Malakias 1:11
Sapagka't mula sa sinisikatan ng araw hanggang sa nilulubugan niyaon, magiging dakila ang aking pangalan sa mga Gentil; at sa bawa't dako ay paghahandugan ng kamangyan ang aking pangalan, at ng dalisay na handog: sapagka't ang aking pangalan ay magiging dakila sa gitna ng mga Gentil, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
merong hula sa bibliya na mag mumula sa Sinisikatan ng araw magiging dakila ang pangalan ng Dios at kasunod naman papunta sa nilulubugan ng araw ang MEMBERS CHURCH OF GOD INTERNATIONAL ay itinayo sa pilipinas kung saan sinisikatan ng araw kung ang sinsabi mo na ang america ay my church of God bakit sa kanila ba nag sisismuala ang pag sikat ng araw?
So, ayon sa paniniwala ng Church of God .. Ang tunay na religion ay manggagaling sa bansa kung saan magmumula ang sikatan ng araw ..
Tingnan natin ang sinasabi ng isang reference kung saan nga ba talaga sumisikat ang araw ..
Sa Pilipinas nga ba talaga?
Kaya, saan nagmumula at unang nakikita ang pagsikat ng araw? Sa Pilipinas daw ba?
Hindi, kundi sa Caroline Island. Ito ay isang isla na nasa ilalim ng Kiribati [isang Island Country]
Ngayon, sa Kiribati ba ay mayroong Church of God?
Tingnan natin ang isang information mula mismo sa report ng U.S. Depart of State.
Ayon dito, walang anumang nabanggit na "Church of God" sa nasabing bansa, kung saan, nagmumula ang sikat ng araw. Kaya, paano mangyayari na sa Pilipinas manggagaling ang relihiyong sinasang-ayunan ng Diyos kung ang bansang Pilipinas ay hindi naman ang siyang bansa na pinagmumulan ng pagsikat ng araw?
Buweno, kung iyon lamang ang magiging basehan para sabihin na ang isang relihiyon ang siyang tunay na sinasang-ayunan ng Diyos, napakaraming mga relihiyon ang magsasabing "sila" ang totoo at tunay.
Pero, hindi ba't si Jesus mismo ang nagbanggit kung ano ang pagkakakilanlan ng tunay niyang mga alagad? Bakit hindi sipiin ng mga Kristiyanong iyon ang mga sinabi mismo ni Jesus?
Dahil ba sa sila mismo ay hirap sa pagpapakita ng katangiang sinabi ni Jesus na siyang pagkakakilanlan ng tunay na mga Kristiyano? Anupat maging ang simpleng pagrespeto nga sa iba ay hindi man lamang nila magawa ni sinasang-ayunan?
Buweno, sa paraan ng pakikitungo, pakikipag-usap, at paraan ng pananalita ng mga relihiyong ito ay malalaman natin kung sino ang talagang siyang nagtataglay ng espiritu ng Diyos.
Ang mga tagapagmasid na lamang ang siyang huhusga, at ang Diyos na siyang Makapangyarihan-sa-lahat, ang siyang tanging makahahatol kung sino talaga ang kaniyang sinasang-ayunan.