What's new

Closed "lupa na pwede mong tapakan, kalsada na pwede mong daanan"

Status
Not open for further replies.

madpro

Forum Guru
Joined
Apr 1, 2016
Posts
2,463
Reaction
1,834
Points
1,146

quotes.jpg


"Lupa na pwede mong tapakan, kalsada na pwede mong daanan"



Hindi na natin maaalis pa ang likas sa tao
Panghuhusgang ugali sa kalakaran sa mundo
Kung minsan tila hindi na patas ang labanan
Para bang ang lakas mo'y tila may hangganan

Maraming pagkakamali tayong mga tao
Iyan ang di kailanman natin maagang mapagtanto
Kung minsan hindi pa tayo marunong tumanggap ng pagkatalo
Kahit alam mo na ang mali sa sarili mo

Bawat oras o bawat araw
Dapat tayong matutong tumanggap at tumanaw
Dahil ang bawat panahong dumadaan sa atin
Nadadagdagan ang kaalaman at pagkatuto natin

Subalit ang pagkatuto ay hindi lagi sa tama
Kung minsan dapat ding maranasang madapa
Upang sa gayon matutong bumangon sa pagkabigo
At ang mabago ang maling nakasanayan mo

Lagi mong tatandaan na mayroong lupa na pwede mong tapakan
Hindi ang sa iba ay iyong subukan pang apakan
Dapat lamang na sa tuwid ka magdaan
Dahil mayroon ding kalsada na pwede mong daanan


mad | pro


 
Status
Not open for further replies.
Back
Top