- Joined
- Oct 13, 2017
- Posts
- 25,970
- Solutions
- 6
- Reaction
- 66,437
- Points
- 16,640
Wag kang kampante sa mga taong
umaaligid sayo,
kasi di lahat tunay at totoo sa harapan mo,
Madalas sila ay magaling magbalat kayo,
at sa bawat pagtalikod mo ikaw na pala ang sawsawan
ng kanilang mga kwento,
Pakalat kalat lang sila na animo'y isa sa
masusugid mong taga suporta,
pero minsan iba ang hangarin nila,
di mo lang nahahalata
dahil masyado kang abala,
Mga ganitong tao talaga namang nakakairita
at parang gusto lang nila sila ang laging
mamapansin ng madla,
Mag ingat sa mga taong pagkakatiwalaan mo,.
at piliin ang may dalisay na intensyon at puso.
Payo ko lang sa iba huwag naman masyado
galingan sa eksenang aktingan,
at masyadong napaghahalataan,
Damang dama ang tunay na kaplastikan,
kahit pa pilit na tinatago
alam kong may inggit at dalang panibugho,
di naman kasi ito pagalingan
at lalong do rin isang paligsahan,
pakay ko lamang ang maghatid ng kalinganan
at mga karunungan ,
Lubos kong ikinatutuwa yaong mga taong
walang bahid ng pagkukunwari
kung pumuri,
di gaya ng iba pinuri ka nga pero
may kaakibat na paninira sa kabila,
mas kuntento na ako sa mga taong
nakakaalala at hindi hinahaloan ng anumang bola,
Sa mga taong laging nakasubaybay,
lalo sa aking mga hatid na aral at gabay,
Sana mas matagal ko pa kayong makakasama
at lubos na makikilala.
~ProfessoraAkira~