What's new

Poems Lutang, Patutunguhan

Mariyah Takeuchi

Eternal Poster
Joined
Feb 8, 2017
Posts
903
Solutions
1
Reaction
262
Points
414
Minsan, nagpakababaw ang dagat sa puso ng naglalayag, pasan-pasan ang kawalan habang walang tigil sa pag-ugoy ang kamalayan. Maninibugho ang duyan sa madaling araw na walang pinipiling katapusan. Walang paghintong agam-agam sa tuwirang layong hindi malampasan.

Umapaw ang sisidlan sa butas ng hindi mapagtatakpang pahaginitin. Mapagbibigyan kaya ang kamuntikang sapat, malapit sa hangganang inabando na at wala nang naghihintay; maski ang tulay na puno't dulo ng kahapong dumulog sa maghapong ulan.

Itutuloy ang pagsagwan sa maliw na hindi bumalik ang gumugunitang aparisyon. Lugay ng pisi— magdurugtong sa mga awit ng asul; darating sa puwang ng paligid, ibigay sa kamay ng lumalaya ang iniisip.

Ito ang lalim na walang pagtatangkang lunurin ang hindi mabuhat na damdamin. Ang pahiram sa sisidlang umaapaw sa pagbigat ng hiningang hindi maluwagan.

Ibabalik kung sakaling walang mararating. Titingin sa simula nang walang babalikan.

Minsan, hindi na nakaahon ang dagat... para sa nagpapakalunod; hindi ito isang trahedya.

"Ang palatandaan na kahit kailan, kahit saan ay mayroong maghahatid kahit walang mapupuntahan."

— Salvador | Lutang, Patutunguhan

Photo | "Water Lemon" (2015) / a film by Lemuel Lorca via TBA Studios.
 

Attachments

Similar threads

Back
Top