Tumilapon at humataw sa kalsada ang isang siklista makaraang matumbok ng rumaragasang Ambulance na may sakay na Emergency patient na dadalhin sa pagamutan kahapon ng umaga sa kahabaan ng Centennial Highway, Brgy. Batong Dalig, Kawit, Cavite.
Hindi na naisalba ang buhay ng biktimang si Reynaldo Ortiz Reformado, nasa hustong gulang at residente ng Kawit, Cavite.
Hawak naman ng pulisya ang driver ng ambulansya na si Romel Armiendo Armonia, nasa hustong gulang.
Sa imbestigasyon ng Kawit Police, alas-7:15 ng umaga habang bumabagtas ang siklista sa nasabing highway nang masalpok ng Nissan NV350 Urvan na ambulansya na may conduction sticker no F1Q167 at minamaneho ni Armonia.
Nabatid na may sakay na emergency patient ang ambulance na dadalhin sa opsital sanhi upang mabilis ang takbo nito at nag-traffic counter flow pa. Dito, natumbok ang biktima na tumilapon at napuruhan sa ulo. Naitakbo pa siya sa San Pedro Calungsod Hospital subalit binawian din ng buhay.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Attachments
-
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.