What's new

Hiram Lang Ba ang Buhay? Ano ang Totoo Tungkol Dito?

About kay god is kung ano definition mo kay god mo and how u can prove it... na ung god mo nga ang only proven explanation and nothing else...

Definition ko po about sa Diyos ko and kung paano ko po siya mapatutunayan? Hmmm ...

Kung yung Diyos ko ay iba sa ineexpect mo po na Diyos, ibig bang sabihin no'n, mas tama ang pananaw mo sa diyos na nasa isip mo kumpara sa Diyos na sinasamba namin? Paano po kung magkasalungat ang sinasabi ng Bibliya sa iniisip mo na dapat ginagawa ng isang diyos kumpara sa ginagawa ng Diyos namin, ibig bang sabihin no'n, mas matalino ang diyos na nasa isip mo kumpara sa Diyos ng Bibliya?

Kasi po kuya, kahit sabihin ko sa inyo kung sino at kung anong uri ng Diyos ang aming sinasamba, kung sasalungat naman po iyon sa ideya ng isang diyos na nasa isip mo, hinding-hindi po talaga magtatagpo ang ating mga kaisipan at pananaw tungkol sa Diyos. Lalo na sa part mo po, mas nakikita mo ang mga negatibong bagay na nasa Bible kaysa paniwalaan mismo ang salita ng Diyos. Hindi naman iyon nangangahulugan na hindi natin nakikita yung mga worst event na nakaulat sa Bible like mga patayan or mga paghahain ng mga anak sa mga diyus-diyosan, etc., pero, kung ang perspective po ninyo ay ang mas magfocus sa gayong mga ulat para ipakitang ang papangit pala ng mga nakasulat sa Bible imbes na palitawin ang mabubuting katangian ng Diyos, hinding-hindi niyo po talaga makikilala ang Diyos sa gayong pamamaraan, at gaya ng nasabi ko na, hinding-hindi po talaga magtatagpo ang ating mga kaisipan at pananaw tungkol sa Diyos.

Halimbawa na lang po, sa paliwanag namin tungkol sa slavery, kung willing po talaga kayong makilala ang Diyos, bakit yung paliwanag mismo ng Bible sa definition ng slavery ay ayaw mong paniwalaan kung ito mismo yung paraan para maipakilala namin ang Diyos na ito, at para maipakita ang pakahulugan ng Bible tungkol dito? Anong silbi ng salita ng Diyos kung mananatiling nakasarado ang inyong kaisipan na kesyo ganito lang dapat ang kahulugan ng isang salita sa Bible? Ang point ko po is, kung may sarili ka na pong definition at katuwiran tungkol sa isang diyos at sa mga nakasulat sa Bible, para saan pa na gamitin namin ang mga nakasulat sa Bibliya at ipaliwanag ito?

Kaya nga po tinatanong kita kuya kung ano po yung standard mo pagdating sa tamang sagot? Ano yung magiging pinakabasehan mo para maniwalang may isang Diyos na totoong marunong, matalino, at maibigin? Kasi kung yung definition mo at pananaw mo tungkol sa isang diyos ang tama, dapat na 'yan din ang maging standard ng mga tao pagdating sa paniniwala tungkol sa Diyos. Tama po ba ako kuya or mali po?

🙂

Kung hindi po magiging malinaw sa akin ang inyong standards tungkol sa isang Diyos, hindi ko po sasagutin gamit ang Bible ang inyong mga tanong dahil alam kong walang malinaw na pagbabasehan ang aking mga sagot mula sa Bible. Pagpasensiyahan niyo na lang kuya kung ganito po ako sumagot, dahil gusto ko lang pong maging malinaw sa'yo yung dahilan kung bakit hindi ko na agad sinasagot ngayon ang iyong mga tanong.
 
Last edited:
Yortz
1. Hindi naman sobrang liit ng "Goldilocks zone". Mamatay man tayong tao, may possible pa ding mag survive na life.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Hindi rin sobrang unique - Eight New Exoplanets In ‘Goldilocks Zone’ - Pero hindi pa confirmed kung habitable
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

2. Amazing sa tao, atbp., not so amazing sa mga anaerobic, pwede sila mamatay.
"An anaerobic organism or anaerobe is any organism that does not require molecular oxygen for growth. It may react negatively or even die if free oxygen is present."
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

3.For smaller objects, like asteroids, the force of gravity trying to pull the object into a sphere isn’t enough to overcome the strength of the rock keeping it in shape.
But once you get above a certain mass and size (> 1,000km?) , the strength of the object can’t stop the force of gravity from pulling it into a sphere.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

4. Deadly sa atin yung ibang effect ng ibang cycles na iyan.
Yung sa water e source ng storms, floods+landslides, lightning.
Yung tectonic plate movement source ng earthquakes.
Mga bulkan din dahil sa magma/lava "cycle" (Pompeii).

5. Well andami ding pathogens na nakakamatay.
Although very important ang diversity at web of life, buhay pa naman tayo kahit na extinct na yung iba (dodos).
"bee and a flower" - meron din namang wind na nag ca-carry ng pollen
At relatively recent yang bee-flower relationship, hindi simula't sapul

Ang pandas at koalas pa cute lang, haha (at least yung panda ngkakalat ng bamboo, koala wala)
Ang mga lamok, langaw, ticks, daga, rats, nagkakalat ng sakit. Kailangan pa ng exterminator.
Tignan mo yung pinaka useless na species dito paps, yung #7, haha
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

6. E yung aging process, nag le-lead to death. Wala pang nakakatakas diyan.
Bakit imperfect yung pag replicate ng cells natin, nagkakamali over time.
(Parang pag nag-xerox ka ng xerox copy din, pumapangit nang pumapangit yung kopya.)

7. May mga opinions na baka mas nagsimula ang "life" sa RNA.
At malapit na nilang ma-demonstrate eperimentally na kayang nitong mag form "by chance" or spontaneously.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Andaming nagpo-point to "chance" vs "design". Eto mga sample

Waste ba ng space ang whole universe, kasi lahat ng tao andito lang sa isang napaka insignificant na planet?
Actually sobrang imperfect ng earth, naka tabingi sa axis, may winter tuloy at sobrang init na summers (heatwave). Hindi pa pwedeng mala Baguio na lang buong mundo, hehe
90% puro tubig na hindi natin matirahan o mainom.
Walang potable water, kuryente, walang Internet, walang maayos at hygienic na shelter.
Lahat yan kailangan pang imbentuhin with technology at binuo ng tao.
Mga lalaki may useless na nipples. (at least para sa mga baby hehe...)
May useless tayong toes, appendix, coccyx, wisdom teeth, milk teeth. (tho yung milk teeth, kasi mag ke-candy ang mga bata, so may backup, haha)
Walang tigil na pagtubo ng buhok, kuko, na ginugupit at tinatapon lang natin.
Malalabong mata na kailangan ng salamin, o kaya i-laser.
Sa organs, OK yung kidney, lungs, tig-dalawa, may backup. Ba't yung iba tig-isa lang?

Di ba pag nagtayo ka ng bahay, sisimulan mo sa pundasyon na matatag, yung hindi gumagalaw.
Pero ang lupa "lumulutang" sa liquid na magma, bitak bitak yung tectonic plates, lindol tuloy pag nag tutulakan.
Butas butas pa yung lupa, nag le-leak tuloy sa mga bulkan. Nagbubuga pa ng abo, sulfur, kung ano ano pang lason.

Madaming madami pang iba na kung titignan mo o imperfect at kaya imperfect ay maaring dahan dahan pa itong nag-e-"evolve" over long periods of time
 
[XX='OrangeMoon, c: 1379978, m: 1881231'][/XX] Ang totoo po, sinagot ko na lahat ng ito ..

Dahil sa pagsuway nila Adan at Eva kaya nagkaroon ng imperfect system sa mundong ito, at ang buhay at kalagayan ng mga tao ay hindi na din perpekto.

Kasama sa mga naapektuhan nito ay ang cycles dito sa mundo, like water cycle, rock cycle, carbon cycle, atbp.; kasama din sa naapektuhan ang buhay ng mga hayop. Pati ang klima, kasama din sa naapektuhan.

At yung mga bagay na iniisip mong useless, well, para sa inyo na mga hindi naniniwala sa Diyos, totoong useless yon, pero para sa amin na naniniwalang may Diyos, hindi iyon useless. Like yung paghaba ng kuko, para sa amin, may itinuturo iyon tungkol sa Diyos at sa layunin niya para sa mga tao. Ano y'ong itinuturo nito? Para sa amin, patunay iyon na nilikha ang tao para mabuhay nang walang-hanggan at pangalagaan ang katawan na ibinigay ng Diyos, kaya, puputulin mo talaga siya kapag mahaba na. Walang problema sa'min yun. Kung gusto mo ng mga daliri na walang kuko, tutal useless naman po iyon para sa inyo, ipatanggal niyo po then post niyo dito para makita namin na wala na pong useless parts sa daliri niyo po, para masaya na din kayo, pati yung nipples niyo din, ipatanggal niyo na din po. Suggestion ko lang naman. 🙂

Tutal, ang buhay na ito para sa inyo, ay hindi naman mula sa Diyos, so, walang Diyos na hahatol sa inyo kung tama o mali ang inyong gagawin. Kaya, go lang po, nirerespeto pa din naman namin ang inyong kalayaang pumili. 🙂
 
Last edited by a moderator:
"pati yung nipples niyo din, ipatanggal niyo na din po"
Haha, funny paps, masakit yan haha, natry ko na yan sa paa, inoperahan masakit

Kaya ko lang naman pinoint-out yun, para ipakita na kung talagang "design" ang pinang-galingan natin, e bakit mali-mali yung design? Bakit may coccyx/"buntot", appendix, wisdom teeth? Nagkakamali ba sa pag design ang Diyos, paps?

Si Adan ba may nipples? Saan niya gagamitin?

Yung kuko, hindi ko sinasabing useless, yung pagtubo niya na tuloy tuloy ang ibig kong sabihin.
Bakit di na lang siya tumigil pag tama na ang haba? Pati buhok sa ulo. "Unli" kung baga...

Bakit yung balahibo natin at kilay hindi tuloy tuloy, tigil na siya, kung baga fixed length?

"walang Diyos na hahatol sa inyo"
Hindi rin nga ba paps na mas magandang mabuhay na lang tayong lahat na mabuti.
Tulungan tayo lahat, walang lamangan, dahil yun ang tama?
Hindi dahil may hahatol? Hindi dahil para mapunta sa heaven? Para lang makaiwas sa hell?

DI ba mas OK ang mundo kung lahat ay mabuti sa isa't isa at wala nang inaasahan pang "reward" sa dulo?
 
[XX='OrangeMoon, c: 1379978, m: 1881231'][/XX] Natawa ako dun sa pa-cute hahaha. Sagot ako bukas. Nasagot narin ni Mind yung iba pero dagdag nalang ako :)
 
[XX='OrangeMoon, c: 1380159, m: 1881231'][/XX] Nagbibiro lang naman ako about sa pagpapatanggal ninyo ng nipples at kuko .. Hahaha ..

Kaya ko lang naman pinoint-out yun, para ipakita na kung talagang "design" ang pinanggalingan natin, e bakit mali-mali yung design? Bakit may coccyx/"buntot", appendix, wisdom teeth? Nagkakamali ba sa pag design ang Diyos, paps?
Napag-aralan mo na ba or na-research yung purpose ng mga yan? Puwede mong i-research muna yung tungkol sa mga yan. Sigurado naman ako na may maibibigay na kasagutan ang science pagdating sa mga bagay na iyan.

Si Adan ba may nipples? Saan niya gagamitin?
Di ko po alam eh.

Yung kuko, hindi ko sinasabing useless, yung pagtubo niya na tuloy tuloy ang ibig kong sabihin.
Bakit di na lang siya tumigil pag tama na ang haba? Pati buhok sa ulo. "Unli" kung baga...
Gaya po nung nabanggit ko na, patunay po kasi iyan na nilalang ang tao para mabuhay magpakailanman at upang walang-hanggang makipagtulungan ang mga tao sa Isa na nagdisenyo ng katawan.

Maganda din yung punto mo dito ..
Bakit yung balahibo natin at kilay hindi tuloy tuloy, tigil na siya, kung baga fixed length?
Ibig sabihin lang niya'n, may iba't-ibang limitasyon ang mga nilikha ng Diyos pagdating sa ating katawan. Kasama riya'n yung mga nabanggit mo na. Kung nilikha ng Diyos na maging fixed length lang ang kilay at ang balahibo, wala namang problema do'n kasi gano'n niya ni-design ang katawan. Gusto mo ba na tuluy-tuloy din humaba yung kilay mo or fixed na lang ang buhok mo habambuhay? Hmmm .. Kung titingnan din kasi, yung buhok natin, nagbibigay din sa atin ng kasiyahan; nagagawan natin ng iba't-ibang istilo at pagkakaayos ang ating buhok at nakakatulong 'yon para masiyahan din tayo. Yung mga bata nga, kapag pinapaliguan, natutuwa sila at natatawa kapag ginugulo or inaayos natin na parang pating yung mga buhok nila, hindi ba? At kapag nakikita nating masaya sila sa gano'ng mga pagkakataon, sumasaya na din tayo. Kaya, may purpose din kung bakit ang buhok ay humahaba. Nilikha din yan ng Diyos para masiyahan tayo.

Hindi rin nga ba paps na mas magandang mabuhay na lang tayong lahat na mabuti.
Tulungan tayo lahat, walang lamangan, dahil yun ang tama?
Hindi dahil may hahatol? Hindi dahil para mapunta sa heaven? Para lang makaiwas sa hell?
DI ba mas OK ang mundo kung lahat ay mabuti sa isa't isa at wala nang inaasahan pang "reward" sa dulo?
Ang totoo nya'n, ang Diyos bilang ang Isa na "mabuti", ay nagnanais talaga na maging mabuti ang lahat ng tao or na mapabuti silang lahat. Sa pasimula pa lang ng kasaysayan ng tao, no'ng nilikha niya sina Adan at Eva, gustung-gusto niya na talagang mapabuti sila, kaya nilikha niya sila sa paraang mapapabuti sila. No'ng ilagay ng Diyos ang mga ipinagbabawal na puno, nagbigay siya ng mga kautusan para ipakitang upang mapabuti sila at ang kanilang mga anak, ang buhay nila at ang mabubuting bagay na matatamo nila ay nakadepende nang malaki sa pagsunod nila sa Diyos. Pero dahil sumuway sila, nawala na ang balanse ng buhay at ng mundong kinalalagyan natin, at naapektuhan nito lahat ng mga nilikha ng Diyos dito sa lupa.

---
Tingnan mo din itong mga thread na ito kung naitanong mo na din ito.

Bakit Nga Ba Inilagay ng Diyos ang Puno ng Pagkakilala ng Mabuti at Masama sa Hardin ng Eden?
https://phcorner.net/threads/bakit-...g-mabuti-at-masama-sa-hardin-ng-eden.1108224/

Bakit Hindi Pinigilan ng Diyos si Satanas sa Pagtukso kay Eva?
https://phcorner.net/threads/bakit-hindi-pinigilan-ng-diyos-si-satanas-sa-pagtukso-kay-eva.1107929/

---

Kung tungkol sa "heaven" at "hell", ang "heaven" ay nilikha ng Diyos para sa mga espiritung nilikha ng Diyos, at hindi nilikha ang mga tao para doon tumira. Gayunman, nung magkasala ang unang mag-asawa, gumawa ng kaayusan ang Diyos para ang isang limitadong bilang ng mga tao na mananatiling tapat sa Diyos ay maging posible na makapunta sa langit para sa isang pantanging layunin. Hmmmm .. Ba'le, limited lang talaga ang mga taong 'aampunin' ng Diyos para umakyat sa langit. Hindi lahat ng mabubuting tao ay aakyat sa langit gaya ng paniniwala ng karamihan ng mga relihiyon.
---
Tingnan mo din ang article na ito.

Sino ang Aakyat sa Langit?
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
___

Kung tungkol sa "hell", salungat sa katangian ng Diyos kung ang mga nilikha niya ay pahihirapan ng walang-hanggan. Tanging 'kamatayan' lamang ang hatol ng Diyos sa mga masuwayin, gaya na lamang ng naging hatol ng Diyos kina Adan at Eva.

Actually, napansin ko sa ibang religion, kaya, hindi nila matanggap na walang turo ng 'hellfire' sa amin, kasi iniisip nila na puwede ng gumawa ng gumawa ng masama ang mga tao dahil wala naman daw palang parusa ang Diyos para sa masasama. Pero ang totoo, mero'ng parusa ang Diyos para sa mga taong iyon. Ang mga tao na hindi sumusunod at hindi naglilingkod sa Diyos ay pupuksain Niya sa hinaharap. Iyon ang magiging pinakahatol ng Diyos sa lahat ng di-makadiyos at hindi sumusunod at hindi naglilingkod sa Kaniya.

---
Tingnan mo din ang mga article na ito para malaman ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa "hell" or impiyerno.

Ano ang Impiyerno? Isa ba Itong Lugar ng Walang-Hanggang Pagpapahirap?
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Sino ang Napupunta sa Impiyerno?
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Ano ang Lawa ng Apoy? Kapareho ba Ito ng Impiyerno o ng Gehenna?
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
___

DI ba mas OK ang mundo kung lahat ay mabuti sa isa't isa at wala nang inaasahan pang "reward" sa dulo?

Ang totoo, ang Diyos ay Diyos na nagbibigay-gantimpala. (Hebreo 11:6) Ibig sabihin, kapag nakikita niya na ang kaniyang mga nilikha ay tapat at sumusunod sa kaniya, handa niya silang bigyan ng gantimpala. Hindi naman ibig sabihin no'n na kaya lang kami naglilingkod sa Diyos ay dahil sa gantimpala. Ang totoong umiibig at naglilingkod sa Diyos ay hindi naglilingkod dahil lang sa gantimpala, kundi naglilingkod kami sa Diyos dahil mahal namin Siya at gustong-gusto naming purihin Siya. Maging ako man, may buhay na walang hanggan man ako na hinihintay sa hinaharap, pero hindi ako doon nakafocus, mas nakapokus ako sa paglilingkod ko at pagsisikap na ipakitang pinahahalagahan ko ang buhay na ito na ibinigay ng Diyos para sa akin. Kaya, sinisikap ko din na sabihin sa iba ang mga natututunan ko tungkol sa Diyos. Mabuhay man ako o mamatay, gusto kong maipakitang naglilingkod ako sa Diyos dahil mahal ko Siya, hindi dahil sa gantimpala na ibibigay niya sa akin.

Actually, kung nanatiling sumusunod sila Adan at Eva sa Diyos, ang pinakareward nila ay ang kumain ng bunga sa punungkahoy ng buhay. At mananatili silang masaya na naglilingkod sa Diyos habang nakikipagtulungan sila sa kaniya sa pagsasakatuparan niya ng kaniyang layunin para sa lupa, ito ay ang maging Paraiso ang buong lupa, ang mapangalagaan ang mga hayop, at mabuhay nang walang pangamba o takot sa anumang bagay.

Hindi gaya ng buhay natin sa kasalukuyan.
 
Yortz
"Natawa ako dun sa pa-cute"
Kasi daw wala namang kumakain sa kaniya
Hindi naman niya kinakalat yung seeds ng eucalyptus na paboritong food niya
Tapos halos natutulog lang at kumakain buong araw
Kaya, ang purpose lang niya ay maging cute, hahaha

Mind Palace
"Nagbibiro lang naman ako"
Haha, alam ko naman paps.
A, JW pala kayo paps. Meron ako dati 2 nung mini pamphlet ninyo nakalimutan ko lang title, blue at orange e.

Si Jehovah ba e insecure? Kailangan pa niya ng sasamba sa kaniya?
Pano yung hindi siya sinamba, pero everything else na "good" ay ginawa, no sin (expect hindi nag worship)

O kaya hypothetical lang: Paano kunwari yung mga uncontacted tribes, hindi sila JW, tapos end times na bigla.
Ano ba judgement sa kanila paps, kasi basically innocent naman sila kasi hindi sila inabot ng Gospel.
Or bago ba magunaw mundo e siguradong maririnig muna ng lahat ng tao yung Gospel?
 
Puwede ka bang magbigay ng examples?

Hmmm .. May naibigay na po ba kaming mga proof na pareho po nating sinang-ayunan? Kung mero'n, puwede mo po bng i-share?
Sample eh..uhmm.. gravity... It exists and is true for everyone.

Ganang parameters ..do u have one sample like that for your god?

I dont recall na we agreed on any pro0f of god that u presented so far...so we can start hir... Yung best one mo na proof ni god na true for everyone else...
 
Sample eh..uhmm.. gravity... It exists and is true for everyone.

Ganang parameters ..do u have one sample like that for your god?

I dont recall na we agreed on any pro0f of god that u presented so far...so we can start hir... Yung best one mo na proof ni god na true for everyone else...
Ok po ba sayo kuya yung mga ganiyang uri ng reasoning? I mean, isang bagay kasi na hindi nakikita yung 'gravity' pero yung effect or result na nagagawa no'n ay nakikita natin. Okay po ba sa inyo yung ganiyang mga paraang ng reasoning?
 
[XX='OrangeMoon, c: 1380626, m: 1881231'][/XX] Maganda yung mga tanong mo. Hmmm, bago ko sagutin yung tanong mo, kahit papaano po ba, naniniwala ka sa sinasabi ng Bible?
 
Actually po kuya, napansin ko lang sa'yo, huwag mo sana itong masamain 😅 hmmm .. [Hindi naman sa sinasabi kong 'mawalang-galang na' ano] .. Hahahaha .. Nandito pa din naman yung aking paggalang sa'yo kuya .. Hehehehe 😅

Pero gusto kong ipakita sa iyo na ang komento ko pong ito ay seryoso at hangga't maaari ay makakapagbigay-galang pa din po sa iyo ..

Yes, nandu'n ka sa part na gusto mong malaman yung existence ng Diyos .. Pero kasabay din po kasi nito is yung part na hindi lang po ang existence ng Diyos ang itinatanong mo kundi nagtatanong ka din po about sa pamamaraan ng Diyos, kung paano siya nag-iisip, kumikilos at nag-uutos .. Marahil ay kasama talaga iyon 🤔 Hmmm, wala naman pong masama doon .. Pero the way you ask is different po kasi, yun lang po yung napansin ko :) Paano ko nasabing iba?

Hindi ka po basta nagtatanong lang, but kinukuwestiyon niyo na po kasi yung mga pamamaraan ng Diyos, kung paano siya nag-iisip, kumikilos at nag-uutos ... and the way you construct your words and the way you make your sentences, lalo na sa iyong mga conclusion sa aming mga ipinapaliwanag, ay hindi nagpapakitang iginagalang mo ang Diyos na ito na para sa amin ay umiiral at siyang sinasamba namin ..

Bakit ko nasabi iyon? Sa kabila ng aming mga ipinapaliwanag mula sa Bibliya ay nandoon pa din ang iyong sariling katuwiran .. Ang katuwiran ng Bibliya na ipinapaliwanag namin ay hindi mo basta-basta tinatanggap hangga't hindi ito umaayon sa iyong sariling pamantayan ng tama at mali at hindi ito umaayon sa iyong kaisipan at paniniwala .. The standards between you and the Bible is napakalayo .. And actually, sa pagsasabi mong 'may mas mataas ka pang moral standards' kung ikukumpara sa standards na nakabalangkas sa Bible ay masasabi kong isang bagay na lubhang kumukuwestiyon sa awtoridad ng Diyos na magtakda ng pamantayan ng tama at ng mali ..

Iginagalang naman namin iyon .. Alam namin na may kani-kaniya tayong katuwiran, opinyon at paniniwala sa buhay ..

Well, ang masasabi ko lamang dito .. Nakikita ko naman po sa iyo kuya ang pagkaseryoso mo sa paghahanap ng sagot kung umiiral nga ba ang Diyos or hindi, or kung umiiral man ito ay seryoso ka pa din namang nagtatanong about sa kaniyang mga pamamaraan .. Gayundin, nagpapasalamat kami na sa kabila ng aming pagsisikap na ipaliwanag sa iyo ang itinuturo ng Bibliya ay hindi mo kami tinutuya or nililibak pagdating sa aming mga paniniwala .. Maraming salamat pagdating sa bagay na iyan ..

Magkagayunman, batay sa aking mga naobserbahan sa ating mga diskusyon, ang iyong mga konlusyon sa kabila ng mga paliwanag namin mula sa Bibliya ay nagpapakita mismo na wala ka po talagang motibo na kilalanin ang Diyos na ito, o na kilalanin o respetuhin ang awtoridad niya na magtakda ng tama at ng mali, o na magpasakop man sa awtoridad ng Diyos na ito ng Bibliya, si Jehova.

Hindi sa hinuhusgahan kita kuya, pero lilinawin ko lamang po, bawat isa po sa amin nila Gentleman007 Yortz at Ace106 ay nagsisikap na maipaliwanag ang itinuturo ng Bibliya ..

Pero kung ang tao na aming kinakausap ay walang interes na matuto tungkol sa Diyos,
o walang interes na magpasakop sa awtoridad ng Diyos na ito,
o na ang taong ito ay hindi nagbibigay-galang sa salita ng Diyos
at sa halip ay nagbibigay na lamang ng mga konklusyong salungat sa kaniyang paniniwala
at nag-iisip na mas matalino siya kaysa sa Maylalang,

sa magalang na paraan ay sinasabi namin na ang tunghuhin namin ay ang hanapin ang kabaligtaran ng mga nabanggit. Oo, ang hinahanap namin ay y'ong mga tao na may paggalang sa Bibliya, at handang tumanggap sa itinuturo ng Bibliya ngunit kasabay nito ay ginagamit pa din ang kaniyang kakayahang mangatuwiran at may pagpapapakumbabang iginagalang ang katuwiran ng Diyos.

Yamang nabanggit mo naman na gusto mo lamang malaman ang existence ng Diyos, yes, willing naman kaming ipaliwanag ang itinuturo ng Bibliya .. Pero, kung sa kabila ng aming mga pagsisikap ay may sarili ka pa ding katuwiran at nagpapakita pa din ng iyong pagkuwestiyon sa salita ng Diyos at sa Isa na may awtor nito - ang Diyos na Jehova, well, hindi na namin pa ipaliliwanag ang anumang gusto mong malaman dahil mawawalan lamang din naman ng saysay ..

Gaya naman na ng nabanggit mo po noon, 'mas mataas pa ang iyong moral standards' kung ikukumpara sa standards na itinakda ng Diyos na nakasulat sa Bible .. Kaya, malinaw po sa amin na kahit interesado kang malaman ang pag-iral ng Diyos kung itinuturing mo naman na mas mataas ang iyong standards or pag-iisip at pamamaraan kung ikukumpara sa Diyos, hindi na po namin pananagutan pa na ipaliwanag pa nang husto ang itinuturo ng Bibliya ..

Pansamantala, ang iyong mga tanong ay susuriin namin kung karapat-dapat bang sagutin or hindi .. Kung hindi man namin sagutin ang iyong ibabangon pa na mga tanong, huwag mo sana y'on masamain ..

Muli, maraming salamat sa pagsisikap na magtanong sa amin ..

Kung may mga tanong ka about sa Bible, mairerekomenda namin na visit mo na lang po yung website namin, tutal marami pong mga paksa doon tungkol sa Bibliya ..

Ito po yung mga link ..

Official Website of Jehovah's Witnesses
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Sagot sa mga tanong sa Bibliya
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Pananampalataya sa Diyos
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Ang Siyensiya at ang Bibliya
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Ang Kasaysayan at ang Bibliya
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Tulong sa Pag-aasawa at Pamilya
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Tulong para magkaroon ng Kapayapaan at Kaligayahan
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Here's the thing... Namention ko na to before sa another thread and perhaps nabasa din ng ibang kasama mo na...

So i agree sa sinasabi mo na pagtatanong ko about sa pamamaraan ni god mo..

Kung mapapatunayan na totoo si god then i will be a believer.... Pero even that doesnt mean na automatically eh i'll praise him like you guys are doing... Ill probably be asking him the same questions im asking you now...

Believing is one thing. Praising is another.
And at the moment...i have yet to see any compelling reason to do neither of them.

Kung ang mga hinahanap nyo ay mga taong gumagalang lamang sa biblia then nililimitahan nyo na agad ang mga taong gusto nyong mabigyan ng turo...

Sinabi ko na sa issue ng slavery in the bible eh yes..i think that slavery is immoral and ur god think its okay so at that instance eh mataas ang moral standards ko.... Kahit anong pagdidivert nyo na slavery is service lang, slavery sa bible is may halong love, slavery is just like mga kasambahay at laborers now, etc.. u know what SLAVERY is...u know that...and u still chose to make excuses for your god...

So madame akong rebuttals at balik na tanong sa mga punto nyo..ryt?? Madame din kayo ano anong paliwanag pra sa mga arguments nyo db??

We can agree to disagree...back and forth... Pero at the end of the day im not the one making any claims.. you guys are... You might think na "naiiba" kayo sa ibang religion pero not really... You just think that you have the "best interpretation" of something you also cant prove.

I dont need the bible or ur god to be a good person. Im not perfect and make mistakes from time to time pero i do my best to be good.. not because of a verse or out of fear but because i want na ipromote ung well-being ng isat isa...
 
Kung sa "proof", may tanong ako sa taas lang ng comment na ito... Kung totoo yang sinasabi mo, sa tingin ko, ang pinaka problema mo ay ito kaya hindi ka naniniwala kamo sa Diyos.

1. Sa dami ng religion sa mundo, alin ang totoo? Buddhist, Shinto, Hindu, Taoism, Confucianism, Judaism, Islam, Christianism, etc. Bukod sa mga iyan, nahahati pa yan sa bawat denominations and groups. At bawat isa may kaniya kaniyang paniniwala at kinikilalang "diyos". So alin sa mga iyan ang totoo?
Alin ang tamang religion is secondary. Ang primary eh kung alin ang kayang patunayan ang existence ni god/s.

2. Yung mga masasamang nangyayari ngayon sa mundo
Nope. Maraming nangyayaring di maganda sa mundo, sure... Pero walang kinalaman yan sa di ko paniniwala kay god... Napapasok lang sa usapan yan pag theist like u will say na god made and controls everything or god made this planet for us, etc..

3. Yung mga ginagawa ng mga religion
Nope din.. even nung catholic ako until naging christian ako and a firm believer eh i always believe na ung mga "man of god" are still, well, men .so pd sila macorrupt...pd magkamali... Pero kung ang tinutukoy mo eh ung extremist religious groups na malala ang mga ginagawa in the name of their faith sguro eh partly yes.. kaso nangyayari kasi yang sa ibat ibang groups so its more of a non-belief sa religion kesa kay god

4. May sarili ka kamong "moral standard" na mas mataas pa kamo sa "standard" ng Diyos sa bible. Dahil jan, kung ano ang gusto mong gawin, pwede mo gawin without thinking na "magkakasala" ka sa harap ng Diyos. Gusto mo yung ganyang klaseng "freedom".
I dont believe in sin or pagkakasala... Pero i do believe in good and bad things....just not what the bible dictates... If freedom from the standards ng bible ang sinasabi mo then yes...pero im not "free" to just do whatever i want. Ulitin ko ung moral standards na sinasabi ko na na mas mataas ako eh about slavery ...sinabi ko na dun un sa topic na un... Balikan ba natin un?? I dont think owning another human being as property is moral... Ur god and bible have no problem with slavery...so yes .based on that i think i have a higher moral standard... What else pb?? I dont have am issue sa sexuality ng tao... I think incest is immoral.. killing of children, genocide,. Etc... My moral standards are based on well-being...mine and the people around me...

5. Hindi mo nauunawaan ang bible... Hindi ibig sabihin na may "alam" ka sa bible ay nauunawaan mo na ito. Nope.
Ill grant you this one .sure "may alam" lang nga sguro ako sa bible... Eh ikaw?? Mas lamang ba ang alam mo?? Mas tama ba ang unawa mo?? Pareho lang tayo in fact in this regard... Magkaiba lang tayo ng treatment sa bible...i treat it as fiction...u treat it as a book of instructions from your god... Sa kapwa mo nga na parehong naniwala na totoo ang bible eh iba iba pa kayo ng pang unawa.... Just because may pangunawa ka sa bible eh does that mean tama ang pangunawa mo? NOPE.

6. May sarili ka ng "alam" at "paniniwala" sa isang topic sa bible at hindi ka willing tanggapin ang ibang paliwanag.
As far as i know tinatanggap ko iba nyong paliwanag. I do acknowledge things u said pag i agree with it...

Weird lang na this applies to you as well pag kausap mo ang tao na may ibang pananampalataya..hmmm

7. Gusto mo kung ano man ang paniniwala mo or lifestyle mo.
Eto di ko gets... Ano ibig mo sabihin sa paniniwala o lifestyle ko?? Bilang isang atheist?? Ano ba tingin mo pinagkaiba ng lifestyle natin?? Ano ba tingin mo ang lifestyle ko?? Hahaha...

Kung hindi man lahat, malamang may pasok ang alin man sa mga sinabi ko na yan sa "reasons" kung bakit hindi ka naniniwala sa Diyos. Kung may tumama man jan, kung talagang totoo ang sinasabi mong gusto mo malaman ang totoo at mapatunayan ito, apat lang ang kailangan mo gawin.

A. Patuloy na hanapin ang sagot sa tanong mo. Meaning, hindi ka lang "aasa" jan sa sarili mong alam.

B. Maging humble ka na tanggapin kung mali man ang "dati" mong alam sa pag-aaral at pag-hahanap na gagawin mo. Halimbawa, sabi mo nung nag usap tayo ay "useless" lang pala yung Mosaic Law kasi sinabi ko na hindi naman na applicable sa Christians yun. Pero ang totoo, di mo lang talaga nauunawaan yung part na yon.

C. Kung naniniwala ka na sa Diyos after all the efforts and studies, mag pray ka na ituro sayo kung ano talaga ang totoo para mas maunawaan mo ang bible.

D. Tanggapin mo ang tulong ng iba.

Hindi masama mag tanong. In fact, yun nga ang pinakamaganda e yung matanong. PERO kung hindi mo na hahanapin ang sagot or tamang sagot sa tanong mo at makukuntento ka na sa "alam" mo o "sarili mong pagkaunawa" ng hindi tinatanggap ang ibang paliwanag, jan ka magkakaproblema. Baka puro tanong ka nalang at kukwestiyonin mo yung iba pero ang totoo hindi ka naman willing tanggapin yung sagot sayo kasi nga may sarili ka ng alam.

Malibang i-apply mo yung A-D na sinabi ko, mahihirapan kang maunawaan ang bible at ang Diyos.

May mga sinend na link sayo si Mind Palace. Open naman yung website namin sa lahat. Pwede mo i-check yon.

Sige po. :)

Tanong ko lang.. bakit JW? Bakit di ibang religion like catholic, born again, inc etc.?? Bakit di islam, hinduism, biddhism etc??

Ilang paliwanag ng ibang religion na hindi turo sa jw ang tinanggap mo na tama?? Meron ba?? Or stick ka lang din sa kung ano turo sayo kasi un ang paniniwala mong tama?

Partly pagtatanong ko is para ung kausap ko eh isipin dun ung punto nila ..i rethink at the very least.... Pero mostly eh ung concept ni god ang gusto ko na may makapag patunay na totoo... Ung mga specific topics sa bible eh parte un ng paniniwala nyo kay god eh ..of corz i will ask... Kahit gawin mong topic eh "masama ba ang pumatay?"... I will still question you kung ang isasagot mo jan eh dahil nakasulat sa bible un kaya masama...
 
Ok po ba sayo kuya yung mga ganiyang uri ng reasoning? I mean, isang bagay kasi na hindi nakikita yung 'gravity' pero yung effect or result na nagagawa no'n ay nakikita natin. Okay po ba sa inyo yung ganiyang mga paraang ng reasoning?
Yah...ung naoobserve at namemeasure...di naman ung visual lang pinakabasehan for existence... Even if a person eh di alam ang concept ng gravity eh does not mean that gravity doesnt exists right?? So ganang klaseng proof for god sana iooffer mo..

Baka ur gonna tell me na we cant see god pero we see his results or effects sa nature and evrything else ha
 
Mind Palace & jayendecastro
Iniisip ko mga paps maglagay lang sana ng isang maliit na burning bush si God sa tuktok ng isang bundok or hill (or kahit saan, actually) parang sa - Exodus 3:2

Parang "Hey, I'm here"

Kaya lang kasi: "Ye shall not tempt the LORD your God" - Deut. 6:16
hehe

O kaya ten plagues - araykupu
 
Mind Palace
Hmm, ang tingin ko sa kaniya e hindi necessarily word of God.
Feeling ko parang guidebook yan ng mga panahon ng prophets, etc. (sensya na mahina history ko hehe)
Siguro yung mga writers e "inspired" nung pinaniniwalaan nilang God, pero human din sila at fallible.

Pwede nating sabihin na "naniniwala" ako sa "good parts"
Kumbaga ten commandments and other things
Pero mahirap yung Old Testament na God, mas mabait yung Paps ni Jesus, hehe
Pero hindi siguro ako naniniwala na ka-level niyo, hindi siya foundation ng buhay ko
 
"and, behold, the bush burned with fire, and the bush was not consumed."
Wala nang ku-question dyan, haha
Palagay ko definitive proof na yan

Kalimutan na natin yung Exodus 7:19
 
[XX='Mind Palace, c: 1379569, m: 1764836'][/XX] Di tayo magkapareho ng idea pero pareho tayo ng vision hehe
 
[XX='OrangeMoon, c: 1380626, m: 1881231'][/XX]

Si Jehovah ba e insecure? Kailangan pa niya ng sasamba sa kaniya?
Pano yung hindi siya sinamba, pero everything else na "good" ay ginawa, no sin (expect hindi nag worship)
Ang totoo, lahat naman na ng bagay ay na kay Jehovah na .. Noong hindi niya pa nililikha ang lahat ng bagay, at noong mag-isa pa lang siya, hindi niya naman kinailangan na may sasamba sa kaniya .. Siya ang Makapangyarihan-sa-lahat at Kataas-taasang Diyos, kaya, kahit wala naman talagang pumupuri sa kaniya, siya pa rin naman ang Diyos ...

Pero, yamang ang Diyos na Jehova ang lumikha sa lahat ng bagay, siya ang karapat-dapat na sambahin dahil utang ng bawat isa sa atin ang buhay natin sa kaniya ..

O Jehova na Diyos namin, ikaw ang karapat-dapat sa kaluwalhatian at karangalan at kapangyarihan, dahil nilalang mo ang lahat ng bagay, at dahil sa kalooban mo ay umiral sila at nalalang.” (Apocalipsis 4:11)

Kung tungkol naman sa "kabutihan" pero hindi naman gumagawa ng kasalanan o masasamang bagay, ganun din po .. Dapat pa din po niyang kilalanin na may isang Diyos na lumikha sa kaniya at nagbigay ng buhay sa kaniya .. Kasi, sa Bible, ang masasama ay hindi lang naman inuuri sa mga tao na gumagawa ng masasamang mga bagay o sadyang gumagawa ng kasalanan, kundi maging doon sa mga hindi naglilingkod at hindi sumasamba sa kaniya ..

Yamang nang magkaroon ng rebelyon sa Eden, dalawang panig na ang kailangang piliin ng mga tao, pamamahala ni Jehova o pamamahala ni Satanas. Kahit sabihin ng isang tao na hindi niya naman pinipili si Satanas, pero hindi niya naman pinili ang Diyos para sambahin, still, nasa panig pa din siya ng isa na hindi pumanig sa Diyos, dun pa din siya sa panig ni Satanas ..

At si Satanas, ipinapamukha niya sa mga tao na hindi naman kailangan ng mga tao ang sumamba at maglingkod sa Diyos na Jehova, bakit? Kasi gayung-gayon siya. Siya mismo ang isa na hindi sumasamba at hindi naglilingkod sa Diyos. Gusto niya din na maging ganun ang mga nasa ilalim ng impluwesiya niya. Ang ideyang iyan ang isa sa mga kasinungalingan ni Satanas.

Kaya, kahit mabuting tao ang isa, kung hindi siya naglilingkod at sumasamba kay Jehova nang may tamang motibo, puwede pa din siyang hatulan ni Jehova ng kamatayan sa bandang huli. Hindi naman ibig sabihin non na basta na lang pinupuksa ng Diyos ang mga tao. Kaya nga may mga Saksi ni Jehova, kasi, sila/kami yung ginagamit ni Jehova para maituro ang mga katotohanan tungkol sa Diyos na ito ng Bibliya bago dumating ang wakas ng sistemang ito ni Satanas sa mundo. Nagbibigay babala kami sa mga tao. Habang may panahon pa, sinisikap naming mapaabutan ang mga tao ng mga katotohanan mula sa Bibliya para pumanig sila sa pamamahala mismo ni Jehova bago dumating ang wakas at hindi sila puksain ng Diyos.

Ang totoo, tinitipon na ni Jehova ang mga tao mula sa lahat ng mga bansa, para itong mga tao na ito na hindi mabilang mula sa lahat ng bansa ay siya namang bubuo sa bagong lipunan ng mga tao na ililigtas ng Diyos kapag pinuksa na ang sistemang ito ni Satanas. Kaya, may mga tao na makakasurvive sa dakilang araw ng galit ng Diyos. Mananatili silang buhay sa mundong ito sa panahon ng pagpuksa sa mga di-makadiyos at hanggang sa maalis ang pamamahala ni Satanas dito sa lupa at palitan ng isang gobyerno mula sa langit.

Ang mga nagpasakop sa pamamahala ng Diyos ang siya namang makikipagtulungan sa layunin ng Diyos na maibalik sa Paraiso itong lupa na ito na nasira sa ilalim ng pamamahala ni Satanas. Iyon ang pagsasauli na pinainihintay namin.

Dahil nagtakda siya ng isang araw kung kailan hahatulan niya ang lupa ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng lalaking inatasan niya, at bilang garantiya sa lahat ng tao, binuhay niya siyang muli. (Gawa 17:31)

Paano kunwari yung mga uncontacted tribes, hindi sila JW, tapos end times na bigla.
Ano ba judgement sa kanila paps, kasi basically innocent naman sila kasi hindi sila inabot ng Gospel.
Or bago ba magunaw mundo e siguradong maririnig muna ng lahat ng tao yung Gospel?

Kung tungkol naman sa mga hindi mapaaabutan ng mabuting balita bago dumating ang wakas, tinitiyak ng Diyos na magiging patas at makatuwiran ang paghatol niya sa mga tao.

Ang Bato, walang maipipintas sa kaniyang mga gawa, Dahil lahat ng ginagawa niya ay makatarungan.
Isang Diyos na tapat at hindi kailanman magiging tiwali; Matuwid at tapat siya. (Deuteronomio 32:4)

alam ni Jehova kung paano magligtas ng mga taong may makadiyos na debosyon mula sa pagsubok, at magtaan naman ng mga taong di-matuwid upang lipulin sa araw ng paghuhukom. (2 Pedro 2:9)

Kaya, kapag dumating ang wakas, tiyak na magiging patas ang kahatulan ng Diyos sa lahat ng tao.
 

About this Thread

  • 126
    Replies
  • 12K
    Views
  • 11
    Participants
Last reply from:
Asherah Goddess

Online statistics

Members online
1,090
Guests online
4,025
Total visitors
5,115
Back
Top