What's new

LF Work Kaya kong gawan ng English subtitle ang iyong Tagalog videos (for a fee)

dothackjhe

Forum Expert
Elite
Joined
Feb 20, 2016
Posts
3,439
Solutions
28
Reaction
14,950
Points
2,841
Employment type
  1. Short-Term
  2. Part-Time
  3. Full-Time
Location
Remote
Subtitle_1.png


Hello,

Isa ka bang content creator na kumikita sa pamamagitan ng paglikha ng mga Tagalog na video para sa iyong mga followers?

Gusto mo bang palaguin ang dami ng iyong followers para sa mas malaking audience at kalaunan ay malaking kita?

Kung ikaw nga ito, malamang ay kailangan mo ng English subtitles sa mga content mo.

Bakit English subtitles kamo?

Malamang, sa pagpiling gumawa ng Tagalog videos, tanging mga Pilipino o mga ibang lahing nakakaintindi ng Tagalog ang iyong target na audience.

Hindi na masama kung tutuusin kung nasa milyun-milyon naman ng ating populasyon ang gumagamit ng internet.

Pero naisip mo na bang tanungin ang sarili mo kung bakit kailangan mong i-limit ang iyong audience sa mga nabanggit kung pwede naman ang mas malawak na target demographics bilang audience mo, 'di ba?

Subtitle.png


Dyan pumapasok ang wikang Ingles na tinaguriang "universal language," dala ng dami ng taong nakakaintindi nito bilang lengguwahe.

Imagine kung ang lahat ng content mo ay may English subtitle, hindi ba mas dadami din ang audience mo kung naiintindihan nila ang nilalaman ng mga video mo?

Ang tanong: handa ka na bang palawigin ang iyong followers at viewers sa pamamagitan ng paglalagay ng English subtitle sa iyong mga content?

Kung oo, mangyaring makipag-ugnayan sa akin dito sa forum para ating pag-usapan ang business proposition na ito.

Maraming Salamat!
 

Attachments

Last edited:

Similar threads

Back
Top