Vantablackxx
Honorary Poster
- Joined
- Aug 9, 2016
- Posts
- 702
- Reaction
- 167
- Points
- 223
- Age
- 28
UPUAN
Dati ay dito ka, doon naman ako
Tandang tanda ko pa, magkalayo tayo
Sinusulyapan lang kita sa malayo
Mga ngiti mo ang siyang ligaya ko
Dati ay dito 'ko, kalapit pa kita
Naalala pa noong lumapit ka
Tanong mo "'tong bangko ba'y may may-ari na?"
"Wala" ang tugon ko, puso ko ri'y wala
Dati ay dito ka, at matalik kita
Kwentuhan natin ay parang walang hangga
Bakit ngayon ay nawalan ng sigla?
Pagkamalapit ay naglaho ng bigla!
Ngayon ay dito ka, nandito rin ako
Heto tayo lapit, ngunit magkalayo
Ang puso natin ay kapwa dumurugo,
Ang mata'y mayroong luhang tumutulo!
Ngayon ay dito ko, nandoroon ka na
Lumayo, umiwas, ligaya'y humupa
Mula sa malayo'y sinusulyapan ka
Kahit masakit na kalapit mo'y iba.
Dati ay dito ka, doon naman ako
Tandang tanda ko pa, magkalayo tayo
Sinusulyapan lang kita sa malayo
Mga ngiti mo ang siyang ligaya ko
Dati ay dito 'ko, kalapit pa kita
Naalala pa noong lumapit ka
Tanong mo "'tong bangko ba'y may may-ari na?"
"Wala" ang tugon ko, puso ko ri'y wala
Dati ay dito ka, at matalik kita
Kwentuhan natin ay parang walang hangga
Bakit ngayon ay nawalan ng sigla?
Pagkamalapit ay naglaho ng bigla!
Ngayon ay dito ka, nandito rin ako
Heto tayo lapit, ngunit magkalayo
Ang puso natin ay kapwa dumurugo,
Ang mata'y mayroong luhang tumutulo!
Ngayon ay dito ko, nandoroon ka na
Lumayo, umiwas, ligaya'y humupa
Mula sa malayo'y sinusulyapan ka
Kahit masakit na kalapit mo'y iba.