Mag EE na ako.Ito suggestion ko sa iyo para mas SOLID ang iyong kinabukasan sa career.
1) huwag ka kukuha ng IT course (huwag na huwag muna).
2) kuha ka muna ng Electrical Engineering (tapusin mo at ipasa mo ang board)
3) after that, apply ka abroad as IT (networking and security)
That's it. Pag aagawan ka ng mga IT companies at yan ang base credential na kailangan sa area na yan. Everything else, ite-train ka na nila. Pruweba ko, lahat ng Electrical Engineering na kakilala, nasa Singapore kaagad after passing the board. Most of them nasa Visa company. Yung iba naman nasa Fedex infrastructure Malaysia at Singapore (though these people have taken Cisco certification).
- yung dalawa mga Electrical Eng (Mapua) - nasa Visa
- yung isa, Geology (UP) - ito yung nag self-study ng Cisco at may certificate - nasa Malasya, Fedex company
- (meron isang Electrical Eng - Mapua - pero pinili niya sumakay ng barko - every 8 - 9 months siya as electrical engineer (kumikita ng US$3,700 a month....pagkatapos ng mga kaltas, nakakapag uwi siya ng $2,000 a month)
So, kung dederecho ka sa web, programming, etc. etc.... mahina ang trabaho at maraming competition (at mrami ka pag aaralan...masalimuot..at marami ka ia-update every year....kailangan makasabay ka sa agos ng bagong technology sa area na yan....hehehe).
Pag sa Electrical Engineering ka, solid na kaagad yung career mo as Electrical Eng. Kung makakapasok ka pasa IT, double bonus.
So mga kids or totoy!.. mag isip isip, ha. IT is cool pero maraming downside to consider.
Sabi nila, TAKE THE ROAD LESS TRAVELLED!
Yon lang sa opinion ko. (Medyo hawig ang career ko dyan. Engineering muna ako. Then later ko na pinag-aralan ang programming etc etc.).
very informative. salamat ng marami sir. hanggang ngayon nalilito ako kung saan ako mag fofocus. parang gusto ko mag java web dev or mobile. Or simple java software dev nalang.Bibigyan kita ng overview: depende sa platform kung san mo gustong magtrabahong industry. web development: html 5, css, javascript for startup. soon enough malalaman mo pang front end lang yan. so next step mamimili ka kung gusto mo maging .NET developer, PHP dev, Java dev, or Node developer. pag .NET, definitely aaralin mo mag C#. pag JSP pages mag Java ka. pag Node naman Node JS. kung gusto mo mag Drupal o Wordpress, or Laravel, edi PHP. advanced part ng web: Frameworks: Jquery, Angular, React, Vue, Google Polymer,Meteor Aesthetics: Less, Sass/Scss Mobile: Android: Java, Kotlin, C#(Xamarin) IOS: Swift, Objective C Win Forms (may gumagamit pa ba neto sa panahon ngayon??) C#,VB.NET,C++ WPF: C#,XAML Games C++,C#, Java(Android), Objective C, Javascript, Python then Unity, Unreal, Cocos 2D, etc. Robotics: di ako masyado pamilyar dito, pero pwede mo itry mag Prolog at Lisp more on web development ang madaling pasuking industry sa panahon ngayon. pag mobile kinukuha nila yung talagang bihasang bihasa na e about architecture: take note na ang platform na sinasabi ko eh sa front end lang yon, or presentation layer. yan yung layer na madalas kaharap ng tao, yung interface ng web site or mobile apps kung san ka madalas magclick, magfill ng forms, etc. hindi pa kasali dun yung sa back end, and probably middleware. sa middleware, maging aware ka na may nag eexist na tinatawag na "Services". jan nakapaloob usually yung mga logic ng isang system. sa panahon ngayon, Service-based na po ang mga system applications, kaya mahalagang may alam ka tungkol jan. Aaralin mo naman dito: REST, SOAP, WCF, at API sa pinakalikod or backend yung mga database. jan nag istore at nag reretrieve ng data ng system. jan kumokonek yung mga services. sa mga ganun, aralin mo sa database yung SQL. sa database may apat na popular na DB Server na pwede mong aralin: Oracle, MySql, SQL Server, at PostgreSQL. kung non structural naman, GraphQL, NoSql lastly maging aware ka na may tinatawag na Programming Paradigm. ang pinaka uso right now is Object Oriented Programming.