What's new

Hindi ko sure kung Dito to pwede I post about sa panaginip ko.

leollleo

Forum Veteran
Elite
Joined
May 1, 2020
Posts
1,959
Reaction
1,325
Points
765
Kagabi bago Ako matulog nanood Ako noong about magic mushrooms na mararanasan mo daw mamatay at mabuhay Sabi doon sa nag kwento Ng expirience nya kaya na curious Ako.
Bago Ako matulog palagi ko talaga ginagawa eh kahit 3x a week makapag astral project pero nahirapan Ako Kasi lagi ko naiisip Yung mamatay at mabuhay ulit na expirience kakaisip ko na uwi sa lucid dreaming na biglang nag shift sa normal dream lang Dito papasok Yung nakakatakot na expirience ko na panaginip. Unang nangyare na scene eh may Isang fb friend Ako na diko close Kasama ko sa panaginip naging magkaibigan kami habang naguusap sa Tulay bigla akong hinalikan na feel ko at aware akong panaginip lang pero ramdam ko Ang saya sarap mabuhay sa pakiramdam na Yun kaso biglang pumasok sa isip ko Yung about sa mushrooms effect na para Kang namatay at nabuhay dahil naisip ko Yun sa panaginip ko biglang nag Bago lahat ng paligid biglang may nag usbungan na puno na puno ng lumot at malalaking ibon na na agnas Ang katawan at kinakausap Ako 😭 Sabi sakin "alam ko sinusubukan mong umalis sa katawan mo pero Dito ka napunta sa parte Ng panaginip na di mo sinasadya. Gusto mo ba talagang maranasang mamatay?" tanong nya sakin kinilabutan Ako sabay Sabi Ng ibon "cge ipaparanas ko Sayo ano pakiramdam Ng sobrang lungkot, paghihinyang at takot" habang sinasabi Ng ibon Yun bigla syang nalusaw. bigla ulit nag iba Ang senaryo napunta Ako sa Isang building nakapila sa Cr Ng lalake tapos may lumabas sa Cr Ng lalake na Isang babae Sabi nya may Nakita syang Bata sa loob Ng Cr palabasin ko daw, so pag pasok ko walang Bata habang umiihi Ako biglang nag pakita Ang bata Sabi Ng Bata " Alam ko bat ka nandito sa panaginip na to gusto mo ba talagang maranasang?" Medyo naluto Ako sa tanong nya Sabi ko oO Yung mamatay pagsabi ko Ng word na "mamatay" bigla akong hinila pa labas Ng banyo Ng parang hangin o vacuum tas pinilit ko buksan Ang pinto kung NASA Ang bata Ng biglang para akong na kuryente Ng sobrang lakas na vibration naramdaman ko namanhid katawan ko at biglang nag blackout paningin ko pag dilat ng mata ko Wala akong ma alala pero Nakita ko katawan ko nakahiga sa panaginip ko patay na habang Ako "Ako" Yung kaluluwa nakalutang tinitignan lahat sa paligid pero Hindi nila Ako nakikita so namatay nga talaga Ako Maya Maya bigla akong napunta sa nakakatakot na Lugar 😭 di ko sure kung empyerno Yun alam ko Wala pang nakakapunta doon pero di ko sure sobrang dilim lahat Ng pader may mga nakasulat mga image Ng hayop, demonyo,Baka, taong nakalagay sa Banga ,tas mga pinugutan na ulo Ng tupa sobrang usok Ng Lugar tapos sa di kalayuan may Isang Lugar na nag aapoy pero di sa pinag lalagyan ko 🥲 Maya Maya may bumukong sakin kung handa naba Ako 😭 ipaparamdam daw nya sakin ano pakiramdam Ng tao pag namatay o I ig sabihin nya noong kaluluwa pag Wala sa katawan na. Bigla akong tinangay Ng mainit na hangin papunta sa Bahay Namin malayo palang naririnig ko na Boses Ng mga kapatid ko at nanay ko 😔 ito mga narinig ko

mama: kahit sa kabaong na anak ko sobrang pogi padin sayang lang di man lang nya Ako inaantay. pabirong pagkakasabi ni mama

Ate: naririnig nya kaya Tayo ano kaya iniisip nya Ngayon Dyan sa kabaong na sya.

Ate2: Naramdaman nyo ba nandito sya? Medyo may napansin akong nakatitig sa kabaong parang sya .

Habang binabanggit Ni ate2 Yun Nakita nya akong nakatitig sa katawan ko sa kabaong doon ko naramdaman Ang sobrang lungkot ,pag hihinyang at takot. Doon ko naisip lahat na andame ko pa Pala dapat ma accomplish Bago man lang Ako namatay. Habang umiiyak si Ate3 hinawakan ko muka nya at naramdaman nya bigla sya nag Sabi na "andito sya" pero habang sinabi nya Yun medyo nag alangan Ako Kasi pagkaka alam ko walang kaluluwa Ang nakakapag lakbay pa sa kristiyanong paniniwala dahil pagkamatay mo Ang kaluluwa NASA kamay na ito Ng Dios pero bigla ko na alala na hiniling ko nga pala maranasan Ang pakiramdam na yun Bago matulog kahit sa panaginip lang.

Pagka gising ko nag pasalamat Ako agad sa Dios dahil nagising pa Ako Kasi mga lods iba talaga pakiramdam Ng taong namatay Lalo pag alam mo na madame Kang naiwan at mga bagay na Hindi pa nagagawa ramdam ko Ang lungkot , paghihinyang at takot 😭

Humiling Ako ulit na ituloy Ang panaginip ko at pumikit ulit pagka pikit ko biglang ulit Ako NASA pa panaginip pero sa pagkakataon na to dito Ako mas natakot Hindi para sa sarili ko kundi doon sa mga taong namatayan Ng mga mahal sa Buhay pinakita sakin Ng Isang Kasama ko kung sino Yung mga nakakausap na multo=mahal sa Buhay na pumanaw Ng Isang tao Hindi Pala talaga Sila mga multo ng mga namatay 😭😱 mga demonyo Sila!
Nakita ko pano ngumiti Yung tinuturing nilang mga mahal sa Buhay na namatay na.
Yung mga nagpapakita na mahal sa Buhay natin Dito sa mundo natin Hindi Sila Ang tunay na kaluluwa Ng mga namatay na tao mga nagpapanggap lang na demonyo.
Biglang may nagsalita sa likod ko "walang silbi Ang mga dasal Ng tao sa mga namatay na at Wala na itong magagawa pa at magpapa Bago kung saan Sila ilalagay" kinilabutan Ako dahil biglang ko Nakita ulit Yung mausok na lugar na madilim kung sa katoliko ito Yun atang tinatawag na purgatoryo pero malabo Kasi Sabi nga Ng Isa na Wala na magagawa Yung dasal Ng tao sa patay dahil alam ko sa purgatoryo sa paniniwlang katoliko Dito nilalagay Yung kaluluwa Ng tao Bago sa langit sa Lugar na Yun Yung lungkot na naramdaman Ng kaluluwa double double Ng ilang beses sa sa sobrang emosyon nandoon humhulam ito Ng itim na usok nakakatindig balahibo habang Yung dasal ng mga taong Buhay sa mga patay nila nagiging ganoong din nagiging itim na usok na Hindi nakakapasok doon sa sobrang liwanag na parte "langit"
Habang nag dadasal lahat sa mga patay nila naghihiyawan mga demonyo pa gala gala sa lupa halos mag fiesta sa tuwa.ang itsura Ng mga demonyo nag aanyong tao na naiiba iba Ang muka isipin mo nalang Isang tao pero Ang muka nya lahat Ng muka sa Lugar nyo sobrang nakakapangilabot. Sa mga Nakita ko gusto ko na magising at pagka gising ko NASA loob Ako Ng kabaong di Maka galaw parang na sleep paralysis Ang pakiramdam habang tinitignan mga nagdadasal sa lamay ko Ang ibang kamag anak naka titig sa kanila Ang mga demonyong ginagaya Ang itsura ko 😭.


Salamat sa pag basa na iShare ko din Kasi sobra akong nalumbay sa panaginip na to.
Mahilig Ako mag astral travel at lucid dream pero ito Ang pinaka nakakatakot na expirience ko from lucid dreaming haggang sa pinaramdam sakin pakiramdam Ng Isang namatay matapos humiwalay Ng kaluluwa sa mundo.
Picsart_23-06-07_01-25-33-733.png
 

Attachments

risky yung ginawa, nagawa ko nang mag astral projection up till now pero di to nangyari sakin meron kasing kulang bago sa sinagawa yung astral projection nagdasal sana muna nang gabay o protection.....very risky nito kung walang gabay....
 
risky yung ginawa, nagawa ko nang mag astral projection up till now pero di to nangyari sakin meron kasing kulang bago sa sinagawa yung astral projection nagdasal sana muna nang gabay o protection.....very risky nito kung walang gabay....
Oo lods pakay ko talaga astral projection kaso Panay fail naguluminhan Ako doon sa mamatay at muling mabuhay na napanood ko na video kaya tinulog ko nalang Hanggang sa ganoong nangyare Hanggang Ngayon medyo lutang pa Ako feeling ko para akong na reset at nag tataka na nakabalik pa Ako.
 
Di biro kasi ang astral projection. Need mo din higher vibration , pag mababa goodluck pagpipyestahan ka lang ng mga entity.
 
Dati makailang beses ko na ring naranasang mahulog sa lugar na malalim, maitim at mabaho (palaging may mga humahabol sakin). As in sobrang lalim at dilim na halos parang nakapikit ka nalang, after non di na ako makahinga tapos nakikita ko na yung sarili kong tulog. Sobrang nakakatakot kasi dun ko lang naramdaman yung lamig na di ko mapaliwanag, para akong hinihigop.
 
Wag nyong pag laruan mga bagay na hindi nyo alam. Wag kayo mag astral projection or mga new age spirituality. Kung gusto nyo ng peaceful na buhay, wag kayong ganyan.
 
Pano ba yan lods? May nangyayari sakin minsan pag papatayin na ako sa panaginip saka lang ako maaaware na panaginip yun, Saka ko na makokontrol yung panaginip ko pero saglit lang, Lucid Dreaming na ba yun?
 
mag pray ka lagi bago matulog.

tatlo ang part ng tao
katawan
spirito
at kaluluwa

katawan pag mamatay ka sa lupa na
spirito pag kamatay mo diretso sa Diyos
at kaluluwa 45 days muna dito sa lupa

katulad nung kay Jesus noong nag pakita sya sabi nya wag muna sya hawakan kase hindi pa sya nakaka akyat sa langit
 
Be happy and contented on what ability you have, never try something out of the box na magpapahamak syo without your knowing and nsa huli lagi ang pagsisisi
 
Pano ba yan lods? May nangyayari sakin minsan pag papatayin na ako sa panaginip saka lang ako maaaware na panaginip yun, Saka ko na makokontrol yung panaginip ko pero saglit lang, Lucid Dreaming na ba yun?
Lucid dreaming na Yun pero kung talagang nagiging aware kana doon ma tritrigger ka dapat na kontrolin mo mga pangyayare sa panaginip Meron Kasi minsan sa panaginip alam mo na nananaginip ka pero na uuwi lang sa normal na panaginip.
 

Similar threads

Back
Top