What's new

Poems (Kabanata 1 at 2 hanggang 52 sana)

Lovemyname

Addict
Joined
Mar 30, 2018
Posts
102
Reaction
25
Points
102
Age
25
Unang Pag-ibig; Magulang ay tumitig
Naglalarong isipan sa kaniyang bibig
Tinig ang pag-iyak upang iparinig
Ngumingiting laman; pusong pumipintig

Kung may Hangganan man ang pagkukumpara
Si Maria ay gumawa ng lampara
Ay parang Pilipinas dahil ang gara
Binibining may perlas, rubi at barya

At dahil kahit sinong mayroong alam
Na ikaw ay dakila at malinamnam
Dinarayo pa at gustong mamaalam
Sa huli; kumpleto kang maraming-uyam






Unang malaman gusot na nakanganga
Nakasilid sa parihaba na banga
May hindi at sumang-ayon na humahanga
Huling paghiga at tulog na paghinga

Walang libreng pilak at walang malaya
Mga limampu at dalawa ang taya
Buhay at kamatayan ay walang daya
Mapalad kapag nasa gitna may kaya

Ang buto, laman, dugo, balat at ugat
Na mata ay parang kantang maalam
Ang maalat na asin kahit may lamat
Ay mas maganda sa kahit anong lahat
 
Back
Top