What's new

Nakapagtataka ang Kaisipan at Pangangatuwiran ng mga Tao

Status
Not open for further replies.
Naiintindihan ko na. Actually, mahirap isipin kung meron God na nag eexist or wala sapagkat psychologically, bawat tao ay meron kanyang-kanyang konsepto or abstract ideal God para sa kanila which is totoo talaga iyon. Ewan ko sa iba kung hindi totoo para sa kanila.

Ang konsepto ng God ng theist kase ay meron God na pumapatay, God na nagpaparusa, God na nag mamass murder, God na nagpapatawad, God na nagmamahal at so on at so forth. Anything na meron sa human behavior ay ganoon at ganoon ang konsepto ng God din nila.

Tipong ang belief ng mga theist na meron silang lider, superintendence and authority. Again, associated pa rin siya sa human behavior. Kung baga gusto nila na meron taga manage as a group or society so people create this concept of God similar to human behavior din.

Pansin niyo diba sa mga group? Sa human, kapag gusto nila na maayos ang grupo, hahanap sila ng leader na maglilead sa kanila.

Since its a human nature na meron patayan na nagaganap at kung ano man cause o reason why nag exist ang patayan, understood na siya why its a natural for human to seek justice and the only thing na magagawa is to look up sa mas higher sa kanila. Sa palagay ko na its a reason why hindi makita ang konsepto ng God na meron flaws whether makapatay, pumatay siya or magparusa man siya sa mga tao sapagkat the characteristic of their God is same with human behavior.

So for me, mahirap at mahirap isipin if God exist o hindi dahil katulad ng akin, I believe in God but the God I perceived ay hindi God na katulad ng pinaniniwalaan ng tao about si God ay taga bigay ng punishment.

Ganyan ang paniniwala ng theist na iba sa paniniwala ng atheist at deist. Ang deist naman ay natural God ang meron sa kanila. Meaning to say na they believe in natural God but they do not believe God na meron superintendence, tipo meron lider, taga govern, taga manage or ano pa man. Naniniwala sila na there is a God but based on pagiging masama ng tao ay its a human nature. Kung baga walang kilalaman si God sa pagiging masama ng tao dahil tao lang ang meron kagagawan kung bakit sila nagiging masama na pwede siya mabago. More on human nature ika nga. Still depen-depende pa rin sa Deist kung ano ang concept nila kay God basta wala relihiyon or revelation, pwede magdasal o hindi, basta natural God lang siya. Natural God na mas una nag exist bago umusbong ang relihiyon sa buong mundo.

Sa theist talaga ay hindi sila naka focus sa human nature. Naka focus talaga sila sa high supreme being na taga manage ng mundo and they do not care kung its natural thing ba iyan sa bawat tao o hindi.
 
Last edited:
But still, killings pa dn yon, tama?

Parang sa word na "alipin", wika nga ng iba, ang alipin eh alipin anuman ang sabihin ng iba na katuwiran tungkol dito.. Kaya kahit iba ang paliwanag ng Bibliya tungkol sa salitang alipin eh may mga tao pa ding ayaw tanggapin ang katuwiran ng Bibliya tungkol dito kasi nga ang word na 'alipin' ay pareho lang ng kahulugan noon at ngayon sabi ng iba .. Pero, yamang nasa pagpatay ang usapan natin, ito lang din ang isa sa mga tanong ko sir ..

Does this also apply here?

Killing is still killing.. Noon man yan or ngayon, Mapa-murder man yan or para sa kalayaan ng mga tao..
If u mean if they are both taking a life.. well yes, basically and technically killing is still killing… but still my difference yung 2…

And what about slavery?? For me its not even just the word itself nga eh… its wat the bible says about it..u know the whole owning people as property part… that what ticks me off about it more than the terms used…

So killing is still killing sabi mo. do u think killing in whatever way u wanna do it is moral??

Now, you prefer to praise these people kasi pumatay sila para sa pagkakamit ng kalayaan, kasi, wika mo nga eh, basta hindi excessive.. at para lang sa kalayaan.. But still, killing pa din iyon .. tama?
Pakibasa ung sinabi ko ng una… u gave the hypothetical and i responded….

So, yung moral mo pala pagdating sa bagay na yan ay nagbabago depende sa kung para saan ang ginawang mga pagpatay?
Pagdating sa killing, yes…. Iniexplain ko na din why thats the case…

Bakit ikaw ba?? Whats ur moral standard pagdating sa killing?? 😁

What if GOD chose to kill people dahil din sa gusto niyang makamit ang kalayaan para sa mga tao sa hinaharap? Do you still not praise Him?

Actually nasa Bible yan nakasulat,

Roma 8:20, 21
Dahil ang lahat ng nilalang ay ipinasailalim sa kawalang-saysay, [meaning ng kawalang saysay, pagiging hindi perpekto at pagiging makasalanan, kabilang din diyan yung mapasailim sa mga pamamahala ng tao at maapektuhan ng kanilang di-sakdal na pamamahala], hindi dahil sa sarili nilang kagustuhan kundi dahil sa isa na nagpasailalim sa kanila rito. [meaning, Si Adan ang tinukoy na nagpasailalim sa atin sa ganitong kalagayan]. Pero nagbigay siya ng pag-asa para ang lahat ng nilalang ay mapalaya rin mula sa pagkaalipin sa kabulukan at magkaroon ng maluwalhating kalayaan bilang mga anak ng Diyos.

Kaya, ipinahintulot ng Diyos na pansamantala tayong mapasailalim ng hindi perpektong pamamahala at hindi perpektong kalagayan. Nagsagawa man siya ng mga pagpatay noon, iyon ay upang sa hinaharap ay mapalaya niya rin tayo mula sa pagiging hindi perpekto. That's why He gave hope for mankind.
eto ung tinatanong ko sayo dun sa isa kong response kaso di mo nman sinagot… hopefully sagutin mo na now…

Bakit kailangan ni god pumatay to achieve his goal? Wala ba syang divine power at diving knowledge to reach that goal without going thru killing people?? 😁

Lets say limitado nga ang kakayahan ni god mo at un lang ang option eh pumatay ng pumatay ng pumatay until makarating sa goal nea, di ba sya naging excessive??

And are u saying na okay lang sayo na pumapatay si god para sa kasalanan ng adan na yan… na pumapatay si god para eventually maging perpektong kalagayan?? Is that really fair and just?? Tapos bat iba iba ang value sa buhay ng tao na para sayo eh oks lang na may namamatay na iba basta oks nman ang future nyo…

Ang punto ko po dya'n ay ...

Kung ang mga bayani nga na pinaparangalan ng mga tao at lubhang iginagalang dahil sa ginawa nilang pagpatay sa mga sumakop sa atin para mapalaya tayo at makinabang ang future generation, bakit pagdating sa Diyos na naghahangad ng MAS dakilang kalayaan para sa sangkatauhan eh hindi magawang parangalan ng mga tao .. Samantalang, same purpose din naman na para sa hinaharap yung kanilang ginawang pagpatay noon?
Uulitin ko, kaya ba ng god mo na gawin yang mas dakilang kalayaan na sinasabi mo ng walang patayan?? Yes or No lang 😁

To conclude po, yamang ikaw na din naman ang nagsabi, marahil ay hindi ko naman na kailangan pang itanong kung papapurihan mo ang Diyos ng Bibliya or hindi, kasi ikaw na nagsabi..

Natatawa na lang ako na mas gusto ninyong papurihan ang mga tao na kapuwa pumatay ng tao kaysa sa Diyos na hinahatulan ninyong pumatay nang hindi makatarungan .. Well, kani-kaniya naman kasi tayo ng paniniwala .. Pero kung nakakatawa para sa akin ang katuwiran ninyo, ganun talaga .. Ako to eh .. Nirerespeto ko naman kayo kahit papano ..

;)

Eto baka matawa ka din… who deserves your praise or the very least your approval sa dalawang toh:

a father who killed a spiritual leader who was molesting his son for years

Or

a god who does nothing but watch and just let that boy be molested over and over and over in his house of worship by his spirtual leader..

Funny right? 😒
 
Last edited:
Pagdating sa killing, yes…. Iniexplain ko na din why thats the case…

Bakit ikaw ba?? Whats ur moral standard pagdating sa killing?? 😁
Same sa reasoning mo sir ..

Uulitin ko, kaya ba ng god mo na gawin yang mas dakilang kalayaan na sinasabi mo ng walang patayan?? Yes or No lang 😁
Hindi dahil may paghatol na siya sa mga hindi gagawa ng kaniyang kalooban at sa mga hindi magpapasakop sa kaniyang pamamahala. But still gusto niya pa ring magsisi ang mga tao sa kanilang mga kasalanan upang hindi sila madamay sa gagawin niyang pagpuksa sa mga tao sa hinaharap. Gets?

Bakit kailangan ni god pumatay to achieve his goal? Wala ba syang divine power at diving knowledge to reach that goal without going thru killing people?? 😁
Yes. If alam niyang makakahadlang sa kaniyang layunin, hahatulan niya ang mga tao. Nababasa niya ang pagkatao ng isang indibiduwal kaya kahit pumuksa siya, walang masama doon dahil siya ang mismong nakakaalam kung sino ang karapat-dapat sa pagkapuksa.

Eh yung mga kababayan mo bang pumatay ng sariling kapuwa para sa kalayaan ng sarili nilang bayan, kaya ba nilang basahin ang pagkatao ng mga pinatay nila?

Regarding sa divine power and divine knowledge, anong alam mo sa bagay na iyan?

And are u saying na okay lang sayo na pumapatay si god para sa kasalanan ng adan na yan… na pumapatay si god para eventually maging perpektong kalagayan?? Is that really fair and just?? Tapos bat iba iba ang value sa buhay ng tao na para sayo eh oks lang na may namamatay na iba basta oks nman ang future nyo…
Iba iba ang value? San mo naman po nakuha yan sir?

Yung pagpatay ba sa kapuwa tao para sa kalayaan ng sariling bayan ay may ibang halaga din? Hmmm .. Mas mahalaga ba ang buhay ng sarili mong mga kababayan kaysa sa buhay ng mga taong pinatay ng mga kababayan mo? Hmmm ..

a father who killed a spiritual leader who was molesting his son for years

Or

a god who does nothing but watch and just let that boy be molested over and over and over in his house of worship by his spirtual leader..
Siyempre magagalit. Ikaw, ano ba ang mararamdaman mo?
 
Same sa reasoning mo sir ..
Sguro if killing is still killing then same reasoning nga tayo… how about ung hypothetical mo na if god was proven to be a murderer? Same ka pa din ba skin na i will not praise a proven murderer?? Or special pleading ka kasi this time its god na?

Hindi dahil may paghatol na siya sa mga hindi gagawa ng kaniyang kalooban at sa mga hindi magpapasakop sa kaniyang pamamahala. But still gusto niya pa ring magsisi ang mga tao sa kanilang mga kasalanan upang hindi sila madamay sa gagawin niyang pagpuksa sa mga tao sa hinaharap. Gets?
so di nya kaya, kaya puksa sya ng puksa before, puksa sya now and eventually in the end pupuksain pa din….

Wow,, gusto magsisi?? Kung puro killing ang other option malamang mas gugustuhin ng tao na magsisi na lang… daig pa ang nahostage eh…

So di nea kaya ng walang puksaan…hmmm… so what makes u thing na kaya din nea gawin yang paghatol?

Yes. If alam niyang makakahadlang sa kaniyang layunin, hahatulan niya ang mga tao. Nababasa niya ang pagkatao ng isang indibiduwal kaya kahit pumuksa siya, walang masama doon dahil siya ang mismong nakakaalam kung sino ang karapat-dapat sa pagkapuksa.

Eh yung mga kababayan mo bang pumatay ng sariling kapuwa para sa kalayaan ng sarili nilang bayan, kaya ba nilang basahin ang pagkatao ng mga pinatay nila?

Regarding sa divine power and divine knowledge, anong alam mo sa bagay na iyan?
Wat do u mean na YES?? yes na walang power at knowledge ba??

Nababasa nea ang pagkatao?? Nababasa ba ni god mo kung magsisi or hindi ang isang tao?? Nababasa ba ng god mo kung mabubuhay ng masama o mabuti ang isang tao???

Ana teka! Sino may sabing kababayan ko yang lumalaban para sa kalayaan na yan!? Wahahahahaha… nope di nila kaya basahin ang pagkatao pero may basehan sila para ipinaglalaban nila…may casualties ba?? Yes… tao lang kasi sila… is ur god just the same as those bayani??

Iba iba ang value? San mo naman po nakuha yan sir?

Yung pagpatay ba sa kapuwa tao para sa kalayaan ng sariling bayan ay may ibang halaga din? Hmmm .. Mas mahalaga ba ang buhay ng sarili mong mga kababayan kaysa sa buhay ng mga taong pinatay ng mga kababayan mo? Hmmm ..
Sayo… sayo ko nakuha paps…. Sabi mo nga may ibang mapupuksa ung iba hindi… so basically iba iba ang value db??

Sa patayan para kalayaan eh NOPE,,hindi mas mahalaga ang buhay ng mga hypothetical na kababayan ko kumpara sa buhay ng pinatay nila…Like i said may casualties sa ganong scenario… and hindi nman issue dun ang kung sino ang may mas mahalaga ang buhay… isyu dun is ung ipinaglalaban na kalayaan vs oppression…

Eh ikaw, mas mahalaga ba ang buhay mo sa mga buhay na pinuksa at pupuksain ni god mo?

Siyempre magagalit. Ikaw, ano ba ang mararamdaman mo?
Magagalit din ako… pero di yan ang tanong ko…. Ang tanong ko sino ang deserve ng praise or atleast approval mo, simpleng tanong lang…

a father who killed a spiritual leader who was molesting his son for years

Or

a god who does nothing but watch and just let that boy be molested over and over and over in his house of worship by his spirtual leader..
 
Sguro if killing is still killing then same reasoning nga tayo… how about ung hypothetical mo na if god was proven to be a murderer? Same ka pa din ba skin na i will not praise a proven murderer?? Or special pleading ka kasi this time its god na?

so di nya kaya, kaya puksa sya ng puksa before, puksa sya now and eventually in the end pupuksain pa din….

Wow,, gusto magsisi?? Kung puro killing ang other option malamang mas gugustuhin ng tao na magsisi na lang… daig pa ang nahostage eh…

So di nea kaya ng walang puksaan…hmmm… so what makes u thing na kaya din nea gawin yang paghatol?

Wat do u mean na YES?? yes na walang power at knowledge ba??

Nababasa nea ang pagkatao?? Nababasa ba ni god mo kung magsisi or hindi ang isang tao?? Nababasa ba ng god mo kung mabubuhay ng masama o mabuti ang isang tao???

Ana teka! Sino may sabing kababayan ko yang lumalaban para sa kalayaan na yan!? Wahahahahaha… nope di nila kaya basahin ang pagkatao pero may basehan sila para ipinaglalaban nila…may casualties ba?? Yes… tao lang kasi sila… is ur god just the same as those bayani??

Sayo… sayo ko nakuha paps…. Sabi mo nga may ibang mapupuksa ung iba hindi… so basically iba iba ang value db??

Sa patayan para kalayaan eh NOPE,,hindi mas mahalaga ang buhay ng mga hypothetical na kababayan ko kumpara sa buhay ng pinatay nila…Like i said may casualties sa ganong scenario… and hindi nman issue dun ang kung sino ang may mas mahalaga ang buhay… isyu dun is ung ipinaglalaban na kalayaan vs oppression…

Eh ikaw, mas mahalaga ba ang buhay mo sa mga buhay na pinuksa at pupuksain ni god mo?

Magagalit din ako… pero di yan ang tanong ko…. Ang tanong ko sino ang deserve ng praise or atleast approval mo, simpleng tanong lang…

a father who killed a spiritual leader who was molesting his son for years

Or

a god who does nothing but watch and just let that boy be molested over and over and over in his house of worship by his spirtual leader..
HAHAHAHAHAHAHA Natatawa na lang ako sa'yo .. Paulit-ulit lang tayo sir ..

Is this an endless raising questions and answers to prove things that for you and for me really matter?

Hahahhaha .. Sa mga sinabi mo at mga tanong na ibinangon mo sir, napatunayan ko na naman na nakakatawa at nakakapagtaka talaga mag-isip at mangatuwiran ang mga taong tulad mo .. gaya din ng iba pa na hindi rin naniniwala sa Diyos .. Hahahaha ..

anyways, salamat sa pagsagot sa mga tanong .. Kitang-kita ko sa mga sagot mo na ayaw na ayaw mo talagang may diyos at kahit anong tanong ang ibato sa'yo, may sarili kang katuwiran .. effort din yan ah .. at least nag-effort ka sir .. hahahahahah .. good thing is nag-iisip ka kahit papano sa isang 'pointless' thread na to .. hahahaha ..

hindi sa iniiwasan ko yang mga tanong mo, actually, puwede ko naman yang sagutin pero nakakasawa lang din na paulit-ulit magpaliwanag sa isang taong sarado ang kaisipan pagdating sa paniniwala sa Diyos .. gets?

Ang totoo, natatawa lang din talaga ako sayo sir, kasi, sa una pa lang, sinabi mo na, na itong pinost ko ay 'pointless' then eto ka, tanong ng tanong sa isang 'pointless' thread na akala mo naman eh may maiaambag sa buhay mo .. hahahaha ..

Parang isang basura na wala ng pakinabang sayo pero halukay ka pa din ng halukay .. Hahahaha ..

Salamat sa time sir, sa sunod na thread ulit .. Next na post ko ng pointless thread, puwede ka naman magcomment ulet .. Hahahaha ..

may tanong ka pa po? tanong ka lang kahit 'pointless' hahaha ..
 
Hahahaha… ayoko ng may dios?? U misunderstood me ata… ayaw ko ng may dios na walang ginagawa at hinahayaan lang ang mga masasamang nangyayari…

And i dont see the problem sa paulit ulit na pagtatanong… thats how we learn eh.. thats how we discover things… and just because may sagot ka or ako sa mga tanong natin does not mean na un na un at tanggap lang ng tanggap….

Its actually effortless, i have time to spare naman eh 😁

Yan nman sa “hindi sa iniiwasan ko sagutin” at “sarado kasi ang isip mo” lines na yan… gets ko naman kung ayaw… pero dont fault me kung hindi ka komportableng sumagot sa mga simpleng tanong for the sake na di magkaron ng bahid ng kamalian yung belief mo…

Explain ko pa ulit why pointless kako??

Natatawa ka sa logic ng mga bumoboto at idolized sa killers pero di matanggap ang killing na ginagawa ni god…

Pero tanggap mo at okay na okay pa sayo na ur god allows those killers to do those things…oks sayo na god does nothing to stop those people….

And ur question ung logic ng mga taong naniniwala sa ganon??? Hahahaha

Ur god could and should do more compare sten na mga tao lang…

Have ur god done anything ngayong pandemic?? Hmmmm waley din ata…

Oh yeah, he allows these things to happen nga pala kasi eventually may pagpuksa at paghatol nman… did ur god do anything nung nacovid family ko?? Yung mga nagdasal para di mamatay sa skit nila? Yung mga nawalan ng hanapbuhay?? Dami ako kakilala na still recovering mula nung taal volcano eruption na nasundan pa ng pandemic?? Did god do anything??

So yeah.. nakakatawa nga… im lmao ryt now 😒
 
he allows these things to happen nga pala kasi eventually may pagpuksa at paghatol nman… did ur god do anything nung nacovid family ko?? Yung mga nagdasal para di mamatay sa skit nila? Yung mga nawalan ng hanapbuhay?? Dami ako kakilala na still recovering mula nung taal volcano eruption na nasundan pa ng pandemic?? Did god do anything??
Yun tipong kahit ano namang paliwanag namin para sabihing may ginagawa ang Diyos, wala din eh. Di mo din naman tinatanggap. Bakit? Ang gusto mo kasing makita na paggawa niya is makakaapekto agad sa sarili mong pamilya, paningin at pananaw.. Hahaha..

Im not saying na masyado ka kasing nakafocus sa sarili mong paningin sa dapat na ginagawa ng isang diyos..

Yung mga nilikha nga niya gaya ng hangin na nilalanghap mo at ang kakayahan ng mga puno at halaman na magbigay ng mga bunga nito para makain, at yung buhay at lakas na mayroon ka para makpagtrabaho para sa pamilya mo, lahat ng yan galing sa Diyos eh.. Eh hindi mo nga matanggap na gawa din ng Diyos yang mga yan eh.. Kaya, sa sarili mong pangmalas at paningin lang walang ginagawa ang diyos, at sino ang dahilan kung bakit hindi mo nakikita na walang ginagawa ang Diyos? Ikaw din mismo. Hahahahaha! Hindi ang Diyos.

Gusto mo kasi agad instant solve yung problem ng pamilya mo o ng sangkatauhan eh.. Again, IM NOT SAYING NA NAKAPOKUS KA MASYADO SA SARILI MO..

Pag may masamang nangyari sa buhay mo kasi, sa Diyos mo agad isisisi, imbes na sa kaaway niya hahaha.. So, kung gusto mong maniwala sa Diyos na ito, kanino ka talaga papanig? Kay Satanas or sa Diyos?

Kaso both of them di mo naman pinapaniwalaan eh.. Hahaha.. Diba, fairytale lang ang Bible para sa inyo? Hahaha

So, nakakatawa lang na isinisisi mo sa diyos kung bakit may pandemic, kung bkit nagkasakit family mo, kung bkit may mga di pa nakakabangon agad sa hirap from Taal eruption, samantalang kahit ipaliwanag namin na ang dahilan ng problem ay hindi ang Diyos, still ang gusto mo pa ding sisihin is yung Diyos na ayon sa sarili mong pangmalas ay walang ginagawa.. So, kanino talaga ang may problema? Hahaha.

AGAIN, IM NOT SAYING NA MASYADO LANG SIGURO TAYONG MAKITID MAG-ISIP AT HINDI NATIN KAYANG LAWAKAN YUNG PANG-UNAWA NATIN AT MASYADO TAYONG NAKAPOKUS SA SARILI NATIN.

Gets?
 
Namin??? Di ko alam madami pala ako kausap… akala ko im having this discussion with u lang… hahahahaha

Nilikha ni god mga yan?? Can u prove that he did?? Hiyang hiya nman ako sa provisions na binigay ni god mo na madame pa ding lugar sa mundo ang namumuroblema sa pagkain at tubig… lhat ba ng lugar dito sa earth eh ideal living conditions?? Or nasasabi mo lang yan kasi u happen to be living in a place na hindi mo problema kung may pagkain at tubig ka araw araw…. Dont be so naive paps…

Sino ba ang ayaw ng instant solution sa problems nila?? Sino bang ayaw ng walang problem in the first place?? Yan nga ang ginagawa ng tao constantly eh trying our best to improve our lives…

Hindi ko sinisisi sa diyos ang pandemic.. kayo at ikaw nagsasabi na lahat ng nangyayari sa mundo at sa tao eh inaallow ng diyos… kung sasabihin mo na dahil kay satanas eh inallow pa din nmn nea yun db?? Hahaha… hindi ko sinisisi ang diyos mo ang sinasabi ko he’s not doing anything about it…

Ganto kasi yan, pag mga hindi naniniwala, pag may ginagawang masama at nakakaranas ng paghihirap sasabihin nyo dahil sa kasalanan nila un. Na sila ang may problema…

Pero pag mga maayos na tao na nanampalataya ng tama at nakakarananas ng same na paghihirap dahil sa pagsubok lang or dahil kay satanas….

Fair ba yan??

Pero pag magagandang nangyayari dahil kasi kay god yan… sus… bat di mo kayang iattribute lahat ng nangyayari sa mundo sa diyos mo at di ung mabubuti lang…

Sumasagot na din lang kaya mo ng sagutin ang tanong ko?? Ung about sa molestation?? Or baka magdadahilan ka na nmn ng ano ano jan…

Ask mo din yang friends mo baka may maisagot sila at “kayo” nman pala ang kausap ko… 😁😂😂😂😂
 
bat di mo kayang iattribute lahat ng nangyayari sa mundo sa diyos mo at di ung mabubuti lang…
See? hindi mo sinisisi pero gusto mo na gawin namin is i-attribute yung mga masasamang bagay sa kaniya .. Hahahaha .. Nakakatawa lang .. Hahaha ..

Sumasagot na din lang kaya mo ng sagutin ang tanong ko?? Ung about sa molestation?? Or baka magdadahilan ka na nmn ng ano ano jan…
Sumagot na po ako dito .. Hahahaha ..

Hiyang hiya nman ako sa provisions na binigay ni god mo na madame pa ding lugar sa mundo ang namumuroblema sa pagkain at tubig… lhat ba ng lugar dito sa earth eh ideal living conditions??
Kita mo? yung iba ngang kahit mahirap ang buhay nila at nasa mga mahihirap na bansa, natututo pa ding magpasalamat sa Diyos .. samantalang ikaw, ang pokus ng isip mo po is palaging negative .. Hahaha ..

Ni hindi mo magawang pasalamatan ang Diyos na ito sa mga natatanggap mo .. ang sasabihin mo, eh 'bakit yung iba ganito?' .. Ikaw ang tinatanong ko kung handa mo bang pasalamatan ang Diyos sa mga tinatanggap mo, hindi sila .. Hahahaha ..

Tapos ang sasabihin mo is yung 'kasi yung ibang lugar ganito, mahirap walang makuhang pagkain'

Ikaw ang tinatanong hahaha ..

Yun tipong nakakatanggap ka ng buhay, lakas, pagkain at tubig, pero hindi ka natututong magpasalamat sa Diyos samantalang yung ibang mga bansa na kahit mahihirap ang kalagayan nila at limitado yung pagkain at tubig nila, marunong silang magpasalamat sa DIyos .. Eh ikaw po ba? Hahahaha ..

anyways, sagot ka lang sa thread ko kung trip mo pa din .. Hahahaha .. I find it entertaining lang .. hahaha .. Go lang ..

Still, yung reasoning mo pa din at kung paano mo dinedefend yang reasoning mo ang natatawa akong basahin .. HAHAHAHAHAHA !

Salamats . Haahahahaha
 
Hanggang react na lang ba?? Hahaha

Yang lagi nyong sinasabi na kesyo sarado ang isip ng mga di sumasang ayon senyo at yang sinasabi nyo na sinisisi ang diyos eh maybe i shud address that sa separate thread… are u down to discuss that TS? 😉
 
Nakapagtataka po talaga kaisipan ng mga tao. Isipin mo nalang pag binasa mo bible meron maganda at masamang aksyon ang ginawa ng dyos (eg, yung malaking baha, pinaulanan ng apoy yung sodom at gomora atbp). Sa kabila nito, patuloy pa rin pinaniniwalaan na "god is just, loving & merciful". Sori, baka palinghado lang ang utak ko, pero wala akong makitang "just, loving at merciful" sa mga aksyon na yun.

sarap maging dyos, pagktapos mo lipuling 99.9999 ng tao, tapos bine-beybi ka pa ng natirang 0.00009.
 
Puwede naman po .. Ikaw po ang bahala sir ..

Still, your reasonings and pagdedefend ninyo sa reasoning ninyo ang pinagtatakhan ko .. ;)

Yeah .. Most people na hindi alam ang katotohanan tungkol sa Diyos ng Bibliya ay may ganyang kaisipan .. Kaya, oks lang naman kahit magtaka ka sa kaisipan ng mga believer ..

anyways, triggered na ba? Hahahahaha ..
 
Last edited:
See? hindi mo sinisisi pero gusto mo na gawin namin is i-attribute yung mga masasamang bagay sa kaniya .. Hahahaha .. Nakakatawa lang .. Hahaha ..

Sumagot na po ako dito .. Hahahaha ..

Kita mo? yung iba ngang kahit mahirap ang buhay nila at nasa mga mahihirap na bansa, natututo pa ding magpasalamat sa Diyos .. samantalang ikaw, ang pokus ng isip mo po is palaging negative .. Hahaha ..

Ni hindi mo magawang pasalamatan ang Diyos na ito sa mga natatanggap mo .. ang sasabihin mo, eh 'bakit yung iba ganito?' .. Ikaw ang tinatanong ko kung handa mo bang pasalamatan ang Diyos sa mga tinatanggap mo, hindi sila .. Hahahaha ..

Tapos ang sasabihin mo is yung 'kasi yung ibang lugar ganito, mahirap walang makuhang pagkain'

Ikaw ang tinatanong hahaha ..

Yun tipong nakakatanggap ka ng buhay, lakas, pagkain at tubig, pero hindi ka natututong magpasalamat sa Diyos samantalang yung ibang mga bansa na kahit mahihirap ang kalagayan nila at limitado yung pagkain at tubig nila, marunong silang magpasalamat sa DIyos .. Eh ikaw po ba? Hahahaha ..

anyways, sagot ka lang sa thread ko kung trip mo pa din .. Hahahaha .. I find it entertaining lang .. hahaha .. Go lang ..

Still, yung reasoning mo pa din at kung paano mo dinedefend yang reasoning mo ang natatawa akong basahin .. HAHAHAHAHAHA !

Salamats . Haahahahaha
So hindi ko dapat iattribute kay god ung masasama?? K fine… hindi sya ang cause non… sge si satanas or even mankind mismo ang dahilan… and so?? Hinayaan lang ni god mo mangyari lahat un?? And u think thats better?? Doing nothing when u have the power to do something is just as bad…

Sinagot mo na ung sa molestation?? Na ano “magagalit ka”… di nga yan ang tinatanong ko… hahahahaha

Irephrase ko para di ka mahirapan sagutin… is it right for a god to do nothing while a kid is being molested for years and years??

Alam mo kung bakit sinsabi ko ung bout sa ibang tao?? Ang tawag dun EMPATHY… i emphatize with my fellow human beings… im happy sa kung anong meron ako but i also feel for those that have none… maybe u shud try emphathy as well…

Nagpapasalamat sila despite na naghihirap sila, oo true yan.. eh gumaganda ba ang buhay nila??

Why would i thank god for what i have kung u cant prove that he gave it to me…

So gusto mo pasalamatan ko si god sa positive sa buhay ko pero wag sya sisihin s mga negative?? Double standards lang??

Matatawa ka tlaga sa reasoning ko kasi ur logic does not emphatize sa kapwa mo…or at the very least selective ang emphaty mo dun sa mga taong kapwa mo lang believer

May term for that ayaw ko na lang sabihin…. 😁😁😁😁

Puwede naman po .. Ikaw po ang bahala sir ..

Still, your reasonings and pagdedefend ninyo sa reasoning ninyo ang pinagtatakhan ko .. ;)

Yeah .. Most people na hindi alam ang katotohanan tungkol sa Diyos ng Bibliya ay may ganyang kaisipan .. Kaya, oks lang naman kahit magtaka ka sa kaisipan ng mga believer ..

anyways, triggered na ba? Hahahahaha ..
Nope…nakakafrustrate lang ung mga taong god-believer kuno pero cant see problem na meron sa mundo particularly sa kapwa tao nila… and they even find it funny….

And then wonder about sa kaisipan ng iba…malamang ung “self-righteous” thinking na “alam nyo ang katotohanan” eh titingnan mo tlaga ang iba na kataka-taka ang pagiisip 😁
 
Last edited:
is it right for a god to do nothing while a kid is being molested for years and years??
Kailangan bang palaging kikilos ang Diyos kapag may masamang nangyayari para patunayang totoo siya?

Isipin mo to, ipinahintulot niyang mamahala ang mga tao sa sarili nila sa ilalim ng impluwensiya ni Satanas .. He allowed all of these things to happen para mapatunayan kung kaninong pamamahala ang mabuti at hindi ..

Good for you na alam mong si Satanas at ang mga tao ang namamahala sa ngayon .. Now, kung palaging makikialam ang Diyos sa mga masasamang nangyayari sa mundo, masasabi kayang may basehan tayong mga tao para sabihing masama ang pamamahala ni Satanas at ng mga tao kung everytime naman pala na may masamang nangyayari eh puwede naman palang pakialaman ng Diyos para bumuti ang kalagayan natin? Sa tingin mo ba, hindi pagsalungat sa desisyon niyang pansamantalang ipahintulot ang masama sa mundo pero ang gagawin niya naman is pipigilan niya naman yung mga masasamang nangyayari sa mundo?

Paano mapatutunayang mali ang pamamahala ni satanas kung palaging makikialam ang Diyos sa mga masasamang nangyayari?

im happy sa kung anong meron ako but i also feel for those that have none… maybe u shud try emphathy as well…
So, u really think na hindi ako nagpapakita ng empatiya?

Sa totoo lang, sinisikap kong magpakita ng empatiya sa inyo kasi kayo itong mga hindi naniniwala sa diyos eh .. Sinisikap kong ilagay ang sarili ko sa kung anong kaisipan mayroon kayo para maipakilala ang Diyos na ito ng Bibliya sa inyo .. pero ano ang palaging tugon ninyo? You always criticize the works of God .. Yung buhay at lakas lang na meron ka, at yang kakayahan mong mangatuwiran, eh lahat ng yan ay kaloob ng Diyos but still, hindi mo pa din siya kinikilala ..

So gusto mo pasalamatan ko si god sa positive sa buhay ko pero wag sya sisihin s mga negative?? Double standards lang??
Double standards? Kung may anak ka at nakikita nya ung both negative and positive side mo, do you really think na may double standard sya sa pagtingin sayo bilang ama, or may balance view lang siya sayo?

Matatawa ka tlaga sa reasoning ko kasi ur logic does not emphatize sa kapwa mo…or at the very
Actually po, ikaw lang ang nag-iisip na ang logic ko ay hindi ine-emphatize yung kapuwa ko.. Pero ang totoo, ang mensahe na gusto kong iparating sa mga tao ay para sa lahat.. Ikaw lang ang nakakaisip na para lang sa believer yung sinasabi ko .. Haahahah ..

Nagpapasalamat sila despite na naghihirap sila, oo true yan.. eh gumaganda ba ang buhay nila??
Kailangan bang gumanda muna ang buhay ng isang tao para pasalamatan ang Diyos? Maybe ito ang dahilan kung kaya hindi mo magawang pasalamatan ang Diyos kahit sa simpleng mga bagay na mayroon ka .. Why? Gusto mo kasi maganda na buhay mo bago mo siya pasalamatan o paniwalaan ..

Why would i thank god for what i have kung u cant prove that he gave it to me…
Duh, ayaw mo lang din po kasing tanggapin na yung buhay na mayroon tayong mga tao, yung lakas, at pag-iisip na meron ka ay ginawa yan ng Diyos .. Hindi nga mapatunayan ng siyensiya kung paano nagsimula ang buhay eh .. Ang alam lang nila, may pasimula ang buhay pero kung paano iyon nangyari, hindi nil maipaliwanag at salu-salungat ang mga teorya nila tungkol dyan ..

Eh yang simpleng katotohanan na ang buhay ay galing sa Diyos, napakasimple .. hindi mo matanggap? Kasi mas gusto mo yung komplikadong paliwanag na magfi-fit sa paniniwala at katuwiran mo .. Hahaha !

Kaya, I'm not the one who didn't prove na talagang galing sa Diyos ang mga bagay na mayroon ka, kundi ikaw mismo .. Gets?

Doing nothing when u have the power to do something is just as bad…
Kung sa bandang huli naman ay kikilos ang Diyos para patunayan na ang kaniyang pamamahala ang pinakamabuti, then it is better for Him not to do something para lang masabing mabuting Diyos siya, hindi niya naman kailangang patunayan yon sa ating mga tao .. Hindi yun tipong masyado syang protective para lang hindi maranasan ng mga tao yung masasamang resulta ng mga pagkakamali nila .. That's insane! Isang diyos na mapangunsinti ang magiging turing sa kaniya kung gayon ang gagawin nya ..

Kung every time na bago tayo gagawa ng desisyon ay pakikialaman ito ng Diyos dahil nakikita niyang magiging masama ang resulta ng mga desisyon natin, then, para saan pa na binigyan niya tayo ng kalayaang pumili? Paano natin masasabing nagagamit talaga natin ng tama ang kakayahan nating pumili ng tama at mali kung palaging pakikialaman ng Diyos ang mga desisyon natin?
 
Last edited:
Namin??? Di ko alam madami pala ako kausap… akala ko im having this discussion with u lang… hahahahaha

Nilikha ni god mga yan?? Can u prove that he did?? Hiyang hiya nman ako sa provisions na binigay ni god mo na madame pa ding lugar sa mundo ang namumuroblema sa pagkain at tubig… lhat ba ng lugar dito sa earth eh ideal living conditions?? Or nasasabi mo lang yan kasi u happen to be living in a place na hindi mo problema kung may pagkain at tubig ka araw araw…. Dont be so naive paps…

Sino ba ang ayaw ng instant solution sa problems nila?? Sino bang ayaw ng walang problem in the first place?? Yan nga ang ginagawa ng tao constantly eh trying our best to improve our lives…

Hindi ko sinisisi sa diyos ang pandemic.. kayo at ikaw nagsasabi na lahat ng nangyayari sa mundo at sa tao eh inaallow ng diyos… kung sasabihin mo na dahil kay satanas eh inallow pa din nmn nea yun db?? Hahaha… hindi ko sinisisi ang diyos mo ang sinasabi ko he’s not doing anything about it…

Ganto kasi yan, pag mga hindi naniniwala, pag may ginagawang masama at nakakaranas ng paghihirap sasabihin nyo dahil sa kasalanan nila un. Na sila ang may problema…

Pero pag mga maayos na tao na nanampalataya ng tama at nakakarananas ng same na paghihirap dahil sa pagsubok lang or dahil kay satanas….

Fair ba yan??

Pero pag magagandang nangyayari dahil kasi kay god yan… sus… bat di mo kayang iattribute lahat ng nangyayari sa mundo sa diyos mo at di ung mabubuti lang…

Sumasagot na din lang kaya mo ng sagutin ang tanong ko?? Ung about sa molestation?? Or baka magdadahilan ka na nmn ng ano ano jan…

Ask mo din yang friends mo baka may maisagot sila at “kayo” nman pala ang kausap ko… 😁😂😂😂😂
Present po ako kasama po ko dun sa amin.. pero sa ngayon ako ay magalang na tagasubaybay lang muna.. 😆
 
nakakafrustrate lang ung mga taong god-believer kuno pero cant see problem na meron sa mundo particularly sa kapwa tao nila… and they even find it funny….
Kaka-frustrate ba?

Hindi ba puwedeng tawanan ang isang pananaw dahil lang sa nakikita kong nakakatawa ito? Nagtatampo ba kayo at nasasaktan ba kayo kapag tinatawanan ng iba ang inyong pananaw?

Hindi kayo ang tinatawanan ko kundi ang inyong baluktot na katuwiran ..

Ang totoo nya'n, natatawa man ako sa kaisipan ninyo .. Naaawa pa din ako sa inyo dahil pinagtitiisan kayo ng Diyos na ito para lamang ipaalam sa inyo ang mga katotohanan tungkol sa kaniya ngunit patuloy ninyong tinatanggihan .. Mas gusto ninyong paniwalaan ang sarili ninyong katuwiran .. hahahaha

Kaya kahit tinatawanan ko ang inyong pananaw, eh naaawa pa din kayo sa inyo ..

Kaka-frustrate? Hmmm ..

I'm not saying na kayo'y masyadong balat-sibuyas kapag pinupuna ang inyong mga pananaw .. No! Hindi ko sinasabing masyado kayong maramdamin ..

Gayunman, anuman kasing paraan ang gamitin sa pakikipag-usap sa inyo, may respeto man o mapanakit, detalyado man o hindi ang gamiting sagot sa inyo, patuloy niyo pa rin namang sasabihin na walang ginagawa ang diyos, pananaw niyo yan eh .. Hindi niyo kasi matanggap na ang katuwiran ninyo'y nakabase lamang sa limitado ninyong kaisipan ..

Hinuhusgahan ko ba kayo? No!
Ipinapahayag ko lamang ang katotohang limitado lang ang kaisipan nating mga tao ..

Nagtampo ba kami sa inyo? No!
Nagtataka lamang kami.

Kung tinatawanan namin ang inyong pananaw, kayo na mga hindi naniniwala sa Diyos, sa tingin mo ba, ni minsan hindi mo tinawanan ang paniniwala ng mga naniniwala na ito sa Diyos? Sagot.

Kaya kung para sa akin ay nakakatawa ang inyong pangangatuwiran, tignan mo muna kung ikaw mismo ay hindi tumawa sa pangangatuwiran ng mga taong naniniwala sa Diyos .

Kaka-frustrate?

Nevermind.

Alam ko namang naghahanap na lamang kayo ng gusto ninyong ikatuwiran para masabi lamang na walang ginagawa ang Diyos ..

Subalit hindi ninyo nalalaman na ang mga taong nagsisikap na paabutan kayo ng mensahe ng Bibliya ay isa na mismong patunay na ang Diyos ay kumikilos at gumagawa ngayon .. Oo, pinakikilos niya ang kaniyang makapangyarihang espritu na siyang gumagabay sa mga mangangaral upang mapaabutan ang mga tao ng mabuting balita tungkol sa kaniyang pamamahala sa malapit na hinaharap.

But still, ang kaisipan ninyo ay kami lang naman ang kumikilos, hindi ang Diyos. Napakakitid kung gayon! Sadyang tinatanggihan ninyo ang pagtitiis ng Diyos na akayin kayo sa mabuti at sa buhay sa hinaharap. Alam ko namang patuloy lang din kayong magmamatigas.

Kung iyan ang pipiliin ninyo, wala na kaming magagawa pa.
 
Kailangan bang palaging kikilos ang Diyos kapag may masamang nangyayari para patunayang totoo siya?
So hindi sya dapat makialam sa every instance ng kasamaan sa mundo, so bakit mo sinasabihan na pasalamatan sya sa mga magagandang nangyayari sa buhay ko or sa mundo??
Double standards again??

Isipin mo to, ipinahintulot niyang mamahala ang mga tao sa sarili nila sa ilalim ng impluwensiya ni Satanas .. He allowed all of these things to happen para mapatunayan kung kaninong pamamahala ang mabuti at hindi ..

Good for you na alam mong si Satanas at ang mga tao ang namamahala sa ngayon .. Now, kung palaging makikialam ang Diyos sa mga masasamang nangyayari sa mundo, masasabi kayang may basehan tayong mga tao para sabihing masama ang pamamahala ni Satanas at ng mga tao kung everytime naman pala na may masamang nangyayari eh puwede naman palang pakialaman ng Diyos para bumuti ang kalagayan natin? Sa tingin mo ba, hindi pagsalungat sa desisyon niyang pansamantalang ipahintulot ang masama sa mundo pero ang gagawin niya naman is pipigilan niya naman yung mga masasamang nangyayari sa mundo?

Paano mapatutunayang mali ang pamamahala ni satanas kung palaging makikialam ang Diyos sa mga masasamang nangyayari?
[\QUOTE]
Tama ang sinabi mo na willingly god decided na mamahala si satanas and nagkaloko loko na ang mundo… in short he allowed it… he allowed suffering and evil to exists to prove a point na mali ang pamamahala ni satanas…. Ano tawag mo sa ganang behavior ni god??

Single ka pa ryt?? Kung magkaanak ka hahayaan mo syang makuryente, mahiwa ng kutsilyo, mapaso etc to prove a point or wud u keep them as safe as possible??

So, u really think na hindi ako nagpapakita ng empatiya?

Sa totoo lang, sinisikap kong magpakita ng empatiya sa inyo kasi kayo itong mga hindi naniniwala sa diyos eh .. Sinisikap kong ilagay ang sarili ko sa kung anong kaisipan mayroon kayo para maipakilala ang Diyos na ito ng Bibliya sa inyo .. pero ano ang palaging tugon ninyo? You always criticize the works of God .. Yung buhay at lakas lang na meron ka, at yang kakayahan mong mangatuwiran, eh lahat ng yan ay kaloob ng Diyos but still, hindi mo pa din siya kinikilala ..
Really now?? Kakatawa ka naman magpakita ng empathy na pinagtatawanan mo ang logic ng iba based sa topic mo at tawanan din ang reasoning ko…

Thats not empathy kung pinagtatawanan mo lang….hahahaha….

Double standards? Kung may anak ka at nakikita nya ung both negative and positive side mo, do you really think na may double standard sya sa pagtingin sayo bilang ama, or may balance view lang siya sayo?
Nope, my kids knows when im wrong and they dont tolerate me kung mali ako… u can ask my eldest daughter…

Double standards is when ur asking me to thank ur god for the positives and u dont me to hold me accountable sa negatives… yan ang sinasabi ko…

Actually po, ikaw lang ang nag-iisip na ang logic ko ay hindi ine-emphatize yung kapuwa ko.. Pero ang totoo, ang mensahe na gusto kong iparating sa mga tao ay para sa lahat.. Ikaw lang ang nakakaisip na para lang sa believer yung sinasabi ko .. Haahahah ..
Again,,, pagtawanan mo ng pagtawanan is not emphathy… gets ko nman yang ganang attitude na u think u know the “truth” pero thats not how u emphatize…

Kailangan bang gumanda muna ang buhay ng isang tao para pasalamatan ang Diyos? Maybe ito ang dahilan kung kaya hindi mo magawang pasalamatan ang Diyos kahit sa simpleng mga bagay na mayroon ka .. Why? Gusto mo kasi maganda na buhay mo bago mo siya pasalamatan o paniwalaan ..

Duh, ayaw mo lang din po kasing tanggapin na yung buhay na mayroon tayong mga tao, yung lakas, at pag-iisip na meron ka ay ginawa yan ng Diyos .. Hindi nga mapatunayan ng siyensiya kung paano nagsimula ang buhay eh .. Ang alam lang nila, may pasimula ang buhay pero kung paano iyon nangyari, hindi nil maipaliwanag at salu-salungat ang mga teorya nila tungkol dyan ..
Is that a bad thing?? Na i want na maayos ang buhay di lang buhay ko kundi buhay din ng ibang tao??

Example ko lang toh… may isang tatay na may 2 anak na babae… ung panganay alagang alaga nea at lahat ibinibigay… ung bunsong anak pinapabayaan lang nea na saktan at rapin ng iba… dapat bang magpasalamat ung panganay na maayos ang turing sa kanya ng ama nea despite the fact na ung kapatid nea is nagdudusa??

Anong masasabi mo sa pagkatao nung panganay kung ganon?? Kagaya ka ba nea??

Eh yang simpleng katotohanan na ang buhay ay galing sa Diyos, napakasimple .. hindi mo matanggap? Kasi mas gusto mo yung komplikadong paliwanag na magfi-fit sa paniniwala at katuwiran mo .. Hahaha !

Kaya, I'm not the one who didn't prove na talagang galing sa Diyos ang mga bagay na mayroon ka, kundi ikaw mismo .. Gets?
Napakasimple ba?? Meron nbang nakapagpatunay na galing sa diyos ang buhay?? Sinong diyos ba?? Diyos mo ba?? Or meron pa din divide among believers pa lang kung sinong dios ang nagbigay ng buhay…

Magfifit sa paniniwala ko?? Hahaha eh sinu ba ung naiwas sumagot sa scenario ako about god not doing anything about a kid being molested?? Diba ikaw?? Di mo masagot ng diretso kasi di magfifit sa paniniwala mo na god cares at all….hahahahaha

Kung sa bandang huli naman ay kikilos ang Diyos para patunayan na ang kaniyang pamamahala ang pinakamabuti, then it is better for Him not to do something para lang masabing mabuting Diyos siya, hindi niya naman kailangang patunayan yon sa ating mga tao .. Hindi yun tipong masyado syang protective para lang hindi maranasan ng mga tao yung masasamang resulta ng mga pagkakamali nila .. That's insane! Isang diyos na mapangunsinti ang magiging turing sa kaniya kung gayon ang gagawin nya ..
Pangungusinti?? Sinong nagsabi na kukunsintihin?? Im saying nga na he should STOP evil things from happening eh… hindi pangungusinti tawag don.. hahaha

Kung meron man kunsintidor eh si god mo nga un ksi nga according to u kinukunsinti nea ang pamamahala ni satanas…

And yes to prove na mas mabuti ang pamamahala nea, un ang point nea?? Parang ang narcissistic naman nun… hahahahaha

Kung every time na bago tayo gagawa ng desisyon ay pakikialaman ito ng Diyos dahil nakikita niyang magiging masama ang resulta ng mga desisyon natin, then, para saan pa na binigyan niya tayo ng kalayaang pumili? Paano natin masasabing nagagamit talaga natin ng tama ang kakayahan nating pumili ng tama at mali kung palaging pakikialaman ng Diyos ang mga desisyon natin?
Oooh… free will ba?? So god does not violate our free will?? Pero pag ang ginagawa ng tao is not according to what he wants despite ung free will eh paparusahan pa din…so ending violated din pala ung free will…. Hahahahahaha

Present po ako kasama po ko dun sa amin.. pero sa ngayon ako ay magalang na tagasubaybay lang muna.. 😆
Noted paps… sawsaw lang anytime… back to work muna ko
 
sawsaw lang anytime… back to work muna ko
Suka or Toyo? Hahahaha .. Depende kung bitter si Gentleman007 or kung toyoin siya .. Hahahahaha !

Iba ata yung bitter hahahaha .. sorry naman

hindi sya dapat makialam sa every instance ng kasamaan sa mundo, so bakit mo sinasabihan na pasalamatan sya sa mga magagandang nangyayari sa buhay ko or sa mundo??
Double standards again??
Dahil nilikha niya ang mga bagay para masustain ang buhay sa mundong ito, gaya ng lakas na meron ka, yung isip mo, yung saya na nararamdaman mo.. Yung mga resources like puno na namumunga, mga halaman, at tubig, at hangin ...

Lahat ng yan ay nilikha at dinisenyo ng Diyos .. Bagaman, oo, hindi tayo sakdal at affected ng nagawang kasalanan ng unang mga magulang natin, at bagaman ang mundong ito ay nag-iba na dahil sa kagagawan din ng mga tao, still, may mga dahilan pa din tayo para pasalamatan ang Diyos na ito ..

Kung ayaw mo siyang pasalamatan, choice mo yan .. Ngunit kung patuloy mong ikakatuwiran sa amin na walang ginagawa ang Diyos, nagkakamali ka .. Naipakita na namin sa iyo ang sagot sa bagay na yan..
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top