What's new

Poems Ulan

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,962
Solutions
6
Reaction
66,431
Points
16,638
Sa bawat pagdilim ng kalangitan at sa bawat pagpatak ng ulan,
may nakakubling hinanakit at kalungkutan,
isipa'y nagliwaliw, nakatanaw sa kawalan,
baki't ganito ang bigat na nararamdaman.

Bakit kay hirap mabura ang mga mapait na ala-ala,
at sa tuwing umuulan pumapatak din ang luha,
silakbo ng damdaming tela nagpupumiglas,
bawat sulyap sa mga taong lumipas.

Mabuti pa ang halaman,masaya tuwing umuulan,
unting patak lamang nito uhaw ay naiibsan,
Sana ganun din ang damdamin natin,
pinapawi ang sakit na kinikimkim
.

Di talaga mawawaglit ang pangungulila,
hangga't ang ulan ay di tumila,
ang lamig ay pilit na nadarama,
sa pusong patuloy na binaliwala.





❤️``Professora Akira~❤️
 
very good poem ts 😍
ganito talaga ang nasa isip ko pag ako'y nag-iisa at nakatingin sa ulan sa labas ng bahay
 
Basta ako kapag umulan matik na! 🤣🤣
IMG_20211204_175634.jpg
 

Attachments

Back
Top