Hello po PhC! Sana po matulungan niyo ako sa concern ko. First year student pa lang po ako, BSCS ang course. Ang prob ko po is ganito, may bagong salta kasi na prof tapos wala po akong natututunan sa kaniya. Java ang tinuturo niya samin kaso di mo na man magegets ang pinaggagawa niya kasi ang paraan niya is ganito; gagawa siya ng code, ipapagaya niya samin, may score kung naka-run, matik zero kung hindi. Wala pong discussion o ano, kahit syntax nga hindi namin alam e. Ganun po eksena namin straight 3 hours every monday tsaka wednesday. Feel ko hindi ako uusad dito. Saan po kaya pwede matuto ng java nang maiintindihan ng newbies? May mga website po ba kayo, apps, o libro na sinusundan? Salamat po sa sasagot