God po na nasa bible... katoliko po ako idol at yun dahil sa binyagan ako dahil sa magulang ko.. at kahit nga po ako ay nsa katoliko yan un mga tanong sa isip ko pano malalaman nsa tama ka kung lahat ng relihiyon ay nakkitaan ng mali..
So may nakikita ka bang mali sa religion mo?? Tingin mo ba tama ang interpretasyon mo sa bible?? Ask urself din baket need mo iconsider kung ano sinasabi ng bible?
Walang ibang tinapay na ibinigay ang mesaiah sa kanyang mga taga-sunod
TINAPAY NA WALANG LEBADURA ( kung mauunawaan )
Dinadaan daanan lang yan sa biblia subalit ayaw unawain kasi marereject ang reliyon
Kaya mas minabuti nalang gawing literal
Para mapagtakpan
may 2 types primarily kung paano i interpret ang Bible. Exegesis at eisegesis. Exegesis yung tamang pag interpret ng Bible meaning nakabase siya sa kabuuang tema nung book na binabasa mo. Hindi ka lang basta kukuha ng verse tapos gagawan mo ng meaning. Eisegesis naman ay yung tinutukoy mong ginagamit ang verses ng out of context.
Wala naman talaga sa relihiyon iyan
pero ang tanong ko sayo bakit ka nagbabasa ng Bible?
Kung gusto mo talagang gumawa ng kalooban ng Dios, makikilala mo ang turo kung sa Dios talaga galing.
Kung ang sinomang tao ay nagiibig gumawa ng kaniyang kalooban, ay makikilala niya ang turo, kung ito'y sa Dios, o kung ako'y nagsasalita na mula sa aking sarili.
Ang nagsasalita ng sa ganang kaniyang sarili'y humahanap ng kaniyang sariling kaluwalhatian: datapuwa't ang humahanap ng kaluwalhatian niyaong sa kaniya'y nagsugo, ang gayon ay totoo, at sa kaniya'y walang kalikuan.
Juan 7:17-18
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
For many seeks to be right, but fail to see the truth.
Very few believers will make it into the life that Jesus was preaching kingdom life. Jesus Himself said it is very hard and few will find it. But many consider that as wrong especially in their own regard. These have not understood the teachings of Jesus or the gospel but have accepted a human religious interpretation of it that declaws the truth so as to make it easy and palatable.
Dati madalas sa mga taong inayawan ko mahilig mag-quote ng verses kaya nagkaro'n ako ng di magandang impression sa mga taong mahilig mag-quote ng verses. Nagtataka ako kasi taliwas yung pinapakita nila sa mga kinu-quote nila. Pero kahit gano'n ayokong isisi sa Bible basta-basta. Gusto kong maging patas.
Nagbasa ako kasi, una, gusto kong mas maintindihan yung faith ko. Ayokong dumepende lang sa kung anong sinasabi ng relihiyon (ko). Hindi ako nakikinig sa dinikta lamang.
Pangalawa, gusto ko rin malaman kung tama ba sila. No'ng nagbasa ako na-realize ko na hindi yung Bible ang mali kun'di yung mga taong mahilig mag-quote selectively without even understanding the context behind the verse. Yung mga gumagamit ng verses kapag "pabor" sa kanila. Kaya mas maraming umaayaw at lumalayo ang loob sa Diyos pati na rin sa ideya ng pagbabasa ng Bible dahil sa mga gano'ng tao. Yun yung napansin ko.