Actually po kuya, napansin ko lang sa'yo, huwag mo sana itong masamain
hmmm ..
[Hindi naman sa sinasabi kong 'mawalang-galang na' ano] .. Hahahaha .. Nandito pa din naman yung aking paggalang sa'yo kuya .. Hehehehe
Pero gusto kong ipakita sa iyo na ang komento ko pong ito ay seryoso at hangga't maaari ay makakapagbigay-galang pa din po sa iyo ..
Yes, nandu'n ka sa part na gusto mong malaman yung existence ng Diyos .. Pero kasabay din po kasi nito is yung part na hindi lang po ang existence ng Diyos ang itinatanong mo kundi nagtatanong ka din po about sa pamamaraan ng Diyos, kung paano siya nag-iisip, kumikilos at nag-uutos .. Marahil ay kasama talaga iyon
Hmmm, wala naman pong masama doon .. Pero the way you ask is different po kasi, yun lang po yung napansin ko
Paano ko nasabing iba?
Hindi ka po basta nagtatanong lang, but
kinukuwestiyon niyo na po kasi yung mga pamamaraan ng Diyos, kung paano siya nag-iisip, kumikilos at nag-uutos ... and the way you construct your words and the way you make your sentences, lalo na sa iyong mga conclusion sa aming mga ipinapaliwanag, ay hindi nagpapakitang iginagalang mo ang Diyos na ito na para sa amin ay umiiral at siyang sinasamba namin ..
Bakit ko nasabi iyon? Sa kabila ng aming mga ipinapaliwanag mula sa Bibliya ay nandoon pa din ang iyong sariling katuwiran ..
Ang katuwiran ng Bibliya na ipinapaliwanag namin ay hindi mo basta-basta tinatanggap hangga't hindi ito umaayon sa iyong sariling pamantayan ng tama at mali at hindi ito umaayon sa iyong kaisipan at paniniwala .. The standards between you and the Bible is napakalayo .. And actually, sa pagsasabi mong
'may mas mataas ka pang moral standards' kung ikukumpara sa standards na nakabalangkas sa Bible ay masasabi kong isang bagay na lubhang kumukuwestiyon sa awtoridad ng Diyos na magtakda ng pamantayan ng tama at ng mali ..
Iginagalang naman namin iyon .. Alam namin na may kani-kaniya tayong katuwiran, opinyon at paniniwala sa buhay ..
Well, ang masasabi ko lamang dito .. Nakikita ko naman po sa iyo kuya ang pagkaseryoso mo sa paghahanap ng sagot kung umiiral nga ba ang Diyos or hindi, or kung umiiral man ito ay seryoso ka pa din namang nagtatanong about sa kaniyang mga pamamaraan .. Gayundin, nagpapasalamat kami na sa kabila ng aming pagsisikap na ipaliwanag sa iyo ang itinuturo ng Bibliya ay hindi mo kami tinutuya or nililibak pagdating sa aming mga paniniwala .. Maraming salamat pagdating sa bagay na iyan ..
Magkagayunman, batay sa aking mga naobserbahan sa ating mga diskusyon,
ang iyong mga konlusyon sa kabila ng mga paliwanag namin mula sa Bibliya ay nagpapakita mismo na wala ka po talagang motibo na kilalanin ang Diyos na ito, o na kilalanin o respetuhin ang awtoridad niya na magtakda ng tama at ng mali, o na magpasakop man sa awtoridad ng Diyos na ito ng Bibliya, si Jehova.
Hindi sa hinuhusgahan kita kuya, pero lilinawin ko lamang po, bawat isa po sa amin nila
Gentleman007 Yortz at
Ace106 ay nagsisikap na maipaliwanag ang itinuturo ng Bibliya ..
Pero kung ang tao na aming kinakausap ay walang interes na matuto tungkol sa Diyos,
o walang interes na magpasakop sa awtoridad ng Diyos na ito,
o na ang taong ito ay hindi nagbibigay-galang sa salita ng Diyos
at sa halip ay nagbibigay na lamang ng mga konklusyong salungat sa kaniyang paniniwala
at nag-iisip na mas matalino siya kaysa sa Maylalang,
sa magalang na paraan ay sinasabi namin na ang tunghuhin namin ay ang hanapin ang kabaligtaran ng mga nabanggit. Oo, ang hinahanap namin ay y'ong mga tao na may paggalang sa Bibliya, at handang tumanggap sa itinuturo ng Bibliya ngunit kasabay nito ay ginagamit pa din ang kaniyang kakayahang mangatuwiran at may pagpapapakumbabang iginagalang ang katuwiran ng Diyos.
Yamang nabanggit mo naman na
gusto mo lamang malaman ang existence ng Diyos, yes, willing naman kaming ipaliwanag ang itinuturo ng Bibliya .. Pero, kung sa kabila ng aming mga pagsisikap ay may sarili ka pa ding katuwiran at nagpapakita pa din ng iyong pagkuwestiyon sa salita ng Diyos at sa Isa na may awtor nito - ang Diyos na Jehova, well, hindi na namin pa ipaliliwanag ang anumang gusto mong malaman dahil mawawalan lamang din naman ng saysay ..
Gaya naman na ng nabanggit mo po noon, 'mas mataas pa ang iyong moral standards' kung ikukumpara sa standards na itinakda ng Diyos na nakasulat sa Bible .. Kaya, malinaw po sa amin na kahit interesado kang malaman ang pag-iral ng Diyos kung itinuturing mo naman na mas mataas ang iyong standards or pag-iisip at pamamaraan kung ikukumpara sa Diyos, hindi na po namin pananagutan pa na ipaliwanag pa nang husto ang itinuturo ng Bibliya ..
Pansamantala, ang iyong mga tanong ay susuriin namin kung karapat-dapat bang sagutin or hindi .. Kung hindi man namin sagutin ang iyong ibabangon pa na mga tanong, huwag mo sana y'on masamain ..
Muli, maraming salamat sa pagsisikap na magtanong sa amin ..
Kung may mga tanong ka about sa Bible, mairerekomenda namin na visit mo na lang po yung website namin, tutal marami pong mga paksa doon tungkol sa Bibliya ..
Ito po yung mga link ..
Official Website of Jehovah's Witnesses
You do not have permission to view the full content of this post.
Log in or register now.
Sagot sa mga tanong sa Bibliya
You do not have permission to view the full content of this post.
Log in or register now.
Pananampalataya sa Diyos
You do not have permission to view the full content of this post.
Log in or register now.
Ang Siyensiya at ang Bibliya
You do not have permission to view the full content of this post.
Log in or register now.
Ang Kasaysayan at ang Bibliya
You do not have permission to view the full content of this post.
Log in or register now.
Tulong sa Pag-aasawa at Pamilya
You do not have permission to view the full content of this post.
Log in or register now.
Tulong para magkaroon ng Kapayapaan at Kaligayahan
You do not have permission to view the full content of this post.
Log in or register now.