What's new

Trivia Is "Jehovah" Gods name?

Sino manliligtas? si Jesus po ba? oh si Jehova? sino po nag Bigay ng kaligtasan satin makasalanan si Jehova po ba or si Jesus?
 
Tapos na ang mga tanong ko. Mali lang talaga yung word na ONLY mamimisnterpret yan ng iba.

"YES, JEHOVAH IS THE ONLY TRUE GOD'S NAME, ACCORDING TO THE BIBLE. !!!"
Ikaw naman para ka namang mababaw mag isip sir. Di ka naman siguro mababaw po ano?

Kasi kung ganyan lang ang reasoning mo, kapag sinabing...

Nakaupo noon si Pedro sa looban, at isang alilang babae ang lumapit sa kaniya at nagsabi: “Kasama ka rin ni Jesus na taga-Galilea!” Pero ikinaila niya ito sa harap ng lahat: “Hindi ko alam ang sinasabi mo."

At

Now Peter was sitting outside in the courtyard, and a servant girl came up to him and said: “You too were with Jesus the Gal·i·leʹan!” But he denied it before them all, saying: “I do not know what you are talking about.”

Para mo naring sinabi na magkaibang tao ang tinutukoy jan na Pedro at Peter. What more kung gagamitin mo ay greek Πέτρος (Pétros). O kaya yung name ni Jesus sa hebrew na Yeshua o Yehoshua.

Gets mo? Siyempre hinde kahit basic na yan at simplified explanation hehe. Malinaw naman explanation sayo ni Gentleman e pero nasabi mo parin na "Mali talaga yung word na ONLY". Ang mali lang jan ay yung comprehension mo po pero yung explanation malinaw naman ;)
 
Ang sagot jan ay yung paborito niyo pong verse. Yung John 3:16. Pero ang tanong, naintindihan mo ba yang verse na yan? 🤭😏🤗
 
Walang pangalan ang Dios Ama.
Si Jehova ay anghel/mensahero ng Dios. YHWH ang pangalan ng Dios noong una ,pero si Moises lang may alam kung paano salitain yun.
Sa bawat pakikipagusap ng Dios mula sa langit, hindi direct na nakikipagusap ang Dios, kaya nga may anghel eh, anghel ang namamagitan sa tao noon. Walang karapatan at kapangyarihan ang mga tao noon na direktang makipagusap sa Ama, kundi si Cristo lang at mga anghel.
 
Bat di po Jehova ang pangalan na gamit ng apostles pag may gagamotin sila or may paalisin sila na demonyo? diba po name ng Diyos dapat makapag galing dpat Jehova ang dala ng mga apostles pag may papagalingin sila pangalan ng Diyos yon eh, tsaka alam po ba ng mga apostles na Jehova ang pangalan ng Diyos po? baka di nila alam dpat ipa alam nyo sa kanila na name ni Jehova ang dapat gamitin
 
Last edited:
[XX='Yortz, c: 917566, m: 1496536'][/XX] hahha paborito ko pala yan dko alam eh so si Johava lng po ba ang manliligtas po?? or si Jesus?? curious lng kasi ako sana masagot nyo po tanong ko Jehova poba mkapag ligtas saamin na makasalanan or si Jesus po??
 
Actually hindi rin kilala ng mga apostol yung pangalang Jesus based jan sa logic niyo. Alam mo ba yun? Siyempre hinde. Haha haynako facepalm nalang talaga 🤦‍♂️🤭

Ilang beses na pong ginamit yang ganyang reasoning sir pero sablay naman yan 😌
 
Exodo 6:2-3
At ang Dios ay nagsalita kay Moises, at nagsabi sa kaniya, Ako'y si Jehova.

At ako'y napakita kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob na Dios na Makapangyarihan sa lahat; nguni't sa pamamagitan ng aking pangalang Jehova, noon ay hindi ako napakilala sa kanila.

Ang pagpapakilala ng Dios noong una sa pamamagitan ng anghel . Ang laging banggit sa biblia kapag nagsasalita ang Dios sa pamamagitan ng anghel "Ako ay ang Dios na makapangyarihan sa lahat". Ngunit si Jehova ay nagpakilala , pero ang dapat pagkaintindi doon ay , siya si Jehova na nagpakita noon kay Abraham which is Anghel ,ang nagpapakita kay abraham noon ,kay isaac at kay jacob. Hindi ang AMA. Pwede mong basahin ang Genesis para malaman mo na ang nagpakita kila Abraham, Isaac at Jacob ay isang anghel. ANGHEL si JEHOVAH.

Kahit si Cristong bugtong na anak ,hindi niya tinawag na Jehovah ang Dios, sapagkat anghel si Jehovah ,mali ang interpretation ng iba sa talata. Dios/Ama ang tawag ni Cristo, si Cristo na yun.

Sa interpretation sa talata Exodo 6: 2-3

Ang Dios ay nagsalita kay Moises at nagsabi sa kaniya, (next is nagpakilala na si Jehovah bago pa sabihin yung mga gagawin ng Dios kay Faraon) Ang sabi ni Jehovah na anghel siya nagpakita kila abraham noon. Next is dinirect na niya ang dapat sabihin kay Moises (which is yun na yung nakakalito, kala natin ang pangalang Jehovah na yung makapangyarihan sa lahat, mali po yun, Isa po iyan sa mga nakakadayang talata, lahat ng mensahe ng Dios para sa tao , ay dumadaan sa anghel ,kapag may nagpakita sa tao ,anghel po iyon. Hindi bababa ang Dios Ama mula sa langit, Hindi makikipagusap ang Dios Ama ng direkta sa tao , sapagkat ang makakalapit nga lang sa Ama eh yung banal lang. Si cristo lang ang may kakayahang kumausap sa Dios, lahat ng panalangin ay dumadaan kay Cristo dahil siya ang TAGAPAMAGITAN. Uulitin ko ,lahat ng mensahe ng Dios AMA ay dumadaan lagi sa anghel, ang pagsasalita nila ay First person (which is ako/I). Wag kayong padaya.
 
Mali kasi , sila yung sumasamba sa anghel ,katulad sila noong mga unang lahi , na sumamba sa anghel ,kasi yun yung nagpakita sa kanila. pinagbawalan na sila noong una na huwag silang sambahin dahil anghel lang sila. History repeat itself.
 
Sus sumabat ka pa. Mali din naman yang point of view mo sa point of view ko. Tingin mo ba lahat ng babasa nyan marunong sa bibliya. Tingin mo lahat alam na yung JEHOVA ay katumbas ng YAHWEH? Minsan MATUTONG kang lumugar sa kalagayan ng iba. BOPOLS. Hindi yung puro PRIDE ka 😉. Mag aral ka pa ng ibang bagay. Parang nilalamon ka na ng sarili mong kaalaman 😉 Sino kaya mababaw magisip satin?
 
Last edited by a moderator:
Ipagpalagay natin na na Dios Ama ay si Jehovah. Paanong napakita si Jehovah kila abraham, isaac, jacob, eh kung Dios AMA ay ESPIRITU, isang anyo na hindi nakikita ng tao. Pero yung anghel nakikita ng tao yun ,marami sa biblia na napakita ang anghel sa mga tao. Physical ha. Hindi pwedeng maging magkasalungat yung sinabing "Ang Dios ay ESPIRITU ,hindi pwedeng makita ng tao" tapos sasabihing "napakita kila abraham". Anghel nga yun, anghel ang mensahero ng Dios.

Walang taong aktuwal na nakakita sa Diyos. (Exodo 33:20; Juan 1:18; 1 Juan 4:12) Sinasabi ng Bibliya na ang “Diyos ay Espiritu,” isang anyo ng buhay na di-nakikita ng tao.—Juan 4:24; 1 Timoteo 1:17.

Pero dahil espiritung nilalang ang mga anghel, nakikita nila ang Diyos. (Mateo 18:10) Karagdagan pa, ang ilang tao na bubuhaying muli sa langit at magkakaroon ng espiritung katawan ay makakakita rin sa Diyos.—Filipos 3:20, 21; 1 Juan 3:2.
 
Tapos na ang mga tanong ko. Mali lang talaga yung word na ONLY mamimisnterpret yan ng iba.

"YES, JEHOVAH IS THE ONLY TRUE GOD'S NAME, ACCORDING TO THE BIBLE. !!!"

Tapos na ang mga tanong ko. Mali lang talaga yung word na ONLY mamimis interpret yan ng iba.

Basahin mo nga ulet Yortz
 
Ang relihiyong ang tawag sa kanilang samahan ay “Saksi ni Jehovah” o “Jehovah’s Witness” na siyang malimit gumamit ng panglang “Jehovah” ang tanungin natin, kung sino at kung kalian unang ginamit ang pangalang Jehovah.
Sa kanilang opisyal na magasin, “ Ang Bantayan” inilathala noong agosto 1, 1980, ay ganito ang sinasabi sa pahina 10, ating tunghayan:

“ Kapuna-puna nga, si Raymundus Martini, isang mongheng kastila ng Ordeng Dominicano ang unang nagsalin ng “Jehovah” sa banal na pangalan. Ang anyong ito ay lumitaw sa kanyang aklat na Pugeo Fidei, na nalathala noong 1270 C.E. Mahigit na 700 taon na ngayon”


samakatuwid inimbento lang yang pangalang Jehova kaya nga hindi yan ang Dios ng mga apostol at ni Cristo eh
 
Kung salin naman ng Biblia ang paguusapan. Sa salin ng KING JAMES VERSION (Na siyang may pinaka magandang salin na mayroon ang Biblia /Tagalog man o English)
May pangalan talagang YHWH at Jehovah. The fact is Jehovah is an ANGEL. While YHWH sa panahon na lumipas, nakalimutan na nila kung paano bigkasin yung sinabi ni Moises noon. Kaya nga ngayon ang tawag nila ay YAHWEH ,nilagyan nila ng vowels, which is MALI. I think sa mga komento ko, tapos na itong diskusyon na ito. Basahin nyu nalang ng mabuti.
 
haa? nakoooo dipo kilala ni Jesus si Jehova?? at ang apostles? Buti pa kayo kilala nyu si Jehova na pangalan ng Diyos si Jesus nga at mga apostles di pala nila kilala eh ayon pala dpat pakilala ni Jesus na si Jehova ang pangalan ng Diyos, dapat pala tinuro ni Jesus sa kanila na pag may sakit at papagalingin is In the name of Jehova dapat yon eh pano nato mali si Jesus dapat turoan pala natin si Jesus at kanyang apostles na dapat Jehova gamitin yon pangalan ng Diyos sino may contact kay Jesus sabihan natin siya na si Jehova ang pangalan ng Diyos letss gooo
 
Back
Top