What's new

Help Hg8145v5 configuration help :D

Remremskie

Eternal Poster
Established
Mga lods good day po sa inyung lahat, IT po ako ng isang public school sa totoo lang po taga repair lang po ako ng computer hahaha wala na po kasi ibang makuha Principal namin. Sa mga YøùTùbé rin ako natuto mag kabit ng Fiber dahil yung rj45 lang talaga naturo namin nung high school ako at college may system kasi kami sa school na Hotspot kumbaga walang password yung mga Wifi pero may mag pop-up na maghihingi ng username at password parang sa mga hotel at mall ampeg. May isang router kasi nilagay yung 3rd party installer namin ng fiber para magpalibot sa school sila na rin nag configure sa mga mikrotik. Huawei hg8145v5 yung modem di siya Globe o PLDT parang factory firmware. Nasira kasi yung gpon sa isang office yun sana papalitan ko sinet-up ko na ng PPOE and all and only to find out na yun palang router nun ang source ng Hotspot sa network switch na linya sa mga naka utp lang na mga offices malapit sa IT office. Nais ko sana ibalik siya sa dating config niya, ano kaya i-configure dun sa router, yung source niya ng internet ay sa mikrotik na hotspot ang config tapos tatapon siya ng hotspot connection sa network switch yung Wifi din niya dalawa yung isa naka AP-Hotspot tapos yung isa ay direct talaga di na maghihingi ng username at password. Sana po may makatulong.
 
Contact niyo yung nagsetup sa inyo niyan. Siya nakakaalam nung PPPoE credentials na sinetup niya sa Mikrotik.
may access po ako sa Mikrotik lods baka may pwede ako makuha dun na ma config sa router. chinat ko na yun matagal mag reply tapos may bayad pa. Last time nasagi ng truck yung fiberline na linya nila buti nalang di nasagi yung sa PLDT at Globe matagal kasi process ng government nasa contract nila na kailangan magbayad muna ng 50% para makatrabaho kaya napilitan ako na ako nalang gumawa di dahil sa presyo dahil ASAP kasi ang pag repair may malaki kasi bisita nung time nayun. másáráp lang sila kausap sa simula pero walang kwenta yung aftersales service nila dumating sila for checkup lang pala di man lang ako inabisuhan akala ko irerepair na nila sinira pa nila yung ρá†ch cord ko pang reading. Mag eenroll nanaman ako sa YøùTùbé bukas hahahaha. Salamat lods. By the way lods yung router na yun di siya naka fiber, naka lan siya from mikrotik.
 
Try mo buksan yung PPPoE server config ng MT, baka nandun yung credentials.
if ganun lods ppoe config ko yung router di siya vlan or anu ba? paano din kaya yung wifi lods ang isa naka password parang sa normal na wifi lang tapos yung isa no password pero naka hotspot parang sa pisowifi na may mag popop-up.
 
if yung problem mo dapat mang hihingi din ng credentials yung isa, much better kung bridge mode gagawin mo.

debale mikrotik -> EGH14v5 -> bridge sa isa pang router.

pero kung walang bridge mode yung isang router pwede

mikrotik -> EGH14v5
-> isa pang router

i ko config mo nalang lahat sa mikrotik.

search kanalang sa YøùTùbé paano yung portal sa mikrotik.

______________________________________________________________________________________________________________________

ganito set-up sa mga piso wifi na system pwede mikrotik pwede din via pc kaso need nga lang open 24/7.

ISP -> mikrotik or any device na nag ha handle ng portal/hotspot -> Router = tapos kung i gusto i extend yung coverage, gagamit na ng bridge mode.

so far pag kakaalam ko malaking possibility na vlan setup yan. pero no problem naman yan kasi gigabit ports naman yung router.
 
Maraming salamat po sa info lods, atleast may guide na ako kung saan mag fofocus. Sinilip ko yung set-up niya sa server 3 mikrotik niya ang isa yung (di ako sure sa model) basta mamahalin yun 20k ang presyo, yung dalawa yung hex. Yung dalawang Hex, ang isa ay for Hotspot habang ang isa naman ay for PPOE, tapos yung mamahalin na mikrotik if I am not mistaken may ethernet at fiber na port yun.

Yung set up niya sa Huawei na router ay naka direct pala sa PPOE na mikrotik pero yung Hotspot na mikrotik kinonek ko sa network switch at dun nag poportal na siya pero yung default na mikrotik portal ang lalabas hindi yung ginawa ng contractor namin na may logo ng school atsaka gagawan ko pa ng ibang account yung connected dun.

Pwede ko naman hindi na ipagpatuloy yung huawei pero since for the sake of self-development hahahaha pag-aaralan ko talaga yung set-up niya.

Feeling ko naka hybrid set-ups niya sa mga gpon routers kasi bawat gpon routers sa mga offices may Wifi for Hotspot na walang wifi password tapos ang isa naman ay may password at kapag nakapag connect ka dun sa may password direct na ang internet kumbaga parang normal na wifi sa bahay.

Napakahanep talaga nung contractor di man lang iniba yung password ng wifi 12345678 lahat ngayun ko lang na discover di naman kasi ito main job ko. Hahaha Ang problema ko nalang iba2x yung admin passwords niya di ko maiba ang password yung isang router lang binigay sa akin tapos sabi pa, yan na daw lahat admin passwords di naman. Yung ginalawa ko wifi ssid at password ng isang router na may access ako parang nawala yung portal di lang ako sure or naka ppoe mode lang talaga yun.

By the way, Maraming Salamat po Lods <3.
 
Similar threads

Back
Top