"Manloloko ka pala"
Itinuring kong DURUNGAWAN ang makita ka
Sa muling pagbukas nitong TARANGKAHAN
Na di kalauna'y di ko inasahan
Ikaw din pala'y YUMAON saking kanlungan
Ang pagdating mo'y parang SALIPAWPAW
Akoy nakaupo sa SALUMPWET at napadungaw
Habang naka SALAKAT namamangha
ALIMPUYOK na amo'y aking napabaya
Kala ko noo'y ikaw na, guhit nitong BADHI
Ako'y mali sa'king ALIMBUYUGIN ngiti
GAMOL na marka dulot mo sa akin
Di mo sinabi ikaw pala'y sinungaling
Halos mag-HILUKA ako para lang sayo
Matupad ko lamang lahat ng gusto mo
Di ko naisip ang TABAK sa puso ko
Unti-unti mo na palang binabaon ito
Itinuring kitang aking SALAMISIM
Ngunit anong higpit iyong sakim?
Imbes ibangon ako sa hirap ko
Lalo mo akong pinaupo sa SALUMPO
DURUNGAWAN - BINTANA
TARANGKAHAN - PINTUAN/LOCK ng GATE
YAON/YUMAON - ALIS/UMALIS
SALIPAWPAW - EROPLANO
SALUMPWET - UPUAN
SALAKAT - DEKWATRO NG BINTI
ALIMPUYOK - SINAING SUNOG
BADHI - Yung guhit sa palad mo na binabasa ng manghuhula
ALIMBUYUGIN - MAKITID NA PAG-IISIP
GAMOL - DUMI SA MUKHA
HILUKA - pag matindi na yung gutom mo tapos tumirik na mata mo
TABAK - ESPADA
SALAMISIM - INSPIRASYON
SALUMPO - WHEELCHAIR
Spoiler contents are visible only to Established Members.
MABAGSIK NA LIKHA NI:
Mad`ThePoetMotivator
Attachments
-
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Last edited: