What's new

@JESUS ACCEPT GOD JESUS AS YOUR PERSONAL SAVIOR AMEN

Grangermiya

Forum Guru
Established
Joined
May 31, 2022
Posts
1,202
Reaction
522
Points
1,073
Isaiah 44:6 Thus saith the LORD the King of Israel, and his redeemer the LORD of hosts; I am the first, and I am the last; and beside me there is no God. Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Hari ng Israel, at ng kaniyang Manunubos, na Panginoon ng mga hukbo, Ako ang una, at ako ang huli; at liban sa akin ay walang Dios.


1 Corinthians 1:10 Now I beseech you, brethren, by the name of our Lord Jesus Christ, that ye all speak the same thing, and that there be no divisions among you; but that ye be perfectly joined together in the same mind and in the same judgment. Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, sa pamamagitan ng pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kayong lahat ay mangagsalita ng isa lamang bagay, at huwag mangagkaroon sa inyo ng mga pagkakabahabahagi; kundi kayo'y mangalubos sa isa lamang pagiisip at isa lamang paghatol.


John 4:14 But whosoever drinketh of the water that I shall give him shall never thirst; but the water that I shall give him shall be in him a well of water springing up into everlasting life. Datapuwa't ang sinomang umiinom ng tubig na sa kaniya'y aking ibibigay ay hindi mauuhaw magpakailan man; nguni't ang tubig na sa kaniya'y aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig na bubukal sa kabuhayang walang hanggan.


Joel 2:13 And rend your heart, and not your garments, and turn unto the LORD your God: for he is gracious and merciful, slow to anger, and of great kindness, and repenteth him of the evil. At papagdalamhatiin ninyo ang inyong puso, at hindi ang mga damit ang inyong hapakin, at kayo'y magsipanumbalik sa Panginoon ninyong Dios; sapagka't siya'y maawain at puspos ng kahabagan, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob, at nagsisisi siya sa kasamaan.


PRAYER OF ACCEPTANCE

Panginoong Diyos, aming Amang makapangyarihan sa lahat, sa Pangalan ng Inyong Anak na si Hesus, ako ay nagsusuko na ng buhay sa Inyo. Inaamin ko na ako ay makasalanan at patawarin Niyo po ako sa lahat ng aking nagawang kasalanan sa isip, sa salita at gawa.

Ako po ay nananampalataya Panginoong Hesus na Ikaw ay namatay sa Krus upang bayaran ang aking mga kasalanan, at muling binuhay ng Diyos para pagkalooban ako ng buhay na walang hanggan.

Panginoong Hesus binubuksan ko po ang aking puso at tinatanggap Kita ngayon Hesus bilang aking Panginoon at sarili kong Tagapagligtas. Banal na Espiritu ng Diyos, inaanyayahan Kita na pumasok sa aking puso, Kayo na po ang manahan at maghari sa buhay ko mula ngayon at magpakailanman.

Ituro Niyo po sa akin ang Iyong kalooban at simula po ngayon Ikaw na po ang aking susundin, at isulat Mo po ang aking pangalan sa Aklat ng Buhay jan sa langit. Maraming salamat po O Diyos sa Inyong kapatawaran, sa Pangalan Mo Hesus, Amen!
 
Back
Top