May punto ka naman po sir dito pero linawin ko lang po sa pagkaunawa ko. Hindi 'binago' ni Hesus ang kautusan ni Moises sa mga Israelites (Hudyo) bagkus 'tinupad' niya rin ito, dahil (Hudyo) saklaw din siya ng kautusan ayon sa laman kaya kailangan Niya itong tuparin (physically and spiritually) in the flesh hanggat hindi pa niya natatanggap ang kanyang glorified (heavenly) metaphysical na katawan (body) which is after resurrection pa until dun hindi na siya covered ng pisikal na batas ng tao o ng mga kautusang panlupa at ukol sa mga Hudyo(Israelita) ayon sa laman. Ngayon bakit nung nangangaral siya ipinagpauna na Niya sa mga alagad ang mga bagong utos maging sa mga dayuhang tagasunod? Kailangan Niyang gawin ito dahil maikling panahon lamang nilang makakasama ang Messiah(God's Spirit) in the flesh. Hindi binuwag ni Hesus ang kautusan ni Moises dahil ito'y habam'buhay' (literal) na iniatang sa mga Hudyo(Israelita) at sa mga dayuhang makikipisan sa kanilang lahi. Ngayon bakit dumating ang relihiyong itinaguyod ng Hudeo-Romanong apostol na si Pablo? Mga relihiyong mas kilala ngayon na 'Christianity'. At bakit kailangan sundin ang mga tuntunin itinuro ng mga apostol sa bagong tipan sa halip na tumalima sa mga alituntunin at batas ni Moises (lumang tipan)? Gaya nga ng winika 'walang nagtatagni ng bagong lino sa lumang kayo (kasuotan)', ang lumang tipan ay kasunduan para sa mga Israelita, ang bagong tipan ay tipan ng mga ituturing na kabilang sa itinatag na bagong 'bayan'. Si Hesus ang naging batong panulukan at sa ibabaw ng batong ito itinayo ang bagong iglesya (but not by human hands). Ang batong ito ayon sa hula ay umusbong at naging bundok at pumuno' sa buong lupa.
- Tama ka hindi binago bagkus niluma ang tipan ng para sa mga israel at may bagong tipan para sa magiging Kristiyano kapag napasailalim ng kautusan ni Kristo na syang itinuro sa mga apostol
Na wrong choice of words lang ako may bad
Mali ginamit kong salita na "binago"
Last edited: