What's new

Nakapagtataka ang Kaisipan at Pangangatuwiran ng mga Tao

Status
Not open for further replies.

Cerebellum

Forum Veteran
Joined
Oct 31, 2021
Posts
1,183
Reaction
532
Points
893
Nakapagtataka ang kaisipan at pangangatuwiran ng mga tao. Ayaw nila sa isang Diyos na pumapatay dahil iyon daw ay salungat sa personalidad nito na pag-ibig. Ngunit sumasang-ayon sila na parangalan, kilalanin at bigyan ng natatanging pagkakakilanlan ang mga taong pumatay ng kaniyang kapuwa tao para sa kanilang bayan, at para sa kanilang kalayaan.
Niyuyukuran at binibigyang-dangal nila ang mga taong iyon upang masabi na nagbibigay respeto lamang sila sa nagawa ng kanilang kinikilala na mga bayani.

Kanila ding iniluklok ang kapuwa tao nila sa mga posisyon na nagbibigay kapangyarihan sa mga ito na mag-utos na pumatay sa ibang tao, kung kinakailangan, upang protektahan lamang ang bansa mula sa masasamang tao o sa masasamang gawain ng mga ito.

Ngunit nagmamalinis ang kanilang mga kamay na para bang hindi sila sumang-ayon o nagbigay lamang ng pagboto na iluklok ang gayong tagapamahala.

Ayaw nila sa Diyos na pumapatay, ngunit sa paanuman, sa kanilang kawalang-alam, o marahil ay sa pagbubulag-bulagan, sinasang-ayunan nila ang mga taong iyon na pumapatay o pumatay din naman sa kanilang kapuwa-tao anupat pinaparangalan pa nga, hinahangaan, at ipinagtatanggol ang gayong mga tao.

Nakapagtataka talaga ang kaisipan at pangangatuwiran ng mga tao.
 
Ang saligan na katarugan ng tao ay limitado, karamihan may karayaan sa likod niyaon, at Ang mga hukom sa mundo ay nababayaran ng karayaan
At kahit ang ating sariling pananaw sa katarungan ay hindi rin perpekto.. Kaya, kung hahatulan natin ang Diyos na di-makatarungan sa kaniyang mga daan, nagkakamali tayo..
 
Sure madaming masamang tao… madaming gumagawa ng karudumal na acts towards their fellow human beings…

So why is god not doing anything about it?
 
why is god not doing anything about it?
Dahil sa makitid, puno ng pagdududa, at hindi perpektong pag-iisip natin, nagkakaroon tayo ng kaisipan na para bang walang ginagawa ang Diyos pagdating sa mga problemang kinakaharap natin.

Pero hindi gayon. Ang totoo, mayroong ginagawa ang Diyos na hindi nakikita ng iba pero nakakaapekto sa ating buhay, puwedeng positive, puwede ring negative, depende sa pagtugon natin.

Totoo namang hindi pa inaalis ng Diyos ang mga kasamaan at pagdurusa sa ngayon. At lubha siyang nasasaktan sa mga nangyayari. Kung paanong nasaktan si Jehova noong panahon ni Noe ng makita niyang puno ng kasamaan ang lupa, ganoon din ang tiyak na nadarama niya ngayon.

Genesis 6:5, 6 Dahil dito, nakita ni Jehova na laganap na sa lupa ang kasamaan ng tao at ang laman ng isip at puso nito ay lagi na lang masama. Ikinalungkot ni Jehova na ginawa niya ang mga tao sa lupa, at nasaktan ang puso niya.

“Ikinalungkot.” Ang pagkalungkot ni Jehova dito ay hindi nangangahulugang nagkamali siya sa kaniyang mga gawa. (Deut. 32:4) Nalungkot si Jehova sa diwa na kinailangan niyang baguhin ang kaniyang damdamin o pasiya para sa sangkatauhan dahil sa pagbabagong ginawa ng tao na gawin ang masama, anupat ipinasiya niyang puksain sila kahit na ito ay hindi kalugud-lugod sa kaniya. (Eze. 18:32; 33:11; Ihambing din sa Gen. 1:31)

Bakit hindi agad inalis ng Diyos ang pagdurusa at ang kasamaan sa mundo?

Dahil gusto ng Diyos na magsisi ang mga tao mula sa kanilang mga kasalanan at piliin siya bilang kanilang Tagapamahala.

2 Pedro 3:9 Si Jehova ay hindi mabagal sa pagtupad sa pangako niya, gaya ng iniisip ng iba; ang totoo, matiisin siya sa inyo dahil hindi niya gustong mapuksa ang sinuman kundi gusto niya na ang lahat ay magsisi.

Mula ng magkasala sina Adan at Eva, isang hindi nakikitang espiritu ang umimpluwensiya sa mga tao at namahala sa kanila hanggang sa ngayon.

Yamang sa ilalim ng pamamahala ni Satanas, kitang-kita natin na napakarami talagang kasamaan at pagdurusa ang ating naranasan, gayunman, iniaalok ni Jehova sa mga tao ang katotohanan at ang kalayaan ng pagpili.

Anong katotohanan?

Na si Jehova ang tanging tunay na Diyos at na siya ang dapat na piliin ng mga tao bilang kanilang tagapamahala.

Tandaan, dalawa lang naman ang puwede nating pagpilian, ang piliin si Jehova bilang Diyos at ating tagapamahala, o si Satanas.

Ang pagtangging maging sakop ng pamamahala ni Jehova ay nangangahulugan ng awtomatikong pagpili kay Satanas bilang tagapamahala.

Kahit itanggi ng isang tao na hindi naman siya gumagawa ng masama pero kung hindi naman niya ginagawa ang kalooban ni Jehova at hindi nakikipagtulungan sa layunin nito, mapapabilang pa rin siya sa mga taong sakop ng pamamahala ni Satanas.

Ano ang point po nitong sinasabi ko?

Gaya ng sabi ko, may ginagawa ang Diyos ngayon na nakakaapekto sa atin, puwedeng positive, puwede ring negative.

Positive, kasi sa pamamagitan ng pagtitiis ng Diyos, milyun-milyong mga tao sa ngayon ang nagkaroon ng pag-asang mabuhay magpakailanman sa lupa kung saan aalisin ng Diyos ang mga kasamaan at pagdurusa.

Negative iyon para naman sa mga taong pupuksain sa hinaharap dahil wala naman silang taglay na pag-asa.

Totoo, hindi pa inaalis ng Diyos sa ngayon ang mga pagdurusa. Bakit? Dahil patuloy na pinagtitiisan ni Jehova ang mga tao at hinahayaan silang pumili kung sino ang susundin nila bilang kanilang tagapamahala.

Ang pagpili kay Jehova bilang tagapamahala, at paggawa ng kaniyang kalooban ay nagbibigay ng pag-asa sa mga tao na mabuhay sa lupa magpakailanman kung saan walang pagdurusa at kasamaan.

Ang pagpili naman kay Satanas bilang tagapamahala [tuwiran man o hindi] ay naglalagay naman sa mga tao ng isang nakaumang na pagkapuksa sa malapit na hinaharap.

2 Pedro 3:7 Pero sa pamamagitan ng salita ring iyon, ang langit at ang lupa na umiiral ngayon ay nakalaan sa apoy sa araw ng paghuhukom at ng pagkapuksa ng mga taong di-makadiyos.
1 Juan 2:17 Isa pa, ang sanlibutan ay lumilipas, pati ang pagnanasa nito, pero ang gumagawa ng kalooban ng Diyos ay mananatili magpakailanman.
Awit 37:9, 29 Dahil ang masasama ay lilipulin, Pero ang mga umaasa kay Jehova ang magmamay-ari ng lupa.
Ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa, At titira sila roon magpakailanman.
Kaya hindi totoo na walang ginagawa ang Diyos sa kabila ng mga pagdurusang nangyayari sa ngayon. Mayroon siyang ginagawa!

Jehovah will absolutely wipe all of these problems in the near future. At
gagawin niya iyon sa pinakatamang panahon!

Kaya kung naiisip man natin na wala siyang ginagawa, hindi naman ito nangangahulugan na masama tayong tao. Still, ipinapaalam pa din ni Jehova sa mga tao ang katotohanan tungkol sa kaniya.

Kung hindi pipiliin ng mga tao si Jehova bilang kanilang Diyos at tagapamahala, walang magagawa si Jehova kundi ang puksain ang mga taong iyon sa araw ng kaniyang galit at ibigay sa mga matuwid na aktibong gumagawa ng kaniyang kalooban ang makatanggap ng buhay na walang hanggan sa hinaharap kung saan aalisin ng Diyos ang pagdurusa at kasamaan.

Ito lamang din sa huli ang aking masasabi:

"O hinahamak mo ba ang laki ng kaniyang kabaitan, pagtitimpi, at pagtitiis, dahil hindi mo alam na sinisikap kang akayin ng Diyos sa pagsisisi dahil sa kabaitan niya?" (Roma 2:4)

Last edited:

Aayusin nman pala in the future then there’s no reason para mag complain ka now about how bad people are getting away with the bad things theyve done… parang its pointless na sabihin mo ang mga mali sa pananaw ng iba kung para sayo nmn pala eh lahat ito part ng bigger plan…
 
But that is my opinion po, at hindi po ako nagcocomplain actually .. Ako po ay nagtataka lamang at naghihinuha .. Kung para sa iyo, it is pointless, opinion mo po yon .. at ang bawat isa po sa atin ay may kalayaang sabihin ang kani-kaniya nating opinyon sa Forum na ito ..

For example, may mga nagsasabi na ang Bible ay isang fairytale book lang naman .. at maraming tao ang nagki-criticize sa Bibliya at sinisiraan ito at sinasabi pa nga ang mga maling nababasa nila dito .. Pero, its pointless naman ng sabihin nila ang mga mali na nakasulat sa Bibliya kung para sa kanila naman ay isa lamang itong aklat ng fairytale .. Gets?
 
Whether its just ur opinion or its a complaint point is ikaw na din mismo ang nagbigay ng reasons why ganon ang nangyayari… evil exists and people sometimes idolize yung ganong actions and then u explain it na god allows evil to exist nmn pala, hence i see it as pointless kung ikaw na din mismo ang may explanation sa sarili mong opinion… and by saying its pointless eh im saying u shudnt post it. Ur free to post ur opinions here just as im free to comment my opinion on them as well…

I think iba nman ung nagcocontradict sa bible teachings na mga non believers… two sides kasi nag uusap dun.. two opposing sides whereas ung opinion mo is something na ikaw din ang nagtry na magjustify
 
i see it as pointless kung ikaw na din mismo ang may explanation sa sarili mong opinion
Wala naman pong masama kung sasamahan ko ng explanation ang sarili kong opinyon .. Iyon ba ay lumalabag sa sarili mong standard ng kung ano ang dapat na opinyon ng isang tao sa hindi dapat? .. Kung may opinyon ka sa isang bagay, it's either na samahan mo iyon ng sarili mong explanation or hindi .. It's your choice .. We're in a democratic country, isn't it?

And what's your point po dito?
by saying its pointless eh im saying u shudnt post it.
Why I shouldn't post it kung ikaw naman na po ang nagsabi . . .
Ur free to post ur opinions here just as im free to comment my opinion on them as well…
?

I think nagcocontradict na po ang sinasabi mo dito .. Ano po ba ang gusto mong mangyari po? :)

First of all, nagtanong ka po kasi kung bakit walang ginagawa ang Diyos .. Sumagot lamang po ako gamit ang Bibliya .. Then after ko po sumagot, sinabi mo pong . . .
its pointless na sabihin mo ang mga mali sa pananaw ng iba kung para sayo nmn pala eh lahat ito part ng bigger plan…
Tapos sasabihin mo pong . . .

by saying its pointless eh im saying u shudnt post it.

What's your authority po pagdating sa freedom namin na magpost ng aming sariling opinyon sa pagsasabing "you shouldn't post it"?

Mayroon bang anumang bagay sa aking mga ipinost na lubhang nakaapekto sa ego or thinking mo po?

Kung mero'n, sino po ang dapat na mag-adjust kung gayon? :)
 
Last edited:
Wala naman pong masama kung sasamahan ko ng explanation ang sarili kong opinyon .. Iyon ba ay lumalabag sa sarili mong standard ng kung ano ang dapat na opinyon ng isang tao sa hindi dapat? .. Kung may opinyon ka sa isang bagay, it's either na samahan mo iyon ng sarili mong explanation or hindi .. It's your choice .. We're in a democratic country, isn't it?

And what's your point po dito?

Why I shouldn't post it kung ikaw naman na po ang nagsabi . . .

?

I think nagcocontradict na po ang sinasabi mo dito .. Ano po ba ang gusto mong mangyari po? :)

First of all, nagtanong ka po kasi kung bakit walang ginagawa ang Diyos .. Sumagot lamang po ako gamit ang Bibliya .. Then after ko po sumagot, sinabi mo pong . . .

Tapos sasabihin mo pong . . .

What's your authority po pagdating sa freedom namin na magpost ng aming sariling opinyon sa pagsasabing "you shouldn't post it"?

Mayroon bang anumang bagay sa aking mga ipinost na lubhang nakaapekto sa ego or thinking mo po?

Kung mero'n, sino po ang dapat na mag-adjust kung gayon? :)
Lemme correct myself its “im NOT saying u shudnt….. “ kaya ko sinabi na ur free to post what u want… typo yan on my part at may dumating ako client while in the middle of typing that… hope thats clear na… i apologize sa typo kaya nagmukang inconsistent yung sinabi ko…

Back to ur point, walang masama sa pag eexplain ng opinion mo,,, im just saying its pointless… u said na di mo maintindihan why people eh nagiidolize at nagluluklok ng masamang tao pero u also said that god allows things like that to happen nman… whats ur point dun? Fine na opinion mo yan, walang masama sa opinion mo i just dont see anything more to discuss about it kung dun sa niraise mong opinion eh may paliwanag ka na nag aagree din sa opinion mo…
 
So, we're done na po?

u said na di mo maintindihan why people eh nagiidolize at nagluluklok ng masamang tao pero u also said that god allows things like that to happen nman…
Ang ipinahintulot ng Diyos ay ang pansamantalang pag-iral ng mga pamamahala ng tao sa ilalim ng impluwensiya ni Satanas at resulta iyon ng pagsuway nila Adan at Eva, at hindi po iyon kasalanan ng Diyos ..

Ang pinagtatakhan ko ay kung bakit ayaw ng mga tao sa isang Diyos na pumupuksa ngunit bumoboto naman at nagpaparangal sa mga taong pumapatay din naman sa kanilang kapuwa tao .. Ayaw nila sa Diyos pero mas gusto nila ang mga tao ..

Gets?
 
I cant say whats behind sa motivation ng mga taong nagpaparangal sa murderers… but for me and opinion ko lang toh… if those people were indeed murderers, and proven na ganon then they dont deserve any kind of praise…. Pero kung di nman sila ang murderer mismo or ina attach lang sa knila ung ganong karakter then maybe ung ibang qualities nila ang nagaattract ng tao…
 
So okay lang parangalan yung mga taong pumatay para sa kalayaan ng sarili nilang bayan at, sa kabilang banda, sabihing di-makatarungan ang Diyos dahil sa mga pagpuksa na ginawa niya noon?

kung di nman sila ang murderer mismo or ina attach lang sa knila ung ganong karakter then maybe ung ibang qualities nila ang nagaattract ng tao…
Yamang imposible namang magkamali at maging tiwali ang Diyos, possible kaya na ina-attach lang sa kaniya ng ibang taong hindi naniniwala sa kaniya yung ganong karakter as "hindi makatarungan, or murderer pa nga" and maybe yung ibang qualities, gaya ng pag-ibig, ang nag-aattract naman, sa kabaligtaran, sa mga tao na sambahin siya?

What do you think?

if those people were indeed murderers, and proven na ganon then they dont deserve any kind of praise
If God were indeed murderer and proven na ganon then he don't deserve any kind of praise?

Pero ang tanong, saang korte hinatulang guilty ang Diyos na ito kung kaya may mga taong hindi pumupuri sa kaniya at lumalapastangan at naninira pa nga sa kaniya?

Ang korte ba kung saan natin hinatulan ang Diyos bilang "hindi makatarungan at hindi patas" ay galing lamang sa ating makitid, kakarampot, at hindi perpektong pag-iisip? What do you think po?
 
Last edited:
Hmm. Bale, maraming abstract ideal God sa loob ng apat na libong estimated religion sa buong mundo.

Dalawa ang knowledge ko patungkol sa ideal God.

#1. God is abstract. Abstract na hindi ma define dahil abstract nga katulad ng love. Love is abstract so we can feel it at hindi ma e define in a concrete way.

#2. God acts like human. Ito ang beliefs ng karamihan theist katulad ng punishment and reward, katulad ng nagagalit, pumapatay, nagmamahal, nagpaparusa... tumatawa siguro ay kasama na rin na anything na meron sa human behavior ay same lang din ito sa concept of God na acts like human.

Meron nga kasabihan na kung ano ang God o ideal God na meron sa mga tao ay ganoon din ang concept of God ng bansa as a whole.

Take example sa India. E diba in a religious belief ay meron silang reincarnation so ang human behavior nila ay ganoon din. Naniniwala sila kapag pinanganak ang tao sa mayaman ay nakatadhana na talaga siya maging mayaman at kapag ipinanganak na mahirap, ang sabi, meron past lives na meron ginawang masama so nakatadhana ang mahirap bilang parusa so iyon ang result ng bansa nila as a whole.

So its normal na magtaka ka dahil that is how your brain works. Ganyan ang akin din. Nagtataka din ako patungkol sa religious stuff but ito lang ang akin, if ang sagot sa tanong mo ay meron na sagot, tanggapin mo siya and siguro magkakaroon ka ng peace of mind.

Tao lang tayo para magkaroon ng question mark sa ating brain, magkaroon ng confusion at magtaka but subjective siya and siguro, lilipas din iyan pagdating ng panahon. Normal lang iyan. Normal lang sa atin ang magtaka.

Ang mga tao na naniniwala na ang God ay hindi mapagparusa at hindi pumapatay ng tao o hindi naniniwala na hindi pumapatay si God, maaaring nasa number one sila. God is abstract ang kanila and about sa human behavior na why nag eexist ang masamang tao, meron paliwanag din siya. Ayaw ko lang magpaliwanag dito dahil pagod ako sa kaka gawa ng blog. Ang hirap-hirap kase.
 
Hahahaha .. Okay po .. Salamats sa mahabang paliwanag .. Hahaha .. Nakakapagod din talaga gumawa ng blog ..
 
So okay lang parangalan yung mga taong pumatay para sa kalayaan ng sarili nilang bayan at, sa kabilang banda, sabihing di-makatarungan ang Diyos dahil sa mga pagpuksa na ginawa niya noon?

Yamang imposible namang magkamali at maging tiwali ang Diyos, possible kaya na ina-attach lang sa kaniya ng ibang taong hindi naniniwala sa kaniya yung ganong karakter as "hindi makatarungan, or murderer pa nga" and maybe yung ibang qualities, gaya ng pag-ibig, ang nag-aattract naman, sa kabaligtaran, sa mga tao na sambahin siya?

What do you think?

If God were indeed murderer and proven na ganon then he don't deserve any kind of praise?

Pero ang tanong, saang korte hinatulang guilty ang Diyos na ito kung kaya may mga taong hindi pumupuri sa kaniya at lumalapastangan at naninira pa nga sa kaniya?

Ang korte ba kung saan natin hinatulan ang Diyos bilang "hindi makatarungan at hindi patas" ay galing lamang sa ating makitid, kakarampot, at hindi perpektong pag-iisip? What do you think po?
Just to be clear ha… killing and murder are two different things…. Yan ang opinion ko about that… para sa akin may distinction pa din ang dalawang iyan…. About sa pagpatay para makamit ung freedom eh i can agree with that…kung yun na ang only option… pero pag excessive na then its not right anymore… sa scenario na nakikkipaglaban para sa freedom at once na nakamit na un then tama na dapat… pero once u go beyond that and actively hunt and kill people na di na nman threat sa freedom mo then thats excessive na… parang ung laws about sa self defense… u can look it up…

Maraming pagpuksa na ginawa si god, which one are u referring to?? Do u think hindi ba naging excessive si god? Do u think may capacity si god to achieve his goal for humanity na di kailangan ng puksaan??

Pano mo nasabi na imposibleng magkamali si god?? Do u think perfect ang creation nea?? Do u think allowing evil to exist is a good thing?

If God were indeed murderer and proven na ganon then he don't deserve any kind of praise? YES…like i said a proven murderer does not deserve any praise, at least for me ha…ikaw will u praise a proven murderer?

If god can appear lang anywhere kahit di na sa court then that would prove a lot… and regardless kung mapatunayang nageexist sya or kung anong qualities meron sya its still up to me whether ill worship him or not…
 
killing and murder are two different things…. Yan ang opinion ko about that…
But still, killings pa dn yon, tama?

Parang sa word na "alipin", wika nga ng iba, ang alipin eh alipin anuman ang sabihin ng iba na katuwiran tungkol dito.. Kaya kahit iba ang paliwanag ng Bibliya tungkol sa salitang alipin eh may mga tao pa ding ayaw tanggapin ang katuwiran ng Bibliya tungkol dito kasi nga ang word na 'alipin' ay pareho lang ng kahulugan noon at ngayon sabi ng iba .. Pero, yamang nasa pagpatay ang usapan natin, ito lang din ang isa sa mga tanong ko sir ..

Does this also apply here?

Killing is still killing.. Noon man yan or ngayon, Mapa-murder man yan or para sa kalayaan ng mga tao..

Now, you prefer to praise these people kasi pumatay sila para sa pagkakamit ng kalayaan, kasi, wika mo nga eh, basta hindi excessive.. at para lang sa kalayaan.. But still, killing pa din iyon .. tama?

So, yung moral mo pala pagdating sa bagay na yan ay nagbabago depende sa kung para saan ang ginawang mga pagpatay?

What if GOD chose to kill people dahil din sa gusto niyang makamit ang kalayaan para sa mga tao sa hinaharap? Do you still not praise Him?

Actually nasa Bible yan nakasulat,

Roma 8:20, 21
Dahil ang lahat ng nilalang ay ipinasailalim sa kawalang-saysay, [meaning ng kawalang saysay, pagiging hindi perpekto at pagiging makasalanan, kabilang din diyan yung mapasailim sa mga pamamahala ng tao at maapektuhan ng kanilang di-sakdal na pamamahala], hindi dahil sa sarili nilang kagustuhan kundi dahil sa isa na nagpasailalim sa kanila rito. [meaning, Si Adan ang tinukoy na nagpasailalim sa atin sa ganitong kalagayan]. Pero nagbigay siya ng pag-asa para ang lahat ng nilalang ay mapalaya rin mula sa pagkaalipin sa kabulukan at magkaroon ng maluwalhating kalayaan bilang mga anak ng Diyos.

Kaya, ipinahintulot ng Diyos na pansamantala tayong mapasailalim ng hindi perpektong pamamahala at hindi perpektong kalagayan. Nagsagawa man siya ng mga pagpatay noon, iyon ay upang sa hinaharap ay mapalaya niya rin tayo mula sa pagiging hindi perpekto. That's why He gave hope for mankind.

Ang punto ko po dya'n ay ...

Kung ang mga bayani nga na pinaparangalan ng mga tao at lubhang iginagalang dahil sa ginawa nilang pagpatay sa mga sumakop sa atin para mapalaya tayo at makinabang ang future generation, bakit pagdating sa Diyos na naghahangad ng MAS dakilang kalayaan para sa sangkatauhan eh hindi magawang parangalan ng mga tao .. Samantalang, same purpose din naman na para sa hinaharap yung kanilang ginawang pagpatay noon?

To conclude po, yamang ikaw na din naman ang nagsabi, marahil ay hindi ko naman na kailangan pang itanong kung papapurihan mo ang Diyos ng Bibliya or hindi, kasi ikaw na nagsabi..

regardless kung mapatunayang nageexist sya or kung anong qualities meron sya its still up to me whether ill worship him or not

Natatawa na lang ako na mas gusto ninyong papurihan ang mga tao na kapuwa pumatay ng tao kaysa sa Diyos na hinahatulan ninyong pumatay nang hindi makatarungan .. Well, kani-kaniya naman kasi tayo ng paniniwala .. Pero kung nakakatawa para sa akin ang katuwiran ninyo, ganun talaga .. Ako to eh .. Nirerespeto ko naman kayo kahit papano ..

;)
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top