BREAKING NEWS! Wala na ba ang EAT Bulaga?

jiwookimna

Forum Veteran
Elite
Joined
Jul 11, 2020
Posts
2,770
Reaction
1,490
Points
854
Is this the end of an era for Eat Bulaga? 🤔

From: Pep.PH
Isang malungkot na pangyayari ang naganap sa Philippine television industry ngayong araw, May 31, 2023.

Pagkatapos ng halos 44 taon ay nagpaalam na ang iconic TV hosts na sina You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., at You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. sa longest-running noontime show sa bansa, ang Eat Bulaga!.

Nangyari ang pamamaalam ng TVJ sa programa ilang buwan matapos sumambulat ang kontrobersiya sa pagitan nila at ng bagong pamunuan ng TAPE Inc., ang producer ng Eat Bulaga!.

Read: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Read: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.


Nagulat ang loyal viewers ng Eat Bulaga! dahil replay ang kanilang napanood sa ere ngayong araw.

Pero bago mag-ala-una ng hapon, bumulaga sa YøùTùbé channel ng Eat Bulaga! ang mga haligi ng show na sina Tito, Vic, at Joey para sa kanilang live announcement.
Nasa kanilang likuran ang lahat ng co-hosts ng show kabilang na sina Jose Manalo, Wally Bayola, Allan K, Paolo Ballesteros, Maine Mendoza, Ryzza Mae Dizon, at Ryan Agoncillo.

Mababakas sa kanilang mga mukha ang kalungkutan.

Ayon kay Tito, nasa studio silang lahat pero hindi sila pinayagang umere nang live ng bagong management ng TAPE.

"Pumasok po kami ngayong araw para magtrabaho, pero di po kami pinayagang umere ng new management nang live. Hindi po kami pinayagang mag-live ng new management," pagbabahagi ng dating Senate President.

Pinasalamatan naman nina Joey at Vic ang lahat ng TV networks na naging tahanan nila sa nakalipas na 44 taon, at pati na ang advertisers na nagtiwala sa kanila.

Ibig sabihin, posibleng hinarang ng management ang nakatakda sana nilang pormal na pagpapaalam sa ere.

Pahayag ni Joey, "Kung natatandaan niyo po July 30, 1979 nang simulan namin ang Eat Bulaga!. Forty-four years na po ngayong taon na ito.
"Kaya naman lubos ang aming pasasalamat sa mga naging tahanan namin. Unang-una ang RPN-9 for nine years. Ang ABS-CBN for six years, at ang GMA for 28 years. Thank you very much."

Dagdag ni Vic, "Nagpapasalamat kami sa lahat ng advertisers mula 1979 na nagmahal, nagtiwala, at sumuporta sa amin."

Hindi rin nila nakalimutang pasalamatan ang mga manonood, si Mr. Tony Tuviera, at ang Panginoon.

Ani Tito, "Higit sa lahat, sa inyo, ganun din po sa inyo mga Dabarkads, mga manonood, sa inyong pagmamahal sa programa ng Eat Bulaga!, programang naging bahagi ng inyong tanghalian.

"Lubos din ang aming pasasalamat kay Mr. Tony Tuviera sa pagkakaibigan, at pagiging bahagi ng aming pamilya.

"At higit sa lahat, sa Panginoong Diyos na kahit kailan hindi Niya kami pinabayaan.

Pagkatapos nito ay napabuntung-hininga si Vic upang ianunsiyo ang kinatatakutan ng loyal viewers ng Eat Bulaga!.

Panimula niya, "Hindi na po namin isa-isahin ang laman ng aming mga puso at damdamin. Ang hangad lang po namin ay makapagtrabaho nang mapayapa, walang maaagrabyado, at may respeto sa bawat isa."
Anunsiyo ni Vic: "Simula ngayong araw, May 31, 2023, kami po ay magpapaalam na sa TAPE, Incorporated.

"Karangalan po namin na kami nakapaghatid ng tuwa't saya, mula Batanes hanggang Jolo at naging bahagi ng buhay ninyo.

"Maraming-maraming salamat sa inyong lahat. Hanggang sa muli! Saan man kami dalhin ng tadhana, tuloy ang isang libo’t isang tuwa."

Pagkatapos nito ay lumapit sa kanila ang co-hosts ng Eat Bulaga! at nagyakapan sila.
Hindi pa malinaw ngayon kung magpapatuloy ang Eat Bulaga! o kung ano ang mangyayari sa programa.

Sa nakalap na impormasyon ng Philippine Entertainment Portal, "done deal" na ang paglipat nina Tito, Vic, at Joey sa TV5. Naganap daw ang conract signing nila sa Kapatid network, sa pangunguna ni Manny V. Pangilinan, noong Lunes, May 29.

###

1685513360495.png

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Abangan natin mga bhie sa susunod na mga buwan ang mangyayari...
 

Attachments

Last edited:
Did you know?

Gold is a chemical element with the symbol Au and atomic number 79, making it one of the higher atomic number elements that occur naturally. It is a bright, slightly orange-yellow, dense, soft, malleable, and ductile metal in its pure form. Chemically, gold is a transition metal and a group 11 element.

Gold is the only metal that is yellow or golden. Other metals may develop a yellowish color, but only after they have oxidized or reacted with other chemicals. Nearly all the gold on Earth came from meteorites that bombarded the planet over 200 million years after it formed.

Gold has many uses aside from its monetary and symbolic value. Among other applications, it is used in electronics, electrical wiring, dentistry, medicine, radiation shielding, and in coloring glass.
Back
Top