What's new
Status
Not open for further replies.
Mga boss!

Sigmax Wifi Range extender. Mura siya actually para sa isang extender. Portable and easy set-up din siya.
Pero may tip lang ako kung isasaksak niyo siya sa USB adapter, kailangan medyo malaki yung power output ng adapter (600mA or more) para maging stable ang connection.
Mas ok nga siya kapag sa powerbank isaksak. Yung connection kasi mag-eerror kapag kulang ang power source.
Kakaset-up ko lang kasi nung sa akin, akala ko defective ang product, ayaw talaga magconnect. Palaging Authentication error at Cannot connect yung message, both ng laptop and cellphone.
Overall, maganda naman siya. Malakas ang signal sa area kung saan mo naset-up ang extender.
Note: Extender lang po ito, yung abot lang po ng wifi signal ang pinapalakas niya. Hindi po ito nagpapabilis ng internet speed niyo. Depende pa rin po sa ISP or sa plan niyo ang bilis ng internet connection niyo.

sigmax_wireless_wi-fi_extender.jpg
 

Attachments

Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top