What's new

DALAWANG BATA, HINDI ALAM NA PATAY NA ANG KANILANG AMA NA NABANGGA DAHIL SA MOTORCYCLE CHALLENGE

saw-on-my-feed-these-2-toddlers-lost-their-dad-because-of-v0-8xdelui5o5lc1.jpg


DALAWANG BATA, HINDI ALAM NA PATAY NA ANG KANILANG AMA NA NABANGGA DAHIL SA MOTORCYCLE CHALLENGE
Walang kamalay-malay ang magkapatid na ito na kailanman hindi na nila makikitang buhay ang kanilang ama.
Ang 33-anyos na nilang ama na si Dexter Dizo, namatay matapos mabangga ng rider na kasama sa Boss Ironman Motorcycle challenge sa Barangay Bonuan Boquig, Dagupan City.
Ayon sa ina ng magkapatid, lagi-lagi raw umiiyak tuwing gabi ang dalawang bata at hinahanap nila ang kanilang ama. Hirap daw niyang ipaliwanag sa dalawang anak na patay na ang papa nila.
100,000 pesos ang ibinigay ng rider sa pamilya ng biktima para hindi siya kasuhan. Naglabas ng statement ang pamunuan ng boss Ironman motorcycle challenge at nangako sila na magbibigay ng tulong sa mga naulila ng mga namatay sa aksidente.
𝙍𝙐𝙎𝙎𝙀𝙇 𝙎𝙄𝙈𝙊𝙍𝙄𝙊
𝙆𝙖𝙥𝙪𝙨𝙤 𝙣𝙜 𝙈𝙖𝙣𝙜𝙖𝙡𝙙𝙖𝙣, 𝙍𝙚𝙥𝙤𝙧𝙩𝙚𝙧 𝙣𝙜 𝘽𝙖𝙮𝙖𝙣
 

Attachments

Karamihan kasi sa mga sumasali sa ganyan akala nila nabili na nila yung daan tsk tsk nandadamay pa imbes na sila na lang 😐
 
dapat kinakasuhan yung mga promotor ng mga ganyang ka jempoyan sa kalsada eh. para wala nang tutulad sa mga kamote na yan.
 
Back
Top