Quezon City, ika 13 ng Nobyembre Taong 1999. Ang naaalala ko nooy nakasakay ako sa bus na ordinary papuntang Fairview at pauwi na ako sa gabing iyon. Hindi ko pa naranasan ang matulog ng ganun sa bus pera lang sa pagkakataong iyon na pagod na pagod na ako galing sa trabaho. Bukas ang bintana sa aking gilid. Lalong nadaragdagan ang aking antok gawa ng malamig na hanging may halimuyak pa na galing sa naglalakihang puno at damuhan sa gilid ng malawak na daan ng Commonwealth.
Kalahating tulog at kalahating gising ako sa mga panahong iyon. Alam kong nagraragasang tumakbo sa bilis ang sasakyan at malakas ang hanging nanggagaling sa labas sa kabila ng aking pagka-idlip. Nawala na ng kaunti ang polusyon sapagkat madilim na t kakaunti na lamang ang mga sasakyan sa daan. Tinapik ako ng konduktor para gisingin.
Bababa ka na di ba? ang sabi ng konduktor sa akin. Nabigla naman ako kaya t tumayo agad at tumingin sa labas. Walang tao sa bus maliban sa dalawang magasawang nakasakay, ang driver ng bus at ang konduktor. Malamig na ang hangin at pawang napakalungkot ng paligid. Tuwing nakakarating ako sa babaan, natutuwa ako sa galak dahil makakapagpahinga na ako pero sa pagkakataong ito, nakapagpahinga ako ng lubos kahit na napaidlip lang ako sa bus. Papasok na ako sa subdivision namin. As usual, tulog na rin ang mga gwardyang nagbabant ay sa Gate.
Dito ako nakatira sa isang cheap na subdivision. Nakakadepress dito sa ganitong oras dahil halos wala kang makikitang tao sa daan. Madaling araw na kasi sa mga oras na yun. Ginagawang parking space ang daan sa loob ng subdivision kaya t halos wala ka na ring madaanan kung ikaw man ay may sasakyan. Karamihan sa mga gustong tumira dito ay mga Koreano na naninirahan sa Quezon City.
Iba t ibang klaseng tao ang nakatira dito, karamihan sa kanila y mayayaman at mga nagpapanggap na mayaman. Wala silang pakialam sa isa t isa. Napadaan na rin ako sa wakas sa compound namin. May malaking parking space dito kung saan nagpupulong na naman ang mga asong abandonado para mag-orgy. Nakakainis minsan dahil sila y nag-iingay tuwing lumulubog ang araw at nagkakalat sa daan. Para silang nau-ulol kapag dumadating ang panahong ito.
Papunta sa amin ay may makitid na iskinita na kung saan ay matatanaw mo agad habang ikaw ay naglalakad dito ang gate ng bahay sa tabi namin. Diretsuhin mo ito y bahay ng aming kapitbahay, sa kanan naman ay ang gate ng maliit na townhouse na aming inuupahan. Hindi kami nakikipag kaibigan sa mga nagiging kapitbahay naming pero kilala namin sila sa dahilang madalas silang mag-away at rinig hanggang sa dulo ng aming bahay ang pinagaawayan nila. Sa unang tingin ay parang sapat na iyon para makilala ang iyong kapitbahay. Kasama ko ang dalawa sa mga kaibigan ko sa kolehiyo at inuupa lang naming ang townhouse sa tabi nila. Mag ta-tatlong buwan pa lang kami dito at ilang buwan lang ay lilipat na naman kami.
Mababa lang ang pader sa gate namin at mababa rin ang pader na humahati sa lote ng townhouse at ang bahay ng kapitbahay namin, ngunit ang gate nila y mas mataas pa sa akin. Pumasok ako ng dahan dahan sa gate namin para di ko na magising pa ang mga natutulog kahit na pansin kong bukas ang mga ilaw sa aming kapitbahay. Nakapasok na ako matapos buksan ang lock ng pinto namin.
Inabutan ko si Rocco sa sala na pinapatay ang computer ko. Si Rocco ang isa sa dalawang kasama ko sa townhouse. Kaibigan ko siya simula pa noong high school kaya naisipan naming magkakaibigang magshare na lamang ng tinitirhang bahay at hati hati na lang sa bayad. Kasama ko na sila simula pa noong nagaaral pa ako. Ilang beses na rin kaming lumipat lipat ng tirahan. Tumira na kami sa apartment, condo at ngayon namay townhouse.
Mga estudyante sila at ako naman ay kasalukuyang nagtratrabaho para maipagpatuloy ang pag- aaral. Ayaw ko nang umuwi sa probinsya kahit na mas másáráp pa ang buhay doon. Madalas ay nagtitipid ako sa pagkain samantalang sa probinsya y masagana ang buhay. Mas nababagay ang isang taong tulad ko sa lugar na ito kaya t mas pinili ko na lamang tumira dito sa kasalukuyan.
Kakaibang tao si Rocco bilang kasambahay. Siya y hindi gaanong masalita ngunit masyadong malalim kung mag-isip. Madalas ay nakikita ko siyang hindi makatulog sa gabi dahil siya y may animo y malalim na iniisip. Kapag siya nama y iyong tatanungin sa kanyang iniisip, malalaman mong napakababaw lang pala. Malamang at hinintay na naman niya ako para sa isang diskusyong iniiwasan ko.
Allen! Binuksan ko lang ang PC mo dahil hinihintay kitang dumating. Bakit 1:30 ka na yatang dumating ngayon? Parati siyang may dahilan tuwing makikita ko siyang ginagamit ang PC ko. Tumingin naman ako sa orasan at 1:30 na nga. Nasaan si Caloy? ang tanong ko sa kanya. Si Carlo o Caloy ay ang isang kaibigan rin naming kasama sa bahay. Inilock ko na ang pinto sa dahilang nakarinig ako ng ingay sa gawing kwarto sa itaas at wala nang darating pa. Maagang matulog ang taong iyon. Bumaba siya ng hagdanan upang mag-CR.
Inabot ka na ng madaling araw ah. ang sabi sa akin ni Caloy habang kinakamot kamot pa nito ang kanyang ulo. Caloy napanood mo ba yung palabas sa tv kanina? ang sabi naman ni Rocco. Hindi siya pinansin nito kaya sa akin siya tumingin. Meron kasing nagtanong kung bakit raw nasa ulo ang mata ng tao. Nonsense, itulog mo na lang yan! ang mabilis na isinigaw naman ni Caloy kay Rocco habang siya y umiihi. Umupo ako para mag-tanggal ng sapatos. Iniwan kong nakalagay sa aking paa ang mga medyas at isinuot ang tsinelas kong pambahay.
Anong meron sa tanong na yun, bakit ka interesado? ang sabi ko kay Rocco. Kasi nagtatalo yung dalawang tao sa tv. Ang sabi ng isa, nandidiyan daw sa ulo ang mata ng tao para mabilis makakarating sa isip ang iyong nakikita, para maisip mo agad ang nakukuha ng iyong mata. Ang sabi naman ng isa, kaya naririyan sa ulo ang mata ng tao ay para makita mo agad ang iyong iniisip. Kung iisipin mong mabuti, pareho ba silang tama o may mali sa kanilang dalawa?
Naririyan sa ulo ang mata para isipin mo muna kung ano ang pinapanood mo sa tv. Mamili ka ng papanoorin kaya nilagay diyan ang mata ng tao para pag-isipan mo kung alin ang dapat Makita ng iyong mga mata para sa sarili mong kapakanan. Puro ka kalokohan, kalimutan mo na nga ang mga bagay na ganyan. Anu- ano kasi diyan ang pinapanood mo, ang sagot ko kay Rocco.
Mali iyan, ang sabi naman niya sa akin. Alam ko ang sinasabi mo, hindi lahat ng nakikita sa tv ay totoo. Marami sa kanila ay ginagawa ang lahat para lang panoorin sila, di bale na sa kanila kahit mali o hindi totoo ang kanilang pinapalabas. Alam ko yun. Ang punto ko kasi ay bakit ba parang mahirap aminin sa iba na ang nakikita ng iyong mga mata ay ang dumidikta sa iyong iisipin at gagawin.
Sa aking pananaw, dalawa silang tama. Pwede rin naman kasing nakikita mo ang isang bagay dahil hinahayaan ng isip mong Makita ito. Hindi ko basta pagkakatiwala an ang mga senses ko. Huwag mo dapat paniwalaan lahat ng nakikita ng iyong mga mata.
Oh boy, yan na naman siya. Kung hindi sa kanya hindi naging kakaiba ang pagsasamahan
naming magbabarkada. Kakaiba kasi kaming lahat. Nalilibang naman akong pagmatyagan sila lalo na kapag nagtatalo. Hindi mo kami maihahalintulad sa ibang magkakaibigan diyan dahil sa mga kakaibang diskusyong tinatala kay ni Rocco.
Alam mo pare , ang sabi ni Caloy na nasa CR. Nilagay ang mata sa ulo para hindi ka basta basta kakagatin ng babae dahil matatakot siyang tusukin mo siya sa mata. Chicks na lang kasi ang ipasok mo sa isip mo. Tumatawa si Caloy habang sinasara ang kanyang zipper. Matapos ang ilang sigundo, umakyat na siyang muli sa kwarto at pinatay ang ilaw sa itaas. May punto ka naman doon, Rocco. Si Caloy, tahasang bastos yan hayaan mo siya. Ang mata ay nakakalinlang at samantalang ang isip naman ay gumagawa rin ng mga bagay na maari mong makita. Kaya nga nananaginip ang mga tao di ba? May pasok ka pa ba bukas? ang sabi ko sa kanya upang ibahin na niya ang usapan.
Dumiretso ako agad sa banyo upang maghilamos doon. Hindi niya sinagot ang aking tanong at hindi rin ako interesadong malama n. Sumunod naman sa akin si Rocco na para bang may gusto pang ihabol sa akin. Habang ako y naghihilamos, sumandal naman siya sa may pintuan at nagpatuloy sa pagkwento. Pare, Alam mo ba yung babaeng teenager na anak ng kapitbahay natin? Bakit tuwing sasapit ang gabi na lang ay umaakyat yan sa bakod natin na parang may tinatakasan at sasampa na naman sa bakod ng gate natin para makalipat na naman palabas sa atin. Baka tumatakas yun sa magulang dahil may party sila ng mga friends niya, di kaya?
Biglang hininaan niya ang kanyang boses at sinabing, Alam mo pare, napansin ko yan dati sa loob ng lote nila na nakakandong sa kanyang tatay! Sa kanyang sariling tatay. Ibang klase eh parang hindi sila mag-ama. Kaya siguro siya dumadaan sa bakod para tahimik, para di marinig ng magulang niya. Napansin ko na rin yan dati. Kung dati nga akala ko ay magnanakaw dahil may narinig ako diyan, eh marami rin kasing galang manok dito sa subdivision pero gabi na at di na gumagala ang manok kapag gabi, kung hindi pa sinabi sa akin ni Caloy hindi ko malalaman na babae pala diyan yan. Anong ginagawa ng manok sa ganitong lugar? Tuwing umaga na lang ang ingay nila, para silang taga bundok. Dami pang maingay na aso diyan. Masyado kasi kaming praning sa mga magnanakaw dahil kalat sila sa buong kalungsudan. Kinuha ko ang tuwalya at nagpunas na ako ng mukha habang nakaharap sa salamin.
Hindi mo ako narinig eh, ang sabi ko napansin ko sila dati na naglalambingan na parang hindi sila mag-ama. Matanda ang lalaki at tinatawag niyang Daddy, at Mommy ang babae doon kasama pa yung isang lalaking bata, pero parang hindi sila tunay na pamilya. Ano kayang meron doon?
Madalas silang magsigawan, wala silang galang sa isa t isa parang hindi tunay na pamilya. Narinig ko na rin dating sumisigaw yung babae diyan na parang sinasaktan. Hayaan mo sila buhay nila yun. Kakaiba ka talaga Rocco lahat napapansin mo. Matutulog na ako, ang sabi ni Rocco. Alam mo may isa nga raw nagreklamo dahil umiipot ang manok nila sa kotse, tama ka wala talaga silang pakialam sa mga tao sa paligid nila. Papatayin ko na ang mga ilaw, ikaw na lang ang bahalang magsindi. Kapag inantok ka na, umakyat ka na lang.
Sa wakas, umakyat na sa kwarto si Rocco. Sila ang dalawa kong kasama dito sa bahay. Dalawang klase ng taong nasa magkabilang dulo ng daigdig. Ang isa ay masyadong seryoso, ginagawang komplikado ang lahat ng makita niya at ang isa nama y sobra sa kabastusan at parating ginagawan ng katatawanan ang lahat ng bagay. Masaya silang kasama ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon, lalo na ngayon at boring ang araw ko. Hindi pa ako makatulog kaya t binuksan ko ang tv at dumiretso agad sa refrigerator para maghanap ng makakain. Inilabas ko ang pansit at ipinasok ko ito sa microwave. Napansin kong napakalakas pala ng aking resistensya dahil gatas at itlog lang ang aking inalmusal.
Hindi rin ako inaantok maski na halos kalahating oras lang akong umidlip sa bus. Naisip ko ring kahit nanlalata na ang aking kalamnan sa pagod ay kaya ko pa ring gumising. Nakakainip ang gabi at parang hindi ko pa gustong matulog. Mas pipiliin ko na ngayong hindi na lang sana natulog ang dalawa kong kaibigan at makipag-kwentuhan sila sa akin
Kumuha ako ng mainit na tubig sa thermos at gumawa ako ng kape. Hinigop ko ang másáráp at mainit na kape. Kadalasan ay mas pinipili kong uminom ng kapeng walang gatas tuwing gabi. Madaling araw na pala at hindi na gabi. Hinubad ko at isinilid ang aking suot na polo sa study table ni Caloy na malapit lang sa tv. Binuksan ko ang kanyang drawer. May limang libong piso ang nakalagay dito at ang kanyang Cellphone. Masinop magipon ng pera ang kaibigan kong iyon. Dinampot ko at pinakialaman ang kanyang Cellphone. Tinignan ko kung may mensaheng ipinadala sa akin ang tatay. Hindi kasi kami nagpapadugtong ng landline phone. Laking tuwa ko nang makita kong hindi sinasadya ang mensaheng para kay Rocco na sinasagot na siya ng kanyang nililigawan . Nakakapag-panibago lamang sapagkat tinawag siyang Ryan, madalas kasi ay tinatawag lamang siya sa kanyang apilyedo. Madalas na napagkakamalang kay Caloy ang babaeng iyon ng iba naming kaibigan. Ibinalik ko ito sa kinalalagyan at dinampot ko ang tasa ng mainit na kape. Pinatay ko ang ilaw sa kusina upang manatiling madilim sa aking paligid. Ang ilaw kasi sa kusina ang natitirang ilaw na nakasindi sa bahay. Ang ilaw ng TV atkaunting ilaw sa bintana ang natatanging ilaw na bukas sa buong bahay.
Mas tahimik ang aking pakiramdam kapag madilim ang paligid. Isinuot ko ulit ang aking sapatos sapagkat dito ako mas komportable. Tuwing ipipikit ko ang aking mata y parang gusto kong tumakbo ng napakabilis. Hindi ko malaman ang gagawin na para bang hindi sapat sa akin ang matulog na lang at tanggapin ang kalungkutan ng araw na iyon. Ang maganda lang sa gabi ay bawas na ang mga nakakalokong mga commercial at mga artistang nagpupumilit magpat awa o kumanta sa tv. Pinepeke nila ang mga ugali nila na akala mo ay ganun din sila sa personal. Halos wala nang totoo, lahat ng iyon ay para lang sa kikitain nila mula sa mga tagapanood. Napapaligiran ako ng sangdamungkal na peke.
Paano mo nga naman malalaman iyon kung ikaw ay ordinaryong tao lamang, sapagkat sila ang may control sa iyong nakikita at nababalitaan. Hindi ko talaga kayang matulog ng ganito ang pakiramdam, parang malungkot at parang may kulang sa araw na ito. Nakakapanghina kasing matulog na wala man lang kakaibang nangyari sa araw na to, paulit-ulit na lang tuwing umuuwi ako ng gabi. Sa hindi inaasahang pagkakat aon, nakarinig ako ng kaluskos na nanggagaling sa labas. Madali kong pinatay ang tv sa aking harapan. Sumilip ako sa kurtina ng aming bintana at napansin ko ang isang babae na inilalapag ang kanyang dalang gamit na naka-plastic sa aming pader at umakyat ito papasok sa aming maliit na lote. Kapansin pansin na iniiwasan niyang buksan ang maingay nilang gate o umakyat dito kaya t kinailangan pa niyang sumampa muna sa lote namin bago lumabas na lang galing sa amin. Umakyat naman siya sa pader naming ingat na ingat tamaan ang bakal na gate para makalabas sa iskinita ng tahimik. Hindi niya namamalayan na pinapanood ko siya. Madilim at siya y nakakulay asul na suot, di maaninag ang kanyang itsura.
Naglakad na siya buhat ang gamit papalabas sa may daanan. Maaaring tumatakas nga itong babae tuwing gabi dahil madalas ko siyang naririnig pagalitan ng kanyang tatay. Baka makikipagkita siya sa kanyang mga kaibigan o maaari ring tulad ko siyang naiinip kaya t lumalabas siya tuwing ganitong oras para makahanap ng kaibigan. Huwag lang sana masamang bagay ang kanyang gawain dahil marami rin akong alam na kwento tungkol sa mga babaeng ganun-- mga naikwento sa akin ni pareng Caloy.
Napunoako ng pagkataka sa isipan at biglaan kong naisip na lang na lumabas din at tignan lang kung saan siya papunta. Nangapa ako sa dilim at parang may kaunti kasi akong pangambang magbukas ng ilaw kahit kaunti lang. Wala akong suot na pang itaas kaya t nang madampot ko ang t-shirt na naka láρág sa upuan ng study table, isinuot ko ito ng mabilis.
Lumabas akong tahimik sa pinto at ini-lock ito. Mas mabilis naman akong nakasampa sa aming pader at naglakad ng matulin papalabas. Iniiwasan ko ring dumaan sa gate na nakagagawa ng ingay. Hindi ko na siya nakikita. Dinaanan ko ang parking space kung nasaan ang mga asong nagtitipon tipon at nagtatahulan. Lumiko na ako sa street namin kung saan ko siya nakita sa may kalayuan. Bumibilis ang kanyang lakad kaya t binilisan ko na rin ang aking lakad. Humigit kumulang sampung pulgada na lamang ang layo namin sa isa t isa ngunit hindi ko pinapahalata na ako y sumusunod sa kanya. Malamig ang hangin sa subdivision at napakatahimik sa aking pinagdaanan maliban sa nawawalang ingay ng mga aso habang ako y lumalayo. Ayaw ko siyang alisin sa aking mga mata upang hindi ako mawala sa taong sinusundan. Napansin ko ring kulay itim na blouse na ang kanyang suot at wala na siyang plastic na dala. Napansin ko rin na ang nasuot kong t-shirt ay ang itim na t-shirt ni Carlo na may tatak na pulang star sa gitna. Hindi siya nawawala sa aking paningin. Hanggang sa nakalusot na kami sa isa pang eskinita. Ilang minuto pa y nakalabas na siya ng gate ng subdivision. Nawala siya sa aking paningin nung mga oras na iyon. Napansin ko namang gising ang isa sa mga gwardya na nagbabantay sa gate. Ang ilaw lamang nila ang nakabukas sa paligid at umiinom ang gising ng hot chocolate na umuusok usok pa.