Hindi po masama ang pakikipagdebate o katuwiranan kasi katuwiran po yan ng biblia sa katunayan mababasa po natin sa
Isaias 1:18
[18]Magsiparito kayo ngayon, at tayo'y magkatuwiranan, sabi ng Panginoon: bagaman ang inyong mga kasalanan ay maging tila mapula, ay magiging mapuputi na parang niebe; bagaman maging mapulang gaya ng matingkad na pula, ay magiging parang balahibo ng bagong paligong tupa
maski nga apostol nakipag debate eh para sa katuwiran kaso hindi ang mga judio hindi nila tinanggap ang katotohanan na sinabi ng mga apostol
mababasa po natin yan sa
Mga Gawa 9:22,29
[22]Datapuwa't lalo nang lumakas ang loob ni Saulo, at nilito ang mga Judio na nangananahan sa Damasco, na pinatutunayan na ito ang Cristo.
[29]Na nangangaral na may katapangan sa pangalan ng Panginoon: at siya'y nagsalita at nakipagtuligsaan sa mga Greco-Judio; datapuwa't pinagpipilitan nilang siya'y mapatay.
kaya lang naman nakakaroon ng galit o isang away kasi ayaw nilang tanggapin ang katotohanan kung sila bay nagkamali!! katulad ni esteban nung nakikipag tuligsaan sya sa mga judio kaya sya pinatay kasi hindi nila tinanggap ang katotohanan!!
Mga Gawa 6:9-15
[9]Datapuwa't nagsitindig ang ilan sa nangasa sinagoga, na tinatawag na sinagoga ng mga Libertino, at ng mga Cireneo, at ng mga Alejandrino, at ng mga taga Cilicia, at taga Asia, na nangakipagtalo kay Esteban.
[10]At hindi sila makalaban sa karunungan at sa Espiritu na kaniyang ipinangungusap.
[11]Nang magkagayo'y nagsisuhol sila sa mga lalake, na nangagsabi, Narinig naming siya'y nagsalita ng mga salitang kapusungan laban kay Moises at sa Dios.
[12]At kanilang ginulo ang bayan, at ang mga matanda, at ang mga eskriba, at kanilang dinaluhong, at sinunggaban si Esteban, at dinala siya sa Sanedrin,
[13]At nangagharap ng mga saksing sinungaling, na nangagsabi, Ang taong ito'y hindi naglilikat ng pagsasalita ng mga salitang laban dito sa dakong banal, at sa kautusan:
[14]Sapagka't narinig naming kaniyang sinabi, na itong si Jesus na taga Nazaret ay iwawasak ang dakong ito, at babaguhin ang mga kaugaliang ibinigay sa atin ni Moises.
[15]At ang lahat ng nangakaupo sa Sanedrin, na nagsisititig sa kaniya, ay kanilang nakita ang kaniyang mukha na katulad ng mukha ng isang anghel.
Mga Gawa 7:59-60
[59]At kanilang pinagbatuhanan si Esteban, na tumatawag sa Panginoon at nagsasabi, Panginoong Jesus, tanggapin mo ang aking espiritu.
[60]At siya'y nanikluhod, at sumigaw ng malakas na tinig, Panginoon, huwag mong iparatang sa kanila ang kasalanang ito. At pagkasabi niya nito, ay nakatulog siya.
Kasi ang dibate o katuwiranan eh may gusto lang kayo iresolved na issue which is mabuti naman po yan sa dios
(Halimbawa ang sabi ng karpintero 10meters ang haba ng upuan eh ang sabi naman ng isa 12meters daw! Para mawala ang duda ng nilang dalawang karpentero kanilangan nila ng panukat man lang like ruler or metro etc...)
Na Kung sino nagsasabi ng totoo
Ganun din sa religion lalo na sa topic na ito ang sabi ninyo jehova ang sabi naman iba at ako ama naman! para mawala ang duda mag pailalim tayo sa sagot ng bibilia sa katuwiran ng dios bilang panukat ng paniniwala at pananampalataya ng isat isa ganun lang po yun
para mawala ang duda kung ako nagkamali tatanggapin ng lubos sa puso ko yun
yan ang sagot at katuwiran ng biblia
para sa mga JW nirerespeto ko po kayo sumagot lang kasi ako sa topic at katuwiran po iyon kasi nasa title naman ng thread right ! Sana Nilagyan ninyo rin ang title ng thread ng sino si jehova ? For Jw Members only! para hindi kami sumagot para sabihin ninyo naninira kami or ako nagsasabi lang ako ng totoo kung kayo talaga ay sa dios
wag kayo magalit o masaktan man bagkus tanggapin ninyo ang katotohan ganun lang po yun or hindi nasasainyo na po yan
natuto akung magsuri rin dahil sa mga JW napakarami ko na pong collection ng mga libro at babasahin ninyo na may ilan mali ang turo hindi ko lang po maiupload dito ung pic kung papano help naman para makita nila nagpapasalamat pa ako dahil sa kanila natuto akung magsuri din sa iba kahit sa jw kung ang ano ang totoo at hindi totoo o tama o mali