What's new

Help Pa help po ng mga sagot salamat.

Marga09

Eternal Poster
Established
Likas sa tao ang mapangarapin. Ito ang nagsisilbing magandang inspirasyon upang lalo siyang magsikap sa buhay. Ang anumang malaking balakid ay nahahanda niyang hawiin at alinmang matinding pagsubok ay kaya niyang harapin, magkaroon lamang ng katuparan ang kanyang dakilang adhikain. Patuloy siya sa paghahanap, at pasasaliksik para sa kanyang mga pangarap.

Ang iba ay mapalad dahil maaga nilang nakakamit ang mithiing pangarap. Subalit ang ilan naman ay nananatili pa ring bigo. Bakit kaya? Maaaring kulang pa rin sila sa pagsisikap at pagtitiyaga. Hindi pa marahil napapanahon o baka naman kaya hindi itinulot ng Dakilang Lumikha ay sapagkat, sa halip na makabuti, maaring makasama sa kanila. Ano pa man ang dahilan, walang masama kung ang tao ay patuloy na mangarap at huwag tumigil sa pagsisikap at pag-asam.




31. Anong uri ng teksto ang iyong binasa ?

A.naglalahad B. naglalarawan C. nangangatwiran D. nagsasalaysay



32. Ano ang paksa ng tekstong iyong binasa?

A. Ang taong ambisyosa C.Ang tao at ang kanyang pangarap

B. Ang taong walang pangarap D.Ang taong may mataas na pangarap



33.Anong kaisipan o nais iparating ng teksto ?

A.Habang may hininga may pag-asa. C.Patuloy na umasa sa iba para sa pangarap.

D.Patuloy na umasa sa pangarap. D.Pag may pangarap, gaganda ang buhay



34. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na pamaksang pangungusap ng teksto ?

A. Likas sa tao ang mapangarapin.

B. Ang alinmang malaking balakid ay nahahanda niyang hawiin at alinmang matinding

pagsubok ay kaya niyang harapin, magkaroon lamang ng katuparan ang kanyang

dakilang adhikain.

C. Patuloy siya sa paghahanap at pagsasaliksik para sa kanyang pangarap.

D. Ano pa man ang dahilan, walang masama kung ang tao ay patuloy na mangarap at

huwag tumigil sa pagsisikap at pag-asam.
 
31. Sagot: D. nagsasalaysay

32. Sagot: C. Ang tao at ang kanyang pangarap

33. Sagot: D. Pag may pangarap, gaganda ang buhay

34. Sagot: A. Likas sa tao ang mapangarapin.
 

Similar threads

Back
Top