What's new

Closed Tulang tulala

Status
Not open for further replies.

maudesune

Honorary Poster
Joined
Mar 8, 2018
Posts
330
Reaction
290
Points
214
May ginawa akong tula para kay special someone.
We started with a poem and naging ritual na gagawa ako ng poem as a reply.
May mga inside jokes dito but I hope it still amuses you.



Paano ko ba sisimulan
Pati ako di ko rin alam
Paano nga ba tayo nagsimula
Kailan isinulat ang tadhana

Pero siguro bago ka umiyak

Ako muna ay hahalakhak
Hindi ikaw, oo, kundi ako
Hahaha, joke lang, baka ibully moko

Alam mo naman, di ako magaling dito

Grabe, nag google translate pa ako
Ngunit gagawin ang lahat para sayo
Para lang maingatan ang "tayo"

Salamat nga pala sa iyong liham

At sa iyong mga tulang di mabilang bilang
Kung ako ay magkakaroon ng isang dirham
Sa tuwing ako'y iyong pinagpasensyahan
Oof, nako, ako na ay mayaman

Bago ako ay magseseryoso

May sasabihin muna ako
Mais. Puto cheese. Spalulu. Geta.
Sorry. Hanggang dyan na ang aking pagpapatawa.

Alam mo ba

Wala ka man sa aking tabi
Nakikita kita kahit ako'y nakapikit

Alam mo ba

Di ko man laging sinasabi
Ngunit ikaw ang laman ng aking isip

Alam mo ba

Ikaw ay laging naalala
Sa ulap, sa tula, kahit sa pusa
Sa tinta ng bolpen
Sa linya ng mga kanta
Sa mga dapithapon
Bawat oras na ika'y wala

Alam mo ba

Hindi kita hahayaang mag-isa
Kalaban man natin ang mundo
Tayo'y magiging agila
Lilipad sa ibabaw ng bagyo

Tayo'y mandirigma

Tayo'y sisigaw ng Sparta
Sisigawan ang problema
Tapos magpipillow fight sa kama

Bato bato sa langit

Puso ko'y natamaan, bakit?
Bato bato ang puso
Napalambot mo, paano?
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top