- Joined
- Oct 13, 2017
- Posts
- 25,961
- Solutions
- 6
- Reaction
- 66,430
- Points
- 16,638
Sa bawat pagdilim ng kalangitan at sa bawat pagpatak ng ulan,
may nakakubling hinanakit at kalungkutan,
isipa'y nagliwaliw, nakatanaw sa kawalan,
baki't ganito ang bigat na nararamdaman.
Bakit kay hirap mabura ang mga mapait na ala-ala,
at sa tuwing umuulan pumapatak din ang luha,
silakbo ng damdaming tela nagpupumiglas,
bawat sulyap sa mga taong lumipas.
Mabuti pa ang halaman,masaya tuwing umuulan,
unting patak lamang nito uhaw ay naiibsan,
Sana ganun din ang damdamin natin,
pinapawi ang sakit na kinikimkim.
Di talaga mawawaglit ang pangungulila,
hangga't ang ulan ay di tumila,
ang lamig ay pilit na nadarama,
sa pusong patuloy na binaliwala.
``Professora Akira~