusot yung isang gumagawa ng masama dahil nababaluktot yung batas. Kaya nga nire-revised yung constitution minsan diba?
Kinukumpara mo din kasi yung mga batas na ginawa ng tao ngayon sa batas na binigay ng Diyos noon sa bible, which is I think napakalayo ng comparison yamang sa magkaibang panahon ito naibigay.
Sa batas ng Diyos sa Israel noon, di hamak na maganda rin naman yon kumpara sa mga nakapalibot na bansa sa kanila noon. At kung pag-aaralan mo lang maigi ang bible, PRINCIPLES ang mas dapat sundin ng mga kristiyano ngayon hindi "batas". Kaya kami, yan ang sinusunod namin. Mas malawak kasi yang principles kumpara sa batas. Di ko na ipapaliwanag sayo yan kasi di mo rin maiintindihan or baka di mo tanggapin, pero yan yun
- No. Lalo na kung ang tinutukoy mong slavery at ang alam mong slavery ay yung ginagawa ng ibang bansa or sa record ng humanity na uri ng slavery.
Pero nagbigay kasi ang Diyos ng mga regulasyon na kung susundin,
magiging makatao at maibigin ang pakikitungo sa mga alipin sa mga Israelita na tinutukoy mo sa Chapter 21. Yan ang
NAPAKALAKING pagkakaiba ng slavery sa bible at ng slavery sa human history.
- Sinagot ko na to sa taas
====================================================
Well that's it. Hindi ko alam ang eksaktong dahilan bakit ito pinahintulutan ng Diyos na Jehova na gawin sa bansang Israel, pero nakita ko naman na
napakalaki ng pagkakaiba nito sa ibang bansa noon at hanggang sa panahon na alisin ng tuluyan ang slavery.
Isa pa, hindi naman yang "slavery" ang pinaka theme ng bible, kaya kung hindi man naka-record lahat ng detalye, naiintindihan namin yon. Hindi rin nakaapekto ang record na yan sa pinaka theme ng bible kaya hindi kami naba-bother jan.
Isa pa, patuluyan naming pinag-aaralan at sinisikap na alamin ang mga kaisipan at mentality ng Diyos na Jehova na naka-record sa bible, kaya magkaiba tayo ng pagkakakilala sa kaniya... Naalala ko tuloy yung isang Thai commercial na napanood ko. Hindi lubusang kilala ng karamihang tao yung ale so ni-judged na nila siya. Pero yung mga nakakakilala sa ale ay alam kung ano ang totoo. Hehe. Eto yung link, tanggalin mo nalang yung smiley at ilagay Y⊕ùTùbé.
https://www.yt.com/watch?v=7d1UdWzLLdM
Kung hindi man masagot o ma-"satisfied"sa sagot namin, no problem naman. Sinagot ka lang kasi namin sa available na record sa bible at reference.
Ganon pa man, ginagalang ko naman / namin ang paniniwala mo...