[XX='Yortz, c: 1346459, m: 1496536'][/XX]
"Parang yung mga taong nagsalin ng bible ba yan gaya nila William Tyndale, John Wycliffe, at iba pang gusto mag-translate ng bible sa wikang maiintindihan ng normal na mga tao. Tapos pinatay sila ng simbahan"
-Si John Wycliffe ay namatay sa
stroke at hindi sya pinapatay. Palpak na naman tayo sa history kapatid ah.
You do not have permission to view the full content of this post.
Log in or register now.
-Si William Tyndale naman ay pinadakip at pinapatay ni King Henry VIII dahil sa pagkondena nito sa divorce ng hari sa kanyang asawang si Catherine of Aragorn. Pinapatay sya (ni King Henry) hindi dahil sa pagtatranslate niya ng bibliya kundi dahil nga sa ginawa nyang pagkondena sa hari. Palpak na naman tayo sa history kapatid.
Si tyndale at wycliffe ay dineklarang Heritiko dahil nangaral sila ng mga doktrinang wala sa Bibliya (Bible Alone, Faith ALone, etc) at ang kanilang translations ay ginawa para pumabor sa kanilang heritikong unbiblical doctrines. Ikaw ba ay gustong magbasa ng bibliya na hinaluan ng unbiblical doctrines ng gumawa nito? of course hindi diba.
"gusto ng mga pari at simbahan na ilihim sana yung bible sa wikang latin para hindi maintindihan ng mga common na tao"
-mula late 4th century hanggang sa maimbento ang printing press ay matyagang inalagaan at pinarami ng simbahan ang bibliya ng mano2x. ginagawa ito by hand. at ng dumating ang mga heritikong protestante ay pinangalagaan lang ng simbahan ang bibliya sa tama nitong konteksto at tamang paraan ng pagkopya para hindi ito magamit ng mga heritiko sa sarili nilang interes. Kung ayaw pala ng simbahan na ipabasa ito sa mga common na tao ay bakit noong 1582 ilang taon matapos mamatay si Tyndale ay nagpalabas ang simbahan ng Official English Translation ng bibliya (The Douay-Reims version)? Ayaw palang ipabasa pero gumawa ng version na mababasa ng lahat.
And take note, isa ang Douay-Reims sa ginamit ni King James na basehan para sa kanyang King James version.
--------------
Ang simbahan ang nagsikap na magpreserve at mangalaga ng bibliya bago paman dumating ang mga protestanteng may nakalalasong doktrina na kontra sa bibliya. Kagaya na lamang ng New World Translation ng Jehovahs Witnesses na ininsertan ng mga maling doktrina ng JWs para pumabor sa mga unbiblical ninyong doktrina.
halimbawa:
ang maling paglalagay ng "OTHER" sa collosians 1:17
sa NWT:
“Also, he is before all
other things, and by means of him all
other things were made to exist.”
gustong palabasin ng sekta nyo na created lang si Jesus at after noon sya ang nagcontinue sa pagcreate pero ito ang nakasulat sa ibang translations:
The KJV reads: “And he is before all things, and by him all things consist.”
The NASB reads: “He is before all things, and in Him all things hold together.”
And the HCSB reads: “He is before all things, and by Him all things hold together
walang ibang translation na nagtwist sa verse na ito kundi ang NWT lang ng mga witnesses para iinsert ang mali nilang dotrinang ito.
sa Act 20:28. Dahil dinedeny nyo ang Pagka-Diyos ni Kristo ay hindi nyo gustong mabasa ng myembro nyo na Ang Diyos ang nag-alay ng dugo para sa kapatawaran ng kasalanan.
kaya pinalitan nyo ang original na talata at tinwist ito para pumabor sa inyo.
NWT:
Pay attention to yourselves and to all the flock, among which the holy spirit has appointed you overseers, to shepherd the congregation of God,
which he purchased with the blood of his own Son.”
pero sa tamang translation ay ito:
Douay-Rheims:
to rule the church of God, which
he hath purchased with his own blood.
Kaya klarong klaro na katulad ni Wycliffe at Tyndale ay handa nyong itwist ang mismong banal na bibliya para isiksik at pumabor ito sa mga mali2x nyong doktrina. Dito palang makikita na ang Jehovahs witnesses ay nabuo dahil sa self interpretation ng founder at sa pangbabaluktot ng talata.
hindi bat may nakasulat kapatid na
wag lalagpas sa nakasulat? Ang witnesses hindi lang lumagpas, nagdagdag pa.