yun tipong sa ibang thread na sana .. Hahahaha ! Anyways, wait, sumasagot pa ko sa isang tanong mo hahaha ..
Depende sa kalagayan, puwede siyang makialam kung nakikita niyang maaapektuhan yung kaniyang layunin para sa mga tao at para sa Lupa ..
For example, nung makita niyang napakasama na ng mga tao sa Lupa noong panahon ni Noe, at nakita niya na ang tanging matuwid na pamilya lang sa Lupa na nagtataguyod ng pagsamba sa kaniya ay sila Noe, iningatan niya sila at pinuksa ang sanlibutan noon, iyon ay para maingatan ang lahi ng sangkatauhan at patuloy na matupad ang layunin niya na magpakarami ang mga tao sa lupa .. Yes, alam natin na kalaunan ay dumami pa rin naman ang masasamang tao at masasamang pamamahala, pero, ang mahalaga, naingatan ang lahi ng mga tao at nagpatuloy ang layunin ng Diyos na dumami ang mga tao ..
Kaya nga ginulo niya din ang wika ng mga tao kasi nung nagtayo ang mga tao ng tore ng babel eh makakahadlang yon sa layunin niya na mangalat ang mga tao sa Lupa, kaya ginulo niya ang wika ng tao ..
No'ng panahon ni Moises, nang malagay sa bingit ng kamatayan ang mga Israelita sa Dagat na Pula, muli siyang kumilos para hindi mapahamak ang kaniyang bayan ..
No'ng panahon naman na ibinigay ng Diyos sa mga Israelita ang Lupang Pangako, kinailangang italaga sa pagkapuksa ang mga Canaanita dahil sa masasama nilang mga gawain, anu-ano ang mga iyon? Paghahain ng anak sa apoy, seksuwal na imoralidad, idolatriya, at pang-aapi sa ibang mga tao .. Ipinahintulot ng Diyos na patayin ang mga Canaanita upang maingatan ang bayan na pagmumulan ng Kristo na siyang may pinakamahalagang papel na gagampanan sa layunin ni Jehova ..
No'ng panahon din ni Jesus, nung kamuntikang madamay si Jesus sa kamatayan ng maraming sanggol sa utos ng hari, kumilos din ang Diyos para hindi madamay ang kanyang Anak .. Kaya nga, pinaalis ng Diyos si Jose at pinapunta sa ibang lugar ..
Ilan lang yan sir ..
Tandaan, yung mga pagkilos na yan ng Diyos noon ay nagpapakitang kahit nag-eexist ang masamang pamamahala ni satanas sa mundo, eh hindi pa rin mahahadlangan ang Diyos sa pagsasakatuparan niya ng kanyang layunin dito sa Lupa .. Hindi hahayaan ng Diyos na mahadlangan ang kaniyang layunin .. May goal siya sa hinaharap eh .. Ang mapalaya ang mga tao sa kasalanan at kamatayan at muling maibalik sa Paraiso itong Lupa ..
Kumusta ngayon?
Wala ng pagpuksa na ginagawa ang Diyos ngayon o na inililigtas niya ang mga tao mula sa kapaha-pahamak na mga pangyayari .. gayunman, kumikilos ang Diyos ngayon sa paraang maisasakatuparan niya ang kaniyang layunin para sa Lupa ..
Yamang layunin ng Diyos na mapuno ang Lupa ng mga taong matuwid at sumasamba sa kaniya, pinakilos niya ang kaniyang espiritu upang maisakatuparan ang isang napakalawak na gawain .. Ang pangangaral ng mabuting balita sa buong mundo .. Kaya tingnan mo, tanging JW lang ang nakapagsalin ng salig-Bibliyang mga publikasoyn sa napakaraming wika kasi kumikilos ang Diyos para mapaabutan ang mga tao ng mabuting balita sa lahat ng bansa BAGO DUMATING ANG WAKAS ..
Pangalawa, kahit na nagkaroon ng mga pagbabawal sa mga bansa kung saan naroon ang mga saksi ni Jehova, nagpatuloy pa rin ang mga saksi sa pangangaral .. bakit? Dahil kumikilos sa mga saksing ito ang espiritu ng Diyos para maisakatuparan ng Diyos yung kaniyang layunin ... iyan ang mga pagkilos na hindi nakikita ng mga tao ... gusto kasi ng iba, wakasan ng Diyos agad yung mga masasamang nangyayari sa mundo ..
Ang totoo, yan din naman talaga ang gusto ng Diyos, pero yamang may kailangan pang mangyari muna bago siya KUMILOS PARA WAKASAN ANG PAGDURUSA, kinailangan niya munang tiisin na makita ang kawalang-katarungan na nangyayari sa Lupa .. sa kabilang banda, patuloy niya namang pinakikilos ang kaniyang espiritu para magpatuloy sa gawain ang kaniyang mga lingkod at maisakatuparan niya ang kanyang layunin sa lupa ..
Sa ngayon, totoo pa din yung 2 Pedro 3:9, matiisin ang Diyos sa atin dahil ayaw niya na mapuksa ang sinuman kundi gusto niya na ang lahat ay magsisi ..
Kaya, kahit na nagtitiis ang Diyos, kumikilos siya para akayin ang mga tao sa pagsisisi at maging bahagi sila ng organisasyon na nakikipagtulungan sa kaniya sa pagsasakatuparan ng kaniyang layunin sa lupa ...
Kaya hindi totoong walang ginagawa ang Diyos .. Marahil ay hindi mo lang talaga alam kung paano siya kumikilos ngayon ... Handa naman kaming tumulong eh para maunawaan mo yon sir
I would like to answer this question .. Magandang tanong ito ..
Ok lang sakin na malaman ang ibang doktrina thru informal talks or informal ways .. Like, bigla ko lang nabasa or may nagsabi lang sa akin saglit, or napakinggan o nakita ko ng di-sinasadya .. Pero kung dadaan ako sa process ng doctrination nila, hindi ako papayag ..
Ganito ang simulain dya'n ng Bibliya ..
1 Corinto 10:21 Hindi kayo puwedeng uminom sa kopa ni Jehova at sa kopa ng mga demonyo; hindi kayo puwedeng kumain sa “mesa ni Jehova” at sa mesa ng mga demonyo.
Anong punto ng teksto na yan?
Si Jehova ay nagbibigay ng spiritual food sa kaniyang organisasyon at ito ang inihahain niya sa amin bilang pagkain sa aming espirituwal na pangangailangan .. Gusto ni Jehova na sa mesa niya lang kami kakain .. Hindi sa mesa ng mga demonyo ..
Kung kakain kami sa ibang mesa, wika nga, ibig sabihin, eh sadyang makikinig, manonood, magbabasa ng mga literaturang salungat sa itinuturo ni Jehova sa amin, masasabi kong iyon ay paglabag sa utos niya .. Iyon ay pagkain sa mesa ng mga demonyo ..
Tanong: Ibig bang sabihin, yung mga nagsasabing religious din sila eh hindi pala sa Diyos yon?
Kung hindi nila sinasamba ang Diyos na ito ng Bibliya na ang personal na pangalan ay Jehova, hindi talaga sa Diyos ang kanilang devotion .. That's the sad reality ng napakaraming religion sa mundo ..
(Hindi ko pa kasi naipopost yung about sa Empire ng False Religion, ipapaliwanag kasi doon kung bakit masasabing ang lahat ng relihiyon na hindi sumasamba kay Jehova ay maituturing na huwad na pagsamba. Kung gusto mong malaman yung about sa empire of false religion, click mo lang to,
You do not have permission to view the full content of this post.
Log in or register now. andyan din yung paliwanag non)
Kaya, ang point ko po dyan, is hindi ko po tatanggapin yung ibang doctrine dahil sa hindi naman nila itinuturo ang mga katotohanan tungkol kay Jehova ..
Ito ba ay pagsasara ng isipan naming mga Kristiyano?
Hindi naman. Dahil kung sarado ang aming isipan, hindi namin pakikinggan ang opinyon ng ibang mga tao. Pero kapag nangangaral kami sa ibang mga tao, naririnig namin ang kanilang mga doktrina at ibang paniniwala.
Hindi namin iyon tinatanggap dahil kung alam naming sumasalungat iyon sa turo ng Bibliya at hindi iyon nagtuturo ng mga katotohanan tungkol kay Jehova, hindi namin iyon dapat na tanggapin o paniwalaan.
Katunayan, ganito ang sabi ng Bibliya
1 Timoteo 6:20
Bantayan mo ang ipinagkatiwala sa iyo, at
iwasan mo ang walang-saysay na mga usapan na lumalapastangan sa kung ano ang banal at ang
nagkakasalungatang mga ideya ng tinatawag na “kaalaman.”
Kaya kung salungat sa itinuturo ng Bibliya ang isang doktrina o turo, maliwanag ang sinasabi ng Bibliya, dapat naming itong iwasan.
Kung para sa iyo ay isa itong pagsasara ng isipan, ikaw lang ang nagsasabi nito. Sinusunod lamang namin ang payo ng Bibliya na huwag kumain sa mesa ng mga demonyo at iwasan ang nagkakasalungatang mga ideya.