Bago nyo po basahin, wag nyo na syang iugnay sa akin, tula lang po
Mahal na Mahal Kita
Sa dinami-dami ng minahal ko
Bakit sa g*** pa't loko-loko
Maangas at may pagka-siraulo
Likas na hindi perpekto.
Ngunit kahit ganoon pa man
Puso't isip ko'y siya ang laman
Mula agahan hanggang hapunan
Mula noon hanggang kailan man.
Ano man ang sabihin nila
May magagawa ba sila?
Kung puso na ang nagdikta
At sinasabing sa'yo lang liligaya.
Husgahan ka man nila
At hamakin ng iba
Huwag kang mag-alala
Tanggap kong ganyan ka,
Anuman ang mangyari... mahal na mahal kita.
04/02/11
Mahal na Mahal Kita
Sa dinami-dami ng minahal ko
Bakit sa g*** pa't loko-loko
Maangas at may pagka-siraulo
Likas na hindi perpekto.
Ngunit kahit ganoon pa man
Puso't isip ko'y siya ang laman
Mula agahan hanggang hapunan
Mula noon hanggang kailan man.
Ano man ang sabihin nila
May magagawa ba sila?
Kung puso na ang nagdikta
At sinasabing sa'yo lang liligaya.
Husgahan ka man nila
At hamakin ng iba
Huwag kang mag-alala
Tanggap kong ganyan ka,
Anuman ang mangyari... mahal na mahal kita.
04/02/11