What's new

Stories Paranoia Story (Tagalog)

bbbrohm

Forum Veteran
Elite
Joined
Jul 8, 2016
Posts
1,676
Solutions
3
Reaction
1,740
Points
703
Age
32
9789876129473.jpg


People with paranoia have a decreased ability to function in normal life, when paranoia gets extremely bad it turns into a delusion of persecution and pretty much eliminates the ability to function in normal life.​
 

Attachments

Quezon City, ika 13 ng Nobyembre Taong 1999. Ang naaalala ko nooy nakasakay ako sa bus na ordinary papuntang Fairview at pauwi na ako sa gabing iyon. Hindi ko pa naranasan ang matulog ng ganun sa bus pera lang sa pagkakataong iyon na pagod na pagod na ako galing sa trabaho. Bukas ang bintana sa aking gilid. Lalong nadaragdagan ang aking antok gawa ng malamig na hanging may halimuyak pa na galing sa naglalakihang puno at damuhan sa gilid ng malawak na daan ng Commonwealth.

Kalahating tulog at kalahating gising ako sa mga panahong iyon. Alam kong nagraragasang tumakbo sa bilis ang sasakyan at malakas ang hanging nanggagaling sa labas sa kabila ng aking pagka-idlip. Nawala na ng kaunti ang polusyon sapagkat madilim na t kakaunti na lamang ang mga sasakyan sa daan. Tinapik ako ng konduktor para gisingin.

Bababa ka na di ba? ang sabi ng konduktor sa akin. Nabigla naman ako kaya t tumayo agad at tumingin sa labas. Walang tao sa bus maliban sa dalawang magasawang nakasakay, ang driver ng bus at ang konduktor. Malamig na ang hangin at pawang napakalungkot ng paligid. Tuwing nakakarating ako sa babaan, natutuwa ako sa galak dahil makakapagpahinga na ako pero sa pagkakataong ito, nakapagpahinga ako ng lubos kahit na napaidlip lang ako sa bus. Papasok na ako sa subdivision namin. As usual, tulog na rin ang mga gwardyang nagbabant ay sa Gate.

Dito ako nakatira sa isang cheap na subdivision. Nakakadepress dito sa ganitong oras dahil halos wala kang makikitang tao sa daan. Madaling araw na kasi sa mga oras na yun. Ginagawang parking space ang daan sa loob ng subdivision kaya t halos wala ka na ring madaanan kung ikaw man ay may sasakyan. Karamihan sa mga gustong tumira dito ay mga Koreano na naninirahan sa Quezon City.

Iba t ibang klaseng tao ang nakatira dito, karamihan sa kanila y mayayaman at mga nagpapanggap na mayaman. Wala silang pakialam sa isa t isa. Napadaan na rin ako sa wakas sa compound namin. May malaking parking space dito kung saan nagpupulong na naman ang mga asong abandonado para mag-orgy. Nakakainis minsan dahil sila y nag-iingay tuwing lumulubog ang araw at nagkakalat sa daan. Para silang nau-ulol kapag dumadating ang panahong ito.

Papunta sa amin ay may makitid na iskinita na kung saan ay matatanaw mo agad habang ikaw ay naglalakad dito ang gate ng bahay sa tabi namin. Diretsuhin mo ito y bahay ng aming kapitbahay, sa kanan naman ay ang gate ng maliit na townhouse na aming inuupahan. Hindi kami nakikipag kaibigan sa mga nagiging kapitbahay naming pero kilala namin sila sa dahilang madalas silang mag-away at rinig hanggang sa dulo ng aming bahay ang pinagaawayan nila. Sa unang tingin ay parang sapat na iyon para makilala ang iyong kapitbahay. Kasama ko ang dalawa sa mga kaibigan ko sa kolehiyo at inuupa lang naming ang townhouse sa tabi nila. Mag ta-tatlong buwan pa lang kami dito at ilang buwan lang ay lilipat na naman kami.


Mababa lang ang pader sa gate namin at mababa rin ang pader na humahati sa lote ng townhouse at ang bahay ng kapitbahay namin, ngunit ang gate nila y mas mataas pa sa akin. Pumasok ako ng dahan dahan sa gate namin para di ko na magising pa ang mga natutulog kahit na pansin kong bukas ang mga ilaw sa aming kapitbahay. Nakapasok na ako matapos buksan ang lock ng pinto namin.

Inabutan ko si Rocco sa sala na pinapatay ang computer ko. Si Rocco ang isa sa dalawang kasama ko sa townhouse. Kaibigan ko siya simula pa noong high school kaya naisipan naming magkakaibigang magshare na lamang ng tinitirhang bahay at hati hati na lang sa bayad. Kasama ko na sila simula pa noong nagaaral pa ako. Ilang beses na rin kaming lumipat lipat ng tirahan. Tumira na kami sa apartment, condo at ngayon namay townhouse.

Mga estudyante sila at ako naman ay kasalukuyang nagtratrabaho para maipagpatuloy ang pag- aaral. Ayaw ko nang umuwi sa probinsya kahit na mas másáráp pa ang buhay doon. Madalas ay nagtitipid ako sa pagkain samantalang sa probinsya y masagana ang buhay. Mas nababagay ang isang taong tulad ko sa lugar na ito kaya t mas pinili ko na lamang tumira dito sa kasalukuyan.

Kakaibang tao si Rocco bilang kasambahay. Siya y hindi gaanong masalita ngunit masyadong malalim kung mag-isip. Madalas ay nakikita ko siyang hindi makatulog sa gabi dahil siya y may animo y malalim na iniisip. Kapag siya nama y iyong tatanungin sa kanyang iniisip, malalaman mong napakababaw lang pala. Malamang at hinintay na naman niya ako para sa isang diskusyong iniiwasan ko.

Allen! Binuksan ko lang ang PC mo dahil hinihintay kitang dumating. Bakit 1:30 ka na yatang dumating ngayon? Parati siyang may dahilan tuwing makikita ko siyang ginagamit ang PC ko. Tumingin naman ako sa orasan at 1:30 na nga. Nasaan si Caloy? ang tanong ko sa kanya. Si Carlo o Caloy ay ang isang kaibigan rin naming kasama sa bahay. Inilock ko na ang pinto sa dahilang nakarinig ako ng ingay sa gawing kwarto sa itaas at wala nang darating pa. Maagang matulog ang taong iyon. Bumaba siya ng hagdanan upang mag-CR.

Inabot ka na ng madaling araw ah. ang sabi sa akin ni Caloy habang kinakamot kamot pa nito ang kanyang ulo. Caloy napanood mo ba yung palabas sa tv kanina? ang sabi naman ni Rocco. Hindi siya pinansin nito kaya sa akin siya tumingin. Meron kasing nagtanong kung bakit raw nasa ulo ang mata ng tao. Nonsense, itulog mo na lang yan! ang mabilis na isinigaw naman ni Caloy kay Rocco habang siya y umiihi. Umupo ako para mag-tanggal ng sapatos. Iniwan kong nakalagay sa aking paa ang mga medyas at isinuot ang tsinelas kong pambahay.


Anong meron sa tanong na yun, bakit ka interesado? ang sabi ko kay Rocco. Kasi nagtatalo yung dalawang tao sa tv. Ang sabi ng isa, nandidiyan daw sa ulo ang mata ng tao para mabilis makakarating sa isip ang iyong nakikita, para maisip mo agad ang nakukuha ng iyong mata. Ang sabi naman ng isa, kaya naririyan sa ulo ang mata ng tao ay para makita mo agad ang iyong iniisip. Kung iisipin mong mabuti, pareho ba silang tama o may mali sa kanilang dalawa?

Naririyan sa ulo ang mata para isipin mo muna kung ano ang pinapanood mo sa tv. Mamili ka ng papanoorin kaya nilagay diyan ang mata ng tao para pag-isipan mo kung alin ang dapat Makita ng iyong mga mata para sa sarili mong kapakanan. Puro ka kalokohan, kalimutan mo na nga ang mga bagay na ganyan. Anu- ano kasi diyan ang pinapanood mo, ang sagot ko kay Rocco.

Mali iyan, ang sabi naman niya sa akin. Alam ko ang sinasabi mo, hindi lahat ng nakikita sa tv ay totoo. Marami sa kanila ay ginagawa ang lahat para lang panoorin sila, di bale na sa kanila kahit mali o hindi totoo ang kanilang pinapalabas. Alam ko yun. Ang punto ko kasi ay bakit ba parang mahirap aminin sa iba na ang nakikita ng iyong mga mata ay ang dumidikta sa iyong iisipin at gagawin.

Sa aking pananaw, dalawa silang tama. Pwede rin naman kasing nakikita mo ang isang bagay dahil hinahayaan ng isip mong Makita ito. Hindi ko basta pagkakatiwala an ang mga senses ko. Huwag mo dapat paniwalaan lahat ng nakikita ng iyong mga mata.


Oh boy, yan na naman siya. Kung hindi sa kanya hindi naging kakaiba ang pagsasamahan
naming magbabarkada. Kakaiba kasi kaming lahat. Nalilibang naman akong pagmatyagan sila lalo na kapag nagtatalo. Hindi mo kami maihahalintulad sa ibang magkakaibigan diyan dahil sa mga kakaibang diskusyong tinatala kay ni Rocco.

Alam mo pare , ang sabi ni Caloy na nasa CR. Nilagay ang mata sa ulo para hindi ka basta basta kakagatin ng babae dahil matatakot siyang tusukin mo siya sa mata. Chicks na lang kasi ang ipasok mo sa isip mo. Tumatawa si Caloy habang sinasara ang kanyang zipper. Matapos ang ilang sigundo, umakyat na siyang muli sa kwarto at pinatay ang ilaw sa itaas. May punto ka naman doon, Rocco. Si Caloy, tahasang bastos yan hayaan mo siya. Ang mata ay nakakalinlang at samantalang ang isip naman ay gumagawa rin ng mga bagay na maari mong makita. Kaya nga nananaginip ang mga tao di ba? May pasok ka pa ba bukas? ang sabi ko sa kanya upang ibahin na niya ang usapan.


Dumiretso ako agad sa banyo upang maghilamos doon. Hindi niya sinagot ang aking tanong at hindi rin ako interesadong malama n. Sumunod naman sa akin si Rocco na para bang may gusto pang ihabol sa akin. Habang ako y naghihilamos, sumandal naman siya sa may pintuan at nagpatuloy sa pagkwento. Pare, Alam mo ba yung babaeng teenager na anak ng kapitbahay natin? Bakit tuwing sasapit ang gabi na lang ay umaakyat yan sa bakod natin na parang may tinatakasan at sasampa na naman sa bakod ng gate natin para makalipat na naman palabas sa atin. Baka tumatakas yun sa magulang dahil may party sila ng mga friends niya, di kaya?


Biglang hininaan niya ang kanyang boses at sinabing, Alam mo pare, napansin ko yan dati sa loob ng lote nila na nakakandong sa kanyang tatay! Sa kanyang sariling tatay. Ibang klase eh parang hindi sila mag-ama. Kaya siguro siya dumadaan sa bakod para tahimik, para di marinig ng magulang niya. Napansin ko na rin yan dati. Kung dati nga akala ko ay magnanakaw dahil may narinig ako diyan, eh marami rin kasing galang manok dito sa subdivision pero gabi na at di na gumagala ang manok kapag gabi, kung hindi pa sinabi sa akin ni Caloy hindi ko malalaman na babae pala diyan yan. Anong ginagawa ng manok sa ganitong lugar? Tuwing umaga na lang ang ingay nila, para silang taga bundok. Dami pang maingay na aso diyan. Masyado kasi kaming praning sa mga magnanakaw dahil kalat sila sa buong kalungsudan. Kinuha ko ang tuwalya at nagpunas na ako ng mukha habang nakaharap sa salamin.

Hindi mo ako narinig eh, ang sabi ko napansin ko sila dati na naglalambingan na parang hindi sila mag-ama. Matanda ang lalaki at tinatawag niyang Daddy, at Mommy ang babae doon kasama pa yung isang lalaking bata, pero parang hindi sila tunay na pamilya. Ano kayang meron doon?

Madalas silang magsigawan, wala silang galang sa isa t isa parang hindi tunay na pamilya. Narinig ko na rin dating sumisigaw yung babae diyan na parang sinasaktan. Hayaan mo sila buhay nila yun. Kakaiba ka talaga Rocco lahat napapansin mo. Matutulog na ako, ang sabi ni Rocco. Alam mo may isa nga raw nagreklamo dahil umiipot ang manok nila sa kotse, tama ka wala talaga silang pakialam sa mga tao sa paligid nila. Papatayin ko na ang mga ilaw, ikaw na lang ang bahalang magsindi. Kapag inantok ka na, umakyat ka na lang.
Sa wakas, umakyat na sa kwarto si Rocco. Sila ang dalawa kong kasama dito sa bahay. Dalawang klase ng taong nasa magkabilang dulo ng daigdig. Ang isa ay masyadong seryoso, ginagawang komplikado ang lahat ng makita niya at ang isa nama y sobra sa kabastusan at parating ginagawan ng katatawanan ang lahat ng bagay. Masaya silang kasama ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon, lalo na ngayon at boring ang araw ko. Hindi pa ako makatulog kaya t binuksan ko ang tv at dumiretso agad sa refrigerator para maghanap ng makakain. Inilabas ko ang pansit at ipinasok ko ito sa microwave. Napansin kong napakalakas pala ng aking resistensya dahil gatas at itlog lang ang aking inalmusal.


Hindi rin ako inaantok maski na halos kalahating oras lang akong umidlip sa bus. Naisip ko ring kahit nanlalata na ang aking kalamnan sa pagod ay kaya ko pa ring gumising. Nakakainip ang gabi at parang hindi ko pa gustong matulog. Mas pipiliin ko na ngayong hindi na lang sana natulog ang dalawa kong kaibigan at makipag-kwentuhan sila sa akin

Kumuha ako ng mainit na tubig sa thermos at gumawa ako ng kape. Hinigop ko ang másáráp at mainit na kape. Kadalasan ay mas pinipili kong uminom ng kapeng walang gatas tuwing gabi. Madaling araw na pala at hindi na gabi. Hinubad ko at isinilid ang aking suot na polo sa study table ni Caloy na malapit lang sa tv. Binuksan ko ang kanyang drawer. May limang libong piso ang nakalagay dito at ang kanyang Cellphone. Masinop magipon ng pera ang kaibigan kong iyon. Dinampot ko at pinakialaman ang kanyang Cellphone. Tinignan ko kung may mensaheng ipinadala sa akin ang tatay. Hindi kasi kami nagpapadugtong ng landline phone. Laking tuwa ko nang makita kong hindi sinasadya ang mensaheng para kay Rocco na sinasagot na siya ng kanyang nililigawan . Nakakapag-panibago lamang sapagkat tinawag siyang Ryan, madalas kasi ay tinatawag lamang siya sa kanyang apilyedo. Madalas na napagkakamalang kay Caloy ang babaeng iyon ng iba naming kaibigan. Ibinalik ko ito sa kinalalagyan at dinampot ko ang tasa ng mainit na kape. Pinatay ko ang ilaw sa kusina upang manatiling madilim sa aking paligid. Ang ilaw kasi sa kusina ang natitirang ilaw na nakasindi sa bahay. Ang ilaw ng TV atkaunting ilaw sa bintana ang natatanging ilaw na bukas sa buong bahay.

Mas tahimik ang aking pakiramdam kapag madilim ang paligid. Isinuot ko ulit ang aking sapatos sapagkat dito ako mas komportable. Tuwing ipipikit ko ang aking mata y parang gusto kong tumakbo ng napakabilis. Hindi ko malaman ang gagawin na para bang hindi sapat sa akin ang matulog na lang at tanggapin ang kalungkutan ng araw na iyon. Ang maganda lang sa gabi ay bawas na ang mga nakakalokong mga commercial at mga artistang nagpupumilit magpat awa o kumanta sa tv. Pinepeke nila ang mga ugali nila na akala mo ay ganun din sila sa personal. Halos wala nang totoo, lahat ng iyon ay para lang sa kikitain nila mula sa mga tagapanood. Napapaligiran ako ng sangdamungkal na peke.


Paano mo nga naman malalaman iyon kung ikaw ay ordinaryong tao lamang, sapagkat sila ang may control sa iyong nakikita at nababalitaan. Hindi ko talaga kayang matulog ng ganito ang pakiramdam, parang malungkot at parang may kulang sa araw na ito. Nakakapanghina kasing matulog na wala man lang kakaibang nangyari sa araw na to, paulit-ulit na lang tuwing umuuwi ako ng gabi. Sa hindi inaasahang pagkakat aon, nakarinig ako ng kaluskos na nanggagaling sa labas. Madali kong pinatay ang tv sa aking harapan. Sumilip ako sa kurtina ng aming bintana at napansin ko ang isang babae na inilalapag ang kanyang dalang gamit na naka-plastic sa aming pader at umakyat ito papasok sa aming maliit na lote. Kapansin pansin na iniiwasan niyang buksan ang maingay nilang gate o umakyat dito kaya t kinailangan pa niyang sumampa muna sa lote namin bago lumabas na lang galing sa amin. Umakyat naman siya sa pader naming ingat na ingat tamaan ang bakal na gate para makalabas sa iskinita ng tahimik. Hindi niya namamalayan na pinapanood ko siya. Madilim at siya y nakakulay asul na suot, di maaninag ang kanyang itsura.

Naglakad na siya buhat ang gamit papalabas sa may daanan. Maaaring tumatakas nga itong babae tuwing gabi dahil madalas ko siyang naririnig pagalitan ng kanyang tatay. Baka makikipagkita siya sa kanyang mga kaibigan o maaari ring tulad ko siyang naiinip kaya t lumalabas siya tuwing ganitong oras para makahanap ng kaibigan. Huwag lang sana masamang bagay ang kanyang gawain dahil marami rin akong alam na kwento tungkol sa mga babaeng ganun-- mga naikwento sa akin ni pareng Caloy.


Napunoako ng pagkataka sa isipan at biglaan kong naisip na lang na lumabas din at tignan lang kung saan siya papunta. Nangapa ako sa dilim at parang may kaunti kasi akong pangambang magbukas ng ilaw kahit kaunti lang. Wala akong suot na pang itaas kaya t nang madampot ko ang t-shirt na naka láρág sa upuan ng study table, isinuot ko ito ng mabilis.

Lumabas akong tahimik sa pinto at ini-lock ito. Mas mabilis naman akong nakasampa sa aming pader at naglakad ng matulin papalabas. Iniiwasan ko ring dumaan sa gate na nakagagawa ng ingay. Hindi ko na siya nakikita. Dinaanan ko ang parking space kung nasaan ang mga asong nagtitipon tipon at nagtatahulan. Lumiko na ako sa street namin kung saan ko siya nakita sa may kalayuan. Bumibilis ang kanyang lakad kaya t binilisan ko na rin ang aking lakad. Humigit kumulang sampung pulgada na lamang ang layo namin sa isa t isa ngunit hindi ko pinapahalata na ako y sumusunod sa kanya. Malamig ang hangin sa subdivision at napakatahimik sa aking pinagdaanan maliban sa nawawalang ingay ng mga aso habang ako y lumalayo. Ayaw ko siyang alisin sa aking mga mata upang hindi ako mawala sa taong sinusundan. Napansin ko ring kulay itim na blouse na ang kanyang suot at wala na siyang plastic na dala. Napansin ko rin na ang nasuot kong t-shirt ay ang itim na t-shirt ni Carlo na may tatak na pulang star sa gitna. Hindi siya nawawala sa aking paningin. Hanggang sa nakalusot na kami sa isa pang eskinita. Ilang minuto pa y nakalabas na siya ng gate ng subdivision. Nawala siya sa aking paningin nung mga oras na iyon. Napansin ko namang gising ang isa sa mga gwardya na nagbabantay sa gate. Ang ilaw lamang nila ang nakabukas sa paligid at umiinom ang gising ng hot chocolate na umuusok usok pa.
 
Last edited:
Nakalabas na ako at napansin ko siyang nakatayo sa harap ng daan ng Commonwealth. Naroon siya sa ilalim ng dambuhalang puno kaya t ang hugis lamang niya ang aking nakikita. Huminto muna ako malapit sa gate at hinintay ko siyang umalis sa tinutungtungan. Walang tao sa paligid maliban sa kanya. Alam ko ring nakasilong ako sa gilid ng pader kaya t kung lilingon man siya y hindi niya ako mapapansin. Naglakad siyang muli papalayo at sumunod ako. Wala na halos sasakyang dumadaan sa malapad na daan ng Commonwealth.

Napansin ko ang itim na bus na nakaparada malapit sa overpass. Nakahinto itong parang salagubang na natutulog. Sumakay bigla dito ang babae. Kapansin pansing malaki ang bus na ito at walang karatulang nakasula t dito. Wala man lang nakasulat na Fairview sa harapan kahit na ito y nakaharap papunta sa Fairview. Kakaiba ang itsura nito ngunit wala ring nakasulat na Tourist at malamang hindi ito pang turista sapagkat madaling araw na kasi. Ano kaya ang nandito? ang unang pumasok sa isip ko.

Ang bus ay mahahalintulad sa mga bus sa ibang bansa. Aircon ito at sarado ang mga kurtina nito pero pansin ko ang mga taong nasa loob dito. Mukhang pinasadya at purong itim ang iyong makikita. Hindi ko maisip o maaring wala lang ako sa sarili ng mga panahon na iyong bigla kong sinubukang umakyat sa bus na aking tinutukoy. Wala naman sigurong mawawala sa akin, ang sabi ko sa aking isip. Maaring ginawa ko rin iyon upang mapunan ng kasagutan ang mga katanungan sa aking isipan pero hindi ko talaga binalak iyon. Pag - akyat ko dito’y isinara nila agad ang pinto.

Ang driver ng bus ay nakatingin sa akin na magkadikit ang dalawa nitong kilay. Siya y may nakakatakot na pagmumukha. May katabaan, maikli at halos kalbo na ang buhok at ang kanyang mukha nama y napupuno ng butas na kung iyong iisipin ay may mahirap siyang napagdaanan noong kanyang kabataan. Siya y nakaputing polo at putting pantalon. Sinabi niya sa aking Number 36!

Naalala ko noon na ako y natakot rin at gusto kong sabihin na lang sa kanila na nagkamali ako ng nasakyan o mag-sorry ngunit hindi mo gagawin iyon kung ikaw ang nasa kalagayan ko. Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad sa isle ng bus. Kapansin pansin ang putting puting ilaw ng bus sa loob at ang mga puting numero sa itaas ng bawat upuan ay kapuna-puna rin. Lahat sila y nakapagtatakang nakakulay itim katulad ng suot ko! Napansin ko ang babaeng aking sinusundan na nasa number 7 nakaupo at nakatingin sa akin. Nanlaki ang mga mata nito ng mapansin niyang kilala niya ako dahil nakasabay ko na siya dating bumili sa tindahang malapit sa amin. Hinawakan niya ako sa kamay ng mapadaan ako sa kanya ngunit inalis din niya agad ito. Dumiretso na lamang ako sa numero ko. May nakaupo sa tabi ng upuan na isang matandang lalaki. Ang number 36 ay nakatabi sa bintana sa bandang likuran ng helera ng mga upuan ng bus. Sa bandang likuran nama y mga bakanteng upuan.

Naisip kong may kakaibang motibo ang mga taong nakasakay dito kaya t madaling araw sila kung bumyahe. Umupo na ako sa number 36. Kapansin pansin sa mga balikat na natatanaw ko, na lahat sila y naka-kulay itim na pangitaas kaya t hindi nakakapagtakang hindi nila ako nakilalang hindi nila kasama. Pinilit ko na lamang maging kalmado upang umiwas sa mas masamang pwedeng mangyari sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko doon, saan ako papunta at kung ano ang gagawin nila sa akin sa oras na matunton nilang hindi nila ako tunay na kasama. Sa umpisa pa lang ay may masama na akong kutob sa nasakyan kong bus na yun. Napansin ko sa siwang ng itim na kurtina ang isang lalaking tumatakbo at hinahabol ang bus. Hindi niya nahabol ito sapagkat mabilis na umandar ang sasakyan pagkaupo ko sa aking inuupuan. Pagtingin ko sa aking kaliwa y napansin kong nakatingin sa akin ang aking katabi. Siya y isang matandang lalaki na siguro y nasa edad na 50. Mistisuhin ang kanyang mukha at marami nang puti sa kanyang buhok.

Ang pangalan ko ay Khan, ang sabi ng lalaki. Ngayon lang kita nakasakay, ikaw pala ang bagong lipat. Siya y nagtataglay ng malamig na boses. Ang nakakatakot pa rito y parang may suspetsya ang kanyang tingin sa akin. Itinaas ko na lang ang aking kilay bilang pagsabi ng oo sa kanya. Hindi ko alam kung bakit niya sinabi sa akin iyon. Ang kanyang itsura t kilos ay parang hindi ordinaryong tao na nakakasabay mo parati sa bus na iyong sinasakyan. Napakabilis ng bus na aming sinasakyan. Lumiwanag bigla ang ilaw sa loob ng bus kaya t kahit ang bintana ko y may siwang, hindi ko nalalaman kung saan ako papunta. Ang tanging makikita sa salaming bintana ay ang sarili mong reflection. Natatandaan ko pa sa aking isip na may natitirang isang daang piso na lamang sa aking bulsa.

Kung sakaling may bayad ang pagsakay sa bus na iyon at kung sakaling kailangan ko ng pera para makauwi, isang daang piso lamang ang dala ko. Humihinto paminsan minsan ang bus upang magsakay ng pasahero. Sa mga unang oras na iyon ay puno pa ako ng kasabikang malaman ang nangyayari at parang ikinatutuwa ko pa ito. Una y isang Lalaking mukhang tatay na ang sumakay at ang sunod na paghinto nama y sinundan ng pagsakay ng isang mamang lalaki at matandang babae. Lahat sila y pawang naka-itim lamang at pawang napakaseryoso ng mga itsura't kilos. Tumagal pa ang biyahe at hindi ko alam kung ano ang gagawin. Napansin ko rin sa gawing kaliwa sa seat number 29 at 30 ang dalawang lalaking mukhang Hapon ang naguusap sa perpektong tagalog. Nakakamang hang tignan ito dahil sa kanilang mga kasuotang damit na tradisyunal na damit pang- hapon. Napansin ko ring nangingibabaw ang mga kayumangging kutis tulad ko ngunit nakapagtatakang isipin na napakarami ng mga nakasakay ditong dayuhan ang mukha.

Huminto ito sa wakas at hindi ko nalalaman kung saan na ako nakarating at anong klaseng mga tao ang nakasakay dito. Isa isang nagbabaan ang mga nakasakay sa bus. Pagbaba nama y isa-isang pumila ang lahat sa helerang pahalang. Nasa loob ako ng isang malawak at maliwanag na gusali. Para itong pabrika o warehouse na walang gamit at napakataas ng bubong dito. Karamihan ay gawa sa bakal ang makikita sa gusaling ito pati ang gusali mismo. Malinis at walang ibang bagay ang mapapansin sa loob nito maliban sa mga nag-gagandahang mga sasakyan. Humigit kumulang labing limang sasakyan ang nasa loob ngunit napakaluwang pa rin ng buong gusali. Maihahambing ito sa isang indoor basketball court maliban sa makinis na semento lamang ang sahig at walang mga upuan. Walang bintana sa loob ng gusaling iyon.

Sa itaas ay may mga ventilation at hindi umiikot o gumagana ang mga ito. Walang nagsasalita at mukhang matagal na nila itong gawain kaya mabilis silang nakabuo ng pila na parang balangay ng mga sundalo. Hindi ako umimik at pumwesto na lamang ako sa tabi ni Khan. Mga ilang minuto kaming walang ginagawa kundi nakatayo lamang at walang kibo. Umakyat muli sa bus ang driver na nakaputi at hinilera niya ang bus sa sampu sa mga sasakyang naka parada sa gilid ng malawak na gusali.

Nagbigay ng malakas na ingay ang bus sa dahilang kulob ang lugar na iyon. Lumakad silang bigla ng isa-isa patungo sa pintuan sa isa sa pader ng gusali at humarap dito. Sumabay na lang ako sa kanila at puno pa rin ng pagkataka kung ano ang nandito at bakit sila y animo y mga robot kung kumilos. Mga ilang sandali pa y may nagbukas ng pintuan.

Isa siyang intsik na may mahabang buhok at nakakulay puti siyang suot katulad ng driver ng bus. Natanaw ko ang lalaking nakaitim na umaakyat sa hagdanan sa loob ng pintong iyon. Tumayo lamang ang intsik sa tabi ng pintong iyon upang magbantay. Lumapit ang lalaking nakasuot ng itim na coat galing sa pintuan sa amin. Ang itsura niya y kahawig ng isang demonyo sa mga paintings na alam ko. Manilaw- nilaw ang kanyang mata at mabagsik ang wangis ng kanyang mukha. Siya y may maitim na kutis at may bigote t balbas.


Isa- isa niyang pinag-aralan ang mga itsura ng mga naroroon. Patuloy pa rin ang katahimikan habang isa-isa niyang nilalapitan ang mga naririto. Tunay na nakakatakot ang kanyang pagmumukha lalo na kung makikita mo ang kanyang mga mata. Kami y nakapila na parang mga sundalo at siya ang aming opisyal.

Bumibilis ang pintig ng puso ko sa takot na maaaring may masamang mangyari sa akin kapag nalaman nilang hindi ako miyembro ng grupo nila. Kapag naroon ka y akala mo y hindi sila tao sa kanilang kakaibang tindig. Dumaan lamang siya sa aking harapan sapagkat sumenyas si Khan at may iniabot na sobreng itim sa kanya. Hindi niya gaanong pinansin ang aking itsura t anyo. Parang bawal yatang magsalita ang mga naroroon. Napakatah imik ng paligid at walang may gumagawa ng tunog. Matapos tanggapin ang sobre sa kamay ni Khan, pumwesto siya sa aming harapan, sa harap ng pintuang patungo sa hagdanan. Siya y humarap din dito at tumayo lamang roon ng nakatindig habang ako nama y naghihintay sa susunod na mangyayari. Inilihis ko ang aking mga mata sa kinalalagyan ng bus at ito y hindi umaalis sa kanyang pwesto. Pinapawisan ang aking mga kilay. Ang makalabas dito ang tanging gusto kong mangyari.

Nababakas ang putting damit ng driver na nakaupo dito hawak ang manibela at pinapanood kami. Nagulat ako ng bigla na lamang sumigaw ng napakahabang??Hooo!!! ang lalaking maitim na namumuno sa kanila. Nabulabog ang katahimikan ng gawin niya ito. Mababa ang tono ng kanyang sigaw at nakakakilabot kung iisipin. Pagkatapos na pagkatapos nito y namatay lahat ng liwanag sa loob ng gusali. Wala akong makita kahit kaunti lang.


Kung may alam lamang akong tatakbuhan upang tumakas ay ginawa ko na ngunit napaka-dilim na parang ikaw ay nakapikit. Muntik pa akong napasalita sa gulat ng pagpatay sa ilaw. Naglakad na kami, pumasok na sila ng pintuan at wala akong magawa kundi sumunod rin sa kanila. May humawak sa aking likuran kaya t napahawak na lang din ako sa taong nasa aking harapan. Dire-diretso kaming naglakad sa dilim hanggang makapa ko ang pintuan at ang pader papababa sa hagdanan. Sumusunod lamang ako sa lalaking nasa aking harapan. Kakaiba ang amoy ng paligid.

Parang mga nabubulok na laman ang aking naaamoy habang bumababa ako kasunod ng nasa aking harapan. Gusto ko nang magpasimpleng kumalas at umakyat sa itaas sapagkat hindi nila ito makikita ngunit natakot ako sa pwedeng mangyari. Narinig kong isinara na ang pintuan sa itaas at patuloy pa rin kaming bumababa ng hagdanan. Paikot ang hagdanan pababa na parang napakalalim ng aming pupuntahan.

Humahawak ako sa kaliwang direksyon habang bumababa kung saan naroroon ang pader sa hagdanan na may kakaibang amoy. Ito y malagkit na parang bagong pintura ngunit binaliwala ko ito para maiwasan ko ang pagbagsak sa hagdanan dahil sa sobrang dilim. Nauunawaan ko na hindi nila ito sadyang pinapakita sa amin upang hindi namin matukoy ang papalabas dito.

Maari ring ito y nakasanayan na nila. Ang bus na sinakyan naming ay nakatakip ang bintana, ngayon nama y pinatay ang ilaw para hindi makita ang dadaanan. Ito siguro y para sa akin upang hindi ako makatakas papalabas. Para sa sino mang makapasok rito ng palihim. Ano man ang tunay na dahilan, siguradong masama ito. Ilang minuto pa at nakapa ko ang patag na daan. Patuloy kaming naglalakad papalayo sa pinanggalingan at hindi ko iniaalis ang pagkakahawak sa pader upang masundan ko ang aming dinaraanan. Minsan ay lumiliko kami, minsan naman ay may naririnig akong pintuang binubuksan . Pilit kong kinakabisado ang dinaraanan ngunit napakahirap tandaan lalo na kung ikaw ay walang nakikita. Sa wakas ay bigla kaming huminto. Binitawan ako ng nasa aking likuran kaya t binitawan ko na rin ang damit ng tao sa harap ko. Matapos ang ilang minuto ay narinig kong muli ang lalaking nasa harapan at sumigaw ulit ito ng mahabang Hooo at bumukas ang ilaw

Nakasisilaw ang liwanag ng bumukas na ilaw. Unti-unti kong naaninagan ang paligid. Nasa gitna kami ng maluwang na kapatagan. May kulay putting mga ilaw na nasa aming itaas. Kung ikaw ay titingala, makikita mo ang gitnang kisame na napakaliwanag. Kapansin pansin naman ang mga palapag na nakapabilog. Gawa sa marble ang aming inaapakan at ang paligid naman ay pinag-iibabawan ng kulay puti at itim na napakakintab at napakalinis.

Nakapaligid sa amin ang limang palapag na nakahugis pabilog na kung saan ay may mga lalaking nakaputi ang nakadungaw paibaba sa amin. Sila y may mga pinturang itim sa kanilang mukha. May mga pabilog na
naglalakihang haligi o pundasyon ang naka paikot sa buong gusaling ito. May malaking watawat ang nakalagay sa itaas ng pader ng isang malaking pintuan. Puti ang tela nito at may tatak na kulay dilaw na araw sa gitna. Ang araw ay may mukha ng isang galit na tao.


May mga dumating galing sa iba t ibang pasukan na mga pawang nakaitim rin. Nagsidungawan rin ang mga nasa itaas at sila y mga naka-itim rin. Iba t ibang klase ang kanilang damit ngunit ang lahat ng ito y kulay itim lamang. Napakarami pala ng tao sa loob at mukhang hinihintay kami. Nilapitan kami ng mga nakaitim na galing sa mga pasukan. Sila y may mga itim na pintura sa kanilang mga mata na malayang tumutulo na animo y sila y lumuluha. Isa-isa ang mga itong lumapit sa amin at nilagyan rin ang aming mga mata. Ang naglagay sa akin ay isang babae na mukhang dayuhan. Siya y maputi, brunette ang kulay ng kanyang buhok at asul ang kulay ng kanyang matang nababalot ng itim na pintura. Karamihan sa kanila y hindi mga kayumanggi.

Napansin ko ang dalawang lalaking mukhang hapon na nakasabay ko sa bus na nilalagyan ng itim na pintura ng isang bumbay. Lahat sila y mukhang marunong magtagalog. Isang lalaking puti, na may katabaan at walang buhok ang pumasok galing sa pinakamalaking pintuan sa ilalim ng kanilang watawat. Siya y galing sa dilim. Habang siya y pumapasok, sumisigaw ng Heiree-ah Heiree-ah Heiree-ah ng paulit ulit ang mga nasa loob. Umaalingaw-ng aw ang kanilang mga sigaw sapagkat kulob ang buong gusaling iyon. Matutukoy mo agad na ito y isang underground na itinayo noong matagal nang panahon. Hindi ko maintindihan ang mga sinisigaw ng iba sa kanila. May mga salita silang sila lamang ang nakakaintindi. Ang lalaking kalbo na aking tinutukoy ay umupo sa isang malaking upuan na animo y isang pari o hari nila. Sumenyas ito at lahat ay tumahimik. Alam ko agad na ito y samahang may mga wirdong ritwal. Ano man ito y tiyak na malalaman ko sa oras na ako y makakuha ng pagkakataon. Lahat sila y nakangiti at nagbatian sa pamamagitan ng pagyakap sa isa t isa. Niyakap rin nila ako at kinukumusta sa buong akalang ako y taga roon.


May biglang yumakap sa aking likuran, inilapit ang kanyang bibig sa aking tenga at binulungan niya ako, Anong ginagawa mo dito? Siya y isang babae. Sino ka? ang pabulong na sagot ko sa kanya. Bakit mo ako sinusundan? Ikaw ba? Anong ginagawa mo dito? Nasaan ako? Sino ka? Wala ka dapat dito. Ako si Joan, tutulungan kitang makalabas dito pero bago mangyari iyon dapat sundin mo ng buong buo ang mga sasabihin ko sa iyo. Tawagin mo akong William. Ikaw si Allen. Wala na tayong panahon pa sa ganyan. Kilala kita, pero sila hindi ka nila kilala. Hindi mo alam ang ginagawa mo. Bakit ka sumunod sa akin?


Pagkatapos nito, umakyat ka sa 3rd floor at sa balkonahe hanapin mo ang pangalang Ranzall at doon ka pumwesto. Wag kang makikipag usap kahit kanino at kung kakausapin ka, iklian mo ang sagot mo at lumayo agad at huwag papahalata. Kung ayaw mong may mangyaring masama sa iyo gawin mo iyon. Naiintindihan mo ba ako? Nasa panganib ka Allen. Salamat. Bumitaw siya sa pagkakayakap sa aking likuran at bigla siyang nawala sa mga nagsisiksikang tao na parang isang bula. Matapos ang batian ng mga kasapi ay umakyat nang isa isa ang mga ito.


Nagsimula na silang umakyat sa mga palapag at ginawa ko ang sinabi ng babae sa akin. Joan nga kaya ang tunay na pangalan niya? Siya ang aming kapitbahay. Sa gilid ng hagdanan ay may mga iba t ibang klase ng mga lumang armas. Nakakamanghang pano orin sapagkat nasa ibaba ng pader ang pinaka lumang armas tulad ng mga patalim at nasa itaas ang mga baril na ginamit noong World War II. Doon lamang ako nakakita ng kumpletong armor ng isang Samurai warrior sa totoong buhay. May mga armas at armor na galing pa ng Europa na may iba't ibang uri sa iba't ibang panahon. Para akong nasa loob ng isang museong puno ng armas pandigma. May mga iba t ibang lumang pinta rin ang makikita sa mga gilid sa loob ng staircase. Kapansin pansin ang painting sa gitna ng isang sundalong Romano na may hawak na patalim at sakal sakal ang isang lalaking talunan. Umakyat ako sa pangatlong palapag at hinanap ko ang nakaukit sa mga haligi ng gusali. Puti ang pintura dito at napakalinis ng dinaraanan. Itim na tiles naman ang makintab na sahig ng palapag na ito. Sa gitna ng gusali y may napakaliwanag na puting ilaw ang nagbibigay ng liwanag sa bawat palapag sapagkat pabilog ang hugis ng bawat palapag. Sa pabilog na gusaling ito y walang sino man ang hindi mamamangha sa pagkakagawa nito. Dinaanan ko ang haligi na may nakasulat na Josef, Draco, Sherman, at Rona.


Nakita ko na sa malayo pa lang ang Ranzall. Tumayo ako sa gilid nito tulad ng sinabi ng babae at dumungaw tulad ng ginagawa nila. Sa aking likuran ay mga kwarto na may mga makakapal na itim na kurtinang nakatakip dito. Hindi ko pinahahalata sa mga nasa aking tabi na ako y hindi taga roon kaya t iniiwasan kong tumingin sa kanila. Sa kabila ng 3rd floor sa aking harapan ay may lalaki ang may isinisigaw sa ibaba na hindi ko maintindihan at itinataas pa nito ang kanyang mga kamay. Dahil sa ito y pabilog matatanaw mo lahat silang nasa 3rd floor. Sila y nagtataglay ng mga matatapang na mukha. Humigit kumulang ay isang daan kami sa floor na iyon. Matatanaw mo naman sa ibaba ang tila y entablado kung nasaan ang malaking upuan ng kanilang leader. Kitang kita naman ang kanilang malaking watawat na nasa kanyang itaas. Matatanaw rin sa aking pwesto ang ibang palapag na kung saan ay naguusap usap ang mga naroroon. Ang nakakapagtaka y hindi nila kinakausap ang mga nakaputi. Tumahimik bigla nang may nagpatugtog ng tila'y trumpeta. Napahawak naman ang kaliwang kamay ko sa puting pader sa ilalim ng nakaukit na Ranzall . Napansin ko ang gumihit na kulay pulang galing sa aking kamay. Tinignan ko ang aking palad at naisip kong dugo ito na nanggaling sa dinaanan ko kanina, nakapatay ang ilaw kaya hindi ko ito napansin. Simula na akong matakot ng lubos sa aking loob. Ayaw ko man itong ipahalata ngunit parang naiiyak ako sa takot na may gawin silang masama sa akin. Nanginginig man ang aking mga kamay, pinipigilan ko na lamang ito. Walang normal na nangyayari sa loob ng gusali


Tinakpan ko na lamang ng aking balikat ang gumihit na dugo sa gusali. Biglang humina ang liwanag na galing sa aming itaas at pinatugtog ang mga tambol na parang kulog. Hindi ko nakikita sa aking kinalalagyan ang mga musikero. May mga pumasok na nakabalot ang mukha ng itim na tela at may hawak silang sulo. Sinindihan ang mga kahoy na nasa gitna ng entablado. Lumiwanag ang buong paligid gawa ng apoy sa gitna. May inilabas silang babae na nakagapos. Maputi siya, maganda at may katangkaran. Siya y may mahabang buhok na umaabot sa kanyang talampakan. Nakadamit siya ng mahabang kulay pulang tela na parang ibinalot ito sa kanya. Tinanggal ng mga babaeng nakapaligid sa kanya ang masusing pagkakaayos ng kanyang buhok. Unti-unting umalis ang mga babaeng nakapa- ikot sa kanya. Humagulgol sa iyak ang babaeng naka pula na nasa gitna at napaluhod na lamang ito.


Tumayo ang pinuno mula sa inuupuan. Madali siyang mapansin sapagkat napakataba niya at siya lamang ang lalaking walang buhok sa paligid niya. Nagtalumpati ito sa harap ng mga taong nanonood. Ang salita niya y hindi ko maintindihan ngunit nakasisigurado akong galit siya sa babaeng nasa harapan ng apoy. Sa bandang huli ng kanyang talumpati y nagsalita siya sa lenguaheng akin nang naiintindihan. Jan, taksil ng pamilyang ito, sa ngalan ng mga kasaping lokal at kasaping dumarayo, ikaw ay hinahatulan namin ng parusang kamatayan! Itinaas nito ang kanyang dalawang kamay. Tinawag niya ang lalaki sa kanyang likuran. Paris! Simulan mo na ang pagpugot ng kanyang ulo! Ang lalaking nasa kanyang likuran na nagngangalang Paris ay siya ring lalaking maitim na may bigote t balbas na aming sinusundan kanina papasok sa gusaling ito. Mataas siya at malaki ang pangangatawan. May hawak siyang mahaba't makintab
na espada na may talim na parang lagari. Sa una y akala ko y pupugutan niya ng mabilis ang kawawang babae, ngunit iba ang aking nasaksihan!


Sinabunutan niya ang babae sa kaliwang kamay at iniumpog ang ulo nito sa sahig habang iniipit niya sa pamamagitan ng tuhod ang katawan ng babae upang hindi ito makakilos. Sumisigaw sa sakit ang babae at pinutol ang kanyang ulo sa pamamagitan ng paglagari dito ng dahan-dahan. Napansin kong hindi nakapalag ang babae sa lakas ni Paris hanggang sa hindi na ito gumagalaw. Binuhat siya ng mga babaeng nakaitim at ipinasok sa loob. Dumanak ang dugo sa puting marmol na sahig sa ibaba. Tumingin naman sa itaas si Paris at sumigaw habang itinataas ang kamay na may hawak na espada.


Matapos nito y pumalakpak ang mga nasa itaas sa kanilang nasaksihan . Sila y mga sadista at sa aking pagobserbasyon ay matagal na nila itong ginagawa. Nanlalamb ot ako sa takot at halos di na ako makakilos. Hindi ako makapaniwala sa nakita ng aking mga mata. Hindi ko ninais isipin na aabot sa ganito ang madidiskubre ko sa gabing iyon. Isang wirdong samahan na may tradisyong pagpatay sa tao. Ngayon ay alam ko na at malinaw sa akin ang dahilan ng kanilang kahigpitan sa mga nakakapasok sa loob ng gusali nila maging sa sarili nilang mga kasamahan. Biglang binuksan muli ang ilaw sa aming itaas matapos ang palabas. Umalis na sa kani-kanilang pwest o ang mga nakadungaw sa balkonahe. Ako naman ay naglakad sa gilid ng mga kwarto at pansin ko ring binubuksan ng mga lalaking nakaputi ang mga itim na kurtinang tumatakip dito. Sa loob ay may mga mesang pahaba at umuupo sila sa sahig. Binubuhat naman ng mga lalaking nakaputi ang mga malalaking banga na may mga lamang pagkain. Sila y nagdiriwang at kung ano man ang kanilang pinagdiriw ang ay hindi ko alam. Lumibot ako paikot sa buong 3rd floor. May isang kwarto naman na kung saan ay may nakita akong tatlong tao. May isang lalaki at isang babae ang nakapiring at nakabalot sa puting tela ang pinagkakatuwaan nila. Umiinom sila ng wine at binubuhos rin nila ito sa mukha ng babaeng nakapiring.
 
Last edited:
Nagulat ako nang tapikin ako sa aking likuran. Si Joan! May nakakwintas na mga bulaklak sa kanyang leeg. Hinatak niya ako at naglakad kami. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking siko. Nagpunta kami sa hagdanan na kung saan ay walang tao. May isang binata ang dumaan sa aming harapan at nginitian niya ito. Kinausap na niya ako nang makalagpas ang isang lalaking binatilyo. Makinig ka sa aking mabuti. Bumaba ka at huwag pahahalata sa unang palapag ng gusali. Kailangan mong makaalis dito kung gusto mo pang mabuhay.


Nakita mo ang nangyari sa babae kanina, mas malala pa ang gagawin nila sa iyo sa oras na matagpuan ka nila. Ano ang nangyayari dito? Nasaan ako? Bakit nila pinatay yung babae kanina? Ang masasabi ko lang sa iyo ay nasa malaki kang panganib kung hindi ka makakalabas dito! Bakit mo ako sinundan? Joan, kung Joan nga ang iyong pangalan, sabihin mo sa akin kung bakit mo ako tinutulungan? Kasama ka nila pero tinutulungan mo akong makatakas dito? Ano ba ito? Anong meron dito at nagpupulong kayo? Kulto ba ito? Sino kayo bakit ginagawa ninyo ito?

Gusto mo ba talagang malaman? Hindi ito ganun lang kasimpleng ipaliwanag. Kung malalaman mo ang buong katotohanan, hindi ka maniniwala. Kaunti pa lang ang iyong nakikita. Buhok pa lang ng halimaw ang nasaksihan mo. Ito ay isang pamilyang nagsimula sa maliit at tuluyan itong lumalaki. Pamilya ito na may matandang tradisyon . Matanda na itong pamilya namin. Dito, lahat kami y nagtuturingang magkakapatid at iisa ang aming ama.


Yung lalaking nakaupo! Pakiusap, makinig ka na lang. Nasa paligid lang kami, sa bawat lugar na iyong puntahan ay hindi maaaring walang kasapi ng pamilyang ito ang iyong makikita. Ang paniniwala ng bawat miyembro dito y sila y may mga obligasyon para sa isa t isa. Ang pagkakaalam mo sa inyong mga kapitbahay ay isang normal na pamilyang naninirahan doon ngunit mali ka. Sila y mga pansamantalang pamilya ko lamang. May mga nakatataas dito ang magtatalaga sa amin kung ano ang gagampanan naming at kanino kami sasama. Mga nagpapanggap kaming pamilya at nagkukunwaring mga taong tulad ninyo. Nagpapalitan kami ng pamilya sa labas at nagpapalitan rin ng hanap-buhay pag kailangan. Sinusulit ang saya ng maikling buhay sa daigdig, ganito dito, ang bawat kasapi ay nararanasan ang maraming uri
ng pamumuhay ng ibang tao dahil nagpapalitan kami ng buhay. Nabubuhay kami sa sarili naming komyunidad. Nagtutulungan kaming mai-ahon ang isa t isa na tulad ng isang tunay na pamilya. Para sa amin, kami ang nasa itaas ng lahat. Dapat kami ang nakakataas at hindi ang mga tagalabas na ka-uri mo. Walang taga-labas na tulad mo ang nakagawa nito sa buong kasaysayan namin.

Ang sino man sa amin ang magsalita tungkol dito sa ibang taong taga-labas ay pinapatay. Ang tingin nila sa mga taong katulad mo ay pagkain lang! Siguro y magugulat ka kung sasabihin ko sa iyong kumakain kami ng tao dito. Ang babaeng pinatay kanina ay ang matalik kong kaibigan na si Jan. Siya y hinahapunan na ngayon ng mga nakakataas. Nagkaroon kasi siya ng kasintahan na taga labas. Napakalaking kasalanan sa pamilya ang magkaroon ng relasyon sa hindi miyembro ng aming pamilya. Siya y itinalaga bilang isang guro sa isang elementarya ngunit nakakilala siya ng lalaking nagustuhan niya. Minahal niya ito pero sinekreto niya sa buong pamilya maski na sa akin. Mas makabubuti raw sa akin na di niya ito pina-alam.

Sinekreto niya ito sa akin upang mailigtas ako kung sakaling madiskubre man siya, ngunit nangyari na nga. Sinikap niyang pagsabihan ang lalaking isekreto ito ngunit nagsalita ito tungkol sa kanilang dalawa sa kanyang kaibigan na siya naming nagsuplong. Kagaya ng sabi ko sa iyo, nasa paligid ligid lang kami. Hindi mo alam kung ang nakasalubong mo sa daan ay kasapi dito. Ikinulong si Jan ng ilang taon hanggang humaba sa tamang haba ang kanyang buhok bago siya paslangin. Ito y tradisyon na sa pamilya simula pa noon. Hindi kami malayang tao at ang bawat isa y takot na maparusahan kung susubukan nilang tumakas. Marami ang kanilang galamay sa paligid.

Walang sino man ang nakakatakas sa kanila at kalian man ay hindi ito nabulgar. Araw araw ay may mga dumarating dito upang sumama sa pagdadalo. Ito ang araw namin na kung saan ay napasama ka. Hindi ko alam kung bakit mo ako sinundan ngunit mali talaga ang iyong ginawa. Sinuwerte ka lang dahil sa tamang tiyempo, suot mo at oras ng pag-akyat mo sa bus. Allen, mamaya y iisa-isahin nila ang mga miyembro at hindi ka nila makikilala. Kailangan mo nang tumakas ngayon!

Bakit kayo kumakain ng tao? Anong nangyayari dito bakit kayo kumakain ng tao? Paano mo nalaman na Allen ang pangalan ko? Sa buong pagkataka ko y parang hindi ko na alam ang mga sinasabi ko. Halos masuka na rin ako sa takot. Sa ganitong sitwasyon, sino pa ba ang hindi mangangamba sa maaaring kahinatnan ng iyong buhay.

Ang paniniwala ng aming mga ninuno ay kami ang mga nakakataas na lahi ng sangkatauhan. Dahil sa ang tao ay ang naghahari sa mundong ito, hindi na nagiging balanse ang ekolohiya at nasasakop na ng tao ang sangkalahatan. Walang tigil ang pagdami nila na kung kaya t may lilitaw at lilitaw na isang uri ng puwersa na magbabalik sa balanse nito. Maliban sa sakit at mga sakuna, hindi na maididisiplina ang tao sa pagdami nito kaya t pinanganak ang aming lahi. Ganito naman ang natural na nangyayari sa kalikasan di ba? Sa lugar na maraming tupa, may mga lumilitaw na asong gubat upang bawasan sila dahil kapag sumobra sila sa dami, mauubos ang pagkain nila t lahat sila y mamamatay. Wala nang mas tataas pa sa tao kaya t tao na rin ang gagawa nito. Hindi iyon maiiwasan. Sanay na ako sa ganitong paniniwala namin. Dito na ako pinanganak at dito kami lahat mamamatay. Alam kong mahirap intindihin ito ngunit ito ang totoo. Marami ka pang dapat malaman at kulang pa itong mga sinabi ko sa iyo. Huminto siya at nagpatuloy, Tinutulungan kita dahil tulad ng nasaksihan mong pinatay, si Jan, ayaw ko nang magtagal pa dito.
Tinutulungan kita sa ngalan niya. Para lang hindi ka na magtaka pa, ang kasambahay mo nga pala ang nagsabi sa aking Allen ang pangalan mo. Nakakausap ko siya tuwing nagkakasabay kaming lumabas ng bahay.

Hindi na ako napakibo sa kanya at tumayo ang aking mga balahibo sa katawan. Sila y isang bayan ng mga baliw. Ginusto ko man o hindi malaman ang mga kanyang sinabi, iniisip kong ito ang katotohanan at ito ang totoo. Malaman ko man o hindi, ito ang totoo. Ang katotohanan ay hindi lamang pala sa lahat ng bagay na nakikita ng mga mata, may mga nakatagong hindi dapat nabubulabog nino man. Napayuko na lamang ako at naiiyak sa takot. Nakatakip ang aking mga kamay sa aking bibig sa sobrang pagkagulat sa aking nalaman sa kanya. May nadiskubre akong bagay na wala pang ibang nakakadiskubr e at kung meron man ay pinapatay agad.

Huwag kang matakot Allen, sasabihin ko sa iyo kung paano ka makakalabas. Pasensya na kung nabigla ka pero ito talaga ang nangyayari noon pa man. Pumunta ka sa ibaba at hanapin mo ang may simbulong star sa itaas ng madilim na pasukan. Pagdating dito pumasok ka sa pangatlong pinto. Umakyat ka sa hagdanan at piliin mo ang kanang daanan.

Pagdating mo dito y may apat na pintuan, pumasok ka sa pintuang may painting sa itaas. Gawin mo ito na walang sumusunod sa iyo. Diretsuhin mo lang at makakalabas ka na ng Palasyo. May pintuan doon na magdadala sa iyo palabas ng lugar na ito. Pagkalabas mo sa pintuang iyon ay kailangan mong tumakbo sa malawak na bakanteng lote. Bilisan mo dahil may magbabantay doon kapag dumating ang umaga. Makakalabas ka doon at sumakay ka ng bus pauwi. Tanggalin mo ang itim na damit kapag may narinig kaming babaeng humahalakha k sa tawa sa may hagdanan kaya t huminto siya sa pagsasalita. Dumungaw ito sa amin at tinawag siya nito. Joan, nandiyan ka lang pala, halika at samahan mo kami sa itaas, kumakain na sila. Isama mo siya kung gusto mo, masaya doon sa kwarto namin.

Umakyat siya at binilisan ko naman ang pagbaba. Nakita ko ang labasang may hugis star kaya pinasok ko ito. Madilim sa loob nito ngunit pagdating sa tatlong pintuan, pinasok ko ang gawing kanan tulad ng sinabi sa akin. Umakyat din ako sa gawing kanan na hagdanan at inabutan ko ang apat na pintuan na kung saan naroroon dapat ang painting. Wala akong nakitang painting. Hindi ko alam kung saan ako papasok kaya t pinili ko ang pintuang may hugis na parisukat sa itaas. Mukhang pinaglagyanan ito ng painting. Pumasok ako dito at dumiretsong paitaas. May mga bumbilya sa itaas. Napakahaba ngunit masikip ang hagdahang ito at pakiramdam ko y nasa loob ako ng isang maze.

Sa itaas ay may rehas na pintuan. Buti na lang at hindi nakakandado ang nakasabit na padlock dito. Binuksan ko ito at bigla akong nagulantang sa aking nakita! May mga kulungan dito ang nagkapatong patong at may iba t ibang laki ang mga ito. May mga tao sa loob ng mga kulungang ito. Iba t iba ang kanilang itsura t lahi ngunit silang lahat ay halos may itsura na magkakahambing. Magulo ang kanilang buhok at madungis na pulang damit ang kanilang kasuotan. Naglakad ako ng diretso at may nakita pa akong babaeng nakahalo sa kulungan ng isang baboy. May mga pagkain at inumin sila sa loob na parang hayop sila kung turingin. Ang isa naman sa kanila y nakakadena pa ang paa nito. Katabi nila y kulungan ng manok at iba pang uri ng hayop tulad ng matsing. Ngunit mas kapuna puna ang isang kulungang may mga
matutulis na bakal na animo y barbwire ang nakapalibot dito. May lalaki sa loob nito ang napansin kong kakaiba sapagkat may tattoo siya sa kanyang balikat. Bumubulong bulong siya na akala mo y nagdarasal. Sa kanilang lahat siya lamang ang nagsasalita sa salitang naiintindi han ko. Siya y may maikling buhok at may kapayatan. Napapaligiran siya ng mga prutas at tinapay sa paligid.

May bilog na butas sa gawing likuran ng kanyang kulungan na nagsisilbing lalagyanan ng kanyang dumi. Bakit kayo nakakulong dito? Anong ginagawa mo dito at bakit nandito ka? Sino ang nagpasok sa iyo dito? ang tinanong ko sa kanya. Sino ka? Anong kailangan mo sa akin? Anong nangyari sa inyo bakit kayo kinukulong dito? Ano ba ang lugar na ito? Gusto mong malaman? Nanginginig ang kanyang boses na parang umiiwas sa akin. Masusing pinagaralan nito ang aking mukha at kasuotan.

Maaring nababakas niya ang takot sa aking mukha kaya t nakumbinsi ko siyang ako y mapagkakatiwalaan niya kung ako ma y kanyang kakausapin. Lumapit siya sa rehas ngunit iniwasan niyang hawakan ang rehas na may matutulis na bagay. Paano ka nakapasok dito? Ilabas mo ako dito! Ilabas mo ako dito!!! pabulong niyang sinabi sa akin. Paano kita ilalabas dito? Napatingin ako sa paligid, sa mga kulungan ng mga taong naroroon. Silang lahat ay nakatingin sa akin. Gumawa ka ng paraan para makalabas ako dito. Hindi ko alam kung paano ito bubuksan. Parang awa mo na buksan mo ito. ang pagmamakaawa niyang sinabi sa akin. Paano ka nakapasok dito tulad ko? Bakit ka nila dinala dito? Pumasok sa isip ko na maaaring sa ganitong klase ng kulungan ang aking hahantungan kung ako man ay mahuli nilang naglilibot sa kanilang palasyo

Ang kapitbahay ko sa tondo na nainis sa akin dahil pinulutan ko ang kanyang alagang aso at parati akong nagiingay sa daan ang kumuha sa akin dito. Gumising na lang akong isang araw at nandito na ako at nalaman ko na lang na siya ang nagdala sa akin dito dahil nakita ko siyang nakaharap sa akin paggising ko. Kinakausap rin nila ako pero tingin ko nainis lang sila sa akin kaya t dinala nila ako dito. Hindi ko na alam kung ilang taon na akong nandito pero alam kong 1994 nila akong ipinasok dito. Ano na ba ang petsa ngayon? year 1999 na at magtwo-two thousand na. Sila? Kailan sila ipinasok dito? Sabihin mo sa akin ang lahat ng nalalaman mo tungkol sa lugar na ito. Hindi pa ako nakakalabas sa malaking kwartong ito at lalo na sa loob ng palasyo. May kaunti akong nalalaman dahil minsan may lalaking nakikipagusap sa akin dito. Ang mga nakikita mong ibang tao diyan, mga inaalagaan nilang parang hayop ay dito na ipinanganak sa kulungan. Sila ang kinakatay sa oras ng kanilang pagdiriwan g. Hindi ko alam ang binabalak nila sa akin pero nakakita na ako ng inilabas nila sa kulungan at umiyak itong parang biik. Hindi sila marunong magsalita at kung meron man sa kanila ang marunong iisang salita lang o lima ang kanilang alam.

Sinubukan ko ring tumakas sa iba t ibang paraan pero ang nakapagtataka y hindi nila ako pinapatay o sinasaktan man lang. Malaki ang galit nila sa mga tao, mukhang may malalim silang galit sa mga tao. Sinasama sila sa ibang hayop para di sila tuluyang mabaliw at ganahang kumain. Iniilawan rin kami dito paminsan minsan gamit ang ilaw na kasing init ng araw. Mga bihag kami dito. Gumawa ka ng paraan at ilabas mo ako dito! Siya y napaluha sa pag-asang mailalabas na siya.

Nalaman ko rin ang dahilan kung bakit napakarami ng matalim na bagay sa kanyang kulungan. Kailangan ko ring makaalis ng maaga dito, malapit na nilang malamang may nakapasok dito. Doon ako nagdesisyong umalis agad at kalimutan ang taong ito. Kailangan ko munang iligtas ang aking sarili at iwasang maawa sa kanila. Tumalikod ako palayo sa kanyang kulungan at habang lumalakad ako papalayo, sumisigaw naman at nanggugulo ang lahat ng mga taong nasa loob ng malaking kwartong ito. Ilabas mo ako dito! Maawa ka! Ilabas mo ako Hoy!!! ang paulit ulit niyang isinisigaw habang ako nama y nagmamadaling makaabot sa kabilang labasan. Sa totoo lang hindi ko alam kung ang rehas na pintong aking patutunguhan ay ang siyang magdadala sa akin palabas. Natatarant a na ako at gusto ko nang makaalis sa lugar na iyon. Binuksan ko ito at umakyat ako sa hagdanan.

Madilim ang makitid na hagdanang iyon. Paglabas ko rito y nakapasok ako sa isang puting putting hallway at napansin ko ang mga monitor na nasa loob ng isang kwartong walang lamang tao. Nakita ko sa monitor ang loob ng building at may mga nagii-pon ipong mga lalaking may hawak na ripleng AK 47. Lahat sila y nakabaril. Naririnig ko rin sa radio na may ipinaguutos sa bawat tao sa loob na hanapin ang kahinahinalang lalaki na nakapasok sa loob ng gusali nila. Ako yung lalaking hinahanap nila!

Ang higit na nagpataas ng aking pangamba ay yung pinakamalaking monitor na kung saan makikita ang pinagdaanan kong kulungan ng mga tao. Umabot na roon ang mga lalaking nakabaril at patungo na sila sa aking kinalalagyan kaya t kumilos naman ako ng mabilis. Nakakita ako ng isang kwarto na bukas ang pinto. Sumilip ako dito. May mga tao rito na may mga hawak na itak at sila y may suot na balat ng ulo ng baboy sa kanilang ulo. Ginamit nilang bilang maskara ang ulo ng baboy. Sila y nakadamit na pang-kusinero at
nakita ng aking mga mata ang pagputol nila sa isang kamay ng tao at ibinabato nila ito sa isang malaking kaldero.

Umalis ako agad ng napansin kong may isa sa kanila ang tumingin sa akin. Maniwala kayo sa aking napaatras talaga ako sa takot nang aking masaksihan ang nasa loob ng kwartong iyon. Lumisan ako at dumiretso sa labasan. Binuksan ko ang pintuan papalabas ngunit hindi ako lumabas dito. Naisip kong pwedeng naroon na sila at inaabangan ang paglabas ko.

Wala nang ibang kwartong pwedeng takbuhang naroroon maliban sa aking nakita. Pumasok ako sa bakal na pintuan sa aking gawing kanan imbes na diretsuhin ang walang kasiguraduha ng patutunguhan. Nasa loob ako ng isang malaking refrigerat or. Iniwan kong bukas ng kaunti ang pintuan nito ngunit ng marinig kong may mga taong paparating, isinara ko rin ito. Napakalamig sa loob at buti na lang ay nakapa ko ng mabilis ang ilaw dito. Sa loob ay makikita mo ang mga nakasabit na katawan ng tao at mga baboy ngunit hindi ko na ito ikinagulat pa. Lahat sila y nakabalot sa malinaw na plastic. Nanginginig ang aking kalamnan sa lamig.

Napansin ko ang isang lalaking nakaupo sa sahig na parang namatay sa lamig. Nakagapos sa kadena ang kanyang mga paa. Hinubad ko ang suot niyang jacket at isinuot ko ito. Mahirap gawin ito lalo na t nakadilat ang kanyang mga mata at naninigas ang kanyang katawan ngunit ang mapatay ang ginaw sa aking katawan ang nagmumukod tanging laman ng aking isip sa mga oras na 'yon. Kinuha ko naman ang tatlo sa mga plastic na nakabalot sa mga tao at ibinalot ko ang sarili ko rito para maikulob ko ang init ng aking katawan. Nanginginig ang aking mga kamay. Pumwesto ako sa isang sulok at umupo ako rito at naghintay. Kailangan kong makalabas ng buhay dito, ang tanging paulit ulit na sinasabi ko sa aking sarili. Napakaginaw at nanginginig ang aking panga at mga daliri. Nananakit naman ang aking tenga, labi at ilong. Naisip ko ring hindi ako nagawang isinuplong ng lalaking nakakulong dahil tumagal
na ng tumagal at wala pa ringpumapasok sa loob. Ang bawat minuto ay parang oras ngunit hindi ko pinasok sa isip kong lumabas na lamang at magpahuli sa kanila. Naisip ko ring maaring hinihintay na lamang nila ako sa labas na lumabas sa aking kinalalagyan at isuko ang aking sarili. Hindi ako nagpadaig sa ginaw at sikap kong tiniis ito para lamang sa pag-asang ako y makalalabas ng buhay.

Unti unti nang nawawala ako sa aking sarili nang may biglang pumasok sa loob at binuhat ako papalabas ng malamig na impyerno. Ang init na nanggagaling sa kanyang katawan ang nakapagbibigay buha y sa akin ng panahon na iyon. Naaalala kong siya y nagmamadaling ipasok ako sa kabilang kwarto at inihiga niya ako sa lababo na may puting tiles.

Tinanggal niya ang mga nakabalot na plastic sa akin at ang aking suot pang-itaas. Kinuha niya ang bakal na basurahan at sinunog ang mga papel na nandito sa aking tabi. Kinumutan naman niya ako ng isang makapal na tela. Halos mamataymatay ako sa lamig na iyon ngunit hindi pa rin nawawala ang pagasa kong makalabas ng buhay sa nakatagong lugar na iyon. Inisip ko kung ang tumutulong ba sa akin ay kaibigan o hindi. Pilit kong kinikilala siya sa aking mata ngunit malabo pa ang aking nakikita.

Ilang minuto pa ang nakaraan at minulat ko ang aking mga mata. Nakita ko siyang nakatayo sa harap ko at nakatingin siya sa akin. Siya pala y si Khan, ang lalaking nakasabay ko sa bus papunta sa lugar na ito. Narinig ko siyang sinasabing, Huwag kang mag-alala may mahabang oras tayo. Hindi ko magalaw ang aking leeg ngunit nang igalaw ko ito sa aking gawing kaliwa, nabigla akong makita sa aking tabi ang ulo ng isang lalaking nakalabas ang utak. Pinilit kong makatayo sa aking paa ngunit ng gawin ko ito y muntik na akong bumagsak sa kinalalagyan kaya t sinalo ako ni Khan at inalalayan.

Binigyan niya ako ng malaking twalya na siyang ibinalot ko sa aking katawan. Naglakad na kami papalayo sa kwartong iyon. Gusto ko siyang tanungin ngunit mukhang nais naman niya akong tulungang makalabas. Hindi ko rin naman magawang makapagsalita dahil hindi pa maayos ang aking pakiramdam.

Umakyat na lamang kami sa dapat na kanina pa y inakyatan ko na. Sa loob nito y pumasok kami sa gawing kaliwang pintuan at naglakad kami sa isang hallway papababa na animo y lubak lubak na daanan. Madilim sa loob at walang bintana o butas na masisilipan maliban sa aming pinasukang pinto. May mga nakasabit na paniki sa itaas. Lumabas kami sa Ground Floor na aking pinanggalingan. Natakot rin ako t naisip na baka ako y ibinabalik ni Khan dito upang isuko sa kanilang sundalo ngunit hinayaan ko na lang ito.

Nagulat ako ng mapansin kong wala na ang malaking putting watatawat na may araw sa gitna. Wala na rin ang mga nakadikit na mga lumang armas pandigma sa gilid ng gusali at ang malaking upuan ng tinatawag nilang Ama. Inalis na nila halos ang mga nakasabit rito pati ang mga kurtinang itim sa mga silid. Mabilis naman naming nilakad ang isang pintuan. Sumusunod lamang ako kay Khan.

Inakyat namin ang hagdanang pinanggal ingan namin papasok sa lugar na iyon. Nakita ng aking mga mata ang kanina y napakadilim na hagdanan dahil may mga bumbilyang nang magkakarugtong ang nakasindi sa hagdan. May mga hook na nakalagay sa itaas nito at pansin ko pa ang mga bakas ng dugo sa pader na aking nahawakan kaninang napakadilim pa rito. Napansin ko ring may naganap nang paglilinis sa lugar na iyon.
 
Last edited:
Hindi na basa sa dugo ang pader at ang mga hook na pawang pinagsasabitan ng mga bangkay ng tao ay wala nang nakasabit. Napating in ako kay Khan at siya y may sinabi. Maghahanap na sila ng bago nilang paglilipatan at sisirain na nila ang lugar na ito. Yan ay kautusan na dito noon pa man kung sakaling may makakapasok ngunit ngayon pa lang namin ito ginawa. Mahigpit ang pagkasekreto ng aming pagkadito at lahat ng aming ginagawa dahil alam namin na ang lahat ng ito ay paghahanda sa siyang makakapasok dito, kagaya mo.

Walang sekreto ang hindi nabubunyag. Masyado kaming maingat para imposible kaming matunton ng sino mang mga taga labas. Ang nangyari sa iyo ay aksidente lamang kaya ikaw ay nakapasok rito. Ang mga monitor camera sa itaas ang sanhi kaya t nakita ka nila at napuna nilang narito ka sa loob. Ang mga camera ay may night visions. Ikaw lang sa lahat ng nakapilang bumababa ang humahawak sa pader at mukhang hindi sanay na maglakad sa dilim. Lahat ng kilos sa loob ay bilang at nasa ayos upang makilala namin ang isa t isa. Lahat ng kasapi ay sanay sa tamang kilos dahil kaugaliang sinasana y ito dito. Para mahiwalay ang kahina-hinala at ang hindi. Sa pagkakataong ito, ikaw ang kahina-hinala. Bakit mo kasi ginawang pumasok dito samantalang wala naming nagsama sa iyo? Makakalabas ba tayong buhay dito? ang sabi ko sa kanya. Pinaghahanap ka na nila at hindi sila hihinto hangga t hindi ka nila nahuhuli. Ang buong akala nila y kanina ka pa nakalabas rito kaya t halos silang lahat ay natataranta na t kumikilos papalayo rito at hinahanap ang iyong mga bakas. Yun ang dahilan kung bakit dito tayo sa pasukan lumalabas. Nakasisigurado rin akong pinagaaralan na rin nila ngayon ang mga video tapes ng mga monitor cameras sa loob ng building. May mga konti pang taong natira sa loob kaya t magingat tayo.

Dahan dahan kong binibilisan ang paglakad kahit na nananakit pa ang aking mga kalamnan sa paa. Giniginaw pa rin ang aking pakiramdam ngunit mabilis itong nawawala at bumubuti paunti unti ang aking lagay. Siguro y gawa na rin ng takot. Umaakyat kami paikot ng hagdanan na napakataas hanggang sa huminto si Khan at may pinuntahang pintuan imbes na dumiretso agad kaming paitaas. Hinintay ko siya at nagulat naman ako sa bigla niyang pagsipa sa pintong tinutukoy ko.

Pumasok siya rito at paglabas niya y may dala na siyang shot gun at .45 na pistol. Tinapik niya ako kaya t nagpatuloy kami sa pag-akyat. Sa ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ako y tinutulungan ni Khan o siya y kasabwat ng mga taong ito. Binuksan na niya ang pintuan at naroon kaming muli sa tila y warehouse na lugar. Nagulat ako ng bigla niyang paputukan ng shot gun sa ****** ang lalaking intsik na nakaputi na nagbabantay ng pinto. Umalingawnga w ang putok ng baril.

Mabilis niya akong hinatak papunta sa isa sa mga kotse sa gilid ng gusaling iyon. Ipinasok niya ako sa trunk ng pulang kotse at sinabihang huwag gagawa ng ano mang ingay. Madilim sa loob at napakasikip. Pinaan dar niya ang sasakyan ng napakabilis. Hanggang sa bumagal ito at huminto. Narinig ko mula sa trunk ang pagbukas ng pinto ng sasakyan. Lumabas si Khan at naglakad papalayo. Sa loob, nakarinig ako ng dalawang putok ng shot gun. Nagulat ako at nangamba pero napalagay rin nang muling pinaandar ni Khan ang kotse. Mabilis muli itong pinasulong hanggang sa makarating kami sa nais niyang puntahan. Wala akong ibang iniisip sa loob ng trunk kundi ang protektahan ang aking sarili sa oras na ako y pagtatangkahang patayin. Binuksan niya ang trunk habang ang mga mata ko nama y hirap pang makakita dahil sa tagal kong nasa dilim. Napansin kong nasa bakanteng lote kami sa pagitan ng dalawang building. May kaunti nang liwanag na nanggagaling sa pa-sikat na araw. May malawak na parking space sa medyo kalayuan at sa tabi ng kotseng aming sinakyan ay may asul na kotseng nakaparada. Binuksan ni Khan ang trunk nito at tumingin siya sa akin. Lilipat tayo ng sasakyan, ang sabi ni Khan sa akin. Kinuha ko na itong pagkakataon upang tanungin siya sa mga gusto kong malaman. Khan, pwede ba tayong huminto dito ng sandali? ang sabi ko sa kanya. Marami talaga akong sasabihin sa iyo dito, ang sagot niya sa akin. Maguusap muna tayo bago tayo maghihiwalay at dito na ang tamang lugar. Bakit mo ako tinutulungan? Hindi ba delikado sa iyong lagay ang mga ginawa mo? Nakasisigurado ba akong kakampi kita Khan? Hindi mo ako kakampi, tinutulungan kita dahil may kailangan ako sa iyo. Sinira mo ang matagal ko nang pinaghahandaan g plano kaya t ito lang ang natitirang pagkakat aon para mailigtas ko siya. Kailangan mo akong tulungan dahil dito. Ikaw ang nagpagulo ng sitwasyon. Sino iyon? Anong sitwasyon? Sino ang ililigtas ko? Ano ba ang sinasabi mo sa akin?

Si Joan ay anak ko sa isang babaeng hindi miyembro ng pamilya. Ipapapatay na lamang siya ngunit naawa ang Ama sa kanya at inilayo na lamang siya sa akin. Wala siyang kaalam alam tungkol sa akin at tungkol sa kanyang ina. Ayaw ko sana siyang lumaki sa loob ng pamilyang ito dahil iyon ang aking pinangako sa kanyang ina bago siya paslangin. Marami akong natutunan sa kanyang ina. Nagbago ang lahat ng aking paniniwala dahil sa kanya. Ang puno namin, ang puno ng nakakataas ang nagdesisyong alagaa n na lamang ang bata sa loob ng pamilya. Matagal nang namatay ang Ama na iyon at ang nakita mo kanina, ang kalbo ay ang dating puno ng mga nakakataas. Pinanonood kita kanina habang ikaw ay naluluha sa takot nang paslangin si Jan. Naroon ako at nakikita kita.

Si Paris, sino siya at bakit kakaiba ang tindig ng mga tao doon? Bakit ninyo piniling mabuhay ng ganito? Ano ang dahilan? "Si Paris ang isa sa mga nakatataas na sundalo ng Ama. Siya ang tinitiyak na mamumuno pagkatapos ng Ama. May awayan din sa pamumuno pero hindi sila kasing gulo ng mga pulitiko sa labas. Ang mahalaga sa ngayon ay malaman mo ang pakay ko sa iyo. Nasa panganib si Joan.Tulungan mo ako dahil ang plano kong iligtas siya ay malapit nang matupad at bigla ka pang dumating. Naging alerto sila at lalong napunta sa panganib ang aking anak.

Siya na lamang ang natitirang dahilan kung bakit ako nabubuhay. Ano ang gagawin ko? Tutulungan kita Khan. Makakaasa ka. Pero ano ang maitutulong ko sa iyo? Ibabalik kita sa iyong tirahan, mag-impake ka at umalis ka na roon. Gawin mo ito ng mabilis at walang nakakakita sa iyo. Kung mapalad tayo, hindi pa nila nadidiskubre kung sino ka. Pumunta ka sa bahay nila Joan. Ibigay mo ang perang ito at papuntahin mo siya sa lugar na ito. Iniabot ni Khan sa akin ang sobreng may laman at may nakasulat na address..


Gagawin ko yun Hindi pa kita napapasalamatan sa pagligtas mo sa akin. Salamat sa pagtulong mong makalabas ako. Maitanong ko lang nga sa iyo kung bakit kakaiba ang mga pangalan ninyo? Bakit sari sari ang mga lahing myembro ng pamilya ninyo samantalang bawal ang magkaroon ng relasyon sa labas ng pamilya? Sinabi sa akin ni Joan na nanggaling daw ang pamilyang ito sa maliit na pamilya. Gusto ko lang malaman ang lahat. Bakit kailangan pa nilang mag- alaga ng mga tao at turingin nilang parang hayop? Nakita ko iyon, at pinapatay ninyong parang hayop ang mga tao sa loob. Bakit di nyo kayang maging normal? Ito ba ay kulto o ano? Gaano kadelikado ang buhay ko? Gusto kong malaman lahat ng iyong nalalaman. Gusto mo talagang malaman? Sasabihin ko sa iyo ang totoo at maniwala ka dahil ito ang totoo.

Matagal na itong pamilyang ito. Nabuo ito sa Europa noong 1400 s at unti unti itong nagbabago habang nagbabago ang panahon. Dati y kumukuha sila ng mga kasapi galing sa ibang lahi. Ang bawat kasapi ay habang buhay nang kasapi. Maraming pangyayari ang naging dahilan kung kaya t ipinagbawal noong 1950 s ang humikayat ng kasapi mula sa labas ng pamilya. Marami kang hindi nakikitang mga nakatagong bagay, bata. Mga katotohanang mahirap lang kasing tanggapin kaya t iniiwasan mo itong makita.

Minsan ang mga taong nasaksihan mong nakakulong ay ginagamit para ibenta ang kanilang mga laman- loob at ibang parte ng katawan sa mga nangangailangang mayayaman. Marami pang mga kahayupan ang ginagawa sa kanila. Ang ibang kababaihan ay ipinagbibili sa mga mayayaman. Kaya't hindi ka dapat magtaka kung bakit ang pamilya'y mayaman at napakamakapangyarihan. Ginagamit din ang mga aliping ito upang pwersahing magtrabaho ng walang bayad. Hindi ko na matiis ito kaya t humihiwalay na ako sa kanila. Tulad nga ng sinabi ko, nagbago ako sa tulong ng ina ni Joan. Tulad ng iba, kamatayan din ang ikinahatnan ng kanyang buhay. Bagay na naging dahilan ng pagtanggi kong ipagpagpatuloy ang ganitong buhay at lumaban sa kanila.

May mga katungkulan sila sa mga matataas na pwesto sa lipunan. Hindi sila ganoon kadaling mataob. Sino mang mangahas na kalabanin sila ay tiyak na mamamatay lang ng walang kalaban laban. Ginagamit nila ang malambot at maawaing puso ng mga tao upang maging makapangyari han. Hindi sila tunay na mapagkakatiwalaan. Magaling sila sa lahat, magaling silang mag-panggap, parang hindi sila tao, parang ibang nilalang. Napakalak as nila at mahirap kalabanin. Hindi ito kulto. Ito ay isang pamilya na kinapapalooban ng iba t ibang lahi mula sa iba t ibang bansa.

Kalat ito sa buong mundo ngunit walang ibang taga labas ang nakakaalam tungkol dito maliban sa iyo. Mahihirapan ka rin kung kakalabanin mo silang mag-isa dahil walang maniniwala sa iyo at kung mayroon mang magkakainteres paki nggan ang iyong sasabihin, iyon ay maaring miyembro ng pamilyang ito at tiyak na nasa panganib ka. Alam nilang darating ang araw na magkakaroon ng isang katulad mo na magwawasak ang kanilang pinagtataguan. Sino mang magsumbong o gumawa ng bagay para sa pamilya ay napupunta sa mataas na posisyon. Nagkakaro on siya ng karapatang kapangya rihang hindi mo makukuha kung ikaw ay ordinaryong kasapi lamang. Lahat ng miyembro ng pamilya maliban sa akin ay matapat sa pamilyang ito dahil mahal nila ang isa t isa. Simula sa pagkabata hanggang sa pagtanda, tuturuan ka nilang maging tapat at mapagkakatiwalaa n. Hindi ka makakalabas sa lungga ng hindi ka handang ipaglaban ang prinsipyo ng pamilyang ito.

Ngunit minsan sila mismo ang pumapatay sa kapwa miyembro nila kung ito y lalabag sa batas ng pamilya. Lahat ng miyembro ay nakasubok nang pumatay ng tao. Ito ay sa dahilang maging matatag sila at mawala ang lahat ng takot at awa sa ****** laban sa hindi nila kasapi--ang mga inferior o mababa at mahihinang
lahi. Simple lamang ang kautusan dito. Tatlong bagay na dapat isaisip ng bawat miyembro; panatilih ing sekreto, isabuhay, at protektahan. Ang mga miyembro ay nagsusuot ng itim at ang mga tapat na alipin naman ay ang mga nakaputi. Lahat ng bagay dito ay may bilang at nasa ayos.

Ang sino mang dayuhang miyembro ng pamilya ang dumayo o tumira sa lugar na ito ay dapat matuto sa salitang sinasalita sa lugar na ito. Kasama iyon sa kautusan kaya't kaming mga dayuhan ay nagaaral ng salitang pilipino bago pumunta dito. Iyon ang dahilan kung bakit ako y malayo kay Joan sapagkat dinala nila siya dito.
 
Last edited:
Si Joan ay anak ng isang taga labas ngunit hindi siya pinatay, sa halip siya y binuhay at naging ganap na miyembro ng pamilya. Nagkaroon ako ng pag-asa nang siya'y hindi tuluyang pinatay. Hindi ito ginagawa simula noong 1950 s sapagkat dumami ang mga miyembro mula sa iba t ibang lahi at dahil dito y lumaki ang panganib ng pagkabunyag sa amin. Ang Ama ay magtatagal ng apat na taon dito at lilipat na siya ng ibang bansa. Ngayon ay marami ka nang nalalaman. Ingatan mo ito sa iyong isip at huwag mo itong basta bastang pakakawalan.

Pumunta ka sa malayong lugar malayo dito. Huwag mo akong hahanapin. Sa kanya ko nalaman ang lahat. Tinitiyak ko sa puntong ito na hindi na kailan man matatahimik muli ang aking buhay. Biglang nagbago ng mabilis ang pananaw ko sa mundo na dati y napakaganda. Ayaw ko man ang aking nalaman ngunit mas pipiliin ko ang nalaman ko ang lahat imbes na bulag akong naglalakad sa daan at walang kaalam alam tungkol dito.

Kung aalis tayo, umalis na tayo hangga t maaga pa. Sigurado ka bang naroon sa bahay si Joan? ang sabi ko sa kanya. Oo. Ganitong oras ay mahigpit na ipinaguutos na bumalik sa tinalagang bahay ang mga kasapi ng pamilya. Sumakay ka na sa loob. Isinakay niya akong muli sa trunk ng blue na kotse at pinaandar niya ito Mga ilang sandali pa y binuksan niya ang trunk at inilabas ako dito. Naroon na kami sa malaking puno sa entrance ng subdivision. Napakarami na ng sasakyan sa daan ng Commonwealth. Binigyan ako ni Khan ng puting damit na longsleeves at binibigay ko sa kanya ang twalyang suot suot ko kanina pa ngunit hindi niya ito kinuha kaya iniwan ko na lamang ito sa likod ng kanyang kotse. Inalok niya sa akin ang .45 na baril ngunit hindi ko ito kinuha. May inaalok pa siya sa aking bote pero di ko ito kinuha. Magingat ka ang tanging narinig ko sa kanya bago niya paandarin ng napakabilis ang kanyang sasakyan.

Pumasok na ako pauwi sa subdivision. Hawak ko sa aking mga kamay ang sobre na ipinapabigay sa akin ni Khan sa kanyang anak na si Joan. Ibinulsa ko na lamang ito at nagpatuloy maglakad. Ngayon pa lang ako umuwi ng kakaiba ang pakiramdam. Binilisan ko ng kaunti ang aking lakad. Maayos na ang aking temperatura lalo na t nasisinagan na akong muli ng araw.

Napansin ko habang ako y naglalakad ang isang babaeng Koreana ang tumitingin sa akin. Pagkatapos nun ay napansin ko ring tumitingin sa akin ang lalaking may inaayos sa makina ng kanyang sasakyan. Hindi ko malaman kung bakit sila tumitingin at nagtataka sa akin. Giniginaw pa ng kaunti ang aking pakiramdam. Hindi na ako mapakali kaya t binilisan ko pa ang aking lakad. Nakaabot na rin ako sa wakas sa aming subdivision. Hindi pa ako umuwi ng ganito kabilis sa bahay.

Bibihira sa amin ang iniiwang bukas ang gate kaya ng Makita kong bukas ang gate namin, masama agad ang pumasok sa isip ko. Mabilis akong pumasok sa pintuan. Natagpuan ko ang kaibigan kong si Rocco na nakahiga sa sahig na laslas ang kanyang leeg. Napuno ng dugo ang sahig namin. Halong galit at takot ang aking naramdaman. Nalungk ot akong lubos at umiyak na lamang ako sa isang sulok.

Ngunit sa kabila ng lahat ng pagkahina ng aking katawan, pinilit kong bumangon at
umakyat sa taas upang hanapin si Caloy. Umakyat ako sa itaas ng mabagal. Nakita ko si Carlo na nakahiga roon at nakataas ang kanyang mga kamay. Siya y nakamulat at naninigas na. Pinatay nila ang mga kaibigan kong walang kalaban laban.

Gumuho ang aking mundo ng ganun na lang. Alam kong ako na ang susunod na papatayin nila kaya t bumaba na lang ako ng mabilis. Kung pati ako y mapapatay nila, lalong hindi ko mabibigyan ng hustisya ang mga kaibigan kong nadamay pa rito. Pumunta ako sa drawer ni Caloy at kinuha ko ang cellphone doon Pagkakuha ko rito y sira na ito. Kinuha ko ang limang libong piso niya na nakatago sa gilid at lumabas ako sa pinto. Napansin ko namang basag ang salamin ng bintana sa kapitbahay namin.
Inilabas ko ang sobreng ibinigay sa akin ni Khan sa aking bulsa kung sakaling makita ko si Joan dito. Pumasok ako sa gate nila ng dahan dahan. Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Joan na nakasabit sa pader sa loob ng sala nila at nakalabas ang kanyang bituka. Siya y wala nang mga mata!

Halos masuka na ako sa takot ng makita ko siyang kaawa awang pinaslang. Nagulat ako nang makita kong gumagalaw ang kanyang mga bibig. Bumubula-bula pa ito ng kanyang sariling dugo. Siya y buhay at iniwan nila siyang nakapako sa pader. Pinarusahan siya dahil sa akin. Ako ay natuliro at di malaman ang gagawin. Naisip kong nalaman nilang siya ang tumulong sa aking makalabas sa impyernong lugar na iyon. Hindi ko alam kung bakit kailangang mauwi sa ganito ang simpleng pagka-intriga sa nangyayari na aking ginawa kanina. Biglang may narinig akong ingay mula sa itaas ng bahay nila. Dahil dito, nagulat ako t sumibat papalabas na sinundan ng maingay na kalampag ng mga gamit sa loob na aking nasagasaan. Tumakbo ako papalabas sa gate nila at hindi pa ako nakalalayo y nakita ko na ang isang lalaking galing sa itaas na humahabol sa akin.

Suot niya ang t-shirt na may pulang star sa gitna na sinuot ko kanina. Tumakbo ako ng matulin upang maiwasan siya. Lumusot ako sa isang short cut ng subdivision. Tumakbo ako hanggang sa makalusot ako sa isang tagong iskinita at tumakbo ako sa pinakamatulin na kaya kong gawin hanggang sa makalabas ako ng Commonwealth na hindi nahahalata. Napakagulo ng aking isipan sa mga panahong iyon. Halos nanlata ako at hirap sa pag-hinga. Binaliwala ko ang mga nakakapunang mga tao sa akin.

Doon nagsimula ang pagiging mapagmasid ng aking mga mata. Bawat taong dumaan sa aking harapan ay kinikilala ko. Umupo ako sa gilid ng isang simbahan at nagubos ng oras doon. Dumami ang tao na nagpupunta rito kaya t naglakad pa ako ng malayo patungo sa isang convenient store. Nakaramdam na ako ng matinding antok kaya t naisipan kong pumasok at bumili ng kape. Nanginginig ako at masakit man ang ulo, pinipilit kong gumising at maging malakas. Kinuha ko ang isang cup ng kape at nilagyan ko ito ng mainit na tubig. Ito na ang pangalawang kape ko sa araw na iyon. Hinigop ko ang kapeng mainit. Napansin kong may tatlong babae ang nakatingin sa akin. Nang magbabayad na ako sa cashier, napansin ko rin ang bumbay na cashier ay nakatingin sa akin na parang nagtataka.

Tinanong ko na siya para malaman ko kung bakit siya nakatitig sa akin. Nagtataka lang daw siya kung bakit may itim ako sa mata. Naalala kong hindi ko pa pala naaalis ang itim na pintura sa aking mga mata kaya t mabilis ko itong pinunasan ng aking suot na puting longsleeves. Nagmam adali akong nagpunas ng mukha kahit na di ko na dala ang binigay na twalya sa akin ni Khan.

Napansin ko namang may monitor camera sa loob ng convenient store kaya t binigay ko agad ang isang daang piso sa aking bulsa at tumakbo agad palabas dito. Hindi ako mapakali at parang napa-praning sa lahat ng makitang taong tumitingin sa akin. Alam ko ring hindi ko napunasang buo ang mga pintura sa aking mukha. Kaya siguro ako binibigyan ng bote ni Khan kanina.

Kung may makakita sa aking kalaban, madali akong mapapansin kung makikita pa nila ang nasa mata ko. Kasama ito sa kanilang mahigpit na alituntunin para walang makakalabas ang hindi nila malalaman. Pinagiis ipan ko kung uuwi ako sa probinsya at doon magtago o maghanap ng bagong titirhan sa malayong lugar. Hindi ko pa alam kung paano ko ito gagawin. Litong lito ako dahil pakiramdam ko y isa akong nagtatago sa batas, isang pugante. Naglakad ako ng naglakad hanggang sa madaanan ko ang isang bahay na may Garage Sale. Namili ako ng t-shirt at mabilis kong binili ang pulang t-shirt at ito ang sinuot ko. Hinubad ko ang suot kong damit at iniwan ito sa bangko.

May nakahintong taxi sa tabi ng daan kaya t ako y napaisip kung ito ba y mas ligtas dahil sa isa lamang ang taong naroon, ang driver. Mas maliit ang posibilidad na ito y isa sa mga naghahanap sa akin kaysa naman sumakay ako sa bus na napakaraming tao. Kailangan kong makapunta sa bus station at umalis ng maaga dito. Wala rin pala akong pagpipilian dahil pagdating ko dun ay sasakay ako ng bus papuntang probinsya. Kinalimutan ko na lang ang mga agam-agam at sumakay agad sa taxi. Inabutan kong naninigarilyo ang driver ngunit nagulat ito at tinapon niya ang kanyang sigarilyo sa labas nung pumasok ako. Sinabi ko sa kanyang dalhin niya ako sa Cubao. Doon ako sa likuran umupo. Pinaandar niya ng mabilis ang sasakyan patungo sa Quezon Memorial Circle. Naaalala ko na siya y tumitingin sa akin sa salamin. Ako nama y inaantok na at parang napakabigat ng aking mata. Hindi na ako natulog simula nang ako y dumating sa bahay. Hindi ko rin maisip na kaya ko palang magtagal ng ganito. Gusto ko sanang matulog sa taxi ngunit masyadong mapangani b sa lagay kong ito.

Sinabihan ko siyang tumingin sa dinaraanan dahil nakita ko siyang nagte-text sa kanyang dalang cellphone. Tumingin pa siya ulit sa akin at tinanong ko na siya. Kilala ba kita? Parang nakikilala kita. Saan ba tayo nagkita? Sinabi ko lang iyon upang magsalita pero hindi ko talaga siya nakikilala. Nakakapanghinala ka si ang mga tingin niya. Para akong lasing sa mga oras na iyon dahil pumipikit na ang aking mga mata sa puyat at...

Oo kilala mo ako at kilala rin kita. Siguradong narinig mo na ang pangalan ko, ang sabi niya. Hindi kita kilala, anong pangalan mo? Nagulat ako sa sinabi niya kaya t biglang nagising ang mata kong inaantok. Ranzal l, at nandito ako para bumawi sa iyo. Lintik ka dahil sa iyo naparusahan ako! Mabilis niyang kinuha ang baril niyang de-kuryente sa kanyang gilid at binaril ako sa binti. Humawak pa ako sa pinto ng taxi bago ako mawalan ng malay ngunit di ko na maikilos pa ang aking katawan..

Sa pagkakakuryente sa akin, tuluyan na akong nawalan ng malay. Naalalala kong si Ranzall at ang lalaking tumatakbong naiwan ng bus kanina ay iisa lang. Alam kong napagkamalan nila akong siya. Nananakit ang aking kalamanan ng mga oras na iyon. Gumising akong nasa semento. Nasilaw ako sa sinag ng araw. Tanghaling tapat na yun at napakainit. Naroon si Ranzall, si Paris at tatlo pang ibang lalaking nakatingin sa akin. Alam kong katapusan ko na ito. Hindi ko magalaw ang aking binti gawa ng pagkakakuryente dito May mga hawak silang baseball bat at alam kong binabalak na nila akong tapusin sa araw na iyon. Katapusan ko na yata ito. Nagmamakaawa ako sa kanila kahit na alam kong hindi nila ako pakikinggan. Hindi ko na rin kayang umiyak dahil pagod na rin ang aking mga mata at ubos na ang takot na pwede ko pang ilabas. Sino ka naman para maghimasok sa bahay ng Ama? Sino ka para gambalain ang buong Clan at hamakin ang bawat kasapi dito? Walang hiya! Dudurugin ka naming hanggang sa mamatay ka. Langaw ka lang sa amin, at mamaya lang pipisain kita ng dahan dahan. Para silang nasa isang palabas habang isinisigaw ni Paris ito sa akin. Hindi ko malilimutan ang nakasisindak na sinabi niyang ito. Lumuhod ako at nasulyapan ko ang tubig ng dagat sa hindi kalayuan. Nasa dalampasigan pala kami. Pumikit na lamang ako at tinanggap ang kinasapitan ng buhay ko.

Lumapit ang isang lalaki at binalak niyang hampasin ako sa ulo nang biglang nakarinig ako ng putok ng baril. Kumalampag ang nahulog na bakal sa kamay ng lalaking may tama sa ulo ng bala. Yumuko ako ng mabilis at nakita ko si Khan na naroon hawak ang kanyang .45 na baril at isa-isa niyang pinagpapatay ang mga naroroon. Binaril muna niya sa paa si Paris at sinundan ito ng pagbaril sa kanyang ulo.

Umalis ka na dito dalian mo, may mga darating pa at napakarami nila! ang sabi ni Khan sa akin. Hindi ko alam kung alam na niya ang nangyari kay Joan, ngunit hindi ko na nagawang sabihin ito sa kanya. Tumayo ako ng buong pwersa at tumakbo sa pinakamabilis kong kayang abutin. Tumalon ako sa dagat at lumangoy dito. Hindi ko pa nasasabi sa inyong ako y isang batikang manlalangoy. Swimmi ng instructor ako tuwing gabi. Dati akong atleta ng aming Unibersidad. Lumangoy ako ng lumangoy hanggang maisipan kong tumingin sa pinanggalingan.

Masakit man ang aking paa ngunit nasubukan kong magpakalayo. Hindi ko na Makita si Khan at napansin ko ang tatlong sasakyang nakaparada malapit sa daungan ng bangka na aking pinanggalingan. May limang lalaki ang nakatayo dito. Pinilit kong lumangoy hanggang kaya ko pa. Napagod din ako at nagdesisyong huminto. Iniisip siguro nilang ako y namatay na sa kalayuan. Sino ba ang makakaisip na batikan pala ako sa larangang ito. Nagpalutang na lamang ako hanggang sa mapansin ko ang isang malaking barkong pang mangingisda.

May nakaukit pa ritong pangalan HOPE ? ?. Imbes na pangalang babae dahil kadalasan ay babae ang pangalan ng mga barkong alam ko. Napakagandang isipin na natutugma ang pangalan nito sa aking iniisip. Umaasa kasi akong mabuhay pa. Umakyat ako sa gilid nito, sa hagdanang bakal ng munting barkong ito. Napansin ako ng isang mangingisda kaya t pinasok niya ako sa loob. Nanlalata na ang aking pakiramdam kaya binigyan nila ako ng maiinom. Hindi na pumasok sa isip ko kung ligtas man ako o hindi sa piling nila. Naalala kong natulog ako doon ng napakatagal. Gumising na lang ako sa isang pawid na bahay at nasa isang pulo na ako. Gutom na gutom ako at mabait nila akong pinakain. Tinatanong nila sa akin kung ano ang nangyari pero wala akong pinapakawalan sa aking bibig. Nadampot raw nila ako sa Batangas. Mukhang mabait naman ang mga mangingisda. Inisip ko na dinala pa pala nila ako sa malayo bago nila ako binalak patayin.

Sa araw ring iyon, napanood ko sa balita ang tungkol sa pagkamatay ng dalawa kong kaibigan ngunit walang ibinalita tungkol kay Joan. Ako ang itinurong pangunahing suspek kaya t lalo akong natakot at lumisan sa kinaroroonan. Hindi ko na ikwekwento sa inyo ang nangyari kung paano ako nakaligtas at nakatakas sa lahat ng pagsubok. Maraming beses akong naghanap ng masisilungan at mga kaibigang mapagkaka tiwalaan. Gumagamit ako ng iba t ibang pangalan at nagtatago sa iba t ibang lugar. Paiba-iba ngayon ang aking tinitirhan. Hindi ako nagtatagal ng tatlong buwan sa iisang lugar.

Ginamit ko ang lahat ng aking abilidad at talino upang mabuhay sa ganitong klase ng pamumuhay. Lumilipat lipat ako sa kapuluan ng bansa. Parating naghahanap ng bagong masisilungan. Nalaman ko sa buong buhay ko na napakabait pala ng mga tao sa probinsya, marami sa kanila ang pumapayag magpatuloy ng taong di nila kilala. Hindi ko namalayan na nagbabago na rin ang aking pag-uugali. Ayaw ko mang tanggapin ngunit totoong may nahalong ugali sa akin galing sa mga taong cannibal. Alam kong isa na ako sa mga taong may hawak ng kanilang sekreto, at papatayin ako upang makuha lang ang impormasyong galing sa akin.

Kailangan ko ring mag-isip na kagaya nila para maunahan ko sila sa balak nilang paghuli sa akin. Ngunit ubod kong ipinapasok sa aking isipang hindi ko ito papatagalin at lalabanan ko sila kahit na walang maniwala sa akin. Tuwing nakakakita ako ng mga balita tungkol sa mga bangkay na iniiwan sa daan sa QC, hindi maiaalis sa aking isipang sila ang may gawa nito. Minsan isang araw naisipan kong bisitahin ang website ng aking ate sa isang internet cafe upang makita silang muli kahit sa larawan lang. Nabasa ko ang mga nakasulat doon tungkol sa kung gaano nila ako nami-miss. Alam nilang nawawala lamang ako at hindi sila naniniwalang ako ang gumawa ng mga pagpatay sa mga kasama ko sa bahay.

Buo ang kanilang paniniwala na ako y buhay pa at hindi sila naniniwalang ako y masamang tao. Inisip ko ring magpadala sa kanila ng mensahe ngunit pwede ko silang maipahamak sa oras na gawin ko iyon. Naging mas wais na ako ngayon sa lahat ng bagay. Bawat oras sa buhay ko ay puno ng pagkasabik sa aking pamilya. Hindi ko na sila pwedeng dalawin sapagkat alam ko ang panganib na maari nilang kaharapin. Nagulat ako at nangamba nang makita ko minsan sa mga pictures ng ate ko sa kanyang website na naroroon sa kanilang tabi ang isang family friend daw nila na may pangalang Vincent. Siya ay si Ranzall. Doon ako nagdesisyong hindi na lamang magpapakita pang muli sa kanila upang masiguradong sila y nasa tiyak na maayos na kalagayan. Hindi rito matatapos ang aking pakikipaglaba n sa kanila. Alam kong sila y nasa paligid lamang. Tuwing naglalakad ako lalo na t noong napabisita ako sa Maynila, parati akong tumitingin sa aking likuran at hindi mapakali. Sa gabi nama y hindi na ako makatulog ng mahimbing at kadalasa y nagigising sa kalagitnaan ng gabi. Pinagaaralan ko ngayon ang takbo ng buhay nila. Nasaan na kaya si Khan ngayon? Siya kaya y buhay pa o matagal na ring naglaho sa mundo tulad ng ginagawa nila sa mga lumalaban sa kanila?

Matagal ko na silang laman ng isip ko ngunit hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung paano ko sila tatawagin. "Pamilya" ang turing nila sa isa't isa. "Pagkain" ang tingin nila sa atin. Maaring nagtataka kayo kung paano ako nagtagal ng ganito katagal. Ang masasabi ko lang ay isa akong swerteng tao pagdating sa abilidad mabuhay. Tatag ng loob at pag-asa ang nagpapabuhay sa akin.

-THE END-
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top